CHAPTER 50: Painful experience

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Nandito pa rin ako sa lugar kung saan puro ice o snow lang ang makikita. Nanlalamig na ako pero di naman ako nanginginig, ni hindi na nga ako gumagalaw dahil sa tingin ko, tumitigas na ang buong katawan ko.

Hindi na rin gumagalaw ang mga mata ko! Hindi na ako kumukurap pero di naman ako lumuluha. Huhu para akong bangkay na inilibing ng patayo. Hindi naman ako makakagamit ng fire power dahil sa nullification ni Volt, same sa negation gano'n.

Tapos bumabagal na din ang paghinga ko, s-siguro nag froze na din ang dugo ko? Waaaaaah! Baka katapusan ko na huhu. Teka---ilang oras na ba akong narito? Ang mga balahibo ko, parang tinik na tumatatayo lahat, feel na feel ko sa ilong ko.

Kailan ba nila ako ilalabas dito? Siguro naman umabot na ako ng isang araw diba? Gusto ko ng kumain pero bago 'yon kailangan ko munang tunawin ang naninigas kong kalamnan.

Hindi ko na rin maibuka ang bibig ko. Feeling ko pati laway ko naging ice na rin, tumitigas. Jusko naman Iciel, ilabas niyo na ako. Teka---baka pati pimple ko tumigas rin? Nakuuu.

Isang araw lang akong mananatili dito pero parang isang buwan na para sa'kin. Grabe! Parang pinapatay na ata ako ng mga 'yon eh.

"Snow, lumabas ka na" rinig kong sabi ni Iciel.

Nagjo-joke ba siya? Infairness, hindi ako natatawa, duh. Paano naman ako lalabas abeeeer? Eh halos magkaugat na ang mga paa ko dito, hindi ko na matanggal. Hindi nga ako makagalaw sabi ey!

"Leighra, mag-isip ka ng paraan kung paano ka makakalabas" sabi naman ni Volt.

Paano nga ba?

Kahit anong gagawin ko, ayaw talaga. Kahit pagalawin man lang ang ilong ko, hindi pa rin. P-pero gumagana naman ang 5 senses ko eh pati na ang utak ko. W-wait----utak?

Tama!

Kung di ko pwedeng magamit ang mga kapangyarihan ko, ang ability ko pwede! Yes, buti na lang matalino ko huehuehue.

'sana masira 'yong nullifying stone na nakakabit sa bukana nitong lugar'

Oo, tama ang nabasa niyo. May inilagay si Volt na isang bato sa bukana at nag explain naman siya sa'kin kung ano 'yon.

Napansin kong may umiilaw, sure akong ang bato na 'yon. Ilang sandali lang ay may narinig akong sumabog. Di ko makita kasi nga di gumagalaw ang mga mata ko, nakafocus lang talaga siya kung saan ako nakatingin kanina.

No'ng tumigil na ang pagsabog, sinubukan kong palabasin ang apoy sa kamay ko pero parang ayaw naman. Paano ba 'to?

"Mag-ingat sa paggamit ng kapangyarihan. Wag masyadong pakampante"

Huh? Hanudaw? Di ko siya gets, meghaaaaad ang gulo ey.

Nag concentrate na lang ako para lumabas na ang fire magic ko. Few minutes, naramdaman kong nag-init ang dalawang kamay ko. Pinainit ko lang ang mga ito at inilapat sa mga bahagi ng katawan ko.

Inuna ko na ang sa mga mata ko, di nagtagal ay lumuluha na ako ngayon, sabi na nga ba naka-freeze lang mga luha ko eh. Sunod naman ay ang bibig ko tapos dumudura na din ako ng tubig, sure akong laway 'yon ew!

Sunod sa leeg tapos sa katawan, then sa mga joints ko, then sa tuhod, hanggang paa. Natunaw ang mga ice na nasa katawan ko and pinainit ko na rin ang kaloob-looban ko.

Malaya akong nakakagalaw ngayon pero napansin kong nagtutubig ang kinaroroonan ko. Haluuuuh! Oo nga pala, natunaw na it means tubig ang kalalabasan.

Napatingin ako sa kalangitan, galit na galit pa rin ito. No'ng una, nagulat pa ako sa mga kidlat na 'yan pero ngayon hindi na. 'Yon nga lang, nakakatakot na lalo na ngayong may tubig na talaga dito sa kinatatayuan ko.

Kailangan kong makaalis bago pa tumama dito ang kidlat. Ayokong masunog noh! Kawawa ang beautiful face ko pag nagkataon.

*ssshhhwwhwhwhw* (tunog 'yan ng kidlat, duh haha)

Napansin ko ring unti-unti ng natutunaw ang mga yelo. Lumalaki na ang parte na naging tubig, teka? Ba't di pa ako umaalis?

Akmang aalis na sana ako no'ng agad akong napayuko. Biglang may kidlat ang tumama sa itaas na bahagi nitong lugar na naging dahilan upang manlaki ng tuluyan ang mga mata ko.

Owemji! M-may papalapit na... M-may papalapit na parang baha! Uwaaaaaaah natunaw ata no'ng kidlat ang bahaging 'yon huhu. Anong gagawin ko? Tatakbo? Kapag tatapak ako ulit sa mga ice na 'yan, for sure magiging ice ako ulit. Sobrang baba na ng temperature sa lugar na 'to ey.

Hindi naman ako makakalipad dahil baka matamaan pa ako noh huhu. Ano bang gagawin ko? Nakuuu!

Bahala na...

Pinainit ko na ang mga paa ko. Parang lulubog na nga ako dahil natutunaw ang tinatapakan ko pero keri na rin. Tumakbo ako ng mabilis para di maabutan no'ng baha pero di ko alam kung sinadya ba ni Volt ang nangyari, bigla na lang may tumamang kidlat sa harap na naging dahilan upang tumalsik ako.

Mabatukan nga ang isang 'yon mamaya.

Napalingon ako sa paparating na baha, parang nag flicker² na ang tubig na dala nito. Tingin ko makukuryente na akooooooO!

"Waaaaaaaaah!"

O-o-o-k-k-a-a-a-y-y! N-n-a-a-a-n-n-g-g-i-i--n-n-g-g-i-i-n-n-i-i-g-g n-n-a-a a-a-k-k-o-o-o-o!

Tae! Ang hirap pala magsalita pag nanginginig. Oo, para akong kinukuryente ngayon, basang-basa na rin kasi ang suot ko kaya gano'n. Huhu daig ko pa ang may epilepsy sa sitwasyon ko. Ang buhok ko, parang tumindig lahat!

At do'n ko pa naisip na may teleportation ability pala ako. Ano 'to? Pili lang ba ang naiisip ko? Kung kanina ko pa naisip 'yon eh di sana di nangyari 'to.

Voooooooolt! Makakatanggap ka mamaya ng isang batok mula sa'kin, tae!

____________________________________
•YESHA's POV•

Ang hirap..

Ito na ba ang sinasabi nilang halos ikamatay ko?

Totoo nga..

Halos malagutan na ako ng hininga sa tuwing ginagawa niya ang bagay na 'yon sa'kin. Parang may kung anong lalabas mula sa'kin na nagdulot ng matinding sakit.

Napapaiyak na lang ako pag naiisip na mauulit na naman ang bagay na 'yon. Parang hindi ko kaya pero dapat kong kayanin.

Ako ang sumalo sa lahat ng dapat na mangyari kay Aerin pero bakit parang wala naman silang ginagawa para iligtas ako? A-alam na kaya nilang hindi ako ang totoong chosen heiress kaya pinapabayaan na lang nila ako dito? Hindi ba ako importante sa kanila?

Gusto ko ng makaalis dito. Sobrang hirap na ng dinanas ko sa kamay ng haring 'yon. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginagawa pero may sinabi siyang kukunin niya ang kapangyarihang meron ako. Asa pa siya! Temporary lang ang lahat ng 'yon.

Sabagay, pinili ko 'to. Sarili ko 'tong desisyon kaya dapat panindigan ko, para sa bff ko. Aerin, nasaan ka na? I-iligtas mo'ko.

Ikinulong nila ako ulit sa isang silid, 'yong dati kong kinalagyan. Ang sabi ng naghatid sa'kin, bukas ay gagawin ulit ng hari sa'kin ang bagay na 'yon, absorbing daw ang tawag.

Pero di tulad ng dati, may kasama ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit siya ikinulong kasama ko pero familiar siya sa'kin, parang nakita ko na siya dati. Dahil sa mga nangyari, hindi ko na halos matandaan.

"Kumusta?" tanong niya sa'kin.

Nabigla pa ako sa biglaang pagsalita niya. Ngayon ko pa lang narinig ang boses niya though ilang araw na kaming nandito.

"E-eto buhay pa p-pero hindi ako okay" honest kong sagot.

"Ikaw ba? Bakit ka ikinulong?" tanong ko naman.

Nilingon niya ako at malungkot ang mga mata niya. Hindi kami nakatali dahil hindi naman kami nakakagamit ng kapangyarihan.

"Sinubukan kong tulungan ang ama't ina ni Ms Ventus kaya pinarusahan nila ako. Hindi ko alam kung nahuli ba nila ang hari at reyna pero baka nga dahil buhay pa ako" sagot niya.

Ms Ventus? Diba si Aerish 'yon? Paniguradong mag-aalala siya pag nalaman niyang kinuha ng mga taga Tenebris ang ama't ina niya.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" tanong niya ulit.

Sinubukan ko siyang alalahanin kung sino siya pero napa-aray ako no'ng sumakit lang ang ulo ko at umiling.

"Dati, kasama nila akong dalawa sa mga misyon. Gumagamit na sila ng dark magic samantalang ako, hindi pa. Nakita mo na ako, no'ng inilabas ka namin dito at dinala sa silid ng haring Baldemor"

K-kaya pala familiar siya sa'kin! Siya pala 'yong ikatlo sa naglabas sa'kin dito. P-pero ikinulong siya dahil sinubukan niyang iligtas ang hari at reyna ng Air Kingdom. Bakit niya ginawa 'yon? Ibig sabihin mabait siya? Napipilitan lang ba siyang sumapi sa kanila?

"A-ano bang pangalan mo?" tanong ko pa.

"Ako si Marne Brignas. Nag-aaral ako sa Luxier Academy. I-isa ako sa mga spy do'n pero di ko naman ginusto 'yon eh. H-hindi ako makapagsumbong dahil may mga nakabantay sa mga kilos ko"

Isa siyang spy?

Gusto kong magalit sa kanya pero di ko magawa. May mga naipahamak siya pero biktima lang din siya dito.

"Napilitan lang akong gawin ang mga bagay na 'yon dahil sa mga kapatid ko. Malaya silang namumuhay sa isang lugar na sakop ng Lux at ayokong mapahamak ulit sila dahil sa'kin kaya tatanggapin ko ang anumang parusa nila"

Kawawa naman siya.

"Bakit mo iniligtas ang hari at reyna?" taka ko pang tanong.

"Hindi ko na kasi talaga kaya. Kahit papaano ay bahagi pa rin ako ng Lux kaya kahit sa paraang 'yon, makabawi man lang ako sa mga kasalanan ko" sagot naman niya.

Ang bait niya kaya lang naiipit siya ngayon. Iniisip niya ang kapakanan ng kanyang mga kapatid pero iniisip niya rin ang Lux.

Isa lang ang dapat sisihin sa lahat, ang hari ng Tenebris. Ang sama niya! Dinadamay niya ang mga inosente.

"Ikaw naman ang nag kwento, wag lang mag-alala, kakampi mo ako lagi" nakangiti niyang sabi.

Umayos ako ng upo pero napadaing din no'ng biglang sumakit ang katawan ko pagkatapos ay tumawa na lang.

"Ako si Yesha, tinatawag akong 'The Chosen Heiress', tagapagmana o tagapagligtas. May kaibigan ako, si Aerin. Miss ko na siya" sabi ko naman.

Napatingin siya sa'kin at napakunot ang noo na parang may inaalala.

"Aerin? Aerin Sandoval ba?" taka niyang tanong.

"Oo, kilala mo siya?"

"N-nakalaban ko siya dati sa battle, natalo pa nga niya ako eh"

Huh?

"Battle?"

"Oo, battle between classes. Malakas siya at magaling, kaibigan mo pala siya?"

"Oo p-pero sana wag mong ipagsabi kahit kanino. A-ayokong mapahamak siya ng dahil sa'kin" pakiusap ko sa kanya.

"Sige, pangako 'yan"

Nagkwentuhan lang kaming dalawa ni Marne. Mabait naman pala siya. Naikwento na rin niya sa'kin na naging masama siya kay Aerin no'n haha ang cute nila.

Ilang sandali lang ay may biglang pumasok, si Jewel. Pinakilala siya sa'kin ni Marne at sabi niya, isa siyang masamang babae dahil gamit na nito ang dark magic.

Napasin kong lumayo sa'kin si Marne at naupo lang sa may gilid. Nilapitan ako ni Jewel at hinablot ang aking buhok. Walangya talaga ang babaeng 'to, parang ang laki ng galit niya sa'kin, tsk.

"Kumusta ka na, Chosen? Talagang malakas ka nga noh? Dahil hindi ka pa namamatay kahit na pinapahirapan ka na ng husto" gigil niyang sabi sa'kin.

Ang sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko ah.

"Oo, malakas ako dahil ako ang chosen heiress at hindi ako mamamatay dahil papatayin pa kita!" sigaw ko sa kanya.

Alam kong hindi niya ako pwedeng patayin dahil may kailangan pa ang amo niya sa'kin, mga tanga!

"Anong sabi mo?! Hindi mo ako mapapatay! Dahil sisiguraduhin kong sa akin ang bagsak mo pagkatapos niya"

Pinandidilatan niya ako ng mata kaya di naman ako nagpapatinag. Akala niya natatakot ako sa kanya? Ha! Asa pa siya.

"Sa'yo? Sabagay, second option ka lang naman. Isa kang utusan, alila, at kapag hindi na napapakinabangan, wala ka ng silbi!" matapang kong sagot.

Nanginginig na siya sa galit at ramdam ko 'yon. Gagalitin pa kita lalo Jewel, kahit do'n man lang, makakabawi ako.

*paaaaaak!*

Napabaling ako ng tingin dahil sa sampal niya. Putek! Ang sakit ng mukha ko ah. Pag ako nakawala, hindi lang sampal ang aabutin mo sa'kin.

"Hindi totoo 'yan! Malakas ako at magaling kaya ako ang inaatasan ng hari at mataas ang pwesto ko sa kahariang ito!"

"Malakas ka lang kapag walang laban ang kinakalaban mo!"

Magalit ka pa Jewel, 'yong hindi ka makakatulog dahil sa galit.

"Gusto mo bang patayin kita? Ha?!"

Nanlilisik na ang mga mata niya habang sinasakal na ako. Nahihirapan akong huminga pero wala akong pakialam.

"S-sige! P-patayin mo'ko para ikaw ang mananagot sa amo mo! P-patayin mo man ako, hinding-hindi pa rin kayo magtatagumpay!"

Tanga sila dahil nahulog sila sa patibong namin. Inakala nilang tama ang nakuha nila pero nagkakamali sila. Hinding-hindi mananalo ang kasamaan laban sa kabutihan.

"Papatayin kita!"

Biglang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Nakakatakot pag tinitingnan, g-galit na galit na talaga siya.

"Sandali! Itigil mo na 'yan Jewel, h-hindi mo siya pwedeng patayin ngayon!" pigil sa kanya ni Marne.

"TUMAHIMIK KA!"

Dahil sa lakas ng sigaw niya, tumalsik bigla si Marne pero pilit pa rin itong tumatayo para pigilan ang demonyitang 'to. Ang sakit na ng leeg ko, ang hirap ng huminga!

"I-isipin mo ang hari, Jewel. Paniguradong papatayin ka niya kapag nawala sa kanya ang chosen! Papatayin ka niya" sabi pa nito.

Napatigil naman si Jewel at parang napaisip. Marahas niya akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig habang habol-habol ang hininga. Bumalik na din sa dati ang kulay ng mga mata niya pero nakayukom pa rin ang mga kamao.

"Pasalamat ka at may kailangan pa sa'yo ang hari kaya hindi kita pwedeng patayin ngayon pero darating ang araw na mapapatay kita" banta niya sabay alis.

"Ikaw ang papatayin ko!" sigaw ko pa sa kanya.

Tuluyan ng nagsara ang pinto at agad namang lumapit si Marne sa'kin. May dugong dumaloy sa bibig niya kaya nag-alala ako.

"W-wag kang mag-alala, okay lang ako. Ikaw ba? Okay ka lang?" tanong niya sa'kin.

"Oo, o-okay lang"

"Hindi mo siya dapat sinasagot ng gano'n. Ayaw na ayaw niya pag sinasagot siya, maaari ka niyang mapatay pag di siya makapagpigil"

"Alam ko pero di niya ako pwedeng patayin dahil may kailangan pa ang amo niya sa'kin. Kapag namatay ako sa kamay niya, sigurado akong hindi siya bubuhayin ng hari"

'Yon ang naisip ko kanina kaya ginagalit ko siya. Mamatay man ako, hindi 'yon kawalan sa Lux. Mamamatay akong may karangalan dahil ginagawa ko ito para sa kanila.

"Hanga ako sa lakas ng loob mo"

"Salamat. Kaya lang, hindi ko alam kung kailan ako makakalabas dito. Hindi ko alam kung ililigtas nila ako" malungkot ko pang sabi.

"Alam kong gustong-gusto ka nilang iligtas pero wala silang magagawa sa ngayon"

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong, hinawakan naman niya ang kamay at nagsalita.

"Naglagay ng isang napakalakas na barrier ang haring Baldemor sa buong kaharian. Walang sinumang taga-Lux ang makakapasok dito. Kapag may nagtangka, maaaring mamatay sila"

Laglag-balikat akong lumihis ng tingin. Kaya pala walang tulong na dumating para sa'kin. Makakalabas pa kaya ako dito?

"Kung gano'n, wala na tayong pag-asa?" tanong ko pa.

"Hindi ko alam. Siguro, dapat maghintay na lang tayo sa araw ng digmaan. Alam kong gagamitin niya tayo laban sa taga-Lux kaya kung maaari, wag mong hayaan na makakapasok sa'yo ang dark magic dahil maaari ka niyang kontrolin kapag nakapasok ito sa'yo. Sa araw na 'yon, makakalabas tayo sa kahariang ito"

Digmaan? K-kailan naman kaya 'yon? Paano ko pipigilan ang kapangyarihang itim?

"Kailan pa 'yon? Sobrang sakit at hirap na ang dinanas ko at dadanasin ko pa sa kamay ng Dark King, p-parang hindi ko makayanan"

Isa-isang tumulo ang mga luha ko kapag naiisip ko ang bagay na 'yon. Parang nawawalan na ako ng pag-asa lalo na't naririnig ko ang halakhak ng hari. Nakuha na niya ang kapangyarihan ng lupa at alam kong sinasanay na niya ito ngayon pero hindi ako nangamba dahil na rin sa mga gods and goddesses.

"Kailangan mo 'yong tiisin at kayanin. Kapag nakuha na niya ang lahat ng kapangyarihan mo, alam kong magsisimula na ang digmaan kaya maghanda ka dahil gagamitin niya tayo sa panahong 'yan. Tandaan mo ang bilin ko, wag na wag mong hahayaan na makapasok sa'yo ang dark magic" paalala niya ulit sa'kin.

Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Ang bait ni Marne, sobra.

"Oo, tatandaan ko 'yan, maraming salamat. P-pero ang sabi mo, hindi mo pa nagagamit ang dark magic. I-ibig sabihin, nakapasok na sa'yo 'yon pero hindi mo pa ginagamit?" tanong ko pa sa kanya.

Bumuntong-hininga siya at tumango kaya nagulat ako nag-aalala. Paano na siya? Anong kailangang gawin para mawala sa kanya ang dark magic na 'yon?

"Oo, nasa akin na kaya kapag dumating ang araw ng digmaan, wag na wag kang lalapit sa'kin. Kung sakali mang ako ang lalapit sa'yo, wag kang magdadalawang-isip na patayin ako"

(0_0)

G-gusto niyang patayin ko siya sa araw na 'yon?

"H-hindi. Hindi ko magagawa sa'yo 'yon. Ngayon lang tayo nagkakilala pero kaibigan na ang turing ko sa'yo. H-hindi kita papatayin"

"Kailangan mo akong patayin kapag nangyari 'yon. Ayokong makapatay ng mga light mages kaya gawin mo 'yon para sa'kin"

Umiling ako nang umiling at umupo sa may sulok. Do'n ako umiyak dahil hindi ko kaya ang pinapagawa niya. Hindi ko pa nga alam kung kakayanin kong makaabot sa panahong 'yon eh pero sabi ni goddess Hera, kailangan kong kayanin.

Marne, hindi kita kayang patayin dahil kailangan ka pa ng mga kapatid mo. Makontrol ka man ng Dark King, alam kong may paraan pa para makawala ka do'n.

Sana malaman ko kung ano 'yon. Ayokong mawalan ng kaibigang tulad mo, ayoko. Masyado kang mabait para patayin.

____________________________________
•AQUA's POV•

"Babe, sorry na nga eh diba?"

"Binilhan na nga kita ng ice cream with chocolate pa tapos ginawa mo pa rin 'to sa'kin?"

"Sorry na nga! Nanggigil lang kasi ako sa'yo eh"

"Grabe ka naman manggigil, kailangan pa talagang kagatin ako?"

"Kaya nga nag sorry diba?!"

"Oh ba't ka galit? Ako na nga 'tong nasaktan oh. Ang sakit ng kagat mo, ayan oh nangingitim na"

"Ayaw mo bang tanggapin ang sorry ko?!"

"........"

"Hoy Ulan, sumagot ka kundi maghahanap ako ng ibang lalaki, sige ka!"

"Sige na nga, bati na tayo basta wag kang maghahanap ng iba kundi papatayin ko ang mga 'yon"

"Yieeee! Thank you babe"

"Pasalamat ka, mahal ka kita eh"

Yuck.

Ang sagwa talaga ng dalawang 'to. Mga pabebe at ang corny. Dito pa talaga sa harap namin naglalandian, nagla-live show.

Hays! Wala naman akong makausap na iba dahil wala naman akong jowa. Ang mga kasama ko naman dito parang mga rebulto, ang tatahimik at halos di na gumagalaw.

Kanina pa ako dito, palipat-lipat ng tingin sa kanilang lahat. Ang lalim naman ata ng mga iniisip nila, di ko ma reach eh.

Hays! Na miss ko na si Aerin, kung nandito lang siya siguro may magagawa kami para iligtas si Chosen. Hindi ako naniniwala na isa siyang masamang tao dahil diba siya si Luna? Tinutulungan pa nga niya sila Faero laban sa masasama eh, hindi lang nila alam na siya 'yon.

Bakit kaya ayaw niyang ipaalam sa kanila ang tungkol do'n? Ano kayang magiging reaksyon ni Faero pag nalaman niyang hindi si Chosen ang totoong Luna? At bakit naman nagsisinungaling si Chosen?

Hmmm, best friend nga pala silang dalawa. Siguro, ginawa 'yon ni Chosen para pagtakpan si Aerin. Hala! Oo nga noh? So ibig sabihin, mabait siya? Eh hehe nagkamali pa ata ako ng pagkakakilala sa kanya.

Sorry Chosen ha? Di ko naisip 'yon no'ng una.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo?"

(0_0)

Halaaaa! S-si Raiden? Ba't niya ako kinakausap?

"H-ha? H-hindi ah!"

Sheeeet! K-kinakabahan ata ako pero bakit? Problema ko? Himala naman kasi na kinakausap niya ako ngayon.

"Talaga? I've noticed na napatulala ka kanina eh that's why I asked you. Gusto mo?" alok niya sa'kin.

May hawak kasi siyang soft drink na naka-lata. Tinanggap ko naman ito at agad ininom. Whew! Pampaalis-kaba lang.

"Salamat nito. Hays! Naisip ko lang kasi si Aerin at si Chosen. Mag best friend sila diba? Naisip ko lang na baka-----"

"Baka hindi siya ang may gawa no'ng lahat?" putol niya sa sinasabi ko.

"Oo, posible naman diba?"

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Sana lang at hindi totoo na siya 'yon.

"Pero ang sulat na iniwan niya sa dorm ang pinag--------"

"So, pati ikaw ay naniniwala na magagawa niya sa'tin 'yon?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Hindi naman sa gano'n. Nakasama ko si Aerin at alam kong totoo ang pinapakita niya sa atin kaya nga dapat makita na natin 'yong si Lei eh para maliwanagan na tayo"

Tama siya...

Pero hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita si Lei. Hindi namin alam kung nasaan siya! Pati si Daphne ay tumutulong na din sa paghahanap. Ang sabi niya, hindi pa daw umuuwi sa dorm nila si Lei. Nasaan na kaya siya? Hindi kaya nakuha din siya ng mga taga Tenebris? No, ayokong isipin.

Hindi na muling nagpaparamdam ang mga dark mages kaya payapa na ulit ang buong Academia pero mas pinagtutuuan namin ng pansin ang pagsasanay para sa nalalapit na digmaan.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin ni Raiden ay may bigla kaming narinig na isang pagaspas, parang isang malaking ibon. Napalingon ang lahat sa pintuan dahil do'n ang may pinakamalakas na tunog.

"Teka----parang kilala ko ang pagaspas na 'yon ah!" sabi ni Aerish at dali-daling pumunta sa pintuan.

Sumunod naman kami sa kanya. Binuksan niya ito at bumungad sa'min ang ibon ng kanyang ina, si Lawin. Bakit kaya siya nandito?

"Lawin? Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Aerish.

"Mahal na prinsesa! Mahal na prinsesa!"

Oo, nakakapagsalita ang ibon ng reynang Ventus dahil na rin sa kapangyarihan nito pero napapansin naming nanghihina na ito. May nangyari kaya sa reyna?

"A-anong nangyari Lawin? Bakit ka nandito?"

"Mahal na reyna, kinuha! Mahal na hari, kinuha!" sagot nito.

Kinuha? Nino? P-paanong-----

"S-si ama't ina? Sabihin mo, s-sino ang kumuha?" naiiyak na tanong niya.

Alam na namin kung sino pero bakit? At paano nila ginawa 'yon? Malalakas at magagaling ang ama't ina ni Aerish kaya impossibleng makuha sila.

"Tenebris! Tenebris!"

"H-hindi! H-hindi sila pwedeng kunin! Hindi pwede huhu"

Umiiyak na ngayon si Aerish habang akay-akay ng kapatid ko. Bakit nangyayari ito? Unti-unti na talaga kaming nalalagasan at dahil dito, unti-unti na rin kaming humihina. Nawawalan kami ng mga malalakas na kakampi, paano kami mananalo?

Napakatuso talaga ng Dark King, sinasadya niyang kunin sa'min ang mga malalakas para di kami makalaban.

Palaisipan pa rin sa'kin kung paano nila nagawang bihagin ang hari at reyna ng Air Kingdom. I-ibig sabihin, lumalakas na ang pwersa nila?

Sh*t! Hindi kami pwedeng sumuko at matalo. Hindi pwedeng manalo ang kasamaan! Hindi kami dapat matalo pero sa sitwasyong ito, unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa.

Sana may liwanag na darating para sa'min na magbibigay sa'min ng lakas at pag-asa.

Sana nga...




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro