CHAPTER 36: Her Best friend

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Di pa rin talaga ako makapaniwalang ang best friend kong si Yesha ang nahanap ni RV bilang The Chosen Heiress.

Ang nakapagtataka lang ay bakit di niya ako nakikilala? Kasi diba ilang beses ng tinawag ang pangalan ko pero di man lang niya ako nilapitan o tiningnan.

May amnesia ka ghOrl?

Ang mas nakakapagtataka ay bakit siya nandito. May kapangyarihan ba siya? Saan naman niya nakuha 'yon? Eh wala naman siyang sinabi sa'kin na may gano'n din pala siya eh di sana sabay na kaming pumunta dito diba?

Di kaya nakakuha siya ng kapangyarihan do'n sa dust na sinasabi ni Hera, mula do'n sa Puno ng Magicae? P-pero bakit bilang 'chosen' ang titulong ginagampanan niya?

Sinong nag-utos sa kanya? Di kaya siya talaga ang The Chosen Heiress at second version lang ako? Kasi kumpleto na ang mga simbolo niya samantalang sa'kin eh hindi pa.

Hays!

Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaso di ko naman siya malapitan dahil may nakapaligid sa kanya. Nakakahiya kayang mag approach, baka kung ano pang iisipin ng iba.

"Hoy! Tulala ka dyan" rinig kong untag sa'kin ni RV.

Andito na kami sa room namin para sa unang klase. Kahapon lang naganap ang pinakanakakagulat na pangyayari. Sobrang laki ng impact sa'kin ang rebelasyong 'yon. ChOur, ang lalim ko na talaga! Malulunod na ata ako.

"Wala naman, nakakabagot lang. Antagal kasi ng professor natin eh"

Tumawa lang siya at di na nagsalita. Napatingin naman ako sa pwesto nila Yesha bff, best friend pa rin kaya ang turing niya sa'kin? Para kasing hindi na niya ako kilala eh.

Naaksidente kaya siya? Tas nabagok ang ulo kaya nagka-amnesia? Nabulag kaya siya tapos pili lang ang nakikita niya? Mula pa kasi kahapon, di niya ako tinitingnan eh.

Hays!

Ang dami kong iniisip.

"Two!"

Eh?

Napalingon naman ako kay RV. Anong two ang pinagsasabi ng isang 'to? Nabaliw na din ata ey.

Tiningnan niya pa ako kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mala-nike ang kilay ko ngayon, nai-stress na kasi ako.

"HAHAHA two! Ikalawang beses ka na kasing huminga ng malalim. Ano bang problema mo? You can tell it to me Ae" 

Napanguso na lang ako sa mga sinasabi niya. Ayokong sabihin lalo na't tungkol kay Yesha 'yon, siya pa naman ang nagdala sa kanya dito.

Ayokong masamain niya pag nagkataon.
 
Nasaan na ba kasi ang gurong 'yon? Nagpaalam lang kasi siya saglit pero di na bumalik. Hays! 'Yong iba eh bumabalik pero nang-iiwan din naman ulit. Ayy hugooooOt, HAHAHA.

"RV, nasaan nga pala sila Eris at Faero? Absent ba sila?"

Napansin ko kasi kanina na kulang ang mga Royalties na kasa-kasama ni Yesha. Nasaan kaya sila? Di kaya------- (0_0)

"Ewan, di ko alam. Alam mo namang di ako sumasama sa kanila diba?"

Ayy Oo nga pala.

Ba't ko pa ba siya tinatanong? Nag kwento na nga pala siya sa'kin tungkol do'n. Bopols ka self?

____________________________________
•FAERO's POV•

Inabangan ko talaga kanina na lumabas si Eris. Di ko siya nagawang kausapin kahapon dahil tinawag ako ni HM, ako nga kasi 'yong inatasan na mag train kay Chosen. 

Napagkasunduan na 'yon ang itawag sa kanya, bilang paggunita na rin sa titulo niya.

Dinala ko si Eris dito sa favorite place ko. I just want to ask her about what happened kasi wala talaga akong maintindihan.

At first, ayaw pa sana niyang pumayag but I insisted. Gusto ko siyang kausapin at wala na siyang nagawa no'ng dinala ko na siya.

"Ano bang pag-uusapan natin Faero? You know first day ngayon sa klase diba?"

"Yeah. I just want to know something"

"Spill it"

My heart beats rapidly. Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay humarap sa kanya.

"Tell me, sino ang naghatid sa'kin sa kwarto?"

"Ako"

"Only you?" baka kasama niya si Luna diba?
 
"Yes. What do you think of me, weak?"

"No, that's not what I meant"

Inirapan lang niya ako at nagsimulang kumain ng prutas. Where did she get that fruit?

"What else?" tanong naman niya.

"Anong nangyari sa kaharian?"

Kumunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko. What?! May mali ba sa tanong ko?

"What do you mean? Ikaw ang unang nando'n diba? Why did you asked me about that?"

"I mean, ba't wala ng sira do'n sa palasyo namin?"

Mas lalong kumunot ang noo niya kapagkuwa'y tinaasan ako ng kilay. What's wrong with her?

"Adik ka ba Faero? Wala akong alam dyan sa mga sinasabi mo okay? Maayos naman ang kaharian niyo ah"

"Maayos? Sirang-sira 'yon no'ng naabutan ko Eris!"

"Sirang-sira? Baka inayos na ng mga kawal niyo or baka may mga tauhan kayong may kapangyarihan sa pagkukumpuni diba?"

Right. That's possible, may mga tauhan kaming tagakumpuni. Sila ang mga umaayos pag may nasisira tuwing training ng mga kawal namin.

"O-okay. Yeah, baka nga sila ang may gawa no'n"

"Bakit? Sino ba sa tingin mo?"

"N-nothing"

Ba't ko ba iniisip na si Luna ang may gawa no'n? Nababaliw na ata ako.

"Wala ka na bang itatanong? Aalis na ako"

Akmang aalis na sana siya no'ng hinawakan ko ang wrist niya. Marami pa akong itatanong!

"Eris, b-bakit nabuhay ang mga kawal namin?"

"Faero, nababaliw ka na ba? Anong nabuhay pinagsasabi mo? Don't tell me iniisip mo na ako ang bumuhay sa kanila? Alam mong napaka-impossibleng mangyari na mabuhay muli ang sandamakmak na mga kawal niyo if ever na namatay man sila. Hindi ako diyos para magawa 'yon, okay? Maybe, you're hallucinating at that moment. You need to rest Faero" naiiling niyang sabi.

Damn! I'm not hallucinating!

Kung hindi siya, sino? Paanong nangyari 'yon? D-di kaya totoo ang sinasabi niyang nagha-hallucinate lang ako? No, I won't accept that.

"Sorry Eris. Ba't ka nga pala nando'n? May nakita ka bang something kakaiba? O ibang tao?"

Eris, hindi naman siguro ikaw si Luna diba? Hays! Impossible namang siya 'yon. P-pero sabi ni manang, nando'n si Eris bago pa ako mawalan ng malay. Ba't di ko siya nakita?

"Ha? A-ano kasi... umuwi ako sa kaharian namin para do'n magpahinga, Sakto namang nakita ko ang ina at ama mo kaya tinanong ko sila kung okay na ang kaharian niyo"

Umupo naman niya sa may bato at nagkwento. Hindi niya ako tinitingnan at nauutal pa siya. Ano bang nangyari sa kanya? Nakinig na lang ako sa kanya at umupo na rin.

"Ang sabi ng mga magulang mo, hindi pa daw. Ikaw lang daw mag-isa ang nakikipaglaban sa mga dark mages kaya nagpaalam ako sa kanila na p-puntahan ka p-para tulungan"

"Pagkarating ko do'n, nakita na kitang nakahandusay sa sahig at parang tapos na ang labanan. Ang mga kawal niyo'y nakahiga pero may mga buhay pa. N-nilapitan kita at dinala sa kwarto mo. B-buti nando'n si manang Rosa kaya siya ang nag-alaga sa'yo"

Totoo ba ang nga sinasabi niya? Ang mga kawal namin ay nakikita kong nawalan ng buhay, pinatay sila! P-pero ang sabi ni Eris, nakahiga at may buhay pa? Aaaargh! Ano ba talaga?

"Nga pala Faero, bago ko makalimutan. M-may nakita nga pala akong isang piraso ng papel na nasa tabi mo no'n, nilagay ko may lamesa mo, nakita mo ba?"

Oo nga pala, ang papel.

Dali-dali ko namang kinuha 'yon sa bulsa at ipinakita sa kanya.

"Ito ba?"
 
"Oo, nabuksan mo na ba 'yan?"

"Hindi ko mabuksan"

"Ano kaya 'yan? Baka si HM ang makakapagbukas nyan Faero"

Tumango lang ako sa kanya at di na nagtanong pa. Ang mahalaga ay okay na ang kaharian at darating din ang araw na malalaman ko kung sino si Luna.

Agad kong hinawakan si Eris at nagtungo sa office ni HM. We need to know kung anong meron sa papel na 'to. Maybe he can help us about this. 

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng pinto ni HM. Bago pa ako kumatok ay nagsalita na siya agad. 

"Come in"

Pumasok naman kami at nadatnan namin siyang may sinusulat. Nag-angat lang niya ng tingin pagkatapos ay bumalik sa pagsusulat.

"HM, may ipapakita lang po sana kami ni Faero"

"Ano 'yon?"

"Ibigay mo na"

Inilahad ko naman ang isang nakatuping papel kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa.

"What's this?"

"'Yon din po ang gusto naming malaman. Hindi po kasi namin mabuksan at mabasa ang sulat eh"

"Saan niyo nakuha ito?"

I looked at Eris and signaled her na siya na magsabi. Mas may alam siya kumpara sa'kin.

"Nakita ko po 'yan sa tabi ni Faero no'ng wala siyang malay. Maybe iniwan 'yan ng mga dark mages"

Tama si Eris, posibleng galing 'yon sa taga Tenebris. Di kaya babala ang laman ng papel na 'yan? Whatever it is, we need to know.

Tumango lang si HM at sinubukang buksan ang papel. Ginamitan niya ito ng isang kakaibang kapangyarihan at ilang minuto lang ay nabuksan din ito.

"Isang hardin na hitik sa bulaklak,
May mga nakakubling ahas at mga kulisap,
Di inaasahang didilim ang alapaap,
Nagbabagang apoy ay babagsak,
Isang malakas na ulan ang magmumula sa mga ulap.

Ang pula'y hahalo sa puti,
Pagningas ay maririnig pati na ang pighati,
Isang halakhak ng tagumpay ang mamayani,
Buong lugar ay mawawasak at may isang maghahari"

Dalawang saknong ng tula ang binasa ni HM. Hindi man niya ipapaliwanag ay may idea na ako kung ano ang ipinapahiwatig ng binasa niya.

Digmaan.

Alam kong matagal pa 'yon dahil wala pa namang sinabi ang urakulo pero dapat pa rin kaming maging alisto at handa.

"HM, ang ibi---------"

"Ipatawag ang ibang mga Royalties. May pag-uusapan tayong lahat"

Kahit sabihing nasa amin ang tagapagmana, nanganganib pa rin kami. Di pa niya masyadong ma kontrol ang kapangyarihan niya saka bago pa siya dito.

Sana lang di pa darating ang panahong 'yon.

____________________________________
•AERIN's POV•

"Paging all the Royalties to please go to the Head Master's Office"

"Paging all the Royalties to please go to the Head Master's Office"

Habang nagdi-discuss si Mrs. Smith tungkol sa dalawang kaharian ay biglang pinatawag ang mga Royalties.

Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko'y may importante silang pag-uusapan. Ayy syempre kaya nga pinatawag diba? Alangan naman kung magchichismisan sila do'n.

"Ae, aalis na muna kami ha? Kayo na muna ang bahala kay Chosen, kausapin niyo sana siya para di siya mapag-isa"

"S-sige"

Royalties lang ang pinatawag kaya maiiwan dito si Yesha. Saka anong mapag-isa? Eh halos magkapalit na nga sila ng mukha no'ng mga kausap niya eh.

Sana pwede ko siyang makausap para mapaliwanag niya sa'kin ang lahat.

Parang ibang Yesha na siya. Dati kasi hindi niya ako hinahayaang mapag-isa pero ngayon ni hindi na niya ako nilapitan o kinakausap. Kahit nga tingin, di niya binigay sa'kin.

Nami-miss ko na ang bff ko, hays.  Saka ang ganda ng palayaw niya dito ah, 'Chosen' pa talaga. Ang sosyal!

"Okay class, since malapit na rin naman matapos ang oras, idi-dismiss ko na kayo. For now, pwede na kayong umalis para kumain. Good bye higher class!"

Nagpaalam na sa'min si Mrs Smith kaya nagsimula ng mag-ingayan ang mga kaklase ko. Tiningnan ko si Daphne, nagbabasa din siya ng libro. Nakikita ko sa kanya si Eris kasi pareho sila ng hobby ey.

Dali-dali ko namang niligpit ang mga gamit ko. Nagte-take note kasi ako in case magkaroon ng quiz, may mapag-aaralan ako.

Nakita kong papalabas na sana si Yesha kasama no'ng dalawang babae no'ng tinawag ko siya.

"Yesha sandali!"

Napatigil naman sila at humarap sa'kin. Nakataas ang kilay niya pero agad din namang bumalik sa dati. Attitude ka siszt? Galit ba siya sa'kin?

"Anong kailangan mo sa kanya?"

"Di siya pwedeng makihalubilo sa tulad mong cheap!"

Aba't masama pala ang tabas ng dila nitong dalawang 'to eh. Ano? Second version lang nila Hanny at Ellaine? Naku, kapit lang naman sila kay Yesha.

"What do you want?"

The way niya ako tingnan ay parang nandidiri siya. Para bang ayaw niya akong kausapin at talagang masakit sa'kin ang isiping 'yon.

"G-gusto lang kasi kitang kausapin eh" nauutal kong sabi sa kanya. Nakakatakot naman ang tingin niya, napakatalas nito.
 
Ngumiti naman siya at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang balikat ko at may diin ito kaya napadaing ako. A-ang lakas niya!

"Alam mo, pwede naman kitang kausapin eh. Mabait naman ako kaya lang hindi talaga pwede ngayon. Nagugutom na kasi ako kaya kailangan ko ng kumain. Sana maintindihan mo 'yon, okay?"

Tinapik pa niya ang balikat ko at tumalikod. Hindi ganito ang best friend ko, hindi niya ako kailan man tinatanggihan.

A-ang sakit pala pag naiba ang turing ng kaibigan mo sa'yo. 'Yong taong nakasama ko ng matagal, ngayon ay parang di na ako kilala.

"Yesha! Kahit kunting oras lang" sigaw ko ulit sabay hawak sa braso niya pero bigla na lang siyang sumigaw.

"Aaaaah! Bitawan mo'ko, ang sakit!"

(0_0)

Agad naman akong napabitaw sa kanya. Anong nangyari? W-wala naman akong ginawa sa kanya ah. S-saka hinawakan ko lang naman siya para pakiusapan p-pero ba't gano'n?

"What's happening here"

Nagitla ako no'ng narinig ko ang malamig na boses ni Glaciero. Ba't nandito pa siya? Diba tinawag sila?

"Aaaaah! A-ang sakit ng braso ko huhu"

Eh?

Napatingin ako sa braso ni Yesha at nakita kong namumula ito. Ba't namumula 'yan? Di ko naman siya inaano ah.

Nagulat din ang ilang mga estudyante at nagsimulang magbulong-bulungan. Wala naman akong ginawa sa kanya.

"Grabe naman siya"

"Oo nga, sinaktan niya pa talaga ang 'chosen'"

"Pinagpipilitan pa talaga ang sarili"

"Sinabi mo pa"

"Ang kapal!"

"Bitch!"

Nakita kong lumapit si Glaciero kay Yesha at tiningnan ang braso nitong namumula. Kinabahan ako no'ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko.

"You! What do you think you're doing?" kunot-noo niyang tanong sa'kin.

"W-wala akong ginawa sa kanya. G-gusto ko lang sana siyang k-kausapin" umiiling ko ding sagot.

Ang sensitive naman ng skin niya at namula agad. Normal lang naman ang paghawak ko sa kanya.

"You don't have the rights to hurt her Ms. Aerin Sandoval. She's the chosen one so you should respect her!"

Ramdam ko ang inis sa pananalita ni Glaciero. Hindi niya nakita ang buong pangyayari pero gano'n na lang siyang magsalita.

Jusko! Adik ka ba Glaciero? Napakajudgmental mo naman.

Saka nasaan na ang tawag niyang 'freak' sa'kin? Ba't parang nag-iba na rin ang tingin niya sa'kin?

"Hindi ko siya sinasaktan! Wala akong ginawa sa kanya"

"Anong wala? Nakita namin ang lahat Aerin"

"Oo nga! Gusto mong magka-close kayo para sumikat ka!"

"Hinablot mo pa talaga siya!"

"Sinasaktan mo ang tagapagmana kaya dapat kang parusahan!"

Ilan lang 'yan sa mga masasakit na linyang narinig ko mula sa iba naming mga kaklase. Ba't sila ganyan? Alam naman nilang lahat na wala akong ginawa.

Saka anong hinablot? Di naman hablot 'yon ah, eh kung siya kaya ang hablutin ko baka malaman niya ang kaibahan ng hablot sa hawak. Tse!

Parusahan? Tae! Ni wala nga akong ginawang masama eh.

"Enough! Ms. Aerin Sandoval, know your place, always remember that. Let's go Chosen, gonna bring you to the clinic"

Literal akong napanganga sa sinabi ni Glaciero. May kirot sa puso ko no'ng narinig ko ang mga katagang 'yon mula mismo sa kanya. Watdahek? Know your place daw? Alam ko namang nasa room ako ah.

Di ko alam kung guni-guni ko lang pero nakita ko pang ngumisi si Yesha at inirapan ako bago sumama kay Glaciero. Tingin ko, umarte lang ang babaeng 'yon para ipahamak ako.

Yesha, di ko alam kung anong nangyari sa'yo pero sana sabihin mo sa'kin, di 'yong gaganituhin mo'ko.

"Dapat kasi hindi mo na 'yon ginawa at wag mo na ulit tangkain pang kausapin siya dahil baka masaktan ka lang" rinig kong sabi ni Daph bago umalis.

Hays, tama siya. Walang kabuluhan pag tangkain ko pang makipag-usap kay Yesha. Ako pa ang nagiging masama eh, haynaku.

P-pero 'yon lang ang tanging paraan para maliwanagan ako. Paano ko ba siya makakausap?

Hays! Makaalis na nga at nagugutom na rin ako. Pupuntahan ko na lang si Lei sa room niya para sabay na kami.

____________________________________
•RAYNDELL's POV•

Nandito na kami sa loob ng office ni HM. Di ko alam kung ba't niya kami pinatawag. For sure, importante ito. Ano naman kaya 'yon?

"Where's the Ice prince?" tanong sa'min ni HM.

Napansin ko ngang wala si Ice kaya dali-dali ko siyang tinawag gamit ang ability ko.

Isang sandali pa'y napag-alaman kong nando'n siya sa clinic kasama ni Chosen kaya nagtaka ako pero di na niya ako sinagot no'ng tinanong ko siya kung bakit.

"Ah HM, may naiwan daw kasi siya sa room namin kaya binalikan niya pero ngayon nando'n sila sa clinic kasama si Chosen"

Napakunot naman ng noo ang mga kasama ko at taka akong tiningnan. Alam ko na kung bakit ganyan sila kung makatingin. Naga-gwapuhan sila sa'kin HAHAHA.

"May nangyari po kasi do'n at sangkot si Chosen at si Aerin. Wala naman siyang sinabi kung ano talagang nangyari. Papunta na daw po sila dito"

"Si Twinny?"

"Ano kayang nangyari?"

Tumikhim si HM kaya napatigil sa pagbubulungan ang mga girls. Hinintay lang namin sila sandali at di nagtagal ay dumating rin sila.

"Sorry, we're late"

"It's okay. You may now take your seat" 

Tumabi sa'kin si Ice samantalang kay Aerish naman tumabi si Chosen. Ang ganda niya talaga lalo na't nahihiya siyang umupo.

Napairap naman ang kapatid ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kahit kailan talaga napakamaldita, buti na lang gwapo ako. 
 
"So, pinatawag ko kayong lahat dahil may natanggap kaming isang sulat at paniguradong galing 'yon sa mga taga Tenebris"

"What letter?"

"Dalawang saknong ng tula iyon. Pakibasa nga Ms. Ventus"

Agad namang kinuha ni Aerish ang isang papel at sinimulang basahin. Ang cute ni Aerish pag ganyang tahimik siya pero mas gusto ko ang kaingayan niya.

""Isang hardin na hitik sa bulaklak,
May mga nakakubling ahas at mga kulisap,
Di inaasahang didilim ang alapaap,
Nagbabagang apoy ay babagsak,
Isang malakas na ulan ang magmumula sa mga ulap.

Ang pula'y hahalo sa puti,
Pagningas ay maririnig pati na ang pighati,
Isang halakhak ng tagumpay ang mamayani,
Buong lugar ay mawawasak at may isang maghahari"

Pagkatapos basahin ni Aerish ang dalawang saknong ng tula ay nagtataka ako. Ano naman kayang ibig sabihin sa tulang 'yan? May pagkamakata din pala ang hari ng mga Tenebris, pfffft.

Nagulat ang lahat no'ng biglang nagtaas ng kamay si Chosen. Ngumiti naman si HM at tinanong siya kung bakit.

"A-alam ko po ang ibig sabihin ng tulang 'yan. H-hindi po sa ipinagmamayabang pero member po ako ng journalism do'n sa mortal world at mahilig po ako sa literature lalo na sa mga tula"

Wow! Ang galing naman niya. Halatang matalino at maraming alam saka ang bait pa niya. Ba't kaya siya nagawang saktan ni Aerin?

"Sige nga Chosen, ipaliwanag mo para maintindihan naming lahat" sabi ni Raiden.

Ngumiti lang siya at kinuha ang papel sabay na nagpaliwanag.

"Isang Hardin na hitik sa bulaklak. Ang ibig ipahiwatig ng Hardin ay ang akademya at ang mga bulaklak ay ang mga mages naririto"

Woah. Ang taba naman ng utak niya! Makahingi nga sa kanya kung minsan, gwapo lang kasi ako eh.

"May mga nakakubling ahas at mga kulisap. Ang ibig sabihin naman dito ay may mga ahas o traydor na nandito sa Akademya"

Tama siya at di namin matukoy kung sino ang mga walangyang 'yon.

"Yeah, marami ngang ganyan dito. Malalaman at malalaman din natin kung sino ang mga 'yon" sabat naman ni Eris.

"Di inaasahang didilim ang alapaap,
Nagbabagang apoy ay babagsak,
Isang malakas na ulan ang magmumula sa mga ulap. Ibig sabihin naman nito ay biglang didilim ang buong kalangitan at ang nagbabagang galit ng isang tao ay ang siyang kikitil sa maraming buhay at ang ulan na sinasabi ay ang mga luhang dadaloy sa mga kawawang nilalang sa mundong ito"

Naisip ko pa lang ang mga sinasabi niya ay kinikilabutan na ako. P-parang di pa ako handa na nangyari ang bagay na 'yon. Masasayang ang kagwapuhan ko.

Nakakatakot.

"Ang pula'y hahalo sa puti,
Pagningas ay maririnig pati na ang pighati. Alam nating lahat kung anong ibig sabihin nito, pula ibig sabihin dugo na hahalo sa mga pawis at luha ng mga mages"

Sh*t! Nakakaba ang mga sinasabi niya. Para bang nalalapit na ang katapusan namin, hays.

"Isang halakhak ng tagumpay ang mamayani,
Buong lugar ay mawawasak at may isang maghahari. Sa bawat digmaan ay may natatalo at nananalo at kung sino man ang mananalo ay siyang maghahari sa mundong ito"

"Tama ka. I-ibig sabi---------" naputol ang sinabi ng kapatid ko dahil sumabat ulit si Chosen kaya napaismid na lang siya. Pffft, may galit ata ang kapatid ko sa chosen one.

Ba't naman kaya? Naku.

"Ang ibig sabihin ng tula ay may isang digmaan na magaganap sa pagitan ng dalawang panig"

Laglag-balikat kaming lahat sa narinig. Alam na namin na mangyayari at mangyayari talaga ang bagay na 'yon pero ang tanong, handa na ba kami?

Handa na ba ang mga sarili namin sa bagay na 'yon?

Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. Natatakot ako sa posibleng mangyari kaya dapat maging alerto at mag handa palagi.

Wala kaming ideya kung kailan magsimula pero ang tulang 'yon ay may palatandaan na sinabi. Didilim ang buong kalangitan, 'yon ang hudyat sa pagkakaintindi ko. 

Sana matagal pa.

Sana may sapat pa kaming panahon para makapaghanda lalo na't di pa nama-master ng The Chosen Heiress ang kanyang mga kapangyarihan.

Pero sa pagkakaalam ko ay likas sa kanya ang pagiging magaling sa lahat ng bagay.

Sana lang ay makaya niya ang responsibilidad na iniatang sa kanyang mga balikat.

Lahat kami ay umaasa sa kanya.

Sana di niya kami bibiguin. 


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro