CHAPTER 35: Luna and the Fire Kingdom

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•FAERO's POV•

"L-luna" mahinang sambit ko pagkakita ko sa kanya.

Di ako makapaniwalang nandito siya. P-paano niya kaya nalaman na nasa panganib kami?

Sino ba talaga siya?

*booooogsh!*

I was back on my senses no'ng may narinig akong sumabog. Napatingin ako sa mga dark mages, nakahandusay na ang iba samantalang ang tatlo sa gilid ay takang-taka kung sino ang babaeng 'to.

They're holding something at di ko alam kung ano ang bagay na 'yon. Ba't ba sila lumusob? I know they have reasons and I need to find it out.

Pinagpapatuloy ko na rin ang pakikipaglaban pero napapansin kong wala siyang balak na labanan ang tatlo kaya ako na ang gumawa. Dapat lang na ako kasi kaharian naman namin 'to.

Pinaulanan ko sila ng mga fire balls, sinusunog ko din ang paligid nila pero umusok lang ang kinaroroonan nila at nakalipat na sila ng pwesto.

F*ck! They can teleport? Ayys of course, kung di sila makakapagteleport, paano sila makarating dito? Stupid.

Pero di pa rin ako tumigil, nagpalabas ako ng mga fire blades at ibinato sa kanila. Kanya-kanya naman sila sa pag-ilag at sabay bato ng dark balls sa'kin, di ko 'yon napansin kaya tumilapon ako.

Napatingin naman sa'kin si Luna pero di ko makita ang itsura niya dahil sa takip nito. Tulad ng dati, wala na rin ang isang bato do'n dahil nasa akin na, isasauli ko nga pala 'to sa kanya.
 
Kahit namimilipit sa sakit ng katawan, tumayo pa rin ako at pinahid ang dugo sa labi ko. Nagawa kong sugatan ang pisngi ng isa at akmang susugurin na ako pero pinigilan siya no'ng isa. Sumenyas siya sa kanyang kasama, anong sinasabi nila?

Di ko maintindihan.

"Prince Faero of Fire Kingdom"

Nagulat ako sa biglaang pagsalita no'ng parang leader nila. She's a girl based on her voice but sh*t! I'm not familiar with it. Ba't niya binibigkas ang pangalan ko?

"Why are you here? Anong pakay niyo?!" tanong ko naman sa kanila.

"Wala lang. Masyado kasing pakampante ang mga hari at reyna niyo na iwan ang mga palasyo kaya ayan, nalusob tuloy kayo at nagkanda-ubos-ubos na ang mga kawal niyo HAHAHAHAHA"

Umigting ang panga ko sa narinig at galit na tumingin sa kanila. Napakawalang-kwenta ng mga dahilan nila! Sinira nila ang kaharian namin.

"Walangya kayo! Damn you!"

Tinawanan lang nila ako kaya mas lalong sumiklab ang galit sa puso ko at gustong-gusto ko na silang patayin pero di dapat ako mapagdalos-dalos.

"Sino siya?" malamig na tanong no'ng isa.

Napatingin naman ako sa tinuro niya. S-si Luna, patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban dahil patuloy pa din ang paglabas ng mga dummies. Tang*na! Di ko pa pala napatay ang creator nila.

"Wala kayong pakealam kung sino siya!"

Sinugod ko na agad sila at pinagbabato ng mga fire balls, sinabayan ko na rin ng spikes. Nabuwag naman ang tatlo kaya inuna ko na ang gumagawa ng dummies.

Inilabas ko na ang elemental weapon ko, ang fire sword at iwinasiwas sa kanya. Nilagay ko naman ang dalawa sa isang ilusyon. Pero dapat makontrol ko 'yon dahil pag di ko sila matuunan ng pansin, maaaring makalabas ang isa sa kanila.

"Malalaman din ng Dark Lord kung sino ang babaeng 'yan HAHAHA"

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon! I will kill you all!"

Patuloy pa rin siya sa paggawa ng dummies habang iniiwasan ang atake ko. I should think of a plan kung paano siya talunin. I stared at him for a minute and noticed something. May kwentas siyang suot at may parang itim na batong pendant.

Is that where his power came from?

*smirks*

I think I know how to defeat this stupid dark mage.

Sinubukan kong titigan ang pendant niya para pasabugin ito. Napatigil naman siya at nagtatakang tinignan ako.

"What are you doing? Di tayo talo Fire Prince kaya tigilan mo'ko!" 

Tsk. Asa naman siyang papatulan ko siya. Di ako pumapatol sa kapwa ko lalaki!

"Aaaaaaaah! Anong ginawa mo?! Aaaaah! Sh*t! F*ck!"

Nasagot naman ang katanungan niya no'ng napasigaw siya sa sakit. Uminit lang naman ang pendat niya at alam kong maya-maya lang ay sasabog na ito.

Ilang sandali lang ay sumabog nga ang pendant at naging abo. Gulat na gulat naman siya at sinubukang ikumpas ang kamay pero walang nangyari. Wala na siyang kapangyarihan so I take it as a chance para patayin siya!

I killed him with so much anger. Di pa 'yan sapat para ibayad sa mga nasira at napatay nila.

1 down, 2 to go.

Damn! Ang dalawa nga pala. Agad kong nilingon ang kinaroroonan nila pero paglingon ko'y isang malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ko na naging dahilan ng pagdilim ng paningin ko. F*ck! It feels like sinuntok ako ng isang bakal na kamay.

I heard a loud noise then everything went black.

-----------

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.
 
Wait---araw?

Napabalikwas ako ng bangon and I found out na nasa kwarto na ako. Iba na rin ang suot ko.

What the hell? Ba't ako nandito?!

What happened?

"Señorito? Gising na po pala kayo"

Huh?

"Manang? What am I doing here? D-diba------"

"Hindi po namin alam kung anong nangyari sa inyo pero si Prinsesa Solier po ang naghatid sa iyo rito"

S-si Eris?

Paanong nandito na ako? Eh diba nilusob nga ang kaharian?

Dali-dali naman akong tumayo at lumabas. Tiningnan ko ang buong lugar, wala ng pinsala at b-buhay ang mga kawal namin?

H-how? Diba marami ang namatay? How come na buhay sila ng lahat?
 
P-paanong?-----

Si Eris, siya ang naghatid sa'kin? S-siya ba si Luna? H-hindi, impossible 'yon.

Naguguluhan ako, kailangan kong tanungin si Eris.

Bumalik ako sa kwarto para magbihis. F*ck! Umaga na pala at ngayon ang pagbibigay ng gantimpala. Kailangan kong magmadali.

Habang nagbibihis ako, napansin kong may nakatuping papel ang nakaipit sa ibabaw ng lamesa ko.

"What's this?"

Sinubukan kong buksan ang papel pero di ko magawa. Ano 'to? Ba't meron akong ganito? Si Luna kaya ang nag-iwan nito? Goddamnit! Si Eris nga ang naghatid sa'kin diba? Only her can answer all this f*ckin' questions!

Pagkatapos kong magbihis ay ginamit ko na ang ability ko para makarating agad sa Quadrangle. I know do'n nila gaganapin ang pagbibigay.

Ni hindi ko man lang naisauli ang bato sa kanya. Wala na din akong sugat, g-ginamot niya ba ako? 

Aaargh! I'm confused. Si Eris... Si Luna... That's so impossible.

I need to ask her!

____________________________________
•AERIN's POV•

"Aerin! Aerin!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng sigaw ni Lei. Kung makasigaw ang hinayupak, kala mo may sunog ey.

"Oo na, wait lang!"

Jusko! Sobrang sakit ng ulo ko pati na ang katawan ko dahil sa battle na 'yon. Oo, ginamot na nila ako pero basta napagod pa rin ako.

Nakakapagod din palang matulog noh? Nakakapagod bumangon, para bang may ginagawa ka habang natutulog kasi pag gising mo eh parang pagod ka, hays. 

Tumayo naman agad ako at binati ang aking asawa. Charot, napaka----- HAHAHA.

"Hi bebeluuuuvs! Good moooooOrning, I love you muaaaah!"

Pumunta na din agad ako sa banyo at binati rin ang tatlo kong cute na pink dolphins. Oo, tatlo na sila hihi. Malandi kasi kaya nagkaanak, chOur lang.

Naligo na rin ako.

(Few moments later)

Charot, vlog lang ang peg? 
-----

"Tara na!"

Masama naman akong tiningnan ni Lei at napasimangot. Anyare sa babaitang 'to? Inaano ko ba 'to?

"Antagal mo!"

"Haha sorna. Tara na? Wag ka ng magtampo dyan"

"Tse!"

Haha nakakatuwa din minsan 'tong si Lei, parang bata ey. Binigyan na naman niya ako ng candy, as usual. Di na ako nagreklamo dahil no choice naman ako, baka masapak na talaga ako pag nagkataon.

Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa Quadrangle, do'n na kasi ibibigay ang gantimpala sa mga nananalo eh.

Saka ngayon na din pala ipapakilala ang The Chosen One kuno. Kinakabahan ako, di ko alam kung bakit.

Hays!

"Aerin, do'n tayo sa pwesto natin"

Tumango lang ako kay Lei at sumunod sa kanya. Di ko nakita si Daph mula pa kahapon tas di pa ako nakahingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya.

Baka galit siya sa'kin?

Wag naman sana.

Naghintay pa kami ng ilang minuto dahil wala pa ang ibang estudyante. Antagal naman nila, di ba sila excited? Hihi ang saya ko dahil may matatanggap ako ngayon.

I'm a winner! HAHAHA.

"Magandang umaga mages!"

"Magandang umaga po!"

"Ngayon ang araw ng ating pagbibigay ng gantimpala sa mga mapalad na nanalo. Magsitayo ang lahat at magbigay galang sa ating mga Hari at Reyna!"

Agad naman kaming tumayo at yumuko bilang paggalang. Isa-isang lumabas ang mga hari kasama ang kanilang reyna.

Ansakit sa likod nito, pfffft.

Huling lumabas ay ang Hari at Reyna ng Lux Kingdom. May kasama silang isang babae pero di pa makita ang mukha dahil may nakatakip pa dito. Mukha siyang kinokontrol dahil kakaiba ang paggalaw niya.

Whew! May pa surprise effect pa talaga sila ah, maganda kaya 'yan? Ayy hehe.

No'ng nakaupo na ang lahat ay sumenyas naman si HM na umupo kaming lahat. Whew! Ang tagal din naming nakayuko ey.

"Mages, binabati namin kayong lahat dahil sa tagumpay nating ginanap ang Battle Between Classes. Masaya ako para sa mga nanalo at better luck next time naman sa mga natalo. Sa isang laban, alam natin na may mananalo at matatalo talaga pero hindi ibig sabihin na kapag talo ka ay isa ka ng talunan, pwede ka pa namang bumawi sa susunod"

Tama si HM, tulad na rin ni Red diba? Natalo siya ng una pero bumawi din naman. Basta patuloy ka lang lalaban, makakamit mo rin ang tagumpay kasi may right time naman para dyan eh.

Sabi nga nila, before you'll decide to stop, think first the reason why you start. Di ko lang alam kung sino ang may sabi no'n pero may tama siya.

Sa akin, charot.

"May apat tayong agenda ngayong araw. Una ay ang pagbibigay ng gantimpala sa mga nanalo. Kapag tinawag ko ang iyong pangalan, pumunta ka dito sa harap upang tanggapin ang iyong gantimpala"

Isa-isang tinawag ang pangalan ng mga nanalo at pumunta sa harap ng kinaroroonan ng mga hari ay reyna. Nakatayo ang mga ito at sabay-sabay na itinaas ang kanang kamay at nagbigkas ng mga salita.

May lumalabas na liwanag sa kani-kanilang mga kamay at lumabas ang isang cute na cute na rabbit. Owemji! Ang kyuuuuuut!

"Ikaw ay binibigyan namin ng isang alaga na maaari mong sanayin upang iyong makasama at makatulong kung ikaw ay nasa panganib. Tawagin mo lang ang pangalan na iyong ibinigay at siya'y lalabas mula sa iyo"

Binigyan naman niya ito ng pangalan at pagkatapos ay pumasok na ito sa kanya. Nagkaroon naman siya ng isang tattoo na rabbit sa may palad.

Uwuu ang cute!
 
May nakatanggap din ng mga ibon, aso, pusa, at iba pang mga hayop na pwedeng alagaan pero kakaiba ang mga binibigay nila dahil pwede itong mag transform!

Meron ding nakatanggap ng isang weapon na may kapangyarihan. May nakatanggap ng mga gamit pero kakaiba!

Sana isang pet din sa'kin. Ang daga kasi sa training ground ay nando'n na kay Lei eh.

"Ms. Aerin Sandoval!"

(0_0)

Waaaah! Tinawag na akoooooO

Ngumiti naman si Lei sa'kin at tumango. Pumunta ako agad sa harapan at sobrang excited na hihi.

Ano kayang matatanggap ko?

Ayy alams na.

As usual, lumiwanag din katulad kanina. Nag-ipon ang mga kapangyarihan nila at sabay-sabay na itinapat sa'kin.

W-wait----diba tatanggapin ko na ang water element? Paano pag umilaw ang wrist ko? Paano pag may makahalata? Di pwede 'yon.

Naramdaman kong sumakit ang palapulsuhan ko kaya napakagat ako ng labi. Di naman siya umiilaw dahil na rin sa takip nito pero putek, ansakeeeet huhu. Nakaramdam ako ng kakaibang lakas dahil na rin sa water element na natanggap ko.

Pinigilan ko rin ang sarili ko na wag humiyaw baka ano pang mangyari. Akala ko ba Mira di masakit? Scam ka!

Isang sandali lang ay tumigil na ang sakit kasabay ng paglabas ng isang malaking itlog sa harap ko.

(0_0)

Wuuuut?! Ano 'to?

Narinig ko ring tumawa ang ibang mga mages dahil sa nasaksihan nila. Pinagloloko ba nila ako? Anong gagawin ko sa itlog na 'to? Prituhin ko pa 'to eh.

"Hindi lang iyan basta-bastang itlog. Dyan mo masusubukan ang iyong pasensya, kung gaano ka kapursigidong hintayin ang kanyang paglabas. Wag mong hayaang may kumuha ng itlog na iyan dahil talagang nakakapinsala pag nangyari 'yon. Ikaw at ikaw lang ang maaaring mag-alaga niyan dahil 'yan ay ipinagkaloob lamang namin sa iyo"

"M-maraming salamat po"

Binitbit ko naman ang itlog at may kabigatan ito. Tinawanan pa rin nila ako pero dahil sa tikhim ni HM ay tumigil na rin sila. Serves you right mga dear, langya kayo ey.

Ano bang gagawin ko sa itlog na 'to? Araw-araw ko ba itong dadalhin? Ayoko nga!

"Wow! Ang cute naman ng natanggap mo Aerin!" salubong sa'kin ni Lei.

Oo, ang cute nga.

"Sarcastic ba 'yan?"

"Di ah, totoo namang cute eh. Ano kayang laman nyan? For sure, ibon 'yan o di kaya sisiw! Pffft"

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Inaasar lang ata ako nito ey. Nilagay ko na lang sa kandungan ko ang itlog at hinihimas-himas, sanaol clearskin itlog ka!

Ano kayang itatawag ko dito?

Hmmm Eggnog? Eggshell? Eggyolk? Eggit? Ayy tae! HAHAHA kidding.

Eggy na lang para cute.

"Again, binabati namin ang lahat ng mga nananalo. Ngayon, ang ikalawang agenda natin ay ang ranking of mages!"

Meghaaaad! May ranking nga pala. For sure nasa unahan ang mga Royalties kasi nga magagaling sila at talagang makapangyarihan.

"Kung sino ang matatawag, pumunta ulit dito sa harapan"

Jusko! Kinakabahan ako. Di naman ako umasa na mapapabilang dyan kasi baguhan pa lang ako saka di pa masyadong magaling.

Nanalo nga ako pero mas marami pa akong kailangang i-improve.

Congrats na lang sa kanila, sanaol. 

"Prince Ice Glaciero Frost!"

"Prince Raiden Voltaire Light!"

"Princess Aerish Caeli Ventus!"

"Prince Rayndell Cold Walter!" 

"Princess Aqua Rain Walter!"

"Prince Faero Red Flamour!"

"Princess Yesha Eris Solier!"

'Yan ang ranking ng mga Royalties. Ipinapakita din sa malaking screen ang ranking dati at ngayon. Bumaba ang ranking ni Red at Eris at tumaas naman kila Caeli at Cold Water.

Tiningnan ko si Eris. Dahil ata sa'kin kung bakit siya nasa ibaba ngayon, hays. Ginawa ko lang naman ang dapat eh.

Tinawag na din ang iba pang mga mages na kasali sa ranking. Di na ako nakinig dahil nababagot na din ako. Tiningnan ko na lang ang itlog na nasa kandungan ko at parang baliw na kinakausap ito pero syempre, binubulong ko lang.

"Eggy? Kailan ka ba lalabas dyan para mapaghandaan ko?"

"Sana lang hindi ka sisiw o magiging manok dahil pag nagkataon baka maihaw kita tapos gawin kong fried chicken"

"O di kaya adobong chicken, masarap 'yon"

"Syempre, ayaw mong gawin kitang gano'n kaya mag transform ka na into a different specie okay?"

Kinausap ko pa siya nang kinausap pero wala namang sumasagot. Talagang nababaliw na ako, pffft.

"Aerin!"

"Aerin!"

Nagulat ako no'ng bigla akong kinulbit ni Lei. Anong problema ng isang 'to? Muntik ko pa tuloy mabitawan si Eggy, naku.

"Bakit ba?"

"Tinatawag ka!"

"Nino?"

"Ni HM! Kasali ka sa ranking!"

(0_0)

H-hanudaw?

"Joke ba 'yan? Wag mo'kong pinagloloko Lei baka ipabuhat ko sa'yo si Eggy for a month, sige ka"

"Hindi ah, toto---------"

"Ms. Aerin Sandoval? Nandito ka ba?"

(O_O)

Wuuuuuuut?! Seryoso? Omeghaaaaaad! Ba't ako kasali dyan? Waaaaaaaah.

"Sabi sa'yo eh"

"Oo na, pakihawak si Eggy!"

"Aray! Ambigat naman pala nito"

"Sabi sa'yo eh" panggagaya ko pa sa kanya.

Bumaba agad ako mula sa kinauupuan ko. Yieee! Hangsaya ko meghaaaaad. I kennat!

Di ako makapaniwalang nasali ako sa ranking na 'to, uwu.

"Congrats"

(0_0)

Bulong lang 'yon pero rinig na rinig ko. Taenang Glaciero 'to, pinapatalon ang hart ko waaaaaah. Nasa unahan kasi sila, bale parang madadaanan ko sila gano'n.

"S-salamat"

Uminit ang pisngi ko kaya nagmamadali akong naglakad papunta sa huling mage at nakipila na do'n. Tinapik ko pa ng bahagya ang pisngi ko dahil ayaw tumigil kakainit. Amputek, parang tanga.

May iba pang mga mages ang tinawag. Nasa 20 kaming lahat at pang 18 ako, yieeeee! Sobrang saya dahil kahit baguhan pa lang ako eh kasali na akoooooO. Kasali din pala di Daph, nasa 13th place siya.

"Kayong dalawampu ay aming binabati. Pinahanga niyo ang lahat sa inyong galing at lakas. Kayo ay aming binabasbasan, nawa'y mas gagalingan niyo pa sa susunod"

May mga speech pa si HM na talagang nakatatak sa puso't isipan ko. Damang-dama ko talagang ang saya sa mga oras na 'to, sana magtuloy-tuloy lang.
 
Ilang minuto din ang minuto din ang lumipas no'ng pinabalik na kami sa aming mga upuan. May binigay si HM sa'min na isang medalya at sobrang ganda nito. Nakaukit ang simbolo ng Lux pati na ang numero ng aming rank.

"Congrats Aerin! Ang galing mo"

"Salamat Lei"

"Congratulations Miss!"

"Congrats"

"Salamat sa inyo"

Feel ko, bilib na bilib ako sa sarili ko. Para akong lumulutang dahil talagang worth it lahat ng pagod at hirap na dinaranas ko.

Ang saya!

Di nagtagal, ang ikatlong agenda na naman ang inaanunsyo ni HM kaya nakinig na ako sa kanya. Tinawag niya ang Lux King kaya tumayo kaming lahat at yumuko na naman.

Sobrang lakas ng dating ni Haring Lux, he's powerful grabe. Halata sa kanyang porma at tindig na talagang kagalang-galang siya.

"Mga estudyante ng Lux, masaya ba kayo sa inyong natatanggap?"

"OpooooooO!"

"Mabuti. Ngayon, ang ikatlong agenda ay akin ng ia-anunsyo. No'ng nakaraan ay meron tayong Royal Class at ang mga Royalties lang ang estudyante roon. Ngayon, gusto ko maging pantay ang lahat. Ang Royal Class ay tatawaging 'Higher Class', lahat ng mga nasa ranking list ay mapapabilang doon. Pantay, dahil kahit hindi ka Royalty as long kasama ka sa rank ay pwede kang pumasok sa Higher Class kaya sa susunod, gawin niyo ang inyong makakaya upang manalo at para makapasok sa rank. 'Yon lang, maraming salamat"
 
Pumalakpak naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Haring Lux. Mas maganda nga 'yon dahil makikihalubilo na ang mga Royalties sa ibang mga mages. Syempre pati na akoooooo, yeheeeey! Pero i-ibig sabihin, makakasama ko na sila ulit? T-tapos si Glaciero? Nakuuuu, baka lalaki ang ulo no'n.

Di bale, andyan naman si RV eh pati na din si Daph kaya I know di ako mao-OP hihi.

"Maraming salamat mahal na haring Lux. Mages, narinig niyo ba ang magandang balitang 'yon? Simula bukas ay mag-iiba na ang ating mga patakaran"

Owemji! Excited na din ako dahil sa wakas, makakapag-aral na ulit ako. Na-miss ko na kasi mag-aral ey, medyo matagal-tagal rin akong di pumapasok sa school.

"Ang huli at pinaka-importanteng agenda natin ay akin ng tatalakayin"

*dug dug dug dug*

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa oras na 'to, may ipapakilala silang The Chosen One. Alam kong ang babaeng may takip sa mukha ang ipapakilala nila. Mabait kaya siya? Taga saan siya sa mortal world? Ba't kumpleto ang mga simbolo niya? Sino ba siya? Totoo ba siya? Impossible naman  kung gano'n dahil andito naman ako.

"Gusto naming sabihin sa inyo na nahanap na namin ang tagapagmana ng lahat ng kapangyarihan! Nahanap na namin ang The Chosen Heiress!"

"Talaga?"

"Totoo ba 'yan?"

"Waaaaaaaaah!"

"OmooooO, mabuti naman kung gano'n"

"Good news!"

"Ligtas na tayo!"

"Mananalo na tayo nito"

Ilan lang 'yan sa mga bulung-bulungan ng mga mages. Makikita mo talaga sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil sa wakas nakita na rin ang kanilang natatanging pag-asa.

May kunting kirot sa puso akong nararamdaman pero di ko iyon pinansin. Wag kag magdrama self, di bagay sa'yo.

"Aming ipapakilala sa inyo si Yesha Villafuerte, ang The Chosen Heiress!"

Para akong nabingi sa binanggit ni HM. Parang bombang sumabog na nagdulot sa'kin ng pagkabingi.

Yesha Villafuerte?

B-ba't parang familiar sa'kin ang pangalang 'yon?

Sa'n ko nga ba narinig 'yon?

Nakita ko namang inilahad ng Lux King at Queen ang kanilang mga kamay, tinanggap naman ito  no'ng Yesha kuno.

Sobrang familiar talaga sa'kin ang pangalan niya pero di ko alam kung bakit.
  
Dahan-dahan naman silang naglakad papunta sa gitnang bahagi habang inalalayan ang babaeng 'yon. May nakatakip pa rin sa kanya kaya di ko makita kung anong itsura niya.

Ang puso ko'y parang kabayo. Tigidig tigidig! Ayy putek, huhu ba't ba ako kinakabahan?

Eh kasi ako dapat ang nandyan pero di pa nila dapat malaman. Di ko pa natanggap ang lahat ng kapangyarihan eh. Pinadala kaya siya ng mga gods at goddesses para magpanggap upang protektahan ako? Ba't wala silang nasabi sa'kin?

"Gusto niyo na bang makita ang kanyang kagandahan?"

Sabay-sabay namang sumigaw ng 'Oo' ang mga mages kaya napatawa si HM. Kagandahan daw? ChOur sanaol, mas maganda pa rin ako. Ipinitik naman ni Haring Lux ang kanyang mga daliri. Kasabay ng pagtanggal sa takip ay ang paglaki ng mga mata ko.

(O_O)

W-what the hell?! Yesha Villafuerte?!

S-siya?

"B-bestfriend?"




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro