CHAPTER 47: Where's Chosen?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•DARK KING's POV•

"MGA WALANG SILBI!" sigaw ko sa aking mga tauhan.

Talagang ginagalit nila ako. Akala ko'y magagaling at malalakas na silang lahat ngunit nagkamali ata ako ng akala.

"Patawarin niyo po kami Kamahalan" nakayuko nilang sabi.

"Patawarin? Ang sabi niyo'y dalawa lamang sila samantalang kayo ay marami ngunit hindi niyo sila nagawang pigilan o talunin?! Isa lang ang ibig sabihin nito, mahihina kayong lahat!"

Malapit na ang araw ng digmaan ngunit hindi pa pala sila malakas! Nakatakas pa ang dalawang matanda!

Ang lakas naman ng loob ng dalawang babaeng iyon para pumasok sa aking kaharian. Hindi man lang sila natakot!

"Ikaw! Sabihin mo sa ating mga espiya na maghasik doon sa Academia. Kailangang makaganti tayo sa kanila!" utos ko pa.

"Opo Kamahalan"

Hindi ko hahayaang makalamang sila sa amin. Pinatay nila ang ilan sa aking mga kawal kaya dapat lang na pagbayaran nila iyon.

"Simulan niyo na ngayon ang inyong pagsasanay! Wag kayong titigil hangga't hindi pa kayo lumalakas at gumagaling. Maliwanag?!"

"Opo Kamahalan"

"Sabihin niyo na rin sa isa niyo pang kasama na kailangan ko ng makita ang tagapagmana! Dalhin niyo siya sa akin!"

"Masusunod po Kamahalan"
  
"Umalis na kayo!"

Nagmamadali naman silang lumabas habang ako naman ay napapikit sa sobrang galit. Gusto kong pumatay ngunit hindi pa panahon. Nangangati na ang aking mga kamay!
 
Kailangang makuha ko na ang tagapagmana upang mapasaakin na ang kanyang kapangyarihan. Hindi na ako makapaghihintay na makita siya HAHAHAHAHA.

Lumabas ako sa aking silid at pumunta sa pinakatuktok ng aking kaharian. Ginamit ko ang aking buong lakas upang magawa ang pinakamatibay na barrier. Walang sinumang taga Lux ang maaaring pumasok dito maliban na lang sa aking mga espiya.

Kahit papaano'y lamang pa rin ako sa kanila sa bagay na iyon. Alam ko ang kanilang mga ginagawa HAHAHAHAHA.

Maghanda na kayo Lux Kingdom, lulusubin ko ang inyong nasasakupan sa takdang panahon at papatayin ko kayong lahat! Ako ang maghahari sa buong Magicia! Hindi niyo na ako mapipigilan pa.

Babawiin ko ang lahat!
 
____________________________________
•AERIN's POV•

"Good morning HM!" bati ko pa sa kanya.

"Good morning. Have a seat"

Nandito ako sa office ni HM. Pinatawag niya kasi ako kanina at mukhang alam ko na kung bakit.

Siyanga pala, ang mga magulang ni Daph ay nandito pa rin sa Academia. Dating librarian pala ang ina niya at isang training master naman ang ama niya. So, fake news pala 'yong sinabi sa'kin ni Lei tungkol sa mga ito, hmmm.

Balik-skwela na din ang mga estudyante at patuloy pa rin ang pagsasanay nila. May isang subject kasi na halos pagsasanay lang ang topic, parang PE lang kung sa mortal world pa.

"Ms. Sandoval, alam mo na siguro kung bakit kita pinatawag" biglang sabi ni HM.

Tumango lang ako sa kanya at nakinig na lang.

"Masaya ako't nandito ka. No'ng una'y hindi ko pa alam ang bagay na ito ngunit kinausap ako ng mga gods and goddesses sa aking panaginip at sobra akong nagulat. Kaibigan mo pala ang nagpapanggap na tagapagmana, magaling siyang umarte" mangha naman niyang sabi.

Napangiti naman ako. Namamangha din ako sa galing ni bff, hindi man lang siya napaghalataan.

"Siyanga pala, ipapadala kita sa bundok ng Pax. Pagkarating mo roon ay may makikita kang isang diwata. Siya mismo ang magdadala sa'yo sa iyong matutulugan. Siya din ang magbabantay sa iyo kaya wag kang mangamba"

Woah!

Bundok ng Pax? Ano 'yon? Pax Filipino? Ayy charot lang huehuehue. Saka may pa diwata pa, sanaol HAHAHA.

"Maraming salamat po HM"

"Heto ang powder na gagamitin mo para makapunta roon"

Tinanggap ko naman ang powder na binigay niya, kulay berde naman ito. Iiwan ko na talaga pansamantala ang Academy, mami-miss ko sila. Matagal din kaya 'yong isang buwan tapos tulog pa talaga ang katawan ko nyan. Baka ma stroke ako dahil sa katagalan ng tulog, naku.

"Salamat po. Pwede na po ba akong umalis? Maghahanda pa po kasi ako eh"

"Sige. Umaasa akong mapagtagumpayan mo ang bagay na ito. Bumalik ka dito pagkatapos at sabay nating tatalunin ang kasamaan"

Ngumiti lang ako kay HM at tumango. Umalis na din ako at nagtungo sa dorm. Mag-aayos lang ako sandali at magsusulat ng letter. Hindi ko na din naman kailangang magdala ng mga gamit kasi matutulog lang naman ako diba?

P-pero grabe naman siguro 'yon, isang buwan akong walang ligo? Walang bihis-bihis? Aba'y di ata tama 'yon. Hmmm, magdadala na nga lang ako kahit kunti.

Magic bag ang pinaglagyan ko para di na masyadong hassle. Nagsulat na din ako ng letter para naman aware sila diba? Ayoko namang mag-alala na lang sila bigla, baka mag hysterical pa sila. Dalawang papel lang ang sinulatan ko, isa para sa kanila ni Lei at isa naman para sa mga Royalties.

"Dear _______,

May pupuntahan lang ako saglit. Wag kayong mag-alala dahil babalik din naman ako. Mag-ingat kayo lagi, saranghae.

From: Aerin Sandoval. "

'Yan lang ang sinulat ko dahil masyadong madrama kung tataasan ko pa. Jowk, tamad lang talaga ako duh. Nasa klase sila ngayon kaya di ko sila pwedeng kitain. Eh syempre di ko na sila mahintay pa dahil kailangan ko na talagang umalis.

Nagsuot lang ako ng simpleng damit saka sapatos dahil bundok naman ang pupuntahan ko. Nagsuot din ako ng sumbrero para sosyal, charot lang.  Nagdala din ako ng unan, baka walang unan do'n, mahirap na. Nasa katawan ko na si Eggy tapos si Froy naman ay nasa balikat ko.

"Froy? Ready ka na ba?"

"Opo master!"

Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong lugar at pagkatapos ay isinaboy na ang powder. Humangin naman ng malakas kaya napapikit ako.

Bundok ng Pax, here I come!

Ilang sandali lang ay naramdaman kong lalapag na kami kaya iminulat ko na ang paningin ko. Tiningnan ko ang paligid at sobrang namangha ako.

"Woah! Ang ganda naman dito!"

Para siyang enchanted forest. Ayy basta! Sobrang ganda talaga. May waterfalls at maraming bulaklak sa paligid. Sobrang ganda tingnan ng mga puno saka ang sarap sa pakiramdam ng hangin!

Aaah! Refreshing.

"Wow! Ang ganda dito master! Ang daming ibon oh"

"Oo nga eh"

Iba't-iba ang kulay ng mga ibon dito kaya sobrang ganda nilang pagmasdan, nakakatuwa. Ang sarap sa mata ng mga tanawin uwu.

Pwede ka--------

"Ikaw na ba si Terra?"

"Aaay! Anak ka ng pating!"

(0_0)

Watdahek?! Nakakagulat naman ang isang 'to, bigla-bigla na lang sumusulpot ey? Saka Terra? Si Earthremis lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'n ah. Impossible namang siya 'to eh lalake siya tapos babae itong kaharap ko!
 
"S-sino ka?" tanong ko sa kanya.

Infairness, ang ganda naman ng babaeng 'to. May hawak siyang wand tapos may nakalagay sa ulo niyang mga bulaklak.

H-hindi kaya-------

"Ako si Hanya, ang dyosang naninirahan dito sa bundok ng Pax. Ako ang nangangalaga sa lugar na ito" nakangiti niyang pagpapakilala.

Ang ganda niya talaga! Mag-isa lang kaya siya dito? Siya pala 'yong sinabi ni HM na maghahatid sa'kin sa tutulugan ko.

"Magandang umaga po sa inyo. Bakit Terra po ang tawag niyo sa'kin?" taka ko namang tanong.

"Bakit? Hindi ba Terra ang pangalan mo?"

"Hmm, Terra nga po hehe"

Baka 'yon ang sinabi ni HM sa kanya kaya 'yon na lang, maganda naman 'yon eh.

"Halika Terra, ihahatid na kita sa tutuluyan mo. Ang sabi ng Head Master mo, isang buwan kang mananatili rito at hindi dapat magambala"

Ayy charot. Ang special ko naman sa lagay na 'to hehe. Ganito pala pag ikaw ang tagapagmana, mahalaga at dapat ingatan. Pero 'yang iba dyan, special, special child tapos di iningatan. Ayy hehe ambad ko ba? Sorna agad.

Ikinumpas niya ang kanyang wand at may puting liwanag ang bumalot sa'min. Nawala kami bigla sa lugar na 'yon tapos napunta kami sa harap ng isang napakalaking kahoy.

Oo, napakalaking kahoy!

Kahit tingalain ko pa eh di ko makita ang hangganan tapos ang lapad pa. Ano kayang gagawin namin dito? Aakyat kaya kami?

"Dito ka mananatili sa loob ng isang buwan. Wag kang mag-alala, babantayan ka namin"

Ha?

Hakdog.

Sino naman kayang makakasama niya? Saka saan daw?

"Namin? M-may kasama ka?"

Ngumiti lang si Hanya at ikinumpas ulit ang wand tapos may biglang lumabas na mga uso? H-higanteng uso?
 
"Sila ang kasama kong magbabantay sa iyo. Siya si Tanus at siya naman si Hadi"

Nag bow ako sa dalawang uso na nandito. Sobrang laki nila na tipong nakatingala pa ako kapag tinitingnan sila. Grabe, ibang klase!

"Pumasok ka na, Terra"

(0_0)

P-papasok? Ako? Saan?

"Ah hehe ano uhmm... S-saan ako papasok, Hanya?" nag-aalinlangan kong tanong.

Eh sa di ko alam eh!

Pero nabigla ako no'ng biglang tumawa ng malakas ang dalawang higanteng uso na 'to samantalang mahinang tawa lang ang kay Hanya. Ba't sila natawa? Hays!

"Pasensya na, Terra pffft. D-dyan ka papasok sa puno. Wag kang mag-alala, hindi ka mabubunggo dyan pfffft"

Abaaaa! Talagang nagpipigil pa siya ng tawa. Nakakatawa ba 'yon? Wala naman kasing pintuan kaya nagtanong ako, hmmmp!

Nagpaalam na din ako kila Hanya. Nakita nila si Froy sa balikat ko at sinabing bawal kong dalhin ang kahit na anumang may buhay do'n sa loob dahil baka istorbohin lang ang tulog ko kaya pinalabas ko na rin si Eggy. Nangako naman si Hanya na aalagaan niya ang mga pets ko kaya kampante ako.

"Pumasok ka na"

"S-sige"

Pumasok na din ako sa loob. Pumikit pa ako dahil natatakot akong mabunggo pero tumagos lang ako sa puno at ngayo'y nakapasok na talaga ako.

"W-woah!"

Maganda ang loob ng puno. Parang kwarto pa rin siya pero walang ibang narito kundi ang isang magandang kama at isang lamesa na may nakapatong na isang plorera. Maganda ang bulaklak na nakalagay dito at ang bango ng amoy!

Nakakaantok.

Humiga ako sa kama at tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman. Sana lang at di ako mahirapan sa pagtanggap sa dalawang kapangyarihan.

____________________________________
•AQUA's POV•

"Babe, bumili ako ng pagkain para sa'yo"

"Ayoko nyan, wala akong gana"

"Kumain ka na, ayokong nagugutom ka eh"

"Ayoko sabi! Ilayo mo nga sa'kin 'yan"

"Bakit ba kasi?"
 
"Di ko gusto ang amoy nyan!"

"Huh? Buntis ka ba babe?"

"Anoooo?! Walangya ka!"
 
(-_-)

Langyang lovebirds na 'to, ang ingay-ingay!

Nandito pa naman kami sa cafeteria para kumain ng lunch pero nakakawala ng gana ang nasa harap namin, grrrrr.

Ayaw kasing kumain ni Aerish dahil wala siyang gana, nireregla kasi kaya ganyan tapos kinukulit pa nitong isa. Sino ba namang kakain sa inihain nya eh amoy na amoy ang bawang at sibuyas.

Saka anong buntis? Bakit? Nagawa na ba nila ang bagay na 'yon? Yuck!

Nakanguso lang ngayon si kapatid habang nakatingin kay Aerish na nakataas ang kilay. Ang sungit pag nireregla pero mamaya for sure mag-iiba na naman ang mood nyan.

Sarap paghampasin!

Sanaol may jowa.

Si Eris ay nagbabasa habang kumakain, kulang na lang pati libro eh isubo, naku parang adik talaga 'to ey.

Si Chosen? Ayuuuun! Kasama niya si Ice sa kabilang lamesa. May gusto ba siya kay Ice? Di sila bagay! Basta naiinis pa rin ako sa kanya pero no choice ako kundi makisama.

Si Raiden? Di ko alam. Di naman sumasama ang isang 'yon sa amin. Siguro hanggang ngayon eh galit pa rin siya? Sana lang at maibsan na ang galit niya, hays.

Si Faero naman nando'n sa office ni HM. Siguro pag-uusapan na naman nila ang tungkol sa pag train niya kay Chosen. Hmmm, ewan ko ba pero parang di pa naman lumalabas ang ibang powers niya though may marka naman siya at minsan ay nakikita pa namin 'yong umiilaw.

Pero sa tagal ng training, bakit di pa rin? Hindi ba dapat lalabas na? Pero siguro it takes time talaga.

Teka---- ba't parang ako lang naman ata ang walang amor dito? May kanya-kanya naman silang business samantalang ako? Wala. Ano ba 'yan? Nakakawala ng gana.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Daphne na nasa kabilang lamesa. Kasama niya ang isang healer na kumakain pero hindi nila kasama si Aerin.

Nasaan kaya ang babaeng 'yon?

Total hangin lang naman ako dito, mas mabuti pang makiusyuso na lang sa kabila. Di naman bawal diba?
 
Makalapit nga.

"Hi sa inyo, pwede makiupo?"

"Ayy naku sige po, nakakahiya naman Ms Walter hehe" sabi pa no'ng healer.

"Naku wag ka ng mahiya. Kaklase ko naman si Daphne eh saka kaibigan ko naman si Aerin kaya okay lang. Anyway, ano nga ba ang pangalan mo?" tanong ko pa sa kanya. 

Lagi ko siyang nakikita pero di ko pa alam ang pangalan niya.

"Tawagin niyo na lang po akong Lei" nahihiya niyang sagot.

"Hello Lei! Wag ka ng mag 'po', magkasing-edad lang naman ata tayo eh"

Ngumiti lang siya at di na nagsalita kaya hinarap ko si Daphne at nagtanong...

"Nasaan nga pala si Aerin? Ba't di siya pumasok?"

"Pinatawag siya ni HM kaninang umaga. Hindi ko alam kung tapos na ba silang mag-usap" sagot naman ni Lei.

Pansin ko lang, di masyadong nagsasalita itong si Daphne pero di tulad dati, maaliwalas na ang itsura niya ngayon saka maganda siya ha.

Hmmm, pinatawag pala siya ni HM? Sure akong tapos na silang mag-usap kasi nando'n na si Faero eh. Nasaan na kaya siya? Baka nasa dorm nila?

"Pero wag kang mag-alala, uuwi ako sa dorm mamaya para i-check kung nando'n siya" nakangiti niya pang sabi.

Napangiti na lang din ako at nakipagkwentuhan sa kanila. 'Yon nga lang, parang hangin lang din ang isa kasi di siya nagsasalita. Sana lang di mapanis ang laway niya, pffffft.

Ilang sandali lang ay nakita ko si Faero na parang nagmamadali. Bakit kaya? May pupuntahan ba siya?

"YESHA!"

Eh? Napalingon ang lahat ng tao sa cafeteria dahil sa lakas ng pagtawag niya kay Chosen. Ba't Yesha ang tawag niya? Nakakapagtaka naman ang fire prince na 'to. Di kaya nagseselos siya kasi kasama ngayon ni Chosen si Ice? Hmmm, I smell something fishy.

"Bakit Faero?" rinig kong tanong nito.

"We need to go, may training pa tayo" sambit nito sabay hablot sa braso ni Chosen.

"P-pero kumakain pa ako"

"Did you forgot? Di ka pwedeng kumain ng marami kasi may training pa tayo"

Oo nga naman.

Wala ng nagawa si Chosen kundi sumama na lang. Hinayaan na lang namin sila dahil may rights naman si Faero na mag command kasi siya ang training master nito.

Pagkaalis nila ay balik naman sa kanya-kanyang pagkain ang mga mages. Nakipagkwentuhan na lang ako ulit kila Lei. Tinatanong ko sila tungkol kay Aerin at masasabi kong hangang-hanga silang dalawa dito.

Alam na kaya nila na si Aerin ay may isa pang katauhan? Siguro hindi pa dahil wala naman silang nababanggit sa'kin tungkol do'n. Ang sabi sa'kin ni Aerin ay wala akong dapat pagsabihan kaya nanatiling tikom ang bibig ko sa usapang 'yon. 

"Saka pinakita pa nga niya sa'min 'yong alaga niya eh" natutuwang kwento ni Lei.
 
"Alaga niya?"
 
"Oo! Alaga niya. Natatandaan mo ba 'yong itlog na binigay sa kanya ng mga hari at reyna? Napisa na kasi at isang kakaibang dragon ang lumabas"

Woah!

Napisa na pala 'yon? Di ko man lang nakita. Sana makita ko si Aerin para makita ko na rin ang alaga niya sa personal. Ang cute siguro no'n, yieeeee.

"Gano'n ba? Ang cute naman"
 
"Oo. Nga pala, tapos na akong kumain kaya pupunta muna ako sa dorm namin ha? Titingnan ko lang kung nando'n ba si Aerin"

"Sige"

Ang daldal pala ni Lei. Magkasalungat silang dalawa ni Daphne. Nakakatuwa naman ang tandem nila hehe. Mabuti na lang at mababait ang naging dorm mates ni Aerin hindi tulad nila Lily at ng mga alipores niya.

Kumusta na kaya ang mga gagang 'yon?

Wala akong pake sa kanila.

"Hey! Babalik na ako sa room"
 
Nagulat ako sa biglaang pagsalita ni Daphne pero tumango lang ako sa kanya pagkatapos eh umalis na din siya. Hindi pa naman umaalis ang ibang Royalties kaya dito na lang din muna ako.

Akmang tatayo na ako upang bumalik sa lamesa nila Aerish no'ng nakita kong papalapit si Faero. Oh? Ba't bumalik pa ang isang 'to dito? Iniwan niya ba si Chosen?

"Hey! Wazzup!" bati niya sa'kin at dumiretso sa table nila Aerish kaya sumunod na lang ako.

Wazzup daw eh nagkita naman kami kanina, duh.

"Faero, ba't ka bumalik dito?" taka kong tanong sa kanya.

"What? Bawal ba ako dito?" taka niya ring tanong.

Hanudaw?

"Hindi naman. What I mean is diba nag training kayo ni Chosen?" sunod kong tanong.

Napakunot naman siya ng noo kaya kinabahan ako. What's up with this prince? Sakto namang lumapit si Ice at taka ring nakatingin kay Faero.

"What's with that look guys?" tanong niya ulit.

So ano? Magtatanungan na lang ba kami dito? Tapos walang sasagot?

"Fire mage, where's Chosen?" tanong naman ni Ice. 

Dapat pala 'yon ang tanong, bopols selp.

"I don't know. Diba kayo naman ang magkasama dito? So ba't ako ang tinatanong niyo?" naguguluhan niya ding tanong sa'min.

Watdahek?

Anyare ba?

Nagulat naman kami no'ng biglang kwinelyuhan ni Ice si Faero. Ohmy! Don't tell me mag-aaway na naman ang dalawang 'to eh nagtatanungan lang naman kami dito.

"Where. Is. She?"

May diin ang bawat tanong ni Ice pero taka lang siyang tiningnan nito. What the hell? Ba't parang walang alam ang isang 'to?

"I really don't know, okay? Kararating ko lang galing sa office ni HM kahit tanungin niyo pa siya!" sigaw niya sa'min.

K-kung ngayon lang siya, sino 'yong nakita namin kanina? Sino 'yong kasama ni Chosen ngayon?

(0_0)

Omeghaaaad! H-hindi kaya? No, di pwede!

"Bakit ba kasi?" taka ulit nitong tanong.

"May isang Faero kasi kanina dito at dinala si Chosen dahil magte-training daw sila. Kamukha mo! Kaya akala namin ikaw 'yon" sagot naman ni Aerish.

"No, that's not me!" gulat niyang sabi.

"Damn!"

"Oh sh*t!"

"Did we lost her?"

"No, di pwede!"

"We need to find her!"

"F*ck! Naisahan tayo!"

"Let's go to the training ground, baka nando'n sila" suggest pa ni Kapatid.

"Have you lost your mind? Impostor 'yon and sigurado akong taga Tenebris kaya for sure dinala na nila si Chosen!" sabi ko naman.

"What the hell? Ginamit pa talaga ang mukha ko!" di pa rin makapaniwalang sabi ni Faero.

Even me, di ko akalaing impostor 'yon. K-kaya pala Yesha ang itinawag niya sa babaeng 'yon. Kahit masama at sinungaling ang isang 'yon eh nag-aalala pa rin ako sa kanya.

"We need to------------"

Naputol ang sasabihin ni Ice no'ng biglang may lumapit sa aming humahangos na isang estudyante. What happened?

"Royalties! M-may p-pinatay na e-estudyante na taga L-lower class! I-isang babae po at n-nando'n sa training ground!"

(0_0)

What?!

No, this can't be true! May dumagdag pa sa problema namin, hays.

Dali-dali naman kaming lumabas ng cafeteria para pumunta sa training ground pero di pa kami nakaalis no'ng may isang estudyante ulit ang humarang sa'min.

Oh no! Ano naman kaya ito?

"Bakit?" salubong na tanong ni Aerish.

"May pinatay po sa girl's cr! S-sobrang brutal po huhu" umiiyak nitong sumbong.

Sh*t! Ba't may mga pinapatay ngayon? Sino ang pumapatay? Anong nangyayari? Bakit ganito?

"F*ck! Hindi na tama ito. Ice? Kayo na lang ang pumunta sa training ground at kami naman sa girl's cr" sabi ni Eris.

After that, dumiretso kami sa girl's cr na sinasabi nitong estudyante. Ginamit na namin ang portal ni Aerish pero bago 'yon, gumawa din siya ng portal patungo sa training ground para kay Kapatid. Opkurs! Siya lang naman kasi ang walang ability sa transpo.

Pagkarating namin sa girl's cr ay naabutan namin ang mga nagkukumpulang estudyante. No'ng nakita nila kami ay nag give way naman sila para sa'min.

No'ng nakita ko ang biktima ay napapikit ako. Sobrang brutal ng pagkapatay sa kanya. Hindi ko kayang i-describe dahil talagang nakakadiri! Walang awa at ang halang ng kaluluwa no'ng gumawa nito sa kanya.

"Anong nangyari?" tanong ni Eris sa mga babaeng umiiyak.

"Kaibigan ko po siya at nagpaalam siya kaninang mag cr lang pero natagalan siya kaya sinundan po na namin siya pero ito na ang naabutan namin huhu"

What?
 
Sinuri ko ang bangkay ng babae at may nakita akong simbolo na nakaukit sa palad niya gamit and dugo nito.

"Simbolo ng Tenebris!"

Sabi na nga ba't sila ang may kagagawan sa lahat ng ito ey. Ang sasama talaga nila!

"Dalhin niyo na siya sa bulwagan at do'n ihimlay. Ayusan niyo siya at lagyan ng bulaklak ang paligid"

Gano'n ang ginagawa namin sa mga namamatay saka kusa lang naman itong nawawala at pumupunta sa puno ng magicae ang kapangyarihan nila.

"Wag kayong mag-alala, kami na ang bahalang umalam kung sino ang may gawa"

Pagkatapos no'n ay in-announce ni HM na umuwi na muna kaming lahat sa dorm. Do'n na din kami dumiretso after namin suriin 'yong bangkay. Tahimik kaming lahat at walang nagsasalita sa'min.

Hindi pa dumarating ang mga prinsipe kaya naghintay na lang kami. Hindi pa ito ang panahon ng digmaan pero parang nagsimula na sila. Mga walangya talaga!

Si Chosen, ang tangi naming pag-asa ay naiwala pa namin. Ang daming problema, nakakabigla ang mga pangyayari.

Ilang sandali lang ay may biglang kumatok, binuksan ko naman agad ito. 

"Oh Lei, ba't ka nandito?" taka kong tanong sa kanya.

"May iniwan na sulat si Aerin para sa inyo. Heto, tanggapin mo"
 
Tinanggap ko naman ang sulat at nagpasalamat. Nagpaalam naman siya agad kaya sinarado ko na ang pintuan ng dorm.

"Sino 'yon?" tanong ni Aerish.

"Si Lei, ang kaibigan ni Aerin. May dalang sulat at ang sabi si Aerin ang nag-iwan" sagot ko sa kanya sabay bukas ng papel.

"Dear Royalties,

May pupuntahan lang ako saglit. Wag kayong mag-alala dahil babalik din naman ako. Mag-ingat kayo lagi, saranghae.

From: Aerin Sandoval."

Huh?

Saan naman kaya siya pupunta? Alam kaya ito ni HM? Kailan naman kaya siya babalik? Sana di siya magtagal.

Wala si Chosen tapos ngayon ay wala din si Aerin na pwedeng makatulong sa'min. Kung sana di siya umalis, maaari niya kaming matulungan dahil siya si Luna, ang babaeng tumulong kila Faero dati.

May magagawa sana siya. Ano ng gagawin namin ngayon?

Magagawa pa kaya naming iligtas si Chosen?

Sana nga.


-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro