CHAPTER 52: Challenge with a twist?

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

Nandito ako ngayon sa isang haunted forest pero syempre charot lang HAHAHA.

Forest talaga siya pero hindi naman siguro haunted. Ang sabi kasi ng dalawang 'yon ay hanapin ko daw ang umiilaw na bunga ng isang puno tapos kainin pero sa nakikita ko ngayon, parang umiilaw naman halos ang bunga dito.

Kalowka talaga ang dalawang 'yon. Puro hirap ang dinanas ko sa loob ng isang linggo dito tapos kapag nagbibigay ng instructions, di pa masyadong malinaw. Nai-stress ang beauty ko ey!

If I know, sinasadya nila 'yon para mas magiging matalas pa ang pag-iisip ko. Nga pala, 'yong nangyari sa'kin no'ng nakaraan, ike-kwento ko na. Magpa-flashback muna ako habang hinahanap ang bungang 'yon.

Sosyalan ang peg, may pa-flashback, charot.

-----------------Flashback--------------------

Nakalabas na din ako sa wakas pero no'ng tumingin ulit ako sa loob ay talagang nanlaki ang mga mata ko. Waaaaah! Mukhang hahabulin pa ata ako ng tubig!

What to do?!

Anong gagawin ko? Baka babaha na dito sa labas. For sure mamamatay ang mga halaman at bulaklak dito, naku.

Malapit na...

Malapit na talaga....

(0_0)

Tama!

Itinaas ko ang kamay ko at nagpalabas ng maraming bato para matakpan ang lagusan tapos nilagyan ko rin ng lupa para mas matibay pa!

Thanks to the earth element, charot Englisherist na ang peg ko hihi.

"A-aray ko!"

Muntik ko ng makalimutan, masakit pala ang katawan ko dahil sa pagkakakuryente sa'kin. Latang-lata na ako at halos wala ng lakas. Himala at nagawa ko pang takpan ang lagusang 'to.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

Napalinga-linga ako sa paligid para hanapin kung nasaan si Volt, siya kasi 'yong tumatawa ngayon. Langya talaga ang god na 'yon, ba't siya tumatawa?

"WAHAHAHAHAHAHAHA"

Jusko! Baliw nga talaga 'tong ibang god and goddess na nakilala ko. Lagi silang tumatawa kahit wala namang nakakatawa, tsk. Mukhang takas sa mental ey?

"Vooooooolt! Anong tinatawa-tawa mo dyan? Baliw ka ba?!"

Naiinis ako sa tawa niya. Sinadya niya talaga 'yong nangyari sa'kin eh. Ang sakit kaya no'n!

"Hi Leighra! Wag ka na magalit, pfffft hahahaha"

(-_-)

Sige, tumawa ka lang dahil babatukan talaga kita.

"Pffff sorry, di ko talaga mapigilan HAHAHAHA"

"Ba't ka ba natatawa ha?"

"Haha tingnan mo kasi ang itsura mo"

Napakunot naman ako ng noo pero sumakit lang ang balat ko. Itsura ko daw? Bakit? Ano bang meron sa itsura ko? Ang ganda ko kaya, duh.

Pumunta naman ako sa may parang lake para tingnan ang reflection ko pero bago 'yon, tiningnan ko pa siya ng masama dahil tumawa pa talaga siya.

Pag 'yan mabulunan, tatawanan ko rin. Lintik lang ang walang ganti!

(0_0)

"Waaaaaaaaaaaaaaah!" malakas kong sigaw.

Holysh*t! Anong nangyari sa'kin? Bakit ganito ang itsura ko? Huhu ampangit ko naaaaaaaa. 'Yong buhok ko, nagiging kulot tapos sobrang itim ko! P-para akong nasunog. Noooooo! Di ko 'to matatanggap huhu.

Para na akong taong grasaaaaa!

"VOOOOOOOOOLT! IBALIK MO ANG GANDA KOOOOOO HUHU" umiiyak kong sigaw sa kanya.

Siya ang may kasalanan nito eh. Jusko! Ang beautiful shining hair ko, wala na. Okay lang naman pag kulot eh, kaya lang di bagay sa'kin.

"Wala ka no'n, remember? Haha" nanunuya niyang sagot.

Ang talas ng pananalita nito ah. Tawang-tawa Volt? Ako ba ang happy pill mo?

"Heh! Insecure ka lang sa kagandahan ko eh kaya pinangit mo'ko!" sabi ko pa sabay irap.

"Hahahaha nakakatawa ka talaga Leighra, pffft haha"

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ano ako clown? Kailan pa ako nagpapatawa? Duh.

"'To naman, masaya lang ako kasi napagtagumpayan mo ang unang hamon" sabi pa niya.

'Nye nye nye' masaya your face! Sarap hambalusin eh.

"Nasaan ba si Iciel ha?! Siya sana 'yong nandito at di ikaw"

Buti pa ang isang 'yon, kahit siguro ganito ang itsura ko, di niya ako pagtatawanan. 

"May inaasikaso pa siya eh kaya sorry ka na lang"

Sus! Bakla ata ang isang 'to eh, nakuuu. Akala ko Ken, Barbie pala haha.

"Oh? Ano bang gagawin ko para bumalik na sa dati ang itsura ko?" tanong ko sa kanya.
 
Lumipad naman siya papunta sa may sanga ng puno at umupo do'n. Mukha siyang si Tarzan sa lagay niya.

"Wait lang, masyado ka namang nagmamadali.  May sasabihin pa nga ako eh" maktol niya.

Ow? Sorna agad. Di ko alam na bawal palang magmadali, sounds sarcastic, isn't it?

"Oh? Ano naman 'yon?"

"Dahil napagtagumpayan mo ang pinagawa namin sa'yo at nagdulot ng kakaibang resulta, pfffft"

Parang matatawa na naman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Abaaaaa! Namumuro na talaga ang god na 'to ah. Masyado siyang judger!

"P-peace na hehe. Dahil napagtagumpayan mo 'yon, natanggap mo na ang 1/4 na bahagi ng kapangyarihan namin"

W-woah!

As in?

1/4?

1/4 LANG?

"Ba't 1/4 lang? Alam niyo, ang kuripot niyo ah. Sa hirap na dinanas ko do'n sa loob at sa itsura ko ngayon, 1/4 lang ang nakuha ko? Ha! A-asan ang hustisya ha? Asan?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Jusko! Ang kuripot, di pa ginawang 1/2.

"Hays, wag ka na magreklamo, buti nga may nakuha ka eh. Ako nga dati kahit sobrang hirap ng pinagawa sa'kin, wala akong nakuha. Saka na binigay sa'kin ni ama ang buong kapangyarihan niya no'ng halos mamatay na ako eh"

Napataas naman ako ng kilay sa mga sinasabi niya. Nagre-reminisce ba siya? Nagda-drama din? Aba'y iba pala 'to ey, magaling 'to gawing AP teacher.

"Hays! Oo na, oo na. Ano na nga ang gagawin ko para maibalik na ang dati kong itsura?" tanong ko ulit sa kanya.

"Hanapin mo ang isang umiilaw na bunga sa gubat at kainin. Ito ang challenge namin sa'yo with a twist!" pa suspense niyang sagot.
 
"Anong twist naman 'yon?"

"Secret para surprise! Hahaha"

Baliw.

Maluwag ba ang turnilyo nito sa utak? Dapat na atang ipakumpuni.

"Paano naman ako makakapunta do'n?"

"Si Iciel lang ang nakakaalam no'n kaso di pa siya dumarating.  Actually, may iniwan siyang sulat...I mean, listahan ng mga dapat mong gawin habang wala pa siya"
 
(0_0)

Wuuuuut? Seryoso ba siya? Talagang may palista-listahan pa si Iciel? Ibang klase.

"Ano naman ang gagawin ko?"

"Heto, basahin mo"

Tinanggap ko naman ang binigay niyang papel at binasa ang nakasulat.

"Ikalimang araw, maglublob sa tubig nang hindi humihinga.  Seryoso ba 'to?"

"Yup!"

Well, okay lang. May water element na ako and di nila malalaman na nakakahinga ako sa tubig hihi.

"Wag kang magsaya kasi hindi ka makakagamit ng mga kapangyarihan mo"

Napawi ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Volt. Bawal ulit? Hays! Ano ba 'yan? Papatayin talaga ako nila ako ey.

"Ikaanim na araw, manghuli ng mga kulisap. Baliw ba siya? Anong kulisap ang pinagsasabi nito? Sure ka bang si Iciel ang nagsulat nito?" gulat kong tanong.

Kulisap? B-bat ako manghuhuli ng mga gano'n? Anong gagawin niya sa mga kulisap?

"Siya nga. Ang mga kulisap na sinasabi niya ay 'yong mga malilit at mabibilis kumilos. Pagsasanay 'to para mabilis ang pagkilos mo in case na di mo magamit ang kapangyarihan mo" paliwanag niya.

"Hindi naman kapangyarihan ang ginagamit ko sa ganyan eh" sabi ko pa.

Ability ko 'yon.

"Alalahanin mo na sobrang makapangyarihan ng makakalaban mo Leighra. Kaya niyang kunin ang lahat ng meron ka o di kaya ipawalang-bisa ang lahat ng kapangyarihan at abilidad mo"

T-talaga?

Parang ngayon pa lang, natatakot na ako sa Dark King na 'yon lalo na no'ng nasulyapan ko siya. Matatalo ko kaya siya? Siguro naman may kahinaan siya.

"Huling araw, magpahinga para sa susunod na pagsasanay. Yes! May pahinga pala, mabuti na lang" masaya kong sambit.

Pagkatapos kong basahin ang lahat ng bilin ni Iciel ay umuwi na din kami sa tinutuluyan namin.

Naligo na din ako ng maligamgam na tubig para iwas ginaw pagkatapos ay kumain na. Sa ganitong pagkakataon, masarap ang mga pagkain dahil na rin sa mga kapangyarihang meron kami.

Si Volt ay nando'n sa itaas, sa mga clouds kasama ang mga kidlat niya, do'n siya namamalagi habang si Iciel naman ang kasama ko dito sa ibaba.
 
Pero dahil wala si Iciel, di ako makatulog ng maayos. May mga mababangis na hayop kasi dito na tanging si Iciel lang ang humaharap pero ngayon, mukhang mapapalaban ako.

Ayaw ba nila akong pagpapahingahin? Ang sasama naman nila sa'kin. Tino-torture nila ang katawan ko. Helloooo? Di pwedeng ipagbukas?

Kailan ba babalik ang Iciel na 'yon?

--------------End of Flashback------------

Sa loob ng isang linggong 'yon, sobrang hirap ng pinagdaanan ko. Ginawa ko lahat ng mga nakalista sa papel at halos malagutan na ako ng hininga pero mabuti na lang at nagawa ko naman.

Mas mahirap na nagawa ko ay 'yong paghuli ng mga kulisap. May binigay na bote sa'kin si Volt at do'n ko inilagay ang mga nahuli ko pero minsan, nakakawala sila kaya balik sa uno na naman.

Gusto ko silang pisain isa-isa pero di pwede baka ma froze na ako forever! Gusto ko pang makita ang mga kaibigan ko kaya ayoko pang matigok.

Ngayon, nandito na ako sa gubat na 'to, kunin at kainin ang bunga para bumalik na sa dati ang itsura ko. Ang sabi sa'kin ni Iciel, wag ako basta-basta kakain ng bunga dito dahil baka malason pa ako.

Ano naman kayang twist ang sinasabi sa'kin ni Volt no'n? Saan ba kasi ang exact place ng bungang 'yon?

Hays!

Gutom pa naman ako...

Pero natatakot akong kumain ng bunga, ayokong malason eh. Tiis-tiis na lang si---------

*groooooOwl!* (basta ungol ng something 'yan HAHAHA)

May narinig akong umungol at talagang nakakatakot. Ang laki ng boses kaya malamang malaki din ang may-ari huhu. Wala akong dala kahit na ano dahil 'yong bunga na 'yon lang naman ang pakay ko dito eh.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero syempre palingon-lingon din sa paligid. Baka may mga mababa------

*GROOOOOOWL*

(0_0)

"Waaaaaaaaaaah!" malakas kong sigaw sabay takbo.

Owemji! N-nandito si KingKong! Isang malaking unggoy ang nakita ko. Teka----unggoy ba 'yon? Pero waaaaah hinahabol niya akoooooO huhu.

Takbo lang ako ng takbo pero malapit na niya akong maabutan. Ang laki ba naman ang hakbang niya tapos yumayanig na ang lupa. Jusko! Baka ma deads ako, ayoko noh.

"Ayy tae naman!"

Leche. Nadapa pa akooooO!

"Huhu wag po! Wag niyo po akong kainin, maawa po kayo sa'kin" pagmamakaawa ko habang nakapikit.

Ramdam ko na kasi ang hininga niya meaning naabutan na niya talaga ako. Kinakabahan ako sheeeeet! Ako dapat ang kakain ngayon...no'ng bunga I mean kaso mukhang ako ata ang kakainin niya.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko dahil parang di naman siya gumagalaw pero mas nagulat ako dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin na para bang chini-check ang kabuuan ko.

OmooooO! Anong balak ng unggoy na 'to sa'kin? Hala! D-di kaya nagka-interes siya sa katawan ko? Nooooooo!

Agad ko namang niyakap ang sarili ko, paano ba 'yon? Basta! Baka molestiyahin niya ako, mahirap na.

*GROOOOOOWL*

(0_0)

W-watda?

"Ano ba?! Ang bastos mo ah. Umuungol-ungol ka pa talaga tapos tumatalsik ang laway mo sa'kin? Ano 'to? May pa shower ka? Yuck! Ang sagwa mo ah. Saka ew, ang lapot ng laway mo! Umalis ka nga sa harapan ko!" sigaw ko pa sa kanya.

Natahimik naman siya na para bang initindi ang mga sinasabi ko. Abaaaaa, naiinis na ako sa kanya ah. Nakakadiri ang unggoy na 'to, di na nahiya sa'kin.

Saka anong akala niya sa'kin? Pagkain? Oo, umiitim ako ngayon dahil sa nangyari pero di ako pagkain, duh.
 
*GROOOOOOWL!*

*GROOOOOOWL*

*BOOOOOGSH!*

"Waaaaaah!"

Nagulat ako no'ng biglang susuntukin niya ako pero sa lupa lang tumama dahil nakapagteleport ako agad sa likuran niya.

Walangya 'to ah, talagang susuntukin ako? Nakuuu kung di ako nakaalis do'n, malamang kamote na ako ngayon na nakalibing sa lupa. 

Pero teka-----ano 'yang nasa buntot niya?
 
(0_0)

Woah!

Hindi kaya 'yan 'yong bunga na kakainin ko? Anong bunga 'yan, saging? Pero nasa buntot niya, paano ko 'yan makukuha? Jusko, parang ito 'yong twist na sinasabi ni Volt ah.

Palinga-linga na siya ngayon sa paligid niya na parang may hinahanap, syempre ako 'yon. Gumagalaw din ang buntot niya kaya sobrang hirap puntahan.

Kapag nagteleport ako, baka biglang gagalaw ang buntot niya tapos di ako do'n makalapag, mahirap na baka mahuli niya ako.

Ano bang gagawin ko?

Kung lilipad kaya ako? Kaso baka bigla niyang iwasiwas 'yang buntot niyang kakaiba at masagi ako, abaaaa paktay talaga ako no'n.
 
Ano bang pwedeng ipanglaban sa unggoy na 'to? Para di na niya ako kainin. Teka-----di kaya gutom 'to? Nakuuuu daming bunga dito pero gutom siya?
 
A-ay Oo nga pala, may lason nga pala ang iba dito. Kaya siguro dala-dala niya ang bunga na nasa buntot niya dahil 'yon lang ang walang lason.

Ano bang kinakain ng mga unggoy? Diba saging? Kumakain kaya siya no'n? Baka nga.

*GROOOOOOWL*

Oh jusko! Nakaharap na pala siya sa'kin, di ko man lang napansin.

"T-teka! B-bibigyan kita ng pwede mong kainin, damihan ko pa! P-pero sa isang kondisyon. I-ibigay mo sa'kin 'yang nasa buntot mo!" sigaw ko pa kasi syempre malaki siya kaya baka di niya ako maririnig.

Tiningnan naman niya ang itinuro ko at lumayo sa'kin sabay iling. Bakit ba? Ang arte ng animal na 'to ah.

"Sige na, palit tayo!"

Pero umiiling pa rin siya...

Ayaw pa rin? .

"ANO BANG GUSTO MO?!"

Umayos naman siya ng tayo at pinagtatambol ang dibdib niya, anong ibig sabihin no'n? Patuloy lang siya sa pag gano'n tapos umiikot-ikot pa then biglang inilapit niya ang kamay niya sa kanyang bibig. Pagkatapos no'n ay nakatingin na ulit siya sa'kin.

Ha?

Di ko alam kung anong sinasabi niya eh. Ano ba 'yon? Susubuan ko siya? Mamasahiin? Hanudaw?

"ANONG GAGAWIN KO?"

Pero gano'n pa rin ang sinesenyas niya, di ko gets meghaaaaad. Nai-stress ang kagandahan ko ey.

Ayy di ko pa pala naibalik ang ganda ko, tsk.

"Oo na! Kahit na ano pa 'yong ibig mong sabihin, gagawin ko basta ibigay mo lang sa'kin 'yan!" sigaw ko ulit.

Kinuha naman niya ang saging na nasa buntot niya. Oo, hugis saging pero umiilaw. Nakakain ba 'yan? Medyo malaki kasi kumpara sa normal na saging. 

Inilahad niya ang palad niya kaya nagtaka ako. Anong gagawin niya? Ah! Gusto niyang sumakay ako sa palad niya? Abaaa kanina lang, gusto niya akong patayin o kainin tapos ngayon, gumaganyan siya?

Ayoko nga! Nagtatampo na ako ey hihi, charot lang.

Umakyat na lang ako sa palad niya, di naman niya siguro ako kakainin diba? Pero di pa ako tuluyang nakaakyat no'ng binaba na niya ako. 

"Eh? Bakit mo'ko binaba?!" sigaw ko sa kanya.

Sumenyas na naman siya ulit. Kinuha niya ang saging at inilagay sa palad niya tapos parang umaksyon na kakainin.

"Ah! Gusto mong bigyan na kita ng makakain at ilagay dyan sa palad mo?!" tanong ko pa.

Tumatango-tango naman siya kaya napatawa ako. 'Yon pala ang ibig niyang sabihin, pffft akala ko sasakay ako sa palad niya HAHAHAHA.

Huminga naman ako ng malalim at ikinumpas ang kamay. Inisip kong magkakaroon ng maraming saging sa palad niya at syempre, nilagyan ko na din ng iba pa.

Manghang-mangha naman siya sa liwanag na mula sa mga kamay ko na papunta din sa palad niya pagkatapos no'n ay nilantakan na niya ang mga 'yon.

Pero teka lang ah---wala pa siyang naibigay sa'kin eh. Abaaaa! Di marunong tumupad sa usapan?

"Hoy! Ibigay mo na nga sabi sa'kin ang hinihingi ko!" sigaw ko kaya napatigil siya at parang tumatawa.

Eh?

Pati ba naman unggoy, tinatawanan ako? Kailan pa nila ako naging happy pill? Mga baliw.

Ilang sandali lang ay dumughay na siya tapos inilahad sa'kin ang hinihingi ko. Kinuha ko naman agad 'yon and the moment na lumapat sa kamay ko ang saging na 'yon ay lumiit na ito na parang normal lang.

Woaaah!

"Salamat ah!" sabi ko pa sabay binalatan ang saging.

Pagkabukas ko'y iba ang itsura nito, parang crystal na may parang buto-buto. Saging ba talaga 'to? Ba't parang hindi?

Kakainin ko ba talaga 'to?

Hays, sige na nga. Di naman siguro ako ipapahamak ng dalawang 'yon.

Agad kong kinagatan ang saging na kinain ko at sa bawat kagat ay umiilaw siya. Woaaah! Akala ko matigas kasi parang crystal pero di pala hihi.

Pagkaubos ko ay nakaramdam ako ng kakaibang lakas kaya sure akong tama ang kinain ko. Lumiwanag naman ang buo kong katawan at napansin ko pang nagtakip siya ng mata. HAHAHAHA cute.

No'ng nawala na ang liwanag ay bumalik na din ako sa dati. Pumuti na ulit ang balat ko at straight na ang buhok ko.

"Yeheeeey! Thank youuuuuu!" pagpapasalamat ko sabay yakap sa kanya pero syempre dahil malaki siya, di ko siya sakop.

Ngiting-ngiti pa ako no'ng biglang may liwanag na nakakasilaw ang lumabas sa kung saan at tumama sa may ulo niya kaya ungol siya nang ungol.

Napalayo ako sa kanya agad no'ng nakikita kong nasasaktan siya ng sobra. Ano ba 'yon? Saan galing 'yon? Nasasaktan siya!

Tumagal pa ng ilang minuto ang pag-iilaw niya at sobra akong nagulat no'ng bigla na lang siyang bumulagta sa lupa.

Humaygaaaaaaaad!

"Anong nangyari?!"

(0_0)

____________________________________
•YESHA's POV•

Nasa kalagitnaan kami ng pagtulog no'ng biglang pumasok si Jewel sa kinaroroonan namin. Bigla niyang hinablot ang buhok ko kaya napabangon ako.

"Hoy! Gumising ka na! Kailangan ka na ngayon ng Hari!" sigaw niya sa'kin.

Ang sakit ng pagkakahawak niya sa buhok ko pero wala akong magagawa. Kapag nilabanan ko siya, sasaktan na naman niya ako. Masakit na ang katawan ko at ayokong dumagdag pa siya.

Hindi ko na alam kung ilang araw o linggo na ako dito, parang walang gabi kasi di ako masyadong nakakapagpahinga. Minsan, pagkatapos akong kunan ng kapangyarihan, pinupuntahan ako dito ni Jewel at pinagsasampal pero syempre iniinis ko rin siya.

Dalawang kapangyarihan na ang nakuha sa'kin at talagang sobrang hirap at sakit ang dinanas ko.

"Jewel, ano ba?! Sasama naman siya sa'yo eh, wag mo na siyang saktan!" angal sa kanya ni Marne.

"Ano bang pakialam mo?! Alam mo bang pwede kitang patayin ngayon? Dahil wala ka ng silbi rito pero mas maganda kung makikita kong taga Lux ang papatay sa'yo" sabi niya sabay dura sa mukha ni Marne.

Bastos talaga ang babaeng 'to kahit kailan. Ilang beses ko na siyang pinatay sa isipan ko.

"Hoy kayo! Dalhin niyo na 'yan!" utos niya sa mga kasama niyang kawal.

Nilingon ko pa si Marne ng ilang beses at nagpatianod na lang sa mga kawal.

Makikita ko na naman ang mukha ng demonyong 'yon. Kapag ginagawa niya sa'kin ang bagay na 'yon, parang lalabas na pati kaluluwa ko pero alam kong di ako pinapabayaan ng mga gods and goddesses dahil buhay pa rin ako hanggang ngayon.

Pumasok na kami sa kwarto ng Dark King, ang kwartong ayaw na ayaw kong puntahan pero pilit nila akong dinadala dito.

"Kamahalan, nandito na po siya" magalang na sabi ni Jewel.

Hindi bagay sa kanya ang galangin!

"Kumusta, mahal na pinili HAHAHAHAHA. Malapit ko ng makuha ang lahat ng kapangyarihan mo at kapag nangyari 'yon, magsisimula na talaga ang digmaan" sabi pa niya habang tumatawa.

Sinamaan ko siya ng tingin. Oo, pero di ka mananalo, tandaan mo 'yan!

"Itali niyo siya ng mabuti at paupuin sa kanyang trono"

Nagpupumiglas ako sa hawak ng mga kawal pero talagang malakas sila kaya nagawa nila akong itali. Nakaupo na naman ako sa upuang ito na para bang silya-elektrika.

Alam kong mangyayari na naman ulit ang pahirap niya kaya hinanda ko na ang sarili ko.

No'ng una, may sinasambit siyang mga salita na di ko maintindihan pagkatapos ay nakaharap ang mga palad niya sa direksyon ko.

"Aaaaaaaaaaaah!"
 
"Tama naaaaaa!"

"Aaaaaaah!"

"Walangya kaaaaaa!"

"Aaaaaaah tama na!"

Sigaw lang ako ng sigaw habang kinukuha niya ang ikatlong kapangyarihan. Parang mapuputol ang ugat ko sa leeg dahil sa kakasigaw pero di niya ako naririnig.

"Aaaaaaah! Tumigil ka naaaa!"

"Tama naaaa!"

"Aaaaaaaaah!"

A-ang sakit sobra. Tuloy-tuloy na din ang pag-agos ng mga luha ko. Parang gusto ko ng mawala sa mundong 'to at magpahinga ng tuluyan pero naiisip ko ang bff ko, di ko siya pwedeng iwan.

Ayokong masayang ang mga paghihirap ko kaya sana magtagumpay ang bff ko. Iyak at sigaw ko ang namayani sa buong lugar pero para silang mga bingi at bulag na di nakikitang nahihirapan na ako.

Tumagal ng ilang oras ang ginagawa niya at para na akong lantang gulay ngayon. Inihanda ko na ang sarili ko sa huling pwersa na lalabas sa'kin.

"AAAAAAAAAAAHHHH!" malakas kong sigaw.

Sobrang sakit. Parang humiwalay sandali ang kaluluwa ko sa'kin at halos hindi na ako makakahinga.

"BWAHAHAHAHAHA sa wakas! Nakuha ko na ang ikatlong elemento! HAHAHAHA"

Rinig na rinig ko pa ang pagtawa niya hanggang sa para akong nabingi dahil do'n. Ang sakit sa tenga ng boses niya at agad na nandilim ang paningin ko.

K-kakayanin ko 'to.

K-kaya ko.




-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro