Chapter II

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


"WHERE are you going? Iiwan mo si Chanty?"

Napangiti naman ako sa tanong sa akin ni Haia. May bitbit kasi akong dalawang travel bag sa magkabilang kamay ko. Nagkataon na bumisita siya dito sa bahay namin at naabutan akong may dala-dalang bag habang papalabas ng pinto.

"Hindi naman sa akin, toh! Travel bag ito ni Kentro. Iniwan niya dito sa bahay no'ng napadaan siya," paliwanag ko. "Bakit ka nga pala naparito? May kailangan ka ba?"

Napasimangot naman si Haia sa tanong ko. Minsan lang kasi siya napapadpad dito sa bahay, lalo na kung may bago siyang chismis sa akin. "Gravity naman, teh? Kapag ba pumunta dito, may kailangan agad? Hindi pwedeng may bagong chismis lang?" Kinumpas-kumpas pa nito ang mga daliri habang nakangiwing nakatingin sa akin.

Naiiling nalang akong natawa at agad siyang pinapasok sa loob. Iniwan ko nalang din sa labas ang dalawang travel bag ni Kent. Sabi niya kasi sa text niya ay dadaanan niya nalang sa labas ng bahay ang mga travel bag.

Hindi ko kasi alam kung bakit ayaw ibigay ng baby ko ang mga bag ng ninong niya. May chocolate daw kasi sa bag nito kaya naman napilitan si Kentro na iwan ang mga ito.

"Nasaan ang baby mong maldita? Na-miss kong awayin, eh!" Tumawa pa si Haia sabay upo sa pangdalawahang sofa dito sa sala. Tulog pa kasi si Chanty kaya hindi nito makita.

"Nasa kwarto, tulog pa."

Inilapag nito ang sling bag niya at isang pink na paper bag. Pinulot ko naman ang ilang laruan ni Chanty na nagkalat sa sahig. Nakalimutan ko kasing ligpitin kagabi dahil masyado na rin akong pagod at antok.

Umupo na rin ako sa tabi ni Haia at inayos ang buhok ko. "So, anong chismis?"

"I have good news for you, Elle! You're looking for a new job, right? Pwede kang mag-apply sa Filia's Restaurant! Hiring sila ng assistant manager, and I know you'll fit in that position!" Pumalakpak pa talaga siya na para bang tuwang-tuwa talaga. Hindi ko naman maiwasang mapaisip sa trabahong inaalok niya sa akin.

Filia's Restaurant? It sounds familiar to me, ngunit hindi ko lang matandaan kung bakit.

"Malapit lang ba? Gusto ko kasi 'yung malapit lang para naman maasikaso ko pa rin kahit papano si Chanty. Alam mo naman ang batang iyon, ayaw na ayaw mawalay sa'kin kahit sandali lang," problemadong wika ko. Napanguso naman si Haia at mukhang napaisip din sa sinabi ko.

If I grab this opportunity, mapapagaan ko na kahit papaano ang buhay naming mag-ina. Pwede ko namang iwanan si Chanty sa kapatid kong si Lexxy. Kaso malaking gulo na naman once na malaman ni mommy. Never ko pa kasing ipinakilala sa kanya ang anak ko. At kahit gustong-gusto ko, ayokong maranasan ng anak ko ang mga naranasan ko sa kamay nang sarili kong ina. Natatakot ako na baka hindi kilalanin ni mommy ang apo niya.

I don't really understand why she hated me. Wala naman akong kasalanan sa kanya. Hindi ko na kasalanan pa kung bakit maaga niya akong ipinagbuntis at hindi pa siya pinanagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya.

"I'll text Lexxy—"

Umiling ako para pigilan siya sa balak niyang gawin. Napasimangot naman si Haia. "Huwag na. Baka malaman pa ni Laine, isumbong pa ako kay mommy. Alam mo namang bantay sarado iyon sa kapatid niya dahil ayaw no'n na maging malapit kami ni Lexxy."

"Ang sama talaga nang ugali niyang si Laine, noh? Wala ka namang atraso sa kanya, tapos kasama niya tuloy ang mommy niyo pero nasa sayo pa rin ang atensiyon niya!"

Hindi na ako umimik pa sa sinabi ni Haia. I know that already. At saka, hindi naman ako nagrereklamo kung mas kinakampihan pa ni mommy ang half sister ko.

"Si Lexxy lang talaga ang nakakausap ko sa kanila..." naiiling kong saad.

Niyakap naman ako ni Haia kaya yumakap na rin ako pabalik. Ngayon palang iniisip ko kung paano ko ipapaalam kay mommy ang tungkol sa anak ko. Baka mas lalo lamang iyon magalit sa akin. Baka kung ano-ano na namang masasakit na salita ang sabihin niya.

"Gusto kong sabihin kay mom ang tungkol kay Chanty pero natatakot ako. I already had enough of her judgement since day one. Sawa na akong pakinggan ang mga salitang paulit-ulit ko nalang na naririnig mula sa kanya. Sometimes I can see that she's being unreasonable. Napapansin niya naman ako, but mostly nanlilimos lang talaga ako ng atensiyon mula sa sarili kong ina..." puno ng pait kong kwento sa kaibigan.

Natigilan kami pareho ni Haia ng biglang tumunog ang cellphone niya. Umayos naman ako ng upo at sinenyasan siya na sagutin kung sino man ang tumatawag. Ilang segundo pa itong tumitig sa akin ng makahulugan habang nakatingin sa caller.

"T-Tita L-Lelanie?" utal nitong sagot. Napakurap-kurap naman ako at napatitig kay Haia. I don't know why my mom's calling my friend just now? Buti pa ang ibang tao naaalala nitong tawagan, samantala na akong anak niya ay hindi man lang nito naalala.

"Y-Yes po, she's here..." awang ang bibig na tumitig rin ito pabalik sa'kin. May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko. Knowing that my mom prefers to call Haia just to ask my whereabouts instead of texting or calling me directly.

"Ahmm, gusto niyo po bang makausap si Elle, tita? I can— Ayy, binaba?" Dismayadong napatitig pa si Haia sa cellphone niya bago bigong bumaling sa akin. I know how much she really wants to comfort me but I don't need it.

"Elle..." malungkot nitong tawag sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "Don't worry. I'm fine, Haia. Like what I've told you, immune na ako sa ugaling iyon ni mommy. If she really hated me, I can't do anything about it. It's like I should leave it or deal with it," halos pabulong kong sagot.

Wala akong sagot na narinig mula sa kaibigan ko kaya muli ko siyang tinapunan ng tingin. I can see how her eyes turned teary. I don't know what she's thinking. Kung nagi-guilty siya about what happened just now, wala naman siyang kasalanan.

"S-Sorry, Elle..."

"Ano ka ba? Hindi mo naman kailangang mag-sorry noh!" pagpapagaan ko pa sa loob ni Haia. Akala ko kakalma na ito pero mas lalo lamang siyang naiyak. What the heck?

"Ba't ako umiiyak? Ba't ayaw papigil ng mga luha ko?" Natawa nalang ako habang pinagmamasdan siyang pigilan ang sariling luha sa pagtulo. Sunod-sunod ang pagpunas ng luha ang ginawa ni Haia pero ayaw pa ring tumigil. "Gaga ka! Umiiyak na ako!"

Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Haia. "So, kasalanan ko?"

"Elle naman, eh!"

Ilang minuto din ang ginawa nitong pagsuway sa sarili at kusa ring tumigil sa pagtulo ang mga luha niya. Napangiti nalang ako at napailing. Gusto kong ipakita sa kanya na ayos lang ako. Na hindi ako apektado sa mga nangyayari. This is what I am really afraid of. Hindi nga ako magawang tanggapin ng buo ni mommy, paano pa kaya ang baby ko? Baka masaktan lang si Chanty. And if ever that'll happen, I won't just stand there and watch her hurt my daughter.

My daughter, Chanty, saved me from being so lost before. She's the reason why I still keep on moving forward no matter what happened to me. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit mas pinili kong magpakatatag.

At habang lumalaki si Chanty, ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko dati noong maliit pa ako. I don't want to make her feel alone and unwanted. Hindi ko kayang iparamdam sa kanya ang ipinaramdam sa akin noon ni mommy.

Halos sabay kaming napatingin ni Haia ng bumukas ang pinto nang kwarto namin at lumabas mula doon ang anak ko. Kinusot-kusot pa nito ang magkabilang mata at halatang kakagising lang.

"Momma kow?" tawag pa nito sa akin.

"Yes, baby? Momma's here..."

Nang makita ako nito ay mabilis itong lumapit sa akin at yumakap ng mahigpit. Napansin ko namang tumigil na rin sa pag-iyak si Haia at ngayon ay parang tangang nakangisi sa akin habang inginunguso ang anak ko.

"Where's my milk, momma?" tanong ulit ni Chanty sa akin. Doon ko lang naalala na hindi ko pa pala siya natitimplahan ng gatas. Bigla kasing dumating si Haia at agad akong chinika kaya hindi ko na naalala.

"Sorry, baby. Wala pang milk na natimpla si momma..."

"Do you have milk here, momma kow?" tanong nito sabay hawak sa dibdib ko. Medyo nagulat naman ako kapagkuwan ay natawa nalang. Pati si Haia ay napatawa rin ng malakas. Tawang mapang-asar.

"No, baby. Wala ng milk si momma sa breast." Napanguso naman ito at bumaling ang tingin kay Haia na tawa pa rin ng tawa. Napangisi naman ako ng biglang lumapit sa kanya so Chanty.

"How about you, Tita Ninang? Do you have milk pow? Why does it look so small?" Nagtatakang tiningnan pa ni Chanty ang dibdib ng ninang niya.

Doon lamang tumigil sa pagtawa ang kaibigan ko. Nakita ko kung paano nanlaki ang mata nito at sinamaan ako ng tingin. Kita mo na!

"Naku, Elle! Alam mo namang hindi ako pumapatol sa bata!" asar na sabi nito kaya mas lalo akong natawa. Napahagikhik naman si Chanty at mabilis na bumalik papunta sa akin.

For some reason, mabilis kong nakalimutan ang sakit na naramdaman ko kanina. Sana ganito nalang palagi. Sapat na para sa akin ang makitang masaya ang anak ko dahil iyon din ang nagpapasaya sa akin.












A/N: Hello Arkiess! Sorry sa very slow update, huhu! Masyado lang busy at walang time magsulat. Anyway, I hope you like it, guys! Thank you so much sa walang sawang pagsuporta po! Love you all, Arkiess!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro