Chapter 46: Saved

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Nandito na kami sa dulo nitong tulay. Hinihintay na lang namin na tumigil na sa kakaronda ang mga kawal. Muntik pa kaming mahuli kanina buti na lang at nakapag-isip ako ng paraan.

Just like the typical one, umarte ako bilang pusa! Ang galing ko palang mag 'meow meow' ey.

Nga pala, kaya napasigaw si Daph kanina kasi nabigla lang siya. Nakabitaw kasi siya sa ikalawang tali, akala niya mahuhulog na siya eh nakatali din naman ang katawan niya.

Kinabahan pa ako sa kanya. Kung malapit lang siya sa'kin, baka kanina ko pa siya sinapak.

Pero joke lang, baka tustahin ako no'n.

"Aerin, bakit hindi na lang tayo gumawa ng ingay do'n sa kabila para do'n sila magpunta?" suggest naman niya.

"Aynaku Daph, kapag ginawa natin 'yon, magpapanic na naman ang mga kawal na 'yan. Kahit wala silang nakita do'n, mas hihigpit pa ang pagbabantay nila kaya mahihirapan tayo" explain ko pa sa kanya.

Tumango lang siya at di na nagsalita. Nakabitin pa rin kami pero kunting akyat lang sa tali ay makakarating na kami sa itaas na bahagi nitong tulay kung saan nando'n ang ilang mga kawal pati na ang lagusan papunta sa kaharian ng Tenebris.
 
No'ng nakita ko na bumalik na sa pwesto ang mga kawal ay nilingon ko si Daph at sumenyas sa kanya.

"Akin na ang lason, Daph"

May hiningi din akong lason kay Caeli bago kami pumunta sa cafeteria kaninang umaga. Powderized din 'to kaya kapag nalanghap nila ay boom patay! Maninigas din ang mga katawan nila dito hihi. 

"Daph, isuot mo ang mask mo" utos ko sa kanya.

No'ng nakasuot na kami ng mask ay sumenyas ulit ako kay Daph na manatili muna siya dito sa ibaba dahil ako na muna ang pupunta do'n para lasunin ang mga kawal. Mas mabuti ng isa lang ang lalabas para di masyadong mapansin.

Tumango lang siya kaya dahan-dahan akong umakyat paitaas. Dahil sa puro itim kong suot, di nila ako napansin pero agad akong napatigil no'ng nakita ko ang mga ito.

Nakatayo lang sila kaya paniguradong mahihirapan ako kasi mas matangkad sila sa'kin. Paano ko mailalapit ang lason sa ilong nila? Di pa naman ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan.

Teka---tama! Si Froy, maliit siya at nakakalipad kaya mahirap sa mga kawal ang makita siya! Kailangan ko siya ngayon. Di kasi pwede si Eggy, ang laki kaya no'n.

Tinawag ko lang si Froy at di nagtagal ay lumabas din siya. Pero dahil sa kulay ng dust niya, for sure makikita talaga siya. Paano ba?

"Master!"

"Froy, may iuutos ako sa'yo pero bago 'yon, hindi ba pwedeng ibahin ang kulay ng mga dust mo?" tanong ko pa sa kanya.

Nakita ko kasi si Daldalita dati na nag-iba ang kulay ng dust no'ng tinawag kuno siya ni Glaciero. Sana pwede din si Froy diba?

"Pwede naman po, depende po sa situation"

"Sige. Gusto ko ibahin mo ang kulay mo, 'yong di ka nakikita ng mga kawal"

"Sige po master!"

Umikot ng ilang beses si Froy hanggang sa unti-unti siyang nag-iba ng kulay. Nagulat pa ako kasi sobrang cool lang niya tingnan.

"Tapos na po!"

"Wooooah! Ang galing mo Froy, saktong-sakto ang kulay mo ngayon"

He's now a black fairy! Oh diba? English hihi. Ang cute niya talaga.

"Oh ito ang gagawin mo, makinig ka ha? Dalhin mo itong maliit na bottle, lason ang laman niyan kaya pigilan mo ang paghinga mo. Kailangang magawa mong ipalanghap sa kanila ang lason para mamatay sila at manigas" bulong ko sa kanya.

"Papatay po ako?" gulat naman niyang tanong.

"H-ha?" di ba pwede?

"Kasi po ayoko pong pumatay master eh"

"Hays! Ano ka ba? Masasama naman sila kaya okay lang 'yan. Sige na, mauubusan na tayo ng oras nito" sabi ko pa.

Tumango naman si Froy at lumipad na dala ang maliit na bottle. Sana lang at magtagumpay siya, umaasa kami sa kanya ngayon.
 
____________________________________
•FROY's POV•

Labag sa kalooban itong ginagawa ko pero dahil utos ito ni master kaya napasabak ako. Kailangan ko siyang sundin dahil siya na ngayon ang amo ko.

Sabagay, ang sabi ni master ay masasama ang mga kawal na ito kaya okay lang na patayin sila. Unang beses ko itong gagawin kaya kinakabahan din ako.

Bitbit ang maliit na bote, lumipad ako palapit sa unang kawal. Sobrang laki niya naman, nakakatakot. Natatakot ako na baka makita niya ako at mapagkamalang lamok tapos papaluin saka pipisain huhu.

Ayoko pang mamatay kaya uunahan ko na sila.

Lumipad ako sa uluhan nito para di niya ako masulyapan. Huminga ako ng malalim tapos pinigilan ito sabay bukas ng takip. May usok na lumabas mula sa bote papunta sa malaking ilong ng kawal. Sumisinghot-singhot ang kawal at ilang sandali lang ay nanigas na ang katawan nito. Patay na kaya siya?

Siguro nga.

Makalipat na nga sa kabila.

Gano'n pa rin ang ginawa ko sa ibang kawal at gano'n rin ang resulta. Naninigas sila pero nanatiling nakatayo, mabisa pala talaga ang lason na 'to.

Kailangan ko ng makabalik sa kinaroroonan ni master dahil mauubusan na ako ng hininga. Tagumpay ang ginawa ko, sana may gantimpala ako hehe.
 
"Master! Master! Tapos na po"

"Ang galing mo Froy! Bibigyan kita mamaya ng paborito mong pagkain" masaya nitong sabi sa'kin.

Woah! Ang ganda ni master!

Ang saya! Makakakain na naman ako ng paborito kong pagkain. Yeheeeeey!

____________________________________
•AERIN's POV•
 
Masaya ako dahil napagtagumpayan ni Froy ang ipinagawa ko sa kanya. Mabuti na lang pala at nandito siya para may makatulong sa'min kahit papaano.

Nakatayo pa rin ang mga kawal pero patay na sila at naninigas. Di mahahalatang patay na dahil gano'n pa rin ang pwesto nilang lahat.

"Daph, diba alam mo kung saan nakakulong ang mga magulang mo?" tanong ko kay Daph.

"Oo" sagot niya.

"Mabuti. Ikaw na ang mauna dahil ikaw ang nakakaalam kung nasaan sila. Susunod ako sa'yo"

Tumango lang siya at umakyat na papunta sa itaas, sumunod naman ako sa kanya.

"Sandali Aerin, kailangan nating mag-ingat. May mga malilit na lubid na nakakakonekta do'n sa may parang bell. Kapag may natapakan tayong kahit isa dyan, malalagot tayo!" sabi ni Daph sa'kin.

Tiningnan ko naman ang tinuro niya. Meron nga! Maliliit lang at halos di na makita. Sa tingin ko, kapag natapakan namin 'to, tutunog ang bell at 'yon ang magiging hudyat nila na may paparating na kalaban.

Hmm, magaling silang mag-isip huh.

Sa likod ng palasyo kami dumaan at may nakita kaming pintuan papasok sa loob pero may nakabantay pa ring mga kawal. Ano ba 'yan? Ang dami naman nilang kawal, hays!

"Froy, ikaw na bahala sa mga kawal ha?"

"Opo master!"

Tulad kanina, lumipad palapit si Froy sa mga kawal at ilang sandali lang ay nanigas na rin ito at di na gumagalaw, malamang.

Pumasok kami agad at nagtago rin sa gilid dahil may mga utusan pa ang narito. Madilim ang paligid kaya may nakalagay na mga sulo sa gilid. Parang kusina ata ang lugar na 'to kasi may bitbit na pagkain ang ilan sa kanila.

"Aerin! Naisip mo ba ang naiisip ko?" bulong na tanong ni Daph.

Ano daw?

Iisa ba ang utak namin at maiisip ko ang naiisip niya? Ayy iba! Haha jowk lang ey. 

"Hindi eh, ano ba 'yon?" taka ko ding tanong.

"Nakikita mo ba ang mga utusang 'yan? May dala silang pagkain at paniguradong dadalhin nila 'yan sa mga bihag nila" sabi pa niya.

"Oh, eh ano ngayon?"

Ano bang gagawin?

"Pwede natin silang gayahin, magpanggap tayong utusan pero dapat may papatayin tayong dalawa sa kanila"

Oo nga noh? Maganda nga 'yon para mapadali kami.

"Pero mababait po sila kaya di po sila dapat pinapatay!"

Nagulat kami sa biglaang pagsulpot ni Froy. Alam ko naman 'yon kaya lang no choice kami.

"Alam namin 'yon kaya lang dapat silang isakripisyo para magtagumpay tayo. Gusto mo bang mahuli nila tayo?"

Umiiling-iling naman siya at lumipad na papunta sa balikat ko. Itim pa rin ang kulay niya kaya di siya mahahalata. 

"May papalapit sa kinaroroonan natin, sakto dalawa sila!" sambit ni Daph kaya naghanda na ako.

Pagkapasok ng dalawa ay agad akong umatake. Tinakpan ko ang bibig ng isa para di siya makasigaw tapos inilapit sa kanya ang bote ng lason kaya nanigas rin siya. Ipinasa ko rin kay Daph ang bote kaya natigil na rin ang pagpupumiglas ng babae.

"Aerin, sa tingin ko ubos na ang lasong 'to"
 
Ubos na? Sabagay, medyo marami na ring kawal ang napatay ng lasong 'yon.

"Hayaan mo na"
 
Hinubaran na namin ang mga babae pero syempre 'yong panglabas na kasuotan lang, duh. Mataas ang suot nila na parang pang madre pero luma na, may mga gusot na nga eh.

May pantakip din sila sa ulo na halos matatabunan na ang mukha. Tamang-tama para di kami mahalata. Kinuha na din namin ni Daph ang dala nilang pagkain, natapon pa ang ilan pero di naman marami.

"Tara na, sumunod ka sa'kin"

Tae! Kinakabahan ako. Papasok na talaga kami sa loob, makikita ko na kaya ang hari nila? B-baka may makahalata, mahirap na.

Lumapit ako ng kaunti kay Daph at bumulong...

"Daph? Nasaan ba ang hari nila?"

"Sa tingin ko, nando'n sa silid niya pero wag mo na siyang hanapin. Ang mga magulang ko ang pakay natin saka di dapat tayo magtagal sa lugar na 'to dahil ilang sandali lang ay mapapansin nilang patay na ang ilan sa mga kawal nila"

Ayy, sabi ko nga eh. Kailangan naming magmadali.

"Aerin, yumuko ka! May makakasalubong tayo"

Hala!
 
Agad naman akong yumuko. May nakasalubong kami pero di ko nakita ang mga mukha nila dahil nga sa nakayuko ako pero ang alam ko, babae ang isa sa kanila dahil na rin sa amoy nito. Ramdam kong malalakas sila, sino kaya ang mga 'yon?

"Sandali!"

(0_0)

Paktay! T-tinawag kami no'ng babae!

Tumigil naman kami ni Daph pero nanatili kaming nakayuko. Jusko! Ano bang kailangan ng babaeng 'to?

"Pagkatapos niyong ihatid ang mga pagkaing 'yan, magdala din kayo ng pagkain sa kwarto namin, maliwanag?" ma awtoridad niyang utos sa'min.

Tumango lang kami pero di pa rin siya tumatalikod. Ano ba naman 'yan? May hinihintay pa ba 'to?

"Mga pipi ba kayo?!" sigaw niya kaya nagulat ako.

Takte!

"H-hindi po. I-ihahatid po namin do'n sa kwarto niyo ang pagkain" kinakabahan kong sabi.

"Good. Umalis na kayo!"

Dali-dali naman kaming tumalikod at nagtungo sa mga kulungan. Whew! Kinabahan ako do'n ah.

"Aerin, ang galing mong mag-iba ng boses ah" manghang sabi ni Daph.

"Oo, sinadya ko 'yon. Paano na lang kung mga spy 'yon sa Academy natin? Baka makilala pa tayo. Mas mabuti ng mag-ingat kesa magsisi"

"Sabagay, tama ka. Halika na, malapit na tayo"

Nagmamadali kaming pumunta sa may madilim na bahagi ng kulungan. Nakita kong marami ang mga nakakulong dito at nakakaawa silang tingnan.

May dalawang bantay ding nandito pero di naman nila kami sinita no'ng nakita nilang may bitbit kaming pagkain.
 
"Nasaan ba sila Daph?"

"Nandito lang 'yon eh. Dito ko sila nakita no'ng kinausap ako ng hari nila"
 
N-nakausap niya ang hari? Waaaaah! Sanaol diba?

"Nakita mo na ang hari?" tanong ko naman.

"Hindi. Boses niya lang ang narinig ko habang pinapakita sa'kin ang kinalalagyan ng mga magulang ko at dito lang 'yon pero nasaan na sila?" nababahala niyang tanong.

Kahit ako ay di rin alam 'yon noh! Pero sa tingin ko, ang mga bantay na 'to ay may alam kung nasaan ang mga magulang ni Daph.

Kailangan ko silang tanungin, bahala na.

Lumapit ako sa kanilang dalawa habang bitbit ang pagkain. Napaangat naman sila ng tingin at naghintay sa sasabihin ko.

"N-nasaan na po ang mag-asawang Frey? Maghahatid lang po ng pagkain"

Tinignan pa nila ako mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis. Aba'y mga judger kung makatingin ang mga 'to ah!

"Ba't mo pa tinatanong? Hindi ba't dapat alam niyo ang bagay na 'yan dahil kayo ang tagapaghatid ng kanilang mga pagkain?!"

Ayy gano'n ba 'yon? Dapat ba talaga alam? Uh-oh, my bad.

"Pasensya na po, baguhan lang po kasi kami eh"

Napansin kong lumapit si Daph at palihim na kinurot ang likod ko. Abaaaa! Nananakit pa ang isang 'to eh naghanap na nga ako ng paraan.

"Baguhan? Walang baguhan sa mga tagapaghatid ng pagkain! Niloloko niyo ba kami?!"

Oh? Ba't parang galit ka manong? Bawal ba magtanong? Tae nito.

"Hindi kaya mga kalaban kayo?! Aha! Kalaban nga ka---------"

Hindi ko na siya pinatapos. Pandak si manong kaya nagawa ko siyang suntukin sa mukha pero infairness, ang tigas ng mukha niya kaya sumakit ang kamay ko. Dumugo lang ang ilong niya at sinugod ako pero ilag lang ako nang ilag.

"Daph! Ikaw na bahala sa isa" bulong ko kay Daph.

Kailangan namin silang patayin dahil baka mahuli kami dito. Suntok lang ako ng suntok at gano'n din naman siya. Ano 'to? Boxing? Sorry manong, may kutsilyo ako dito hihi.

Inilabas ko ang dagger na nakasuksok sa tagiliran ko. Nagulat naman siya pero parang di naman natakot. Aba'y matapang! Sayang, di ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan.

Sinipa ko siya sa tiyan kaya napaupo siya sa semento. Akmang sasaksakin ko na siya no'ng sinipa niya rin ako kaya tumilapon ako sa may dingding. Jusko! Nakaganti amputek ey?

Tatakbo na sana siya palabas kaya inihagis ko ang dagger sa kanya. Tumama ito sa likod niya pero di niya ito ininda kaya dali-dali kong kinuha ang ibang daggers at inihagis sa kanya.

Ayuuuun! Patay na. Para lang akong naglaro ng dart hehe. Sorry manong, ipapahamak mo pa talaga kami ah.

Dali-dali ko naman siyang hinila papasok, kinuha ko ang mga daggers at pinaupo siya sa kinauupuan niya kanina. Infairness ha, ang sakit ng pagsipa niya kanina.

Nilingon ko si Daph, buhay pa ang sa kanya. Nakatali na ang mga kamay nito at may busal na din ang bibig.

Ang galing!

Buti binuhay niya pa ang isang 'yan para may mapagtanungan kami.

"Ituro mo sa amin ngayon din kung nasaan ang mga magulang ko kung ayaw mong patayin ka namin!" utos ni Daph dito.

Tumango-tango naman ang lalaki dahil di naman siya makapagsalita. Nauna itong maglakad kaya sumunod kami sa kanya.

_____
 
Nakaharap kami ngayon sa isang maliit na pintuan. Dito tumigil ang bantay kaya paniguradong nasa loob nito ang mga magulang ni Daph.

Dumaan kami kanina sa isang makitid na hagdanan. May nakita pa kaming mga nakakulong din, nakatingin lang sila sa'min at di nagsasalita. Umiiyak ng patago ang ilan, naaawa ako sa kanila pero hindi ko pa sila kayang iligtas ngayon.
 
Sana makalabas pa sila at mabigyan ng pagkakataong mabuhay.

"Buksan mo na!" utos ni Daph sa lalake.

"Hoy! Ano ka ba naman? Nakikita mo naman sigurong may tali ang mga kamay niya kaya paano niya 'yan mabubuksan?" nakataas-kilay na tanong ko sa kanya.

Adik ba siya?

Kinuha ko naman ang susi na nakasabit sa pantalon ng bantay. Sobrang dami ng susi kaya di ko malaman kung saan dito ang susi nitong kwarto.

"Hoy ikaw! Nasaan dito ang susi sa kwartong 'to?" tanong ko sa kanya sabay kuha sa kanyang busal.

"Wag niyo akong papatayin! S-sasabihin ko na. Y-yang may pulang marka, 'yan ang susi dito"

Agad kong kinuha ang susi na may pulang marka pagkatapos ay binuksan na ang pinto, bumukas naman agad ito. Binalik ko ang busal sa bibig niya at pagkatapos ay hinarap na namin ang napakadilim na kwartong 'to.

Bakit dito nila inilagay ang mga magulang ni Daph? Sobrang dilim, wala akong makita.

"Ina? Ama?" tawag ni Daph pero walang sumasagot.

"Ina? Ama? Nandito ako, si Daph na anak niyo. Nasaan kayo?"

Pero wala pa rin. Galit na hinarap ni Daph ang bantay at tinatanong kung nasaan na sila. Hindi rin siya sumasagot kaya bigla na lang siyang sinaksak nito. Kawawa naman.

"Ang brutal mo naman Daph"
 
"Tumahimik ka. Bakit walang sumasagot? Nasaan ba sila?"

Aba malay ko noh. Ano bang alam ko?

Pakapa-kapa kaming pumasok para hanapin sila. Ang dilim dito, nakakatakot. Panay pa rin ang pagtawag ni Daph hanggang sa bigla na lang siyang umiyak.

"Ina? Ama? Kayo na po ba ito? Ina! Magsalita po kayo!"

Naiiyak siyang pumitik-pitik kaya nagtaka ako. May balak ba siyang gumamit ng kapangyarihan? Hindi pwede! B-baka mahuli kami.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko.

"Hindi gumagana ang kapangyarihan ko! Bakit ganito?"

Aba'y gumamit nga! Pero ano daw? Di gumagana? Sinubukan ko namang gamitin ang akin pero ayaw din kaya napamura ako. Sheeeet! Anong gagawin namin?

"Hmmm ugh!"

(0_0)

M-may umungol.
 
"Ina? Ama? Nandito ako!" tawag  ulit ni Daph sa kanila.

Kailangan na namin silang makita para makaalis na kami dito. Baka may papunta dito, lagot na.

"A-anak?"
 
"Ina! Ama!"
  
Narinig kong umiiyak silang tatlo kaya naiyak na rin ako. Jusko! Ano ba naman 'yan? Parang naiinggit tuloy ako. Buti pa si Daph, nayayakap niya ang mga magulang niya. Ako kaya? Kailan ko kaya mayayakap ang mga magulang ko? Saan ko kaya sila hahanapin? Hays, nakakalungkot lang.

Naghintay lang ako sa kanila at di na nagsalita pa. Binabantayan ko rin ang paligid dahil baka may biglang susulpot. Di pa naman kami makakagamit ng powers. Tingin ko may negation na nagaganap dito.

"Bakit dito nila kayo ikinulong ina?" tanong ni Daph.

"Sinisiguro ng Dark King na hindi mo na kami mahahanap anak pero nagkamali siya dahil natagpuan mo pa rin kami"

Hello po tita, kasama po ako ni Daph kaya pati rin ako kasali sa usapan huhu.

"Ina, ama, kasama ko po pala si Aerin sa pagligtas sa inyo"

"Hello po" bati ko sa kanila sabay kaway kahit di nila ako nakikita.

Ba't ba? Eh gusto kong kumaway ey.

"Anak, umalis na kayo dito dahil baka mahuli pa kayo" sabi naman ng ama niya.

Ay Tito? OKs lang po ba kayo? Kayo nga ang pinunta namin dito tapos ngayon, papaalisin mo kami? Abaaaa tama ba 'yon? Naku ah.

"Hindi ama, ililigtas namin kayo. Teka, ano 'to? Kadena? Aerin! Nakakadena sila"

Naka-kadena?

"Gamitin mo ang susi" sabi ko pa.

"W-walang kandado eh"

Ano? Walang kandado? Pwede ba 'yon? Ayy magic nga pala kaya wala talagang impossible, hays.

"Froy? Pwede mo na bang ibalik ang kulay mo? Para may kunting liwanag naman dito" baling ko kay Froy.

Naramdaman ko namang umalis siya sa balikat ko at ilang sandali lang ay may kunting liwanag na lumabas mula sa katawan niya, sakto lang para makita ko ang nasa loob nitong kwarto.

Glow in the dark si Froy kaya natural na liliwanag ang paligid namin.

Tiningnan ko ang mga magulang ni Daph. Ang dungis ng itsura nila at halatang pagod na pagod na. Nakakadena ang mga kamay at paa tapos may isa pang kadena na nakadikit sa dingding.

Grabe! Parang tino-torture naman nila 'tong dalawang matanda, kawawa naman.

Sinubukan kong putulin ang kadena gamit ang dagger pero di man lang ito napano. Paano ba 'to? Wala kaming ibang gamit na pwedeng gamitin!

Umiiyak na si Daph habang nakayakap sa mga ito at parang di mapakali. Gustong-gusto niya na talagang ialis ang mga magulang niya dito pero wala siyang magawa.

Ilang sandali lang ay sabay kaming napatingin sa kisame. May pulang bagay ang umiilaw do'n na naging dahilan upang mabahala ang dalawang matanda. Bakit kaya?

"Anak! M-magtago na kayo!" sigaw nito sa'min.

"Bakit po?"

"'Yan ang hudyat na may paparating na rito! 'Yan din ang ginamit nila para di namin magamit ang aming kapangyarihan kaya umalis na kayo! Hayaan niyo na kami rito!"

Gano'n pala 'yon?

"Hindi! Hindi kami aalis dito hangga't hindi namin kayo kasama. Aalis tayong lahat dito, matatanggal ko din ang kadenang 'to ina" humihikbing sabi ni Daph.

Leche! Naiiyak ako huhu.

Ilang sandali lang ay naririnig na namin ang mga nagsisigawang mga kawal. Siguro nakita na nilang patay ang isang bantay. Lagot na, di kami makagamit ng kapangyarihan! 

Pero ako ang chosen heiress, alam kong magagamit ko ang mga kapangyarihan ko kung tutuusin kaya lang di ko pwedeng gamitin ang mga 'yon ngayon dahil baka magtaka lang sila Daph at baka malaman pa ng Dark King. Hindi pa kumpleto ang mga elemento kaya hangga't maaari ay iiwasan ko munang may makaalam ng sekreto ko.

I'm sorry, Daph.

"Daph! Kailangan nating magtago, nandito na sila!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi! Dito lang ako. Kailangan ko silang iligtas! Ililigtas ko sila" umiiling-iling nitong sabi.

Alam ko 'yon pero dapat magtago muna kami!

Akmang lalapitan ko na sila Daph no'ng tumalsik ako sa may dingding. Tae! May sumipa sa'kin! Kabayo ba sila? Naninipa amputek ey?

"Sino kayo?!" malakas na sigaw no'ng babae.

Teka?--- ito 'yong babae kanina ah. Ba't siya nandito? Paano nila nalamang nandito kami sa kwartong 'to?

"Wala kang pakialam! Hayaan mo na kaming umalis!" sigaw naman ni Daph.

Haynaku Daph, wala kang mapapala dyan.

"At sinong tanga ang susunod sa sinabi mo? Ah baka ikaw ang anak ng dalawang matanda HAHAHAHA ang lakas naman ng loob niyong pumarito. Hindi ba kayo natatakot?" nakangisi nitong tanong.

Duh, ba't naman kami matatakot? Aswang ba sila? Multo? Vampire? Abaaaa!

"Hindi kami natatakot sa'yo!" sigaw ulit ni Daph.

Ang tapang naman ng isang 'to. Baka kung ano pang gawin no'ng babae sa kanya, lagot talaga siya.

Dahan-dahan naman akong tumayo, ang sakit pa ng likod ko putek talaga. Ngumisi pa ang babae at iniikutan sila Daph. Lumiwanag na ang buong paligid dahil na rin sa ilang mga kawal na may dalang sulo.

"Hindi ko alam kung anong nakain niyo at ganyan kayo katapang. Ang galing niyo rin dahil nagawa niyong pumasok, nakakabilib naman kaya lang, di ko alam kung makakalabas pa kayo ng buhay dito"

Eh?

Kung di kami makakalabas ng buhay, eh di lalabas kaming patay. Sus! Basic.

"Demonyo ka! Walangya kayo!"

Jusko Daph! Tigil-tigilan mo na ang kakasigaw baka patayin ka ng babaeng 'yan. Penge ng katapangan beh, kalowka ka.

"HAHAHAHA talaga lang ha" sambit nito.

Nagulat naman kaming lahat no'ng nagsisigaw sa sakit ang mga magulang ni Daph. Taena! Kinuryente pa ata ng demonyitang 'to ey. Ang sama ng ugali!

"Anong ginawa mo?! Tigilan mo 'yan! Walangya ka! Wag ang mga magulang ko! Maawa ka sa kanila! Please lang, itigil mo na 'yan" pagmamakaawa ni Daph sa kanya habang umiiyak.
 
Putek! Nakakaawa ang kalagayan niya. Di niya alam kung paano patigilin ang sakit na nararamdaman ng mga magulang niya. Gusto niya itong hawakan pero di niya magawa dahil sa kuryente. Di ko kayang tingnan lang si Daph, naaawa ako sa kanya.

Ang sama talaga ng babaeng 'to!

Kailangan kong mag-isip ng paraan. Kailangan kong makahanap ng paraan kung paano kami makatakas dito.

Tama!

Ang batong umiilaw sa kisame! Kailangan ko 'yang sirain para mawala ang bisa nito. Pero mahihirapan ako lalo na ngayong sumasakit ang likod ko. Anong klaseng sipa ba 'yon? Parang nalaglag ang isa kong organ takte!

"Tigilan mo na 'yan! Ako na lang ang saktan mo, wag na sila! Please? Ako na lang"

Daph...

Lumuluhod na siya ngayon sa harap no'ng babae pero tinatawanan lang siya nito. Tumigil naman sa pagsigaw ang mga magulang ni Daph, indikasyon na tinigilan na rin no'ng babae and pagkuryente sa mga ito.

"Hindi ako naaawa sa inyo babae! Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'awa' kaya maghanda na kayo dahil ito na ang katapusan niyo! HAHAHAHA"

Dahan-dahan kong kinuha ang dalawang daggers sa tagiliran ko. Akmang titirahin niya sila Daph no'ng naunahan ko siya. Sabay kong ibinato ang mga daggers papunta sa kanya at sa kisame. Hindi naman niya 'yon inasahan kaya natamaan siya sa tagiliran.

Hindi ko alam kung sadyang bobo lang ang mga kawal niya kaya siya ang tinutulungan ng mga ito imbis na patayin kami pero salamat sa kabobohan nilang taglay.

No'ng tuluyan ng nasira ang bato ay agad kong tinawag si Eggy. Lumabas naman agad ito at nag transform. Sobrang nagulat pa ako dahil palaki ng palaki si Eggy at ngayo'y bumubuga na ng apoy. 

"W-woooooah!"

Nagsisigawan ang mga kawal na natatamaan ng apoy at alam kong may paparating pa kaya kailangan na naming makatakas.

"Aerin! Tulungan mo'ko!"

Agad akong lumapit sa kinaroroonan nila Daph. Tinulungan ko siyang sirain ang mga kadena gamit ang kapangyarihan ko. Ilang sandali lang ay nagawa na din namin silang pakawalan pero may mga nakalapit pa ring kawal sa'min.

Nakikipaglaban pa muna kami sa kanila kaya natagalan kami. May nagbato ng lighting sa'min pero buti na lang at nakagawa agad ng shield ang ina ni Daph.

Tinawag ko naman si Eggy na pumasok na sa'kin para makaalis na kami. Siniguro ko ding nasa loob si Froy, baka maiwan pa mahirap na.

"Kailangan na nating umalis, hindi masyadong matibay ang ginawa kong pananggalang dahil nanghihina na ako" hinihingal na sambit ni tita.

Oo nga pero di pa pumasok si Eggy!

"Aerin! Ang powder!"

Hawak ko na ang powder pero hinihintay ko pa si Eggy, di ko siya pwedeng iwan!

"Eggy! Tara na!"

Nagulat ako no'ng hinablot ni Daph ang powder at isinaboy. Anong ginawa niya? Wala pa si Eggy!

Sh*t!

Naramdaman ko na lang na humangin ng malakas pero bago pa kami nakateleport ay nakita ko pa ang isang taong nakasuot ng kapa at korona, siya na ba ang Dark King?

N-nakakatakot ang tingin niya.

Ilang sandali lang ay nakalapag na kami sa bukana ng Luxier Academy pero nanatili akong tahimik. Bakit gano'n si Daph? Di man lang siya naghintay kahit sandali lang para kay Eggy.

Nakita kong nagyakapan silang tatlo. Nakikita ko ang saya at pagkasabik sa kanilang mga mata. Nakakainggit, hays! Ang sama naman ng nararamdaman ko. Di dapat ako makaramdam ng ganito, masama 'to eh.

"Aerin? Salamat ha? Utang na loob ko ito sa'yo" nakangiting sabi sa'kin ni Daph.

Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niya kanina pero di ko magawa. Alam kong ginawa lang niya 'yon para sa kaligtasan ng lahat.

"Wala 'yon. Tungkulin ko ang tumulong sa nangangailangan Daph"

"Anong ibig mong sabihin?"

Dahil ako ang chosen heiress at responsibilidad ko ang lahat ng nasasakupan sa Lux Kingdom.

"Misyon ko 'yon diba? Nailigtas na natin ang mga magulang mo kaya for sure, babawasan na ni HM ang parusa sa'yo" sabi ko na lang.

Hays! Syempre, hindi ko pwedeng sabihin ang totoo.

"Pasensya ka na Aerin ha? Naiwan pa tuloy ang alaga mo"

Nalungkot naman ako dahil do'n. Si Eggy, ano na kayang nangyari sa kanya?

"Master! Tingnan niyo po oh!"

Nagulat ako sa sigaw ni Froy at tiningnan ang itinuro niya, ang magic bag. Dala ko nga pala ito mula pa kanina! P-pero bakit parang may gumagalaw?

Kinuha ko ang magic bag at agad na binuksan. Nagulat naman ako no'ng nakita ko ang maliit na version ni Eggy. Teka? Paano siya napunta dito?

"Bago tayo nakaalis do'n ay kinontrol ko ang alaga mo papasok dyan sa magic bag bilang pasasalamat na rin sa pagkakaligtas mo sa'min anak"

Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko no'ng tinawag akong anak ng ama ni Daph. Unang beses kong narinig na may tumawag sa'kin ng gano'n kaya sobrang na-touch ako huhu.

Tumingin ako kay Daph at pagkatapos ay niyakap ang mga magulang niya. Tumawa naman ang mga ito at niyakap ako pabalik. Sheeeet! Ang saya pala!

"Pwede ba akong sumali?" tanong pa ni Daph kaya tumawa kami at nagyakapan.

Ngayon, feeling ko parang may pamilya na rin ako.

Ang sayaaaaaaa!



-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro