CHAPTER 37: Who's Luna?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

It's been a week since nag-umpisa ang klase at ang isang linggong 'yon ay talagang impyerno sa'kin!

Minsan, nale-late ako at di man lang ako hinihintay o kaya ginigising nila Lei at Daph. May kaparusahan kapag na late at 'yon ay ang pagbabawal na gamitin ang kapangyarihan.

Hindi naman negation ang ginamit nila. May pinasuot lang si Mrs Smith sa'kin na isang pulseras pero di ko matanggal-tanggal kahit na ano pang gawin ko.

Hays! Sobrang hirap ng mga dinanas ko kapag napaparusahan ako kasi nagte-take advantage ang mga walangya sa'kin.

Binubully nila ako at kung ano-ano ang pinapapagawa sa'kin. Alam kong gusto akong tulungan ni RV pero di niya magawa dahil maaaring madamay pa siya sa parusa.

Walang gustong tumulong sa'kin lalo na't pinag-uutos ni Yesha na wag akong tulungan kundi pati sila madadamay! Napakawalangya pala talaga ng ugali niya.

Kapag ako di makapagpigil baka masapak ko pa siya o di kaya chopchopin at ipapakain sa crocodile! P-pero di ko alam kung meron 'yon dito.

Saka kahit naging malupit siya sa'kin, kaibigan pa rin ang turing ko sa kanya. Sa tagal ng pagkakaibigan namin sa mortal world, wala akong maisip na dahilan para ganituhin niya ako.

Pero syempre, hahayaan ko ba naman siyang alipustahin ako? No way! Asa pa siya.

Maaari kong gamitin ang ability ko ng palihim at walang makakaalam no'n. Isip ang pinapagana ko at walang kahit ni isa sa kanila ang makakabasa ng isipan ko dahil sarado ito.

Kapag may ginagawa si Yesha, iniisip kong masasaktan siya at nangyayari nga 'yon. Minsan naman iniisip kong madadapa siya at mangyayari nga!

Bleeeeeh!

Lamang pa rin ako sa'yo Yesha hihi.

Kaya lang di ko alam kung bakit sa tuwing gagamitin ko ang ability na 'yon ay sumasakit na ang ulo ko. Saka kapag nasasaktan si Yesha, to the rescue naman agad ang mga Royalties lalong-lalo na si Glaciero, hmmmp!

Naiirita ako sa kanila, wala naman akong ginawang masama pero nagagalit na lang sila bigla sa'kin.

For sure, binibilog na ni Yesha ang ulo nila. Eh? Bilog naman talaga ang ulo.

T-teka, speaking of bilog. Si Eggy nga pala ay nasa dorm lang, iniwan ko siya sa ilalim ng kama ko. May secret place akong ginawa do'n at ako lang ang makakabukas.

Safe siya do'n, alam ko.

Nga pala, naglalakad ako ngayon papuntang room. Maaga na ako, mas maaga pa sa kanila. Akala nila mapaparusahan nila ako? Hindi noh, di ko na hahayaan 'yon.

Sobra-sobra na ang mga ginagawa nila sa'kin. Ang sakit-sakit na nga ng katawan ko eh tapos dumadagdag pa itong wrist ko.

Sa tuwing kakausapin ko ang dagang 'yon, sasakit siya! May kunting guhit na ngang nakalagay pero di pa pormado. Anong element kaya 'yon? Sana naman di na ako mahirapan.

Papasok na sana ako sa room namin no'ng biglang may naririnig akong nag-uusap. Nasa second floor na ako at nasa first floor sila pero tingin ko nasa hallway lang kaya naririnig ko.

Sino ba sila? Ba't ang aga naman nilang pumasok? May kasabay pa ata ako.

"Oo, naibalita ko na nga sa kanya at sobrang tuwa niya dahil di na daw siya mahihirapan"

"Ano ng gagawin natin?"

"Sa ngayon, magmamanman na lang muna tayo"

"Tama. Saka hintayin na lang muna natin ang utos niya"

Huh?
 
Sino naman kaya ang pinag-uusapan nila? Anong balita naman 'yon?

(0_0)

D-di kaya isa sila sa mga traydor ng Academia? Abaaaa! Di man lang sila natakot na baka mahuli sila ah.

Ilang sandali lang ay wala na akong narinig na kung anong ingay kaya pumasok na ako sa room. Bukas ito palagi dahil wala namang mawawala dito.

Di tulad sa mortal world na ang daming gamit. Dito kasi kahit walis at dustpan, wala kang makikita.

Poor ata sila dito, poor you HAHAHA chOur lang.

Kinuha ko na lang ang panulat ko at isang kapirasong papel para mag doddle. Minsan, nagka-calligraph din ako. Diba I'm so talented?

"Wow! Ang aga mo na ngayon Aerin ah. Good for you!"

Napaangat ako ng tingin sa babaeng nagsasalita. Whew! Ang peke ng ngiti niya, kahit na isangla mo pa sa Palawan Pawnshop, di 'yan tatanggapin.

"Oh ba't di ka nagsasalita? Dati lang gustong-gusto mo akong kausapin, sinasaktan mo pa nga ako. Ngayon na kinakausap na kita, ayaw mo naman"

Gustong-gusto ko na siyang irapan kaso nasa likuran niya ang mga Royalties at nakatalikod naman si Yesha sa kanila kaya di nila nakikita ang sama ng tingin nito sa'kin.

Plastic!

Di na kita kaibigan Yesha. Siguro nga'y di na ikaw 'yan kaya dapat na ko ng kalimutan ang pagkakaibigan natin.

"Oo, inagahan ko talaga kasi ngayon na tatanggalin ni Mrs. Smith ang pulseras na 'to" sagot ko sa kanya sabay ngiti ng peke.

Don't play with me Yesha kasi mas magaling akong makipaglaro. Natalo pa nga kita sa chess dati diba?

"Ow, mabuti naman. Gusto ko nga sanang makiusap sa kanya na wag ka ng parusahan pero dahil may kasalanan ka din naman kaya di ko na tinuloy. Dapat kasi as a student, matuto tayong gumising ng maaga"

Talaga lang ah!

Hanggang dito ba naman eh issue ang pagiging late ko. Abaaaa di ba pwedeng pagod lang? Eh di ikaw na early bird, ikaw na.

"Gano'n ba? Salamat na lang Yesha ha? Alam mo para kang Barbie at alam kong alam mo kung sino si Barbie" 

'Maganda ka sana kaya lang plastik ka. Fire pa naman ang kapangyarihan mo as of now, baka matunaw ka pa'.
 
Binalik ko na lang ang tingin ko sa ginagawa ko. Baka di ko mapigilan ang sarili ko, sheez! Nakakagigil na talaga siya.

Wala na akong narinig na kung ano mang salita mula sa kanya kaya nag-angat ulit ako ng tingin. Nakita kong padabog siyang umupo sa upuan niya kasama ang mga Royalties pero napapansin kong pasulyap-sulyap sa'kin si Rain.

Anong meron? May dumi kaya ako sa mukha?

Agad ko namang hinawakan ang mukha ko pero wala naman akong makapa.
 
Hays! Ano bang tinitingin-tingin niya?

Ilang minuto lang ay nagsidatingan na rin ang iba naming mga kaklase. Kapag nakikita nila ako ay talagang nagugulat sila.

Bakit? Bawal ba akong pumasok ng maaga? Akala mo naman napakahimala na maaga ako. Tusukin ko mga mata niyo eh.

Dumating na rin si Mrs. Smith, siya ang first subject namin ngayong araw at tulad ng iba, nagulat din siyang makita ako pero agad ding napangiti.

"Ms. Sandoval, it's good to know na maaga ka ng pumasok. I hope you learned a lesson, hmmm? Come here in front" 

Nakanguso naman akong tumayo at lumapit sa kanya. Nakakahiya sa mga kaklase ko pero wala akong magawa. Tinanggal naman niya ang pulseras at feeling ko, nakawala ako sa isang kadena.

Grabe! Alam niyo kasi pag sinusubukan kong tanggalin o di kaya gamitin ang kapangyarihan ko, sumisikip ang pulseras na 'yon. Ang sakit kaya!

Bumalik na rin ako sa pagkakaupo at nagsimula namang mag discuss si Mrs Smith. Tungkol sa mga strategies naman ngayon ang tinuturo niya.

Siya nga pala ang ina ni Jesto pero kahit na gano'n eh di niya ito tinatawag na ina o nanay. Mrs. Smith lang ang tawag niya and I know walang favor² pagdating sa kanya.

Tinuturo niya kung paano gumawa ng kakaibang mga weapons gamit ang aming kapangyarihan. Bakit kaya walang elemental power si Jesto eh meron namang power ang nanay niya?

Di kaya ampon siya? Ayy, impossible naman 'yon. Magkahawig naman sila eh.

Ilang oras din ang klase namin sa kanya. Inaantok ako pero di pwedeng umidlip dahil baka maparusahan na naman ako, mahirap na. 

Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikinig habang nagdo-doodle. Tiningnan ko ang malaking orasan sa may ibabaw ng board, malapit ng matapos ang time niya.

Sana naman matapos na agad, gusto ko na kasing lumabas para makalanghap ng fresh air!

Gusto ko sanang pumunta ulit do'n sa garden kung saan ko unang nakita si RV kaso nakakahiya naman sa kanya. Saka baka ma issue pa kami lalo na ngayong umaaligid si Yesha. Lahat na lang kasi ginagawa niyang masama pag ako ang involved. 

Hmmm, kakausapin ko na lang siguro mamaya si Hera. Marami akong itatanong sa kanya lalong-lalo na ang paggamit ko ng ability ko.

Ba't kaya sumasakit ang ulo ko pag ginamit ko 'yon? Dati naman hindi gano'n eh. Di kaya na overused ko 'yon? May gano'n ba?

"Good bye Higher Class!"

"Thank you Mrs Smith, good bye!"

(0_0)

Haluuuuh! Tapos na? Di man lang ako nakinig sa kanya pero buti na lang di niya ako napapansin.

Dali-dali ko namang niligpit ang gamit ko at nagsimulang maglakad palabas pero may kung sinong impakta ang pumatid sa'kin kaya napadapa ako.

Watdahek?!

Ang sakit ng dibdib ko amputek!

"Ayy sorry Aerin ha? Di ko alam na dadaan ka kaya di ko naalis ang paa ko"

Sinamaan ko naman ng tingin si Yesha bago tumayo at pinagpag ang sarili. Tae! Gusto kong magwala pero nakatitig lang sa'kin ang mga Royalties.

Pag pinatulan ko ang bruhang 'to, ako na naman ang mapapasama dahil isa siyang pa feeling victim!

At itong mga Royalties naman, nagbubulag-bulagan lang. Mas nauna pa nila akong nakilala pero mas pinapanigan pa nila ang babaeng 'to. Palibahasa 'chosen heiress' daw.

Naiinis ako.

Tinalikuran ko na lang sila at umuwi sa dorm. Feeling ko maiiyak ako sa sobrang inis eh. Ang Glaciero'ng 'yon naman, may pa 'I'm here to save you' pa dati pero di naman tinupad. Ang sarap tirisin, aaargh! Huhu.

Gusto kong matulog para pumunta sa Aerodamia, kakausapin ko si Hera. At least do'n, walang Yesha na mang-iinis sa'kin.
 
A-absent na lang ako mamaya.

____________________________________
•AQUA's POV•

Alam kong nagpipigil lang si Aerin at kahit ako ay gano'n rin naman.

No'ng una ko pa lang nakita 'yang si Chosen, di ko talaga siya bet. Ewan ko ba, kumukulo din ang dugo ko sa kanya.

Alam kong iniinis niya sa Aerin pero tinitikom ko lang ang bibig ko dahil ginagalang ko pa rin naman siya bilang tagapagmana.

Masyado siyang nakadikit sa mga boys lalong-lalo na kay Ice saka kay Faero. Ayoko siyang tawaging malandi dahil ang pagiging linta ang bagay na itawag sa kanya.

Nakakainis!

Naiinis din ako kay Ice kasi feeling ko sumusobra na siya. Sinasaktan niya si Aerin through his words at alam kong mas masakit 'yon kesa sa physical pain.

"Alam niyo, parang galit si Aerin kanina kasi nakayukom ang kamao niya" sabi ng kapatid ko.

"Oo nga eh pero wala naman tayong ginawang masama" sagot naman ni Faero.

Napansin ko rin 'yon kanina habang palabas siya. Nagpipigil lang ata siya ng galit.

"B-baka nagalit siya sa'kin? Di ko naman sinasadyang maharangan ng paa ko ang dinadaanan niya eh" humihikbing sumbong ni Chosen.

Watda? Umiiyak siya? Ba't feeling ko ang plastik ng iyak niya? Umaarte ba siya?

"Sssssh, wag mo ng isipin 'yon Chosen. Wala kang kasalanan okay?" pag-aalo naman sa kanya ni Eris habang hinahagod naman ni Aerish ang likod nito.

Parang bata ey? Napaka-espesyal ng trato nila sa babaeng 'yan. Naiinis ako sa kanya at sa kanilang lahat pero wala akong magawa. Kawawa naman si Aerin, nasaan na kaya siya?

"S-siguro kailangan kong humingi ng tawad sa kanya? K-kasi baka nga galit siya eh huhu"

"No, let her be. You don't have to say sorry. She's nothing so don't waste your time for her"

(0_0)

Nagulat ako sa sinabi ni Ice. Di ako makapaniwalang nagagawa niyang sabihan ng 'nothing' si Aerin eh dati lang napapansin kong may something sa kanilang dalawa.

Sobra na talaga siya. How could he do this to her? Paniguradong masasaktan ng sobra si Aerin kapag siya mismo ang makakarinig.

Magsasalita pa sana ako no'ng biglang may sumisigaw na papalapit sa kinaroroonan namin.

What's happening?

"Tulong! Tulong!"

Agad kaming tumayo at sinalubong ang lalaking duguan. Meghaaaad! Anong nangyari sa kanya?

"Hey! Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Faero.

"M-may mga... M-may mga d-dark mages na nanggugulo sa bayan ng Herbalia! Inutusan ako ni Ms Hailey na pumunta roon upang b-bumili ng mga halamang-gamot p-pero n-naabutan kong ginugulo nila ang mga tao roon. S-sinubukan ko silang tulungan p-pero di ko kaya dahil sa dami nila!" 

Namimilipit na rin siya dahil sa mga sugat na natamo niya. Ang bayan ng Herbalia ay ang lugar kung saan may mga pananim na mga halamang-gamot. Do'n kumukuha ang mga healers na panggamot kapag may isang malalang sakit ang isang mage na di kaya ng kanilang kapangyarihan.

"K-kailangan natin silang tulungan do'n! Di pwedeng masira ang bayan na 'yon dahil kailangan natin sila sa kahit na anong oras" sabat naman ni Aerish.

Tama siya.

Kapag darating ang nalalapit na digmaan, malaki ang maitutulong nila sa'min. Ang mga halamang-gamot nila ay mabisa at walang kapantay.

"D-dalian niyo d-dahil sinusunog nila ang bayan! Mawawala ang kanilang hanap-buhay kapag nahuli kayo"

"Ms. Ventus, bring him to the clinic together with Chosen. You'll have to stay here and don't you ever leave Chosen! Do you understand?" utos naman ni Ice.

Tumango lang si Aerish at inalalayan ang lalaki. Akmang aalis na sila papunta kay HM to ask permission no'ng pinigilan ko sila.

"S-sandali! Sasama ako sa inyo, gusto kong tumulong"

"Hindi pwede kapatid. Dito ka lang, samahan mo si Aerish na bantayan si Chosen. Di siya pwedeng mawala sa paningin niyo, siya na lang ang pag-asa natin"

Nanlumo ako sa aking narinig. Gusto ko sanang sumama para makatulong pero ginawa pa akong tagabantay ng isang bruha. Hays! What a life.
 
"M-mag-iingat kayo. S-sana magaling din ako tulad niyo para makatulong din sana ako" malungkot na turan ni Chosen kaya napaismid ako. Pakitang-tao amp.

"I'll go with you and that's final" sambit ni Eris at nauna ng pumunta kay HM.

Buti pa si Eris, makakasama kahit di pa pinayagan. Wala kasi silang magawa basta si Eris na ang mag-insist kasi kahit na di sila pumayag, gagawa at gagawa siya ng paraan para makapunta.

Subok na namin 'yang si Eris. Kilala na namin siya sa ganyang ugali. Pag sinabi niyang sasama siya, sasama talaga siya and you can't do anything about it kahit si HM pa 'yan.

"Let's go!"

"Mag-iingat kayo do'n Ice ha? Hihintayin namin kayo"

Tumango lang si Ice at agad na nag teleport. Hinawakan naman ni Faero ang kapatid ko at mabilis na pumunta sa office ni HM. 

"Aqua! Tulungan mo'ko sa kanya dali. Kailangan natin siyang dalhin agad sa clinic para magamot"

Agad akong lumapit kay Aerish at hinawakan ang braso ng lalaki. Nanghihina na siya at hinihingal.

"Pasok na!"

Sabay-sabay naman kaming pumasok sa portal ni Aerish. Ayaw pa sanang pumasok ni Chosen pero hinila ko na siya. Wag siyang maarte dahil baka masapak ko pa siya, tsk.

Ilang sandali lang ay nakarating na din kami sa clinic. Naabutan naming may ginagamot si Ms Hailey na isang mage pero no'ng nakita niya kami ay agad naman siyang lumapit.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Mahabang kwento po"

"Nasangkot po siya sa isang gulo, buti na lang at nakarating pa siya dito ng buhay" sabat naman ni Chosen.

Kahit kailan talaga pabida ang isang 'to eh.

Tumango-tango lang si Ms Hailey at pinalutang na ang katawan ng lalaki papunta sa kama upang gamutin. Napansin ko namang umiilaw ng bahagya ang wrist ni Chosen.

"Hey! Anyare sa wrist mo? Ba't umiilaw 'yan?"

Nagulat naman siya sa tanong ko at agad na napatingin sa palapulsuhan niya pati na rin si Aerish. Umiilaw ang isa sa simbolo niya at di namin alam kung bakit.

"A-ah ito ba? Ganito lang talaga siya pag may masakit sa'kin"

Eh?

"May masakit sa'yo? Ano 'yon?" nag-aalalang tanong ni Aerish.

"A-ah Oo, masakit ang tyan ko. C-cr muna ako ha?" nagmamadali niyang sabi.

"Samahan na kita" alok ko naman.

"Wag na. Kaya ko naman eh saka don't be too obliged na bantayan ako okay? Saka meron naman ako nito diba? Malalaman niyo rin naman pag may masamang mangyari sa'kin eh"

Napatango naman kami sa sinabi niya at hinayaan na lang siya. Sabagay, malaki na siya at kaya na niya ang sarili niya. Prinsesa ako at hindi bodyguard!

Nagmamadali naman siyang lumabas ng clinic. Ba't kaya sumasakit ang tyan niya? May nakain kaya siyang masama?

Pagkaalis ni Chosen ay hinarap ko si Aerish. Gusto ko kasing puntahan si Aerin para kausapin eh pero kailangan ko munang magpaalam sa kanya, baka kasi hanapin niya ako.

"Aerish, may pupuntahan lang ako saglit ha?"

"Saan ka naman pupunta? May binabantayan tayo oh"

"Hays! Ano ka ba? Di naman bata 'yon saka saglit lang naman ako eh. Ikaw na bahalang maghintay sa kanya, babalik din naman ako agad"

Nakita ko pang sumimangot siya pero pumayag din naman.

"Yeeeey! Alis na ako"

"Balik ka kaagad ha? Malalagot ka talaga sa'kin pag matagalan ka"

"Oo na"

Agad naman akong umalis at nagtungo sa may locator. Isa siyang salamin na nakapatong sa isang kahon malapit sa 'healing fountain'. Di ko kasi alam kung saan ko matatagpuan si Aerin kaya kailangan kong alamin do'n sa salamin.

Pagkarating ko do'n ay agad kong kinuha ang salamin at nagtanong.

"Salamin! May hinahanap ako, maaari mo bang ituro sa'kin kung saan ko siya matatagpuan?"

Kahit di ko sabihin kung sino ang hinahanap ko, alam na niya 'yon dahil sa nakikita niya ang repleksyon ko.

Umilaw ang salamin kaya ibinalik ko na ito sa lalagyan niya. No'ng tumigil ang pag-ilaw niya ay agad akong dumungaw. Nakita kong naka-flash do'n ang dorm nila kaya agad akong pumunta do'n.

Gusto ko siyang kausapin at humingi ng sorry sa kanya. Alam kong nagtatampo siya o di kaya naiinis sa'min. Nami-miss ko na din kasi siya eh.

Hays! Naaawa talaga ako kay Aerin kasi feeling ko, wala siyang kakampi. Di naman siya matulungan ng mga kaboardmate niya dahil ayaw din nilang madamay sa mga parusa niya.

Ilang sandali pa'y nandito na ako sa harap ng dorm nila. Hindi naka-lock ang main door kaya pumasok na ako. Nasaan kaya dito ang kwarto niya?

Isa-isa kong tiningnan ang mga kwarto. May mga pangalan palang nakalagay kaya di na ako nahirapan pang hanapin ang sa kanya.

Kakatukin ko na ba? Kinakabahan ako!

Sinubukan kong katukin ang pinto niya at naghintay ng ilang minuto pero walang nagbukas. Nandito ba talaga siya?

Baka tulog?

Pinihit ko ang door knob at nakakapagtatakang di niya ni-lock ito. Grabe, masyado naman siyang nagpapakampante. Paano na lang kung may masasamang-loob ang pumasok dito? Mag-isa pa naman siya.

Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa'kin ang disenyong katulad do'n sa kwarto niya sa dorm namin. Ang kwartong 'yon ay naging kwarto na ni Chosen.

Tiningnan ko ang higaan niya, wala naman siya do'n. Akmang papasok na ako no'ng nakita ko siyang nakaupo sa may sahig na parang nagyo-yoga at nakapikit.

Anong ginagawa niya?

Nag exercise ba siya? Nagyo-yoga?

Ibang klase.

Pinapanuod ko lang siya pero ilang sandali lang ay biglang nagliwanag ang kanyang buong katawan.

(0_0)

Watdahek?!

Anong nangyayari sa kanya? Is she practising her power?!

Bumalot ang liwanag sa buong kwarto kaya napapikit ako. Ang sakit kasi sa mata eh, ba't ba kasi ganyan siya?

No'ng naramdaman kong wala ng liwanag ay iminulat ko na ang mga mata ko. Kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ay ang sobrang pagkagulat ko at gano'n din siya no'ng nakita niyang nakatayo ako malapit sa pintuan niya.

"Rain?!" gulat na gulat niyang tanong sa'kin.

Di ako makapagsalita dahil sa nasaksihan ko. Nag-iba ang itsura ni Aerin no'ng nawala ang liwanag, she transformed!

S-siya ang sinasabi ni Faero sa'min? 'Y-yong babaeng sinasabi niyang tumutulong sa kanila?

"I-ikaw si L-luna?"

____________________________________
•SOMEONE's POV•

"Ayoko! H-hindi ko kaya 'yon!" tanggi ko sa kanya.

Ayokong gawin ang pinapagawa niya dahil di ko kaya. A-ayoko ng ganito pero wala akong magagawa.

"Gagawin mo ang gusto ko kung ayaw mong papatayin ko ang mga magulang mo HAHAHAHA" malademonyo niyang tawa.

A-ang mga magulang ko.

Ayoko silang mawala sa'kin!

Ayoko!

"G-gagawin ko na, gagawin ko na. W-wag mo lang patayin ang mga magulang ko. M-maawa ka sa'kin" pagmamakaawa ko sa kanila.

"Mabuti. May isa pa akong ipapagawa sa'yo. Alamin mo kung sino ang babaeng laging tumutulong sa kanila at ipaalam mo agad sa'kin! HAHAHAHAHAHA"

Tumango lang ako sa kanya. Masyadong masakit sa tenga ang pagtawa niya.

Kung kailangan kong gawin ang bagay na 'yon para iligtas sila, gagawin ko na.

Isa lamang akong hamak na anak na ayaw mawala ang mga magulang. Hindi niyo ako masisisi, ginagawa ko 'to para sa kanila.




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro