CHAPTER 49: The King and Queen of Air Kingdom

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•
 
Nandito ako sa harap ng isang lagusan. Kapag tinitingnan mo ang nasa loob ay hindi lupa ang makikita mo kundi isang lugar na punong-puno ng ice tapos ang kalangitan ay parang galit dahil sa mga kidlat.

Ikatlong araw ko na dito. No'ng mga nakaraang araw ay puro pag-uusap lang ang ginagawa namin tungkol sa mga kinakailangan kong tandaan at gawin.

Sabi nila, magpunta daw ako dito sa lugar na 'to. Papasok at mananatili sa loob ng isang araw as part sa training. P-pero di kaya mapo-froze ako dito? Baka ito pa 'yong ikamatay ko. Jusko! Ayoko pang matigok noh.

Kailangan ko daw kasing sanayin ang sarili ko sa malamig na temperatura para hindi daw mabigla ang katawan ko pag tinatanggap ko na ang elemento pero ngayon pa lang eh biglang-bigla na ako.

'Yong suot ko, di naman makapal, di rin naman manipis, sakto lang gano'n with tsinelas na gawa sa kahoy. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Ewan ko ba, parang dead end na sa'kin ang lugar na 'to.

"Pumasok ka na, Snow"

Oo, Snow ang tawag sa'kin ni goddess Iciel kahit na di naman ako tulad ni Snow White na maputi. No'ng tinawag niya ako sa gano'ng pangalan, feeling ko ako si Snow White eh pero di ko alam na literal na snow pala ang kasasadlakan ko.

Tapos may bonus pang mga kidlat. Paano na lang kung biglang tumama sa ice ang kidlat? Syempre kahit papaano eh may part pa rin do'n ang tubig. Tae! Talagang tigok ang aabutin ko.

"Leighra, pumasok ka na" sabi naman ng god of lightning, si Volt.

Ang weird talaga nila, ang dami ko na tuloy pangalan.
 
"S-sige. Pag ako natigok dito, mumultuhin ko talaga kayo pramis!" sabi ko pa sa kanila. 

Kunot-noo naman nila akong tiningnan at sabay na umiiling-iling tas bigla na lang nawala. Mga agik! Nakuuuuu. Makapasok na nga.

Bbrrrrrrr! Ang lamig talaga amputek, parang tumigas ang kalamnan ko pati na ang mga organs ko huhu.

Kung tutuusin pwede akong maglaro dito o di kaya mag skating. Malamig sa ilong ang hangin, nakakapanindig balahibo pero nakakagulat din minsan ang mga kidlat. Siguro kailangan ko na lang mag enjoy dito total para din naman siyang Baguio sa mortal world eh.

First time ko makapunta sa ganitong lugar kaya lubus-lubusin ko na kaya lang ang suot ko ay di tama sa ganitong lugar. Ewan ko ba kay Iciel kung bakit ito ang pinapasuot niya eh alam naman niyang full of snow or ice ang pupuntahan ko.

Siguro, papatayin talaga nila ako ey.

Sinubukan kong maglakad sa may mataas na bahagi. Oo, mag pa slide² ako dito HAHAHAHA parang bata ey. Wala akong ibang gamit maliban sa mga suot ko kaya hinubad ko muna ang tsinelas tapos tinutusok ko sa snow para may makapitan naman ako at para di ako mapadausdos pababa!

Ang hirap ng buhay huhu. For sure, tinatawanan na ako ng mga 'yon. Bahala sila, mag e-enjoy ako dito kahit malamig.

Isang araw. Isang araw akong mananatili dito at sana makayanan ko.
 
Sana...

__________________________________
•RAIDEN's POV•
 
Balik-skwela na ang lahat pero mas napapadalas ang pag-eensayo ng mga estudyante base na rin sa sinabi HM. Kailangan na talaga naming maghanda para sa darating na panganib.

Nasa kanila ang tagapagmana, hindi ko alam kung anong gagawin sa kanya pero sa tingin ko ay gagamitin lang siya laban sa'min. Wala kaming laban kung gano'n ang mangyayari pero gagawin namin ang lahat para mailigtas ang buong Lux.
 
Sana okay lang si Chosen. I hope she won't let the Dark King to use her para sirain kami.

"Pareng Kidlat! Ano na namang iniisip mo?" tanong sa'kin ni Cold.

Oras pa ng training ngayon pero mas pinili naming manatili muna dito sa dorm. Iniisip pa rin namin ang tungkol sa mga problemang kinakaharap namin ngayon.

Si Chosen. 

Ang mga pinatay na estudyante.

At si Aerin.

Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa. Siya daw ang kumuha kay Chosen, i-ibig sabihin taga Tenebris siya? P-pero si Ice ang kumuha sa kanya sa mortal world. Hindi kaya may alam din siya?

Pero mabait si Aerin and her genuineness makes me think na di niya 'yon magagawa but the thing is, kasabay ng pagkawala niya ay ang pagkawala ni Chosen at ang pagkamatay ng mga estudyante. I want to think it as a coincidence pero naguguluhan ako.

Nasaan na kaya siya ngayon? Nasa Tenebris na kaya siya? Isang linggo na siyang nawawala. I've missed her and I need her explanation.

Aerin, please explain everything to us.

"Pareng Raiden?" untag niya ulit sa'kin.

"Nothing. Don't bother me, Cold" walang gana kong sagot sa kanya.

"Hays! Ano bang mapapala ko sa inyo?" he looks so frustrated.

"Do'n ka sa girlfriend mo"

"Hays! Ayaw daw niya akong kausap. Nagmumukmok nga 'yon eh dahil sa Twinny niyang traydor pala, tsk"

"Bad for you"

"Hays!"

Naglakad na lang ako papunta sa sala kung nasaan ang iba. Ibang-iba ang atmosphere ngayon kesa sa dati. Tahimik ang lahat at parang may malalim na iniisip.

Well, I can't blame them. Aerin hurts them big time dahil do'n sa sulat na binasa ni Aerish. Sana bumalik siya at magpaliwanag.

"Di ko lubos maisip kung bakit si Aerin pa" malungkot na sabi ni Aerish.

Kahit ako gano'n din ang naiisip, hays.

"Hindi kaya na framed-up lang siya?"

Napalingon kaming lahat kay Faero, maaaring tama ang sinabi niya. Knowing Aerin, mabait at parang bata kung umasta ang isang 'yon kaya naguguluhan ako kung bakit pangalan niya ang nakasulat at inako ang isang malaking kasalanan.

Isa pa, best friend niya si Chosen diba?

"Framed-up? Wake up Faero! Kung hindi siya 'yon, how come na alam niya ang tungkol sa sulat na ito?"

Ipinakita sa'min ni Eris ang sulat na iniwan ni Aerin sa dorm nila. Oo nga noh? Nabanggit nga do'n sa ikalawang sulat na sinadya niyang mag-iwan ng mensahe sa dorm nila para akalain naming may pinuntahan nga siya.

"Teka---walang ibang nakakaalam sa sulat na iniwan niya sa dorm nila kundi si Lei lang, ang kaibigan at ka dorm mate niya" sabi naman ni Aqua.

Lei? 'Yong healer na lagi nilang kasama?

"We need to ask that healer" Ice said sabay teleport.

'We' daw pero nauna na. Sabagay, kailangan nga naming magtanong sa healer na 'yon dahil siya na lang ang pag-asa namin para maliwanagan. We do hope na walang kinalaman si Aerin sa nangyari.

"Guys! Pasok na" tawag sa'min ni Aerish.

Sabay-sabay naman kaming pumasok sa portal niya para pumunta sa dorm nila Aerin. Ilang sandali lang ay nakarating na nga kami but it seems like there's no one here.

Where are they?

____________________________________
•AERISH's POV•

Pagkarating namin sa dorm nila Twinny ay nakakapagtakang walang tao kahit isa. Bukas ang pintuan nila kaya nakapasok kami pero wala namang kakaiba do'n maliban sa isa pang sulat na katulad ng binigay niya sa'min pero ang pagkakaiba lang ay pangalan na 'Lei' at 'Daph' ang nakasulat at sa'min naman ay 'Royalties'.

Saan kaya siya nagpunta? Bakit iniwan niya ang sulat dito? Nasaan ang sinasabi niyang Daph?

"Guys! Wala siya dito and even that Daphne Frey" tawag ni Aqua.

"Daphne Frey?" Eris asked.

"Oo, Daphne Frey. Ang anak ng mag-asawang Frey" sagot naman nito.

"Maybe nasa library iyang si Daph dahil maliban sa librarian ang ina niya, mahilig din siya sa books like you Eris" sabi naman ni Raiden.

Tumango-tango naman kami. Siguro nga nando'n siya pero nasaan ang isa? Si Lei?
 
"Lei is a healer, so maybe she's at the training ground" Faero said.

Oo nga pala. Ang bobo naman namin para di maisip ang bagay na 'yon. Oras nga pala ng training ngayon tapos healer siya so natural na nando'n siya, hays.

Wala din dito si Ice dahil siguro naisip niyang nando'n nga sa training ground si Lei. Di ko naisip 'yon ah!

"Babe, gawa ka na ng portal" bulong sa'kin ni Ulan that makes my heart beats fast.

Iba talaga ang epekto ng lalakeng 'to sa'kin.

Ngumiti na lang ako sa kanya and made a portal patungo sa training ground. Pumasok naman kaming lahat do'n and hoping na matatagpuan na namin si Lei.

Sana...

Hindi ko alam kung galit ba ako kay Twinny o ano, basta ang alam ko, nasasaktan ako dahil sa nangyari. Saan ba kasi siya nagpunta? Ba't walang alam si HM tungkol sa pag-alis niya?

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa training ground. Maraming estudyante ang nagsasanay ngayon at may kanya-kanya silang barrier para di sila makatama ng iba.

Pumunta kami sa section ng mga healers at naabutan naming merong ginagamot ang iba.  

"Hi healers! Alam niyo ba kung sino si Leibeth?" tanong ni Ulan.

Agad naman akong napatingin sa kanya at sa mga healers. Hmmm, magaganda ang babaeng 'to kaya pala siya ang unang nagsalita. Kahit kailan talaga ang Ulang 'to, napaka-----hays!

Kakainis...

Ang mga babaeng 'to naman kung makapagpapacute, sobra na. Jusko! Ang sarap pagsasampalin ey. Alam naman nilang may girlfriend na ang Ulang 'yan pero grabe sila makatitig. Ang Ulan namang 'to eh ngiting-ngiti, gustong-gusto pa, tsk.

"Opo Mr. Walter, alam po namin kung sino siya" malanding sagot no'ng isa.

"Ah gano'n ba? Pwede niyo bang sabihin kung nasaan siya?" nakataas-kilay kong tanong.

Naiinis na ako sa inyo ha.

"Wala po siya dito eh" sagot naman niya.

"Alam ko, kaya nga tinatanong ko kayo diba? kung alam niyo kung nasaan siya"

"Sorry po. Hindi po namin alam kung nasaan po siya ngayon" nakayuko niyang sagot.

May gana pa siyang gumanyan, naku.

"Hindi po siya pumasok simula no'ng may nangyaring patayan eh"

What?!

Hindi siya pumasok simula no'ng may mga pinapatay? H-hindi kaya------

"Ibig niyong sabihin, umabsent siya sa klase niyo?" tanong ulit ni Ulan.

Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre, hindi nga pumasok diba? So meaning absent siya! Gusto lang ata nitong Ulan na 'to na mag-usap pa sila eh. 

"Malamang! Hindi ba obvious?" pantataray ko sa kanya. Naiinis ako.

Inosente niya naman akong tiningnan. What? Di ba siya marunong makiramdam?
 
"Babe, may pro-------"

"Don't call me babe! Dyan ka na nga"

Bago pa niya matapos ang pagsasalita, nag walk out na ako. Ano bang nangyayari sa'kin? Parang kumulo ang dugo ko kanina. Nakakainis kasi ang mga babaeng 'yon, kung makatitig kay Ulan, parang hinuhubaran na sa isip, yuck. 

Naiinis ako dahil hindi dapat gano'n ang asal ng isang tunay na babae. Hindi dapat sila nanlalandi! lalo na pag may nagmamay-ari na sa lalakeng kaharap nila. Hindi ako nagseselos sa mga 'yon, ayaw ko lang sa mga gano'ng babae. Hays!

Teka---- ba't ba ako naglalakad? Pwede naman akong gumamit ng portal.

Aaaaargh! Kasalanan 'to ng Ulang 'yon kaya nagiging tanga ako. Di ko siya papansinin! Do'n na siya sa mga healers na 'yon.

____________________________________
•RAYNDELL's POV•

"Teka babe!" tawag ko sa kanya pero parang di naman niya ako naririnig.
 
Anyare do'n? May nagawa ba akong mali? Kanina lang okay naman kami ah.

"What's with her? Galit ba siya?" tanong ko sa mga kasama ko.

Pero paglingon ko, wala na sila sa dating pwesto. Ang mga boys ay nakaalis na talaga pero ang dalawang girls, naglalakad lang palabas ng training ground.

"Hey! Hintayin niyo ako!" tawag ko sa kanila at tumakbo.

"Bye Mr. Walter, see you again!" sigaw din no'ng babae pero di ko na siya pinansin.

Tapos na ang period ni Aerish pero parang may PMS pa rin siya. Minsan, di ko siya naiintindihan pero dahil mahal ko siya, I'm willing to take her punishment kung ano mang nagawa kong mali.

"Hey! Ba't kayo umalis agad?" hinihingal kong tanong.

"Ba't pa kami magtatagal kung wala naman do'n ang hinahanap natin? Utak gamitin Kapatid"

Oo nga noh? Pero anong akala niya sa'kin? Tanga?

Binatukan ko na lang ang kapatid ko kaya napa-aray siya habang tahimik lang na naglalakad si Eris. Hays, kapag makasama mo ang babaeng 'to, mapapanis ang laway mo.

"Hays! Ba't kaya biglang umalis do'n ang babe ko? Tapos parang galit pa siya sa'kin" malungkot ko pang sabi.

Umarte na parang nasusuka ang kapatid ko kaya binatukan ko ulit. Langyang kapatid 'to, inaasar pa ata ako tsk.

"Ba't mo ba ako binabatukan? Masakit 'yon ah!" angal niya.

"Ikaw kasi, inaasar mo na naman ako"

"Inaasar ka dyan"

"Nagtatanong lang naman ako" nakanguso ko namang sabi.
 
"Ang ingay niyong dalawa, alam niyo 'yon?" malamig na tanong ni Eris.
 
Whew!

"Ngayon alam na namin Eris, sinabi mo na eh HAHAHAHA" sagot ko sabay tawa at napaismid lang siya.

"Tumatawa ka dyan pero 'yong girlfriend mo do'n, nagda-drama. Hindi ko alam kung manhid ka ba o tanga, di mo man lang napansin na nagseselos na siya" sabi niya sabay alis.

Napatigil naman kami ng kapatid ko at nagkatinginan.

"Nagtutula ba ang isang 'yon?" taka ko pang tanong.

"HAHAHA ewan ko sa'yo! Dyan ka na nga, baliw ka"

Ay? Bakit ba lagi nila akong iniiwan? Saka ako? Baliw? Oo nga, baliw ako. Baliw sa kanya HAHAHAHAHA ayy baliw nga.

Nagseselos pala si Aerish? Kanino naman? Hindi kaya do'n kanina sa healer siya nagselos? Eh wala naman akong ginawa na dapat niyang ikaselos ah! Kinausap ko lang naman ang isang 'yon dahil may kailangan kaming malaman sa kanila.

Kaya pala siya na ang kumausap do'n sa babae kanina tapos parang tinatarayan niya pa. HAHA iba talaga ang babe ko, mahal na mahal niya ako.

Makaalis na nga.

May susuyuin pa ako...

Ginamit ko na ang kapangyarihan ko para di na ako maglakad. Saka mas mapapadali ang pagdating ko nito.

Ilang sandali lang ay nakarating ako sa cafeteria. Bibili lang ako ng paboritong pagkain ni Aerish, for sure magiging okay din kami. Kilala ko ang isang 'yon, di niya ako matitiis.

"Manang, tatlong chocolate bars nga po saka dalawang ice cream"

Oo, mahilig siya sa mga matatamis kaya gusto niya ako eh dahil ang sweet ko din *winks* sana lang di mabulok ang mga ngipin niya.

After makuha ang mga binili ko ay nagpunta na din ako sa tinatambayan niya ngayon. I knew where she is, of course. Kayo ba? Alam niyo?

Pagkarating ko ay nakita ko nga siyang nakaupo siya sa may bato at nakaharap sa may puno. What is she doing in front of that tree?

"Aaaaaaargh!"

(0_0)

Nagulat ako no'ng biglang binato niya ng air spikes ang sanga ng puno. Naputol ang mga ito at unti-unting nahuhulog. Sh*t! Baka matamaan siya!

Tumakbo ako papalapit sa kanya pero napatigil din no'ng lumutang lang sa ere ang mga putol na sanga. Ah yeah! Air user nga pala siya. Kinabahan ako do'n ah, hays.

Tiningnan ko ang dala kong-------T-teka-----nasaan ang mga chocolates at ice cream na hawak ko? Watdahek? Naitapon ko ba 'yon no'ng patakbo ako kanina?

Damn!

Tanga talaga ako...

"Babe?" she sweetly called me.

Oh-uh, I don't know kung good thing ba 'to o bad kasi alam kong galit siya tapos biglang tinatawag niya ako ngayon in a sweet way?

"B-bakit babe?" nauutal kong tanong.

Takte! Sana lang di niya ako papatayin huhu gusto ko pang magkaroon ng mga maliliit na Walter saka ayokong masayang ang kagwapuhan ko! Ito lang ang maipapamana ko sa mga junior ko hehe.

"Ikaw ba ang may dala nito?"

Huh?
 
Napakurap pa ako ng ilang beses no'ng humarap siya sa'kin, nasa bibig na ni Aerish ang chocolate na binili at dinala ko. How come na nasa kanya na ang mga 'yan? Kanina lang ay hawak ko pa 'yan eh.

"Oo babe, p-para sa'yo" sagot ko sa kanya.

Parang okay naman siya, sarap na sarap nga sa pagkain ey. Sumenyas siyang lumapit ako sa kanya kaya kinakabahan akong naglakad palapit.

"Umupo ka sa tabi ko babe" nakangiti niyang utos.

"Opo"

And the moment na nakaupo ako ay may ginawa siyang di ko inaasahan.
 
"Araaaaaaaaaaay!"

Ang sakit amputek! Dahil sa sigaw ko, parang nabulabog ang mga ibon.

Sabi ko na nga ba, bad thing eh!

____________________________________
•SECOND SOMEONE's POV•
 
"Aaaaaaaaaaaah!"

"Tama na! Tama na huhu"

"Aaaaaah! Di ko na kaya!"

"Please? Maawa ka! Ayoko naaaaaa?"

"A-ayoko na huhu"

Ilan lang 'yan sa mga sigaw at iyak na naririnig ko mula sa chosen heiress. Ito ang ikalawang araw ng pagpapahirap na ginawa ng Dark King sa kanya. 

Naaawa ako sa kanya pero wala akong magagawa. Sinisimulan na ng Dark King ang pag absorb sa kapangyarihan niya at para siyang pinapatay nito sa sakit. Wala pang nakuhang kapangyarihan ang hari dahil base sa narinig ko, kailangan tatlong araw pa bago niya makuha ang isa sa mga kapangyarihan nito. Ibig sabihin,  15 days o mahigit dalawang linggo itong maghihirap.

Kawawa naman siya.

Siguro nga'y ito ang itinakda ng kapalaran na kahit sino ay walang makakapagpigil. Sana lang ay makayanan niya ang lahat.

"Hoy *******! Handa ka na ba? Pupunta na tayo sa kaharian ng Hangin para kunin ang hari at reyna nila" tawag sa'kin ni Jewel.

Siya ang nagdala sa chosen heiress dito sa Tenebris. Kasama ko siyang nag-aaral do'n sa Luxier Academy at iba ang mukhang gamit namin do'n.

Oo nga pala, lulusob kami sa Air Kingdom ngayon. Hindi ko gusto ang ganitong gawain pero napipilitan na lang ako. Utang ko sa hari ang buhay ng aking mga kapatid kaya kailangan kong magbayad sa pamamagitan ng paglingkod sa kanya.

Namatay ang parents ko sa isang kalamidad. Hindi ko na nakita pa ang bangkay nila pero nakita ko ang bangkay ng aking mga kapatid. Oo, patay na sila pero binuhay silang muli ng Dark King ayon na rin sa pakiusap ko. Mga bata pa sila no'n at ayoko pa silang mamatay, sila na lang ang meron ako.

"Hoy! Ano ba? Tinatanong kita!" untag nito sa'kin.

"Oo, handa na" sagot ko na lang.

Hindi na kami nagpaalam sa hari dahil hindi siya pwedeng gambalain do'n. Gumawa ng black portal si Jewel at sabay naman kaming pumasok. Gamit niya ang dark magic kaya malakas siya at magaling.

Kasama na din namin si Alison, isa siyang dummy maker. Siya na lang ang pinasama namin instead sa mga kawal o iba pang tauhan dahil kahit mamatay man ang mga dummies, hindi 'yon kawalan sa amin. Ginagamit na nila ang dark magic hindi tulad ko, hindi ko pa kailan man nagagamit ang mahikang 'yon.

Nakarating kami sa palasyo ng mga Ventus ng tahimik. Ayon na rin sa napagkasunduan, papasok kami ng hindi nila nalalaman at kung may makakapansin ay dapat patayin.

"*******, siguro'y dapat ka ng mauna sa kwarto nila. Gamitin mo ang ability mo para hindi ka mapansin. Pagkarating mo do'n ay gamitan mo sila nito para mahimatay. Naiintindihan mo?" utos sa'kin ni Jewel sabay bigay ng isang maliit na supot.

Tingin ko, isa iyong powder na pampawala ng malay. Tumango lang ako sa kanila at ginamit ang ability kong invisibility. Hindi na nila ako makikita ngayon kaya dumiretso na ako sa kwarto ng hari at reyna.

Madali lang malaman kung nasaan ang kwarto nila dahil na rin sa disenyong nakaukit sa pintuan nito. Nasa harap na ako ngayon ng pinto at nag-iisip ng paraan kung paano makapasok.

Paano ba? Wala akong teleportation ability at ayoko namang gamitin ang dark magic. Hindi naman pwedeng pihitin ko ang door knob dahil baka magtaka pa sila.

Lumingon-lingon ako sa paligid at napansin kong hindi pa nakasunod ang dalawa kong kasama.

No choice...

Kumatok ako sa kanilang pinto at nakailang katok pa ako bago iyon buksan ng reyna. Ang ganda ng reyna nila at halatang mabait pero paniguradong masasaktan sila pag nando'n na sila sa Tenebris. 

"Sino ka?" nakangiti nitong tanong.

Nakikita niya ako?
 
Teka---hindi na pala ako naka-invisible. Itinulak ko siya papasok sabay taas ng mga kamay ko. Wala pa sila Jewel kaya pwede ko pa silang iligtas.

"Sino ka? Ba't ka nakapasok dito?!" tanong naman ng hari.

Makapangyarihan ang boses ng hari nila pero mas nakakatakot ang haring Baldemor. Ni-lock ko ang pinto at lumapit sa kanila pero sa di inaasahan ay bigla niya akong pinalutang sa hangin. Hindi ako makagalaw pero kaya kong makapagsalita.

"Sandali! M-may sasabihin po akong importante. Ilang sandali na lang ay darating na ang mga kasama ko k-kaya-----aaaaaah!"

"Talagang nagdala ka pa ng mga kasama!"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko no'ng biglang sumakit ng husto ang mga kamay ko. Anong nangyari? A-ang sakit!

"Mahal ko, hayaan mo muna siyang makapagsalita" malumanay na sabi ng reyna kaya nawala na rin ang sakit na nararamdaman ko sa aking kamay.

"Anong sasabihin mo?"

"K-kailangan niyo na pong u-malis dahil kukunin nila kayo. N-nandito na po s-----------"
 
*blaaaaaaaag!*

Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko no'ng biglang sumulpot sila Jewel at agad na tinira ang hari kaya bumagsak ako sa sahig. Ang sakit pa ng pwet ko, putek!

"A-aray ko" pamimilipit ko sa sakit.

"Sino kayo? Ba't kayo nandito? Anong kailangan niyo?" umiiyak na tanong ng reyna.

Hindi na sila makalaban ngayon dahil hawak na ni Jewel ang bato ng negation. Hindi sila pwedeng gumamit ng kapangyarihan except sa may hawak nito.

Napayuko na lang ako sa gilid. Huli na ang lahat, di ko sila nailigtas. Siguro nga ay wala akong silbi, wala akong nagawa para sa kanila.

"Kami ang inatasan ng hari namin na kunin kayo. Kung sasama kayo ngayon ng matiwasay, hindi namin kayo sasaktan" nakangising sambit ni Jewel.

"Hindi kami sasama sa inyo!" sigaw naman hari.

"Ayaw niyo? O baka gusto niyong ang anak niyo na lang ang kukunin namin" sabi ni Alison.

"Wag niyong idadamay ang anak namin, kami na lang. Sasama na kami sa inyo, wag na ang anak namin" pagmamakaawa ng reyna.

Sh*t! Naaawa ako sa kanila.

"HAHAHAHAHAHA good. Mabuti naman at sasama na kayo sa'min"
 
Nakita ko ang bato ng negation na hawak ni Jewel. Mawawala ang bisa nito kapag ibalot sa itim na tela. Tamang-tama, itim ang suot kong damit. Kapag kinuha ko ang batong 'yan, maaaring makatakas pa ang hari at reyna dahil pwede na silang gumamit ng kapangyarihan pero alam kong kamatayan ang kapalit nito. 

Bahala na. 

Huminga muna ako ng malalim at tumayo. Masakit pa rin ang pwet ko, jusko. No'ng nagkaroon ako ng tyempo ay agad kong hinablot ang bato at ibinalot sa suot kong damit.

"Tumakas na po kayo! Dalian niyo!" malakas kong sigaw habang gulat na gulat namang nakatingin sa'kin sila Jewel.

Agad akong nagpa-invisible at umalis do'n sa kinatatayuan ko.  Nakita kong gumawa ng portal ang reyna at agad silang pumasok do'n pero nakasunod si Alison sa kanila bago pa nawala ang portal.

F*ck! Sana matalo nila ang dark magic na gagamitin ni Alison.

"*******! *******! *******! Hindi ko akalain na magagawa mong mag traydor sa'min. Hindi ka na pala natatakot sa kung anumang mangyari sa'yo"

Nakita kong palakad-lakad lang si Jewel habang nakangisi. Demonyo talaga ang babaeng 'to, ang sama niya! Kung mamatay man ako, at least may nagawa akong mabuti bago mangyari 'yon.

"Magpakita ka na ngayon din kung ayaw mong mapadali ang buhay mo!" utos pa niya.

Saan ba ako dadaan? Wala akong ability para sa transpo kaya hindi ko alam kung paano lalabas. Kapag sa pintuan ako dadaan, malalaman niya 'yon!

"*******! Magpakita ka na sabi! Akala mo hindi kita mahuhuli kahit naka-invisible ka? Alam mong makakagamit na ako ng dark magic diba? HAHAHA kaya kung ako sa'yo, magpakita ka na!"

K-kinakabahan ako pero ayokong magpakita sa kanya. Duwag na kung duwag pero natatakot ako sa posibleng mangyari. Ano na kayang nangyari sa hari at reyna? Sana okay lang sila.

"Huli ka!"

"Aaaaaaah!"
 
Nagulat ako sa biglang paghawak ni Jewel sa likuran ko kaya napasigaw ako at naitapon ang bato ng negation. Tumawa ng tumawa si Jewel kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon para tumakbo palabas pero nahawakan niya ang buhok ko.

Taena.

Ang sakit! Parang matatanggal ang buhok ko sa anit huhu.

"Tatakas ka pa talaga ha?! Akala mo hahayaan kita? Sa ginawa mong pag traydor, dapat lang na patayin ka!" sigaw niya sa'kin.

"P-paano mo ako nakita?" tanong ko pa.

"Simple lang. Nagsaboy ako ng mga dark ashes. Hindi ko alam kung tanga ka para di mapansin 'yon! Ang dark ashes ay dumikit sa likuran mo kaya nahanap kita. Stupido!"

Sinampal niya ako ng ilang ulit at ginagamitan ng kapangyarihan dahilan upang tumilapon ako sa dingding at magsuka ng dugo. P-parang mawawalan ako ng hininga sa ginagawa niya. D-di ko na kaya!

Nasaan ba ang mga kawal nila? Di ba nila napansin ang gulong nangyari dito sa kwarto? H-hindi kaya may ginawa sila Jewel sa kanila?

"*******! Saluhin mo ito! HAHAHAHAHA" sigaw niya sabay tawa ng malakas.

May ibinato siya sa'kin na naging dahilan upang mandilim ang paningin ko. Am I going to die? M-mama, papa, m-magkikita na ba tayo?


 

 
-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro