CHAPTER 12: The Royalties

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 12
 
 
"Heyaaaaah!" sigaw ko sabay talon sa aking kama.

Katatapos ko lang mag design ng buong kwarto at talagang napagod ako pero worth it naman.

Ang ganda na ng kwarto ko, uwuuu!

Clouds-like design na kama, galaxy-like design na ceiling, nature-like design na wall, moon lamp, at mala-snow na sahig hihi.

Super gandaaaaaa! Mainggit kayo please?

Tapos 'yong banyo ko na sobrang lawak, ang design naman is parang nasa gitna ako ng dagat. Nilagyan ko pa ng pink na dolphins sa sahig, hihihi.

Kung iyong titingnan ang kubuuan, halo-halo na ang designs pwede na maging halo-halo talaga! HAHAHA baliw.
 
"Woaaaaaaaaah!"

Napalingon ako sa taong manghang-mangha sa kanyang nakikita.

'Si Caeli'

"Hehe hi Caeli, maganda ba?"

Nanlalaki talaga ang mata ni Caeli sa sobrang mangha!

Yieeeee! May talent na ba ako bilang artist? Painter? Ah basta!

Special thanks kay Glaciero, siya ang nakaisip no'ng iba hihi. 

"OmoooooO! Sobrang ganda Twinny! Uwuuuu sana ikaw na lang pinag-design ko sa akin waaaaaaah!"

Abaaaa! Ginawa pa akong taga-design, buti na lang di ako ang nag design sa kanya baka mamaya nyan gagawin ko'ng haunted kwarto 'yon HAHA.

Nilibot pa ni Caeli ang buong sulok ng kwarto at pati banyo ko di pinalampas, ay.

"Waaaaaah! Ang cute ng dolphins! Ba't di ko naisip 'to?"

Ay syempre, ako lang dapat ang makaisip nyan noh.

"Nga pala Twinny! Andyan na 'yong iba nating kasama. Halika, ipapakilala kita"

(0_0)

Haluuuuuuh! Andyan na sila? Uwuuu kinakabahan akoooO.

"S-sige hehe"
 
Ano kayang magiging reaksyon nila pag makita na nila ako?

Magugulat kaya? Matuwa? O baka matawa?

Ayy takte! Di naman ako parang clown ah.

Palabas na kami ni Caeli no'ng biglang kakabukas lang din no'ng pintuan na kulay Red.

'Si Faero?' Pero mukhang bet ko siyang tawaging 'Red' dahil sa buhok niya, parang manok na pula~ chOur.

"Oh hi Aerin! Di ka pa pala nagbibihis?"

(0_0)

Eh? Paano ako magbibihis eh wala naman akong dalang damit dito?

"Oo nga pala Twinny! Di ko nasabi sa'yo, naku!"

Huh? Ang alin?

"Na ano naman 'yon Caeli?"

Don't tell me ma-----

"May damit ka na pala do'n sa cabinet mo! Di mo nabuksan?"

Eh? Wala naman siyang sinabi kanina ey. Saka di ko ugaling makialam lalo na't di ako sinabihan.

S-saka, napaka-straight forward naman nitong si 'Red'.

Bakit? Mukha ba akong dugyutin sa suot ko? Hubaran pa kita dyan eh, charot.

"Eh di ko naman alam Caeli ey. Ano? Bihis muna ako?"

Baka mamaya nyan, mabaho na pala ako.

Teka, maamoy nga!

*sniff* *sniff* *sniff*

"HAHAHAHA"

Eh?

"Anong nakakatawa ha?" tanong ko kay Red. 

Tinawanan daw ba ako? Di naman ako nagpapatawa ah.

"Haha nothing. Wag ka ng magbihis, don't worry mabango ka pa rin naman. So, let's go?"
 
(0_0)

'mabango ka pa rin naman'

'mabango ka pa rin naman'

'mabango ka pa rin naman'

S-sheeeeet! Totoo ba 'yon?

"Hey Twinny! Tara na?"

Tumango lang ako kay Caeli at nagsimulang maglakad.

Sa sala ata kami papunta, paniguradong nando'n na sila.

Jusko! Kinakabahan ako, baka di nila ako magustuhan.

Paano na?

Pagkarating namin do'n, nakita ko 'yong dalawang babae kasama 'yong Cold Water na 'yon.

Umupo naman agad si Caeli do'n sa katabi ng mga babae samantalang si Red naman ay do'n kila Glaciero.

So? Saan ako uupo?

"Tsk freak! Sit here"

Ayan na naman siya, ginagawa na naman akong aso hays!

Pero di ako nakinig sa kanya. Pagkatapos niya akong pagtripan do'n sa kwarto eh tatawag-tawagin niya ako ngayon?

Aba'y ang kapal ng feslak! Di na nahiya samantalang ako eh parang gusto ko ng mawala agad sa kinatatayuan ko pag naalala ko ang almost-kissing-scene namin do'n.

Uwuuuu! Huhu.

"Twinny! Dito ka na dali!"

Yieeee! Buti na lang andito lagi si Caeli para malapitan ko. Siya lang ata ang medyo close ko dito hihi.

"Is your name 'freak'?"

H-ha? 

Hakdog.

Hanudaw? Nakakagulat naman 'tong isang babae na may dimple.

Ako? Freak ang name? No way! Eh si Glaciero lang naman tumatawag sa'kin no'n ah.

"H-hindi po hehe"

Jusko! Ba't ang galang ko naman ata.

"Ah I see! By the way I'm Yesha Eris Solier, an earth user. Actually, I'm also a mind reader but I can't read yours maybe you blocked it?"

Eh? May second name na naman? Tingin ko required talaga 'to ey!

S-saka mind reader din pala siya? Same sila ni Hera! Pero kaya siguro di niya mabasa ang isip ko eh dahil nagpaturo ako kay Hera kung paano i-close ang mind ko. 

Oo 'yon nga!

"A-ah hehe Oo, uhm ako pala si Aerin Sandoval. Ang pangit ng name ko noh? Hehe"

Uwuu! Ang awkward ng atmosphere. Nahihiya akooooooO!

"No, it's a nice name!"

Nakuuu! Talaga namang mga englisherist ang mga tao dito.

Magba-back out na ako, tae!

"Salamat ha? S-saka favor lang sana, ano kasi uhm p-pwede mag t-tagalog lang tayo? Hehehe"

Huhu di ko na kasi talaga kaya eh. 'Yong ilong ko, feeling ko magdudugo na. Eh anemic pa naman ako, masasayang lang ang dugo ko pag nagkataon.

"Oh sure!"

Hays! Buti naman pumayag din. Pag 'yon di pumayag baka ipatapon ko siya sa ilog pasig para matuto. ChOur lang hihi.

Pero infairness ha, ang ganda niya. Mahaba ang buhok niyang may kulay green at 'yong mata niya'y parang crystal sa linaw! Kumikinang kasi hehe.

Bagay sa kapangyarihan niya. Sana ako din ganyan kaso di pa naman sure kung ano pa mga powers ko ey.

Baka mamaya nito eh rainbow pala ang sa'kin, ayy ang unique tae!

"Hi Aerin! Ako pala si Aqua Rain Walter, a water mage saka kapatid ko si Rayndell hihi"

Haluuuuuu! May cute palang kapatid si Cold Water? Uwuuuu!

S-saka ang weird naman ng name niya HAHAHA.

"Hello hihi"

Napatingin naman ako sa katabi niya. Siya 'yong nag walk out kanina, si Cold Water. So, magkapatid pala sila? Ba't kaya siya umalis? Eh nag explain pa naman siya no'n.

"Bakit? Kilala mo na naman ako ah" nakanguso pa nitong sabi.

Jusko! Parang bata eh di naman cute. Haha chOur lang

"Oo, ikaw 'yong Cold water diba?" tanong ko pa.

"Wtf! Anong Cold Water? It's Cold Walter! Walter. As in W-A-L-T-E-R, Walter!"
 
Pfffft! Haha alam ko naman 'yon. Gusto ko lang siyang asarin kasi parang bata. Lagi pang nakanguso, parang pato. HAHAHA

"Oo na! Oo na nga eh. 'To naman jino-joke lang eh"

Jusko! Baka iiyak 'to, wala pa naman akong candy dito naku! Sino ba nanay nito?

"So, maybe you already knew them"

Tiningnan ko naman 'yong Eris 'kuno'. Akala ko ba payag siyang magtagalog kami? Ba't ngayon English na naman?

"I mean, siguro kilala mo na sila"

YoooooOwn! Hehe nakukuha pala 'to sa isang tingin.

"Ah Oo, kilala ko na sila. Siya si Caeli, Glaciero, Cold Water, at si Red" sagot ko habang tinuturo sila isa-isa.

"Tinawag mo si Ice sa second name niya?" gulat na tanong Eris.

Bakit? Big deal ba talaga ang tawagin siyang Glaciero?

Ang gwapo nga ey! 

"Oo, ang cute kasi eh saka okay lang din naman sa kanya, diba Glaciero?" sagot ko sabay tanong kay Glaciero.

At ang kanyang favorite answer is:

"Tsk"

Oh dibaaaaa? Sarap kutungan! Paano ba 'yon?
 
Nagulat naman sila Eris sa reaction ni Glaciero na para bang napakahimala nitong pumayag na tawagin siya sa second name niya.

Aba'y ang swerte ko naman kung gano'n hihi.

"So? What about 'Red'? I mean, bakit 'Red' ang tawag mo kay Faero?" tanong naman ni Rain.

Bakit ba ang big deal sa kanila 'yon?

Hmmm nakaamoy ako ng malansa!

M-may gusto ba sila sa mga lalaking 'to? As in? HAHAHA kaloka sila kung gano'n.

Saka di pa ba halata kung bakit 'Red'? Aba'y ang slow pala neeeeto ey? 

"Para unique, gusto ko kasi 'yong hair niya ey. Di ko alam kung natural 'yan hihi"

Napangiti naman si Red sa sinabi ko. 

"It's natural"

(0_0)

Taragaaaaa? As in? Uwuuu ang galing naman!
 
"Waaaaaaw!" mangha ko pang sabi.

T-teka? Di ba apoy ang sa kanya?
 
Tae! Muntik ko ng makalimutan si Freymo Jhae, ang god of fire.

Jusko! K-kailan niya kaya ibibigay sa'kin ang kapangyarihan niya?

Sabi pa naman no'n mas masakit daw ang mararanasan ko sa pagtanggap no'n.

Eh kung di ko kaya tanggapin? Kaso wala din naman daw akong choice.

Anong wala? Meron kaya! 'Yong ano, 'yong lady's choice hihi.

S-saka di ko pa napa-praktis itong power na galing kay Hera, paano ba 'to?

"Aerin? Aerin! Hey!"

Napakurap ako dahil sa kung sinong tumawag sa'kin.

Anyare?

"Huh?"

Nagde-daydream ba ako? Yaaaaak! Nakakahiyaaaaa huhu.

"Okay ka lang?" tanong ni Red sa'kin. Ba't parang concern na concern siya?

"O-oo"

Napalingon naman ako sa inuupuan ni Glaciero, wala na siya do'n. Ba't ba lagi siyang nawawala?
 
Tapos bigla-bigla ding sumusulpot, kabote lang? Kabote? Sus!

*Paging Ms. Aerish Caeli Ventus and Ms. Aerin Sandoval to please proceed at the Head Master's office right now*

*Paging Ms. Aerish Caeli Ventus and Ms. Aerin Sandoval to please proceed at the Head Master's office right now*

(0_0)

Aerin Sandoval? Ako 'yon ah!

B-bakit kaya? May nagawa ba ako? Halaaaaaa!

P-pero kasama ko naman si Caeli. Ano kayang kailangan no'ng HM sa'min?

Napalingon naman ako Kay Caeli at sumenyas lang siya at tumayo na.
 
Tumayo na din ako't inayos ang sarili ko. Sheeeeet! Kinakabahan ako.

"Bye muna guys ha? Hehe tinawag kami eh, nice meeting you all hihi"

Pagkatapos magpaalam eh lumabas na kami agad sa dorm.
 
Pagkalabas namin eh nagulat talaga ako sa ginawa ni Caeli. Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at biglang nabuo ang isang bilog na sa tingin ko ay isang portal. 

OmooooO! Ang galing naman niya. Sana ako din marunong diba?

"Tara na Twinny!"

(0_0)

Nagulat naman ako kasi bigla siyang pumasok do'n. Ang portal na 'yon ay parang makapal na usok na umiikot.

Waaah! Tinitingnan ko pa lang eh nahihilo na ako, paano na lang kung papasok ako diba?

Natagalan pa ako kasi nag inhale-exhale pa ako ey! Kinakabahan kasi akooooO huhu.

"Hmm kaya ko 'to!"

(0_0)

Papasok na sana ako no'ng biglang nawala na ang portal at si Caeli.

Waaaaaaah! I-iniwan niya ba ako?!

"Caeli namaaaan!"

Oo, ngumawa talaga ako. Huhu paano na 'to? Di ko alam kung paano makapunta do'n sa HM's office!

Huhu naiwan akoooo! Ang sakit pala maiwan dre kaya sa mga iniiwan dyan, I feel you huhu.

"Aerin? Ba't andito ka pa rin? Nasaan si Aerish?"

Napalingon ako sa kung sino mang nagsalita at nakita ko si Red habang hawak-hawak ang isang libro.

"K-kasi ano eh, uhm ano i-iniwan ako ni Caeli eh" tae! Ba't ba ako nauutal?

"Haha hindi ka siguro niya iniwan, naiwan ka hindi iniwan"

H-ha?

Hakdog.

Ang gulo naman ng isang 'to! Akala ko matinong kausap ey.

"Haha I mean, di niya 'yon sinasadya. Limited ang time na manatiling bukas ang portal niya. Natagalan ka siguro kaya ka naiwan"

G-gano'n pala 'yon?

Ba't ba ang cute ngumiti nitong kasama ko? Ay! Nubayan selp.

"Ano hatid na kita?"

Nagulat naman ako sa offer niya. Sheeeeet! Lagi na lang akong nagugulat, di naman ako nagkakape ah!

"Ah sig----------"

Eh?

"No, I'll be the one who will bring her there"

Haluuuuuh! Glaciero? Aba'y sumusulpot na naman bigla ang isang 'to!

Taena! May lahing kabote talaga ang isang 'to ey.

"No Ice, ako na. I'm sure pagod ka na kaya let me do it this time"

Oo nga naman.

"I can teleport Mr. Flamour and it'll be fast if I'll be the one who will bring her there"

Sheeeet! Pinag-aagawan ba nila ako? Uwu! Ang haba naman ng hair ko hihi.

Magsasalita pa sana si Red no'ng biglang may isang bilog ang sumulpot at lumabas do'n si Caeli.

"Twinny! Sorry naiwan kita ha? Ang tagal mo kasing sumunod eh"

Abaaaa! Siya na nga itong nagso-sorry, siya pa itong naninisi. Aba'y magaling!

"Tara na?"

Hinawakan ni Caeli ang kamay ko, naninigurado na talagang maisama na niya ako HAHA.

Napalingon naman ako sa dalawang tao na kanina lang eh nagsasagutan kung sino ba talaga ang maghahatid sa'kin.

Pffffft! Ang epic ng mga mukha nila grabe!

Pero ngumiti lang si Red samantalang nakakunot-noo namang umalis si Glaciero.

Haynaku Glaciero, magpahinga ka na lang do'n.

Ayokong tumanda ka agad, chOur HAHAHA. 

Hays! Ano kayang kailangan no'ng HM na 'yon?

May nagawa kaya ako?





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro