CHAPTER 13: Her Dream

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

CHAPTER 13
 
 
Nandito na kami sa loob ng office ni HM.

Ang sama pa ng pakiramdam ko dahil talagang nahihilo ako sa portal ni Caeli.

Muntik na nga akong masuka kanina ey buti na lang may dumaang isang healer at binigyan ako ng mint candy, hays!

Ngayon, kinakabahan ako dahil kanina pa kami nakaupo dito eh di naman siya nagsasalita.

Pipi kaya siya? Kawawa naman siya kung gano'n.

Actually, meron siyang kinakalikot sa desk niya, hindi ko lang alam kung ano 'yon.

Adik kaya 'to si HM at ganyan siya?

Naku! Head Master pa naman siya pero in fairness ha, di siya mukhang matanda.

"HM, ba't mo po kami pinatawag?" tanong ni Caeli sa kanya.

Ito namang si Caeli, di nagsabi kanina na pwede palang magsalita dito.

Akala ko kasi hindi pwede kaya nanatili naman akong tahimik.

Jusko! Nakakabingi kaya ang katahimikan, hmmmmp.

"Okay! Good thing you asked Ms. Ventus. Pinatawag ko kayong dalawa especially ikaw Ms. Ventus dahil ikaw ang inatasan kong magsanay kay Ms. Sandoval"

(0_0)

Nakakapagsalita pala siyaaaa? Uwu akala ko pipi ey, marunong naman pala.

S-saka magsanay? As in praktis diba? Haluuuuuh!

"Po? Ba't po ako HM?"

Ay? Ayaw ba nitong si Caeli na turuan ako? Abaaaaa ambad sa'kin ah!

"I chose you Ms. Ventus dahil pareho kayo ng kapangyarihan. Di naman natin siya pwedeng basta-basta na lang ipasok sa 'Lower Class' dahil nga nahuli na siya sa klase at nagtitiwala ako sa kakayahan mo Ms. Ventus. Saka don't worry, excuse ka sa lahat ng klase mo. Tinatanggap mo ba ang pagpili ko sa'yo bilang training master nitong si Ms. Sandoval?"

Woaaaaah! May friend na nga ako, may instant training master pa! Tas isa pang Royalty?

Kyaaaah! Ang swerte ko naman pala ey.

Akala ko talaga dati palagi akong malas, andito lang pala ang swerte ko hihi.

"Tinatanggap ko po HM"

Ayy chOur, ang galang naman ng training master koooooO.

"Yeheeeeeeey!"

*claps*

(0_0)

Nagulat naman sila sa biglaang pagsigaw, pagtayo, at pagpapalakpak ko.

Napanganga pa si Caeli habang nakatingin sa'kin samantalang tumawa naman ng bahagya si HM.

Bakit? Masaya at excited lang naman ako ah!

Pero kalauna'y napagtanto ko ring masyado lang pala akong nag overreact. Sheeeeet! Nakakahiyaaaaaa.

"A-ay hehe sorry po" nakabow ko pang sabi.

Nakaramdam talaga ako ng pagkahiya. Syempre, di ata ako manhid, duh.

"Hmm so, final na. Ikaw Ms. Ventus ang magiging training master ni Ms. Sandoval sa loob ng isang buwan bago maganap ang 'Battle between Classes'"

Wuuuuuut? Isang buwan? As in 1 month?

"P-po? Gano'n po katagal?" tanong ko pa sa kanya.

Grabe namang training 'yon! Torture na ata 'yon ey.

"Yes Ms. Sandoval dahil kasali ka sa battle na 'yon kaya kailangan mong mag ensayo ng mabuti. Galingan mo and good luck!"

W-wait, ako? Kasali sa battle? OmoooooO!

"T-tara na Caeli! Mag ensayo na tayooooooO"

Kailangang mag-umpisa na kami agad dahil baka mahirapan ako't di ako makapasa sa battle na 'yon huhu.

Paano na lang pag matalo ako? Eh di mas nakakahiya 'yon.

"Bukas na kayo mag-umpisa dahil malapit na din namang gumabi. Magpahinga na muna kayo para may lakas kayo sa pag-eensayo"

Ayy ambait naman si HM, may jowa na kaya 'to? O asawa? Anak? Kabit? Ayy halaaa!

"Sige po HM, alis na po kami. Salamat po sa pagtitiwala niyo sa kakayahan ko"

Ayy nag emote si Caeli, marunong din pala siyang gumanyan?

Bago ako pumasok sa portal ni Caeli eh kumaway muna ako kay HM sabay sigaw ng:

"Salamat po sa pagpapagawa ng kwarto ko HM!"

Pero tinawanan lang niya ako. Sa tingin niyo, nagbibiro ba ako?

Di naman diba? Naku, andaming baliw sa mundong 'to ey.

Hays! Makapasok na nga sa portal at paniguradong mahihilo na naman ako nito.

_______________
"Twinny!" malakas na sigaw ni Caeli habang nakahawak sa akin.

Muntik na akong matumba dahil feeling ko umiikot ang mundo ko, umiikot ka ba Glaciero? Ayy joke lang hihi.

"C-caeli! N-nahihilo ako"

S-sheeeet! Feeling ko lalabas na mga organs ko sa sobrang hilo. Wala na akong mint candy kaya ganito na lang ang nararamdaman ko.

Iba ang portal nitong si Caeli kesa do'n kay Hera.

Tingin ko mas bet ko 'yong kay Hera kahit na lagi akong nasasampal pagkabalik ko.

Di bale ng masampal at masaktan kesa sa naman sa pinaikot ka! Ayy haha labas nga pinapaikot dyan hihi.

"T-teka! Tatawagin ko si Yesha, may healing ability 'yon eh"

Alam kong natataranta na si Caeli. Ba't ba kasi di na lang niya kami diniretso sa loob ng dorm diba?

I-isang boplaks din ang isang 'to, naku!

Naramdaman kong nawala si Caeli sa tabi ko. Malamang tinawag na niya 'yong si Eris.

May healing power pala siya? Wow! Sanaol talaga ey.

Hihi kunti na lang talaga pipikit na ako ey, bumibigat na kasi ang talukap ng mata ko.

Taena! A-ang tagal ni Caeli.

M-matutulog na ata ako dito. B-bye guys, hehe.

____________________________________
SOMEONE's POV

The first time I laid my eyes on her, I felt something in my heart that I couldn't explain.

Gusto ko siyang titigan buong magdamag hanggang sa magsawa ang mga mata ko't makatulog na.

Kapag kinakausap niya ako, di mapakali ang puso ko. Tumitibok ito ng mabilis na para bang nasa isang karera ako.

Minsan, napapangiti ako ng wala sa oras kapag naaalala ko ang inosente niyang mukha.

Ang mga ngiti niya ay isa sa mga pinakagusto kong makita araw-araw

Ngunit

H-hindi ko na 'yon ulit masisilayan sapagkat wala na siya.

Wala na ang unang babaeng minahal ko.

N-namatay na siya.

At dahil 'yon sa lalaking 'yon.

Ngayon na may bago na namang nakakaagaw ng atensyon ko, hindi ko hahayaang mawala na naman ito sa'kin.

No'ng una ko siyang nakita, talagang may naramdaman akong kakaiba sa kanya.

Ewan ko ba, pero no'ng nakita ko siyang mangha-mangha sa kanyang paligid, naalala ko ang babaeng minahal ko dati.

G-gano'n din siya ka-inosente sa mga bagay² na nakikita niya dito.

At ayokong mangyari na ang inosenteng babaeng ito ay mahuhulog sa lalaking 'yon!

A-ayokong mawala ito at 'yong lalaking 'yon na naman ang dahilan.

Ayokong dumating sa punto na maulit na naman ang nakaraan.

Ngayon, nakita ko ang babaeng nakaagaw ng atensyon ko.

Nakahiga siya sa labas ng dorm samantalang kakaalis lang ni Aerish.

"Yeshaaaaaaa?! Yeshaaaaa! Tulungan mo'kooooo!" rinig kong sigaw niya.

May nangyari kaya?

Napatingin ulit ako sa labas ng dorm.

Ando'n pa rin siya pero wala ng malay.

Gusto ko siyang lapitan kaso nakita ko ang isang lalaking patakbong lumapit sa kanya.

N-naunahan na naman ako.

____________________________________
GLACIERO's POV

I'm pissed again.

Yah! Again.

I don't know why!

I hate her talking to that man.

I mean, she had almost hit by his fireball but she's still talking to that man as if nothing happened!

And I'm the one who saved her but I got no 'thank you' at all.

Damn!

And what the f*ck is wrong with that fire mage? Why he was so concerned about that freak?

Do he likes her?

Aaaargh! The hell I care?!

And what's wrong with me? I don't care if he does, tsk.

I just hate the fact that she did forgot me when she's in front of that guy!

Hays! He even had the urge to compete with me on bringing her to the HM's office.

Everyone knows I'm faster than him.

And Im not being boastful here, I'm just stating a fact.

Tsk.

"Yow bro Ice! Anong iniisip natin dyan?" that's Walter.

He used to interfere every time I had this deep thoughts.

He's bubbly and I don't like it.

"Why did you walked out that time Walter?"

I'm just curious and even that freak was curious too!

"Ah 'yon ba? Di ko alam kung maluwag ang turnilyo sa utak 'yong si Aerin o talagang may topak lang pero HAHAHA di ko napaghandan ang kabaliwan niya kaya nagulat ako then napa-walk out dre. Wala kasi akong masabi eh HAHAHA"

Damn! He keeps on laughing while explaining, seriously?

Maybe I should try doing what he did and that is to walk out this time.

I'm out! I mean, I'm going out to breath some fresh air.

I missed my favorite place, gonna go there!

"Hey dre! Sa'n ka pupunta? Wuuuuy! I'm just kidding pre hoy!"

I heard him calling me but I'm heading my way out of this dorm.

I was about to step out when suddenly Aerish bumped unto me.

What's wrong with her?

"Hey!"

Her hands were trembling. Did something happened?

"Oh God, Ice! C-can you please go over there? Si Aerin!"

(0_0)

What?!

I hurriedly went into the place she's pointing----outside our dorm!

I saw that freak lyin' on the ground.

Did she passed out?

"Hey freak!"

I tried to wake her up but nothing happened so I carried her and just teleported on her own room.

And there, I remembered the first time I carried her and that was during our school day at the mortal world.

I smiled at that memory of ours. Is it dejavu?

____________________________________
YESHA's POV•

~I'm a Barbie girl in a barbie woooorld~

~Someday, someone's gonna love meeee, the way... ~

Napapikit na lang ako sa kabaliwan nitong kapatid ni Rayndell.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya dahil wala naman akong choice kasi nga, siya lang ang pwede kong makasama ngayon.

May kanya-kanyang business ang iba ey.

Nagbabasa ako ng libro dito pero ang babaita eh kumakanta pa habang hawak-hawak ang suklay niya at ginawang microphone.

Tapos di ko alam kung ano 'tong kinakanta niya, remix ba o ano eh? Saan niya ba 'to natutunan?

"Hoy Aqua! Itigil mo nga 'yan. Ang sakit sa tenga ng boses mo saka di mo ba nakikita? Nagbabasa ako dito oh!"

Pero ang gaga eh nag pout lang, hays! Magkapatid nga silang dalawa no'ng Rayndell na 'yon.

Mga isip-bata.

"Sus! Hayaan mo nga ako dito Yesha. Di nga kita pinapakealaman do'n sa pagkagus-----aray!"

Bago pa niya matapos ang speech niya eh binato ko na agad sa kanya 'yong libro na binabasa ko.

Ang daldal kasi ey!

"Yan ang napapala mo sa'kin. Tse! makaalis na nga dito"

Palabas na sana ako ng kwarto no'ng biglang may tumawag sa'kin.

"Yeshaaaaaaa?! Yeshaaaaa! Tulungan mo'kooooo!"

(0_0)

"Halaaaaa! Yesha, si Aerish 'yon diba?"

Sh*t! Anong nangyari?

Dali-dali ko namang binuksan ang pinto at sinalubong ng nagmamadaling si Aerish.

"Hey Aerish? Anong nangyari?"

At talagang hinihingal pa siya ha.

"I really need your help right now Yesha. Si Aerin kasi nahihilo nang dahil sa portal ko huhu"

Eh? Nahilo? Nahilo lang pala tapos ganito siya maka-react?

Ayy iba siya.

"Nahilo lang naman pala eh!"

Jusko! Akala ko kung ano na.

"H-hindi kasi sa tingin ko di siya sanay sa portal eh alam mo naman kung anong mangyayari pag di sanay ang isang tao sa portal diba?"

Oo nga pala. Galing nga palang mortal world 'yon pero t-teka---

"Kung di siya sanay, paano niyo siya nadala dito sa Academy?"

Ayy takte! Naunahan pa ako sa pagtatanong nitong si Aqua.

"Wala din kasi siyang malay no'n eh"

(0_0)

That made me shocked. Di pwede 'yon!

"Nasaan ba siya?" tanong ko pa sa kanya.

"N-nasa kwarto na niya 'yon panigurado. D-dinala na ata ni Ice do'n"

Si Ice? S-siya ang nagdala?

Napalingon naman sa akin si Aqua pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Anong tinitingin-tingin ng babaeng 'to sa'kin?

"Tara na!"

Pumunta na kami agad sa kwarto ni Aerin at nakita nga naming ando'n na si Ice habang kinukumutan ito.

Namangha din ako sa ganda ng pagkaka-design sa kanyang kwarto.

W-wait, Galaxy-like design na ceiling?

Napatitig ako kay Ice. G-ganitong-ganito din ang nasa ceiling niya no'ng aksidenteng nakapasok ako sa kwarto niya.

Baka coincidence lang, marami namang may gusto sa galaxy eh.

"Stop staring, just heal her"

Napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. F*ck! Nahuli niya ako, nakakahiya!

"A-ah yeah, excuse me"

Lumapit naman agad ako kay Aerin at tiningnan siya ng taimtim.

'Ang swerte mo, nakatanggap ka ng sobra-sobrang atensyon'

*sigh*

Inilapat ko ang aking palad sa kanyang noo. Ilang minuto pa'y nagliwanag ito at naramdaman ko ang unti-unting paglabas ng aking kapangyarihan.

Nakaramdam na din ako ng panghihina pagkatapos ko siyang gamutin, lagi naman.

"O-okay na siya. K-kailangan niya lang ng pahinga para magkaroon siya ng lakas lalo na't di lang ito ang unang beses na nahimatay siya"

Pagkatapos no'n ay lumabas na agad ako pero bigla kong nakasalubong si Faero.

"Fae------"

Tatawagin ko sana siya kaso nakapasok na siya sa kwarto ni Aerin.

Ano bang meron sa babaeng 'yon?

Hays! Makainom nga ng tubig.

____________________________________
AERIN's POV

-her dream ('yong time na nasa likod siya ng school, nasa part 5)

Lumapit ako kay Hera at umupo sa tabi niya.

Kailangang malaman ko ang lahat para naman makapaghanda ako sa susunod.

"Aerisha, ikaw ang 'The Chosen One', ang 'Chosen Heiress'. Ikaw ang tagapagmana sa lahat ng Elemental Powers".

Elemental Powers? As in lahat 'yon? Grabe! Ba't ako?

"Bakit ako? Saka keri ko ba 'yon? Ang dami naman! Bawal ba i-share² sa iba?" tanong ko pa sa kanya.

Abaaaa! Baka di ko kakayanin 'yon. Baka magbigti na lang ako nito.

"Hindi Aerisha sapagkat ikaw ang babaeng nakasaad sa libro ng urakulo no'ng nakaraan bago ito nagsara para sa bagong pahina ng kasalukuyan"

Ha? Hanudaw 'yon?

Jusko! Ba't ang lalim naman?

"Wala bang mas easy dyan Hera? 'Yong madali kong maintindihan?"

Tagalog sana 'yon kaso parang malulunod naman ako sa sobrang lalim eh.

"May isang libro Aerisha pero nahati ito sa dalawang pahina. Ang unang pahina ay tungkol sa nakaraan o sa mga naganap na. Nakalagay din ang mga revelations doon na mangyayari pa in the future which is nasa ikalawang pahina"

Uhuh?

"At IKAW ang nakalagay sa 'Revelations', ang chosen one Aerisha. Pagkatapos mabasa ng urakulo ang pahina ng nakaraan do'n sa revelations, magsasara ito at mawawala na. Magbubukas ulit ito pag naisilang ka na."

Ayy wow! Grabe naman ka special ang life ko, nakalagay pa talaga sa isang libro hihi.

"Hera, s-sino ba ang mga magulang ko? At b-bakit nasa mortal world ako?"

Gusto ko na talagang malaman. Ba't nila ako iniwan do'n sa mga walangya kong mga kamag-anak?

"Aerisha, walang ibang nakakaalam kung sino ang mga magulang mo kundi sila lang"

H-ha?

Hakdog.

"Pwede ba 'yon?!" gulat na tanong ko sa kanya pero tumango lang siya.

Totoo? Ano 'yon secret lang?Aba'y matindi!

"Eh di walang nakakaalam kung buhay pa ba sila o deads na?!" tumango lang siya ulit.

Naging pipi na ba itong si Hera?

Pero tae! P-paano ko sila mahahanap nito? Wala na ba akong pag-asa?

"Paniguradong may magic din sila Hera. B-baka makilala nila ako pag pupunta ako sa lugar nila, saan ba 'yon?"

Napatingin naman sa akin si Hera at pagkatapos ay nagsimulang mag kwento.

Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa dalawang kaharian: Ang Lux at ang Tenebris Kingdom.

May nabanggit din siyang mages at may susundo sa akin.
__________________
(her dream as of NOW, (parang flashback lang 'yong sa itaas hihi))

Nabigla ako sa biglaang pag-iba ng paligid.

Kanina lang kausap ko si Hera pero ngayo'y wala na siya.

Don't tell me may iba na namang god? Abaaaa!

P-pero ba't ang dilim naman ata ng lugar na 'to?

"Hello? Yohoooo!"

Nag echo lang ang boses ko hanggang sa may nakita akong isang babae na may hawak na bata.

"A-ah hello po?"

Gusto ko siyang kausapin pero parang di niya ako naririnig.

Bingi ka te?

Saka ano kayang ginagawa ng babaeng 'to sa gitna ng dilim? Di ko din makita ang mukha niya kasi may nakatakip!

Baka pangit 'to HAHA.

Pero nagulat ako kasi bigla siyang nawala. Halaaaa! May magic din siya?

(0_0)

Mas nagulat ako kasi nasa harap na siya ng bahay nila Tita at unti-unting inilapag ang bata.

W-wait, don't tell me na ako ang batang 'yon!?

S-siya ba ang nanay ko? Siya ba?

Namuo ang aking mga luha sa naisip ko. Posibleng siya ang nanay ko!

Posibleng buhay pa siya! M-makikita ko pa siya!

Lalapitan ko pa sana siya kaso bigla siyang naglakad paalis.

H-hindi pwede!

"Sandali! Teka laaaaaaaang!"

Tinangka ko pa siyang habulin kaso bigla na lang siyang nawala.

"M-mama"

Napaluhod na lang ako at humagulgol ng iyak.

Nahuli ako, di ko na siya naabutan.

D-di ko man lang nakita ang mukha niya ni wala nga akong nakitang palatandaan dahil balot na balot siya.

Basta isa lang ang alam ko!

B-buhay siya.

Buhay pa ang nanay ko!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro