CHAPTER 51: What happened to Lei?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•RAYNDELL's POV•

"Natatakot ako *sobs* paano na lang kung may mangyaring masama sa kanila?" umiiyak na sabi ng babe ko.

Hindi talaga kami makapaniwalang nakuha sila ng mga 'yon. Hindi pa nga namin na solve ang problemang kinakaharap namin ngayon, may bago na naman.

"Don't be babe. I know they're okay, trust them" pagko-comfort ko pa.

"Okay? How did you know na okay lang sila ha? How?!"

Hays! Baka awayin na naman ako ng isang 'to kaya lang I need to calm her down dahil it's my job as her boyfriend diba?

"Uhm ano babe... K-kinausap ko sila, tama! Nakausap ko kasi sila and they said na okay lang sila kaya don't worry, okay?" sabi ko na lang.

"*sobs* totoo ba 'yan?" paniniguro niya.

"Oo nga. Diba may telepathic ability ako? Kaya totoo ang sinasabi ko"

Ilang sandali lang ay tumigil na din siya kakaiyak. Sumisinok pa talaga siya dahil do'n. Naaawa ako sa kanya kasi syempre mahal na mahal niya parents niya tapos wala pa talaga siyang magagawa para iligtas ito.

Hindi na kami pumunta pa kay HM kasi alam naming wala din siyang magagawa kundi ang maghintay sa paglabas ng mga kalaban. I know alam na din niya ngayon ang nangyari.

Sana okay lang sila do'n. Actually, hindi ko naman talaga nakausap ang mga magulang niya dahil ewan, sinubukan ko pero wala akong nakukuhang signal sa kanila. Sinasabi ko lang 'yon kay Aerish para tumigil na siya sa kakaiyak. Hays, I'm sorry babe.

Nandito nga pala kami sa kwarto niya and syempre isa akong gentleman kaya pinagkatiwalaan nila ako. Alam nilang wala akong gagawing masama kay Aerish, sa gwapo kong 'to? I'm not bad yah know.
 
Nilingon ko si Aerish, nakapikit na ang mga mata nito. Tulog na ba siya? Siguro nga napagod siya kaya nakatulog. May luha pa sa pisngi niya, naku iyakin pala ang future wife ko *smiles*.

Pinahid ko na lang ang mga luha niya at sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. I gently touched her face and smiled like an idiot, tsk. Ang ganda kasi ng girlfriend ko eh.

"Rest well babe, lalabas muna ako" sabi ko pa sabay halik sa kanyang noo.

Kinumutan ko na rin siya pagkatapos ay lumabas na. Nadatnan ko pa sila pareng Faero, Ice at sila kapatid sa may sala na kapwa nakatunganga lang. Ginagawa ng mga 'to? For sure napapanis na ang mga laway nila. Nasaan kaya si pareng Raiden? Lumayas na naman ba?

Ang isang 'yon talaga.

"Where's Raiden guys?"

Try ko lang mag English baka sakaling sagutin ako. Alam niyo na, may lahing foreigner ang mga kaibigan natin.

"Lumabas"

"Bakit daw?"

"Ewan"

"Okay lang ba kayo?"

"Maybe"

Taena. Mabuti pa siguro kung tumahimik na lang ako kesa makipag-usap sa mga 'to, wala akong nakukuha na matinong sagot eh. Makakuha na nga lang ng pagkain sa kusina, hays.

Tumalikod na lang ako at naglakad para kumuha ng pagkain sa ref. May nakita akong box ng pizza kaya 'yon na lang ang kinuha ko, may tatlong slices pang natira. Nagtimpla na din ako ng pineapple juice para panulak. Di ko sila bibigyan, bahala sila.

*blaaaag!*

Huh? Ano 'yon? Ba't may kumalabog? Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kahina-hinala.

*blaaaag!*

Ow sh*t! B-baka may multo sa kusina? Nakuuuu, makaalis na nga dito huhu.

T-teka nga----hindi kaya si Lawin 'yon? Do'n kasi siya nakatambay sa likuran ng dorm ngayon tapos may maliit na pintuan din mula dito sa kusina patungong labas.

Siguro nga, siya 'yon. Tinatakot ko lang ata ang sarili ko, di bagay sa katulad kong gwapo ang matakot.

Nakabalik na lang ako't lahat-lahat pero gano'n pa rin ang itsura ng mga kasama ko. Parang ang lalim ng iniisip nila, may contest ba? Di man lang ako isinama.

Umupo na lang ako sa may bakanteng upuan at inilapag sa center table ang pizza at juice na dala ko. Kumain ako sa harap nila kaya napapatingin sila sa'kin. Now what? Bawal kumain? Bahala kayo dyan.

"Hey guys!"
 
*cough! cough! cough!*

"T-tubig! Tubig!"

Nagulat ako sa biglaang pagdating ni pareng Raiden kaya nalunok ko ng diretso ang kinakain ko. Nabulunan pa ako amputek! Bigla ba namang sumulpot eh, ano ba 'yan?!

Parang nagulat din ata ang kapatid ko sa sigaw ko kaya talagang binigyan niya ako ng tubig. Oo, binasa niya ako walangya talaga, hays.

"Ano ba naman 'yan pare? Ginulat mo naman ako eh! At ikaw naman, ba't mo ako binasa ha?!" baling ko din sa kapatid ko.

"Sorry" sabay nilang sabi.

May juice naman sa harap ko, di ba nila nakita 'yon? Nakaligo pa tuloy ako ng wala sa oras.

"I just want to say na hinahanap na tayo ni Mr. Zackwoscki para sa training natin. We need to go there ASAP kasi pag hindi, lagot kayo"

Oo nga pala noh? May training pa pala kami. Kailangan naming mag ensayo ng mabuti ngayong wala na kaming aasahan na magliligtas sa'min. Kung alam lang namin ang galaw ng mga taga Tenebris, hindi sana nangyari ito.

May mga spies din naman kami sa Tenebris kaya lang bangkay na no'ng nakauwi dito kaya hindi na ulit nagpadala si HM do'n kasi ayaw niyang maulit ang nangyari.

Pinauwi na din kahapon ni HM ang mga light mages na may misyon sa mortal world meaning hindi na kami kukuha ng mga new mages do'n kasi wala ng sapat na panahon para sa training nila.

Kung iisipin, maliit lang ang tyansa naming manalo pero gagawin namin ang lahat para sa kaligtasan ng lahat.

"Okay, we're going now. Let's go!" sagot naman ni Ice at nagteleport na.

Tumayo naman ang mga girls at nagsimulang maglakad paalis habang ako eh nakaupo pa rin. Hindi ko pwedeng iwanan si Aerish dito ng mag-isa pero paniguradong makakatanggap kami ng parusa pag di kami pumunta do'n. 

"You have to wake her up, Cold. Alam mo naman kung paano magparusa si Mr. Zackowscki diba? I'll go ahead, sumunod na lang kayo" sabi pa ni pareng Raiden sabay alis din.

Yeah. Isang terror na training master si Mr. Zackowscki kumpara kay Mr. Frey. Siya ang naka-assign sa'min ngayon kaya di dapat ipagliban ang training na 'to, hays.

Susubukan ko na lang siyang gisingin ngayon.

Dinampot ko na lang ang tirang pizza at ininom na ang juice pagkatapos ay ibinalik sa kusina. Naghugas na din ako ng kamay tapos naglagay ng kunting alcohol. Maarte si Aerish at malakas ang pang-amoy kaya kapag amoy pizza ang kamay ko, magwawala ang isang 'yon.

*blaaaaaag!*

(0_0)

Ba't may kumakalabog na naman? Ano bang nangyayari kay Lawin? Gusto ko pa sanang lumabas para tingnan siya kaya lang kailangan ko ng magmadali.

Makaalis na nga lang... 
 
Nagbihis na lang din muna ako tapos bumalik na sa kwarto ni Aerish. Mahimbing pa rin siyang natutulog tapos 'yong kumot niya, nasa baba na. Talagang malikot kung matulog eh noh? Pfffft.

I came closer to her and started caressing her face. Clear skin ang bebe ko ah. Bagay talaga kami, gwapo at maganda yieeeeee. Akalain mo 'yon, nauna pa kami sa kanilang lahat. Ang gwapo ko kasi kaya nahulog din siya sa'kin.

*winks*

"Hmmmmm" she moaned.

Did I disturbed her?

"Aerish?" tawag ko sa kanya.

"Babe?"

"Hey! Wake up"

"You need to wake up now"

"Gusto ko pang matulog" she murmured, pfffft cute.

"Pero babe, may training pa eh"

"......"

"Babe? Pag di ka gumising, hahalikan kita"

"....."

"Sa lips!"

"GISING NA AKOOOOOO!"

Napaawang ako ng bibig dahil sa lakas ng sigaw niya pero mas nagulat ako no'ng bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak.

"Waaaaah! Huhu ano na ang gagawin ko? *sobs* ayokong mawala sila sa'kin. S-sila na lang ang meron ako eh. M-mahal na mahal ko sila at gustong-gusto na silang mayakap *sobs*"

If only I could bring her parents back, I'll surely wants to do it kaya lang kahit gustuhin man namin, we can't. Pinakita na ni HM sa'min once ang sitwasyon sa Tenebris and by the looks of it, napakadelikado na. The barrier that surrounds it looks strong and powerful kaya for sure, sobrang hirap talunin ng Dark King kapag ginamit niya 'yon sa digmaan.

"Tahan na, Aerish. Wag mo ng sayangin ang mga luha mo dahil hindi 'yan nakakatulong para mailigtas ang mga magulang mo" sabi ko pa sa kanya.

Kaya lang...

Sinamaan pa ako ng tingin. Tama naman ako diba? Kung di ko lang 'to mahal, kanina ko pa 'to kinutungan eh.

"Nasasabi mo lang 'yan kasi wala ka sa sitwasyon ko huhu"

I sighed and cupped her face. Tumalab naman sana ang handsomeness ko.

"Babe, try to understand it. Instead na umiiyak ka lang dyan, mag ensayo na lang tayo ng mabuti para magkaroon tayo ng malaking possibility na mailigtas sila o di kaya maipaghigante. That would be more worthy right?" sabi ko pa while wiping away her tears pero umiiwas naman siya ng tingin. 

Bakit? Ayaw niya ba sa mukha ko? Gwapo ko naman ah.

Bad baby.

____________________________________
•RAIDEN's POV•

We're here at the training ground and nasa ikalawang stage na kami ng training but the couple were not yet here. Kanina pa sila hinahanap ni Mr. Zackowscki pero buti na lang he's on a good mood today.

"Okay, are you ready? You just have to hit the point that corresponds your assigned color wherever it goes okay?" sabi pa niya.

We just nodded and position ourselves para tirahin ang point na ginawa niya. It will help us to hit our enemies especially those who has the fastest ability. The point that I'm going to hit is the color yellow.

Kanina sa first stage, 'yong pag-iwas na may atake ang ginagawa namin. Kapag umiiwas kami sa isang tira ng kalaban, dapat may kasabay na pagtira din kaming gagawin so that the enemies will get what they give to us, such a nice strategy, isn't it?

"W-wait-----ano nga po 'yon ulit?" tanong pa ng isa naming kaklase.

"Ayan! Hindi ka kasi nakikinig eh. Next time, listen carefully para di kayo mahuli. As what I've said, hit the point wherever it goes! Be sure to hit the point that corresponds the color that I gave you last time okay? So, get started at the count of three"

As on cue, I ready myself to be more active and focus on my own color. My eyes should be clear kasi dapat sundan mo ng tingin ang color mo para di mawala sa paningin mo. If ever you'll hit the wrong color, it's okay but you have to run over the field for 6 f*ckin' hours!

"1!"

"2!"

"3! GO!"

The colors started to ramble at talagang ang hirap hanapin ng color ko. Ang bilis ng mga galaw nila to the point na halos di na namin ma identify kung anong color na ang tinitingnan namin.

This is crazy!

*boooogsh!*

We heard a loud bang of noise and I guess may isang mage na ang nakatama ng point. I wonder kung tamang kul-------

"Good job Mr Frost! You can have your lunch now"

Ow, si Ice pala. Well, isa siya sa magagaling dito sa Academy and we can't deny it.

I tried to close my eyes and activate all my senses. I focused my mind sa kulay dilaw na point and while my eyes are closed, I positioned my right hand with a lightning in it.

The moment na malinaw na sa isip ko ang point na color yellow, agad akong tumira. May narinig akong sumabog pero di ko pa binuksan ang mga mata ko unless sabihin na ni Mr. Zackowscki kung anong nangyari.

I waited for a minute until he said it...

"Good job Mr. Light! You can have your lunch now"

Yeah! A strategy can be added by another strategy and I'm good at it.

Napalingon sa'kin si Aqua so I just gave her a smile and a thumbs up pero parang nagulat pa siya kaya siya na mismo ang inatake ng point niya, pfffft.

Haha her reaction is priceless, so cute.

Pailing-iling na lang ako habang pumupunta sa inuupuan namin kanina. Mamaya na lang ako kakain, I want to watch them. Pangarap ko din ang maging isang training master, it would be nice. I could imagine it. 

Napangiti ako habang minamasdan ang mga mages na nagsasanay ngayon. They're eager to win the battle kaya talagang nagpursige sila.

Kapag nanalo kami sa digmaang 'yon, we can go around the Lux na walang pangamba o anumang takot. We're all free at 'yong ibang mga bayan ay malaya ng mamumuhay.

"Good job Mr. Walter! You can have your lunch now"

At first, I don't know kung bakit paulit-ulit ang sinasabi ni Mr. Zackowscki but while observing, napansin kong hindi naman pala siya ang nagsasalita. It's the speaker and siya naman ay may kung anong sinusulat sa isang papel.

"Good job Mr. Flamour! You can have your lunch now"

Nanatili din sila dito sa training ground kahit tapos na sila like me pero si Ice, nawala na. Since then ganyan siya but he's colder than before since Aerin left. Hays, I missed Aerin but I already accepted the fact na iniwan na niya kami. I'm still thankful kasi nakasama ko siya kahit panandalian lang.
 
Ilang sandali lang ay natapos na din si Eris and next to her is Aqua. Papunta na sila ngayon sa kinaroroonan namin pero napansin kong parang tumatagos lang ang tingin ni Aqua sa'kin, pffft. What's with her? She's acting strange though I found it cute.

I guess the wrong is on me, uh?

"Hey guys! Are we late?" biglang sulpot nila Cold.

"Yeah! Super late kapatid. Lagot kayo kay Mr. Zackowscki, patatakbuhin kayo ng 6 hours sa field no'n" pananakot ng kapatid niya.

"Whatever, 6 hours lang pala eh" sabat naman ni Aerish.

"Lang? Wow Aerish! Bilib na ako sa'yo HAHAHA"

"Of course, ako pa"

"Good thing you're okay now, Aerish" sabi naman ni Faero.

Ngumiti lang si Aerish and nag walkout na, sumunod naman sa kanya si Cold. Kibit-balikat na umalis si Faero and I guess diretso na sa cafeteria 'yon. Simula no'ng nakuha ng mga taga-Tenebris si Chosen, hindi na siya masyadong nagsasalita. I think sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari.

Wala naman siyang kasalanan do'n. Ano na kayang nangyari kay Chosen? Okay lang kaya siya do'n? Sana di siya sinasaktan. Sana hindi niya iisipin na pinabayaan lang namin siya.

Everyday or even at night, lagi namin siyang naiisip at kung paano namin siya maililigtas pero kapag naisip namin kung gaano kadelikado 'yon, sabay-sabay na lang kaming bumuntong-hininga.

I'm hoping that when the time (digmaan) comes, buhay pa rin siya and we'll do everything just to win her back.

"Hihintayin pa ba natin sila?" tanong ni Eris.

"No, hindi na makakapaghihintay ang tyan ko noh! Gutom na ako kaya mauuna na ako sa inyo" maktol pa ni Aqua sabay alis.

Dalawa na lang kami ni Eris ang naiwan dito sa pwesto namin pero bigla na lang may malaking dahon ang sumulpot at sumakay naman siya do'n pagkatapos ay walang paalam na umalis.

Seriously?

Iniwan nila ako dito without even saying good bye to me? Ays! Ano pa bang aasahan sa kanila? Magkaibigan kami na parang hindi. Sounds weird pero we're solid.

Umalis na lang din ako at nagpunta sa favorite place ko. Dito ko unang nakita at nakasama si Aerin, I can still remember that moment. Nakakatuwa siya at parang bata HAHAHA.

*sighed*

Ngayon, di ko alam kung nasaan na siya.

Humiga na lang ako sa may puno at ipinikit ang mga mata. Hindi pa naman ako gutom so maybe I just have to take a nap.
________
"Voltaire!"

"No, don't call me Voltaire!"

"But I want to"

"NO!"

"Voltaire!"

"I said don't call me Voltaire"

"Voltaire is nice and I like it"

"I said no!"

"Voltaire hihi"

*tsuuuup*

"Waaaaaaaah MOMMY! AAAAAAAH HUHU MOMMY!

"Call me Voltaire again and I'll kiss you"

"Baby? What happened? Why are you crying?"

"Huhu mommy, he kissed me! My first kiss mommy waaaaaaaah huhu"

"Raiden? Is it true?"

"No tita"

*grins*

"Okay², pumasok na nga kayo sa loob para kumain. Dali na"

"Let's go *smirks*"

"I hate you, stealer!"

I don't want you to call me Voltaire because I promised to myself that only my friends forever can call me that name and I don't want you to be just my friend.

"Heyaaaaah!"

"Ow sh*t!"

"Raiden? Watch your words!"

"S-sorry tita"

"Bleeeeeeh!"

____________________________________
•LEI's POV•

Madilim...

Sobrang dilim...

Hindi ko alam kung makakalabas pa ako sa lugar na 'to pero sinusubukan ko.

The door is locked at wala akong elemental power para magawang buksan ang pintuang ito.

Kanina ko pa 'to sinusubukang pukpukin ng kung ano-ano pero wala pa rin. Sobrang tibay ng pagkakagawa kaya ang hirap.

Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito pero gusto ko na talagang makalabas. Nauubos na ang lakas ko sa paggawa ng candy na kakainin ko para sana mabuksan 'tong pinto pero nasasaktan lang ako.

Paano ba ako napunta dito? Ganito kasi 'yon.

-----------------Flashback--------------------

Umuwi na muna ako sa condo para tingnan kung nando'n ba si Aerin pero pagdating ko ay wala namang tao.

Tiningnan ko siya sa room niya pero wala siya. May duplicate key kasi ako sa lahat ng kwarto in case na kailangan talaga.

Paalis na sana ako no'ng napansin ko ang letters na nasa mini table niya. Ano kaya 'to? Mabuksan nga...

"To Royalties?"

Huh? Aaaah siguro para sa mga Royalties ang isang 'to. Ibibigay ko na lang 'to siguro mamaya. 

Binasa ko na rin 'yong isa kasi may pangalan naman namin. Napag-alaman kong may pinuntahan siya pero babalik din naman daw siya eh. Saan naman kaya siya pumunta?

Lumabas na lang ako ng dorm at pumunta ulit sa cafeteria kaso wala na sila do'n. Nasaan kaya sila? Ang bilis naman nilang kumain.

"Teka!" tawag ko sa tumatakbong babae.

"Bakit?"

"Nakita mo ba ang mga Royalties?"

"Ah sila ba? Oo, sa tingin ko nando'n na sila dorm nila"

"Gano'n ba? Salamat ha?"

"Walang anuman"

Nasaan kaya ang mga estudyante? Ba't parang ang tahimik dito banda? May nangyari ba? Hays, makapunta na nga lang sa dorm nila.

Gumawa na lang ako ng candy na katulad no'ng binigay ko kay Aerin dati no'ng tinanong niya ako kung nasaan ang girl's cr.

Kinain ko na agad 'yon at pumikit. Naramdaman ko na naman ang hangin at ilang sandali lang ay nandito na ako sa harap ng pintuan ng dorm nila.

*tok! tok! tok!*

""Oh Lei, ba't ka nandito?" taka tanong ni Aqua sa'kin pagkabukas niya. 

"May iniwan na sulat si Aerin para sa inyo. Heto, tanggapin mo"

After kong ibigay sa kanya ang sulat ay nagpaalam na din ako pero hindi pa ako nakakalayo no'ng biglang may nagtakip ng bibig ko at dinala ako sa may madilim na parte, sa tingin ko sa likod ng dorm ito.
  
Binitawan niya rin ang bibig ko kaya dali-dali naman akong sumagap ng hangin. Sino ba 'to? Di ko siya nakikilala pero suot niya ang uniform ng Academy.

"S-sino ka?" kinakabahan kong tanong.

"Wag mo ng alamin. Alam kong kilala mo ang kasama ni Daphne Frey kaya sabihin mo sa'kin kung sino siya!"

Hanudaw? Di ko siya gets! Sinong kasama ni Daph? Eh hindi ko naman siya nakikitang may kasamang iba bukod sa'min ni Aerin.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo"

"Hindi? Sige, wag mo ng sagutin dahil malalaman ko rin 'yon!"

"Ano bang kailangan mo?"

"Sabihin mo sa'kin kung anong ginagawa mo do'n sa dorm ng mga Royalties!"

Jusko, sino ba 'to? Masyadong chismosa eh.

"M-may hinatid lang akong sulat" sagot ko na lang.

"Sulat? Kanino galing?!"

"Pati ba naman 'yon, aalamin mo pa?"

"Sagutin mo na lang!"

"Sa kaibigan namin, kay Aerin!"

Ngumisi naman siya at pagkatapos ay marahas akong tinulak kaya napasubsob ako sa lupa. Putek! Ang sakit no'n ah.

Baliw ba ang babaeng 'to?

May binuksan siyang parang isang maliit na kwarto, parang bodega?

Lumiwanag ang loob nito dahil na rin sa kapangyarihan niya at bigla na lang din akong lumutang at di makagalaw. May itim na usok na pumapalibot sa'kin at dinala ako sa loob ng silid.

(0_0)

Sh*t! I-isa siyang dark mage?

"Yes! I'm a dark mage at ikukulong na lang kita dito dahil di naman kita magagamit at para na rin wala ka ng matutulungan na iba HAHAHAHA"

Gusto ko siya ng sampalin o di kaya sabunutan kaya lang di pa rin ako makagalaw. Tumatawa siya palabas at habang papalayo siya ay padilim nang padilim na din ang buong lugar.

Unti-unting nagsara ang pintuan at malaya na din ako makakagalaw. Sinubukan ko iyong buksan pero halos mabali na lang ako ay ayaw pa rin.

"TuloooooooooOng!"

Sumigaw ako pero walang nakakarinig sa'kin. Nabubulabog ko lang ang mga dagang narito at napapaiyak na lang kapag naiisip kong baka walang makahanap sa'kin.

Gusto ko ng lumabas...

--------------End of Flashback------------

'Yon ang nangyari kaya nandito ako sa madilim na lugar na 'to. Nagpapahinga lang ako saglit tapos hinahampas ang pinto pero ayaw pa ring bumukas. 

Perks of not having an elemental power.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa labas.
 
Sana may makakarinig sa'kin at ilabas ako dito. Kung meron man, buong-buhay kong tatanawing utang na loob 'yon at pagsisilbihan ko siya.

Sana...



-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro