CHAPTER 62: Truth Unveiled

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•

"Aerisha, sigurado ka na ba sa gagawin mong pagpunta sa Lawa ng Katotohanan?" tanong sa'kin ni Hera.
 
Oo, nandito siya. Nabigla nga ako no'ng bigla na lang siyang nagpakita sa'kin habang nakatupis pa ako ng tuwalya eh.

Maaga akong gumising at katatapos ko lang maligo

Buti na lang di ako nakahubad no'ng sumulpot siya dahil kapag nagkataon, wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat.

Tatalikod na lang ako kung gano'n, charot HAHAHA.

"Oo, Hera. Alam mo namang malapit na ang digmaan diba? Ayoko namang darating ang panahong 'yon nang hindi man lang nakikita at nalalaman kung sino ang mga magulang ko"

Gustong-gusto ko na silang makita at para tanungin sila kung minsan ba'y hinanap din nila ako. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko sila nakita at wala akong alam tungkol sa kanila.

Sobrang hirap ang dinanas ko, mabuhay lang sa mundo ko dati at ngayon, dito.

Saka gusto ko silang tanungin kung bakit kailangan pa naming magkalayo. Ang hirap kaya kapag walang magulang na mag-aaruga sa'yo.

Naiinggit ka na lang sa iba na kumpleto ang pamilya tapos hanggang imagine ka na lang sa gilid habang kumakain ng krimstik.

Ganyan ginagawa ko dati ey hihi.

"Baka hindi ka pa handa at magulat ka sa iyong malalaman, Aerisha" dagdag pa niya.

Nagtataka ako sa mga sinasabi ni Hera. Akala ko ba walang nakakaalam tungkol sa mga magulang ko? Bakit parang may alam siya? Kung meron man, bakit ayaw niyang sabihin sa'kin?

"Hera, handa na ako. Matagal ko ng gusto ito eh kaya hayaan mo na ako"

"*sigh* Sige Aerisha, pinapaalalahanan lang kita. Kung anuman ang malalaman mo, sana ay hindi pa rin magbabago ang pananaw mo sa buhay. Sana'y magtagumpay ka, Aerisha"

'Yon ang huli kong narinig sa kanya bago siya nawala sa paningin ko. 
 
Sigurado na ako sa gusto ko at ngayon na kami aalis. Siyanga pala, pagkarating namin dito kahapon ay may bakanteng kwarto na para kay Eamon.

Gising na kaya ang isang 'yon? Ayy dapat lang na gumising siya ng maaga dahil kung hindi, aba'y lelechonin ko talaga siya!

Makapagbihis na nga!

*tok tok tok!*

Eh?

"Sandali, magbibihis lang ako!" sigaw ko habang nagmamadali sa pagbibihis.

"Dalian mo naman Terra, gutom na ako eh!" rinig kong sabi ni Eamon.

"Heh! Maghintay ka dyan!"

"Love naman!"

"Leche Eamon, tigil-tigilan mo nga ako dyan sa kaharutan mo kung ayaw mong maging lechong unggoy poreber!"

Jusko! Napaka-PG, kagabi nga halos ubusin na ang inihain ni Lei eh, nakakahiya.

Saka ang harot, di na nahiya. Kapal talaga, naku!

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at ang walangya, nandito pa rin sa harap ng pintuan ko. Tumambad pa sa'kin ang amaze na amaze niyang feslak!

Problema nito? Tinaasan ko lang siya ng kilay at rumampa na papuntang kusina.

Walang pagkain dahil ubos na kagabi at sa cafeteria lang naman kami kumakain pag umagahan pero ngayon, hanggang bread and juice na lang muna.

"Ang ganda ng pormahan natin ah! Fresh na fresh" nanunuya niyang sabi.

Naiinis na ako ah. Kung paliparin ko kaya 'tong kamao ko sa mukha niya? Basag 'to for sure.

"Tumigil ka nga dyan! Walang pagkain kaya ayan, lamunin mo 'yang sandwich" sabi ko pa sabay supalpal sa kanya no'ng sandwich.

"Ito lang?!" reklamo niya pa.

"Oh kung gusto mo lamunin mo na rin 'yang ref"

"Love naman eh, parang hin------"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil nilagyan ko na naman ng sandwich ang bibig niya.
 
Ang ingay!

"Dalian mo sa pagkain dahil aalis na tayo pagkatapos magpaalam sa kanila ni Daph at Lei" sabi ko pa.

"Agad-agad? Di na pwedeng mamaya na muna"

"Heh! Tumigil ka nga, sige ka" nakangisi ko pang sagot.

Sige, magreklamo ka pa Eamon, tingnan lang natin kung saan ka pupulutin.

"Hehe joke lang naman Terra, seryoso mo ah hehe" sabi niya habang nagpepeke ng tawa.

'Yon naman pala ey.

"Hi guys! Good morning. Saan kayo pupunta at ganyan ang ayos niyo?"

Agad kaming napalingon sa nagsasalita, si Lei. Maaga kasi siya ng gumigising para magluto, ganyan siya kabait.

Sanaol HAHAHAHA.

"Ayy Lei, pupunta kami sa Lawa ng Katotohanan" sagot ko habang nakangiti.
 
"Anong gagawin niyo do'n?"

"May gusto lang kasi akong malaman tungkol sa mga magulang ko kaya kailangan kong pumunta do'n. Wag kayong mag-alala, kasama ko naman si Eamon eh. Pakisabi na rin pala kay Daph"

"Sige, ako na ang bahalang magsabi, mag-ingat kayo"

Tumango lang ako kay Lei kaya pumunta naman siya sa kusina. Ilang sandali lang ay naubos ko na 'yong kinakain ko pero paglingon ko kay Eamon, punong-puno ang bibig niya at meron pa siyang hinahawakan.

Jusko! Ang takaw sa pagkain ng isang 'to ah. Parang isandaang-taon na hindi kumakain, pfffft. 

"Hoy Eamon, tara na!" aya ko sa kanya.

As expected, napatigil siya sa pagnguya at nanlalaki ang matang nakatingin sa'kin.

Gulat na gulat boi?

"Bakit?" painosente kong tanong sa kanya.

Sumenyas naman siya sa'kin at tinuturo ang bibig na para bang sinasabi niyang kumakain pa siya HAHAHA ang epic ng mukha niya, grabe!

Para talaga siyang unggoy na may parang binabaon sa pisngi. Diba ang unggoy pag kumakain, may something bukol sa pisngi? Gano'n siya ey.

"Bahala ka, iiwan na kita" sabi ko pa sabay kuha sa espada kong bigay ni HM.

And opkurs, siya ang magdadala no'ng supot na pinaglagyan sa bote. Akmang aalis na ako no'ng hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"T-teka, shabhay thayo"

Oh imagine-nin niyo na lang na nagsasalita siya habang puno ang bibig.

Naku! Pag gumaganyan siya sa harap ng Lola do'n sa mortal world, for sure sasampalin ang bibig nito, masama daw kasi 'yon.

Dahil sa ginawa niya, tinampal ko ang kamay niyang nakahawak din sa kamay ko sabay harap sa kanya.

"Umayos ka dahil di ka pwedeng makita sa ganyang itsura! Para kang bata eh matandang-matanda ka na" sabi ko pa.

Agad naman siyang napalunok at uminom ng juice pagkatapos ay kinuha ang supot pati na ang espada niya. Tumalikod na lang ako at nagsimula na ring maglakad.

Ramdam kong sumunod siya sa'kin pero di ko siya pinansin. Kinakabahan kasi ako kapag naiisip na magkikita na naman kami no'ng dalawang maharot.

Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa dorm ng mga Royalties kaya lang parang di pa sila gising ey.
 
Masyado ata kaming maaga.

"Ito na ba ang dorm ng mga Royalties?" rinig kong tanong ni Eamon.

"Hindi 'yan 'yong dorm nila kaya nga pinangalanang 'Royalties Dorm' eh" sarcastic ko namang sagot.

Hindi na lang siya nagsalita dahil alam niyang barado ko siya huehuehue, ambad ko ba? Sorna agad.

"Terra! Gwapo na ba ako?" bigla niyang tanong sa'kin.

Kunot-noo naman akong napatingin sa kanya. Anong gwapo pinagsasabi nito? Sino naman ang popormahan ng lalakeng 'to? Abaaaaa! 

"Hindi eh, mas gwapo si Glaciero" sagot ko pa.

Teka nga, ba't ba kami nakatayo lang dito? Jusko, kasalanan talaga 'to ni Eamon ey!

Agad naman akong kumatok sa main door nila at ramdam ko namang lumapit ang unggoy na 'to.

"Sino 'yon Terra? 'Yong ice prince?"

"Oo, siya nga" 

"Sus! Mas lamang naman ako ng limang paligo do'n"

"Asa ka pa, di ka naman naliligo"

"Wuy! Naligo kaya ako kanina. Eto, amuyin mo pa"

Nagulat naman ako no'ng bigla niyang inilapit sa'kin ang sarili niya at pilit na pinapaamoy sa'kin.

Hindi naman ako nakapalag dahil Oo, ang bango nga hihi.

"Tsk"

(0_0)

Dahil sa gulat ay naitulak ko kaagad si Eamon. Gulat na gulat akong napatingin sa nagbukas ng pinto, s-si Glaciero!

'Yong puso ko, parang gustong lumabas dahil sa lakas ng tibok. Bumalik ulit sa'kin ang mga alaala namin dati pati na ang sakit na nararamdam ko.

Nagkakatitigan pa kami no'ng biglang tumikhim si Eamon, ang dakilang panira ng moment.

"What are you doing here?" biglang tanong nito.
 
"A-ah ano kasi uhm...ano m-may ano kasi kuwan m-may--------"

"Magpapaalam lang kami" casual na sabat ni Eamon.

Putek! Ba't ba ako nauutal? N-napaghalataan na ata ako huhu.

"Come in, they're awake"

Sumunod naman kami sa kanya papasok. Ang awkward lang ng atmosphere namin, buti na lang nandito ang ungas na si Eamon.

Nakasando si Glaciero kaya kitang-kita ang matipuno niyang katawan, sheeeet! Ang init ng pisngi ko.
 
Napansin ko rin ang tattoo na nasa balikat niya kaya napangiti ako ng palihim. 'Yon ang tattoo na binili ko sa tiangge, s-sa balikat niya pala inilagay.

Ang ganda!

Kaya lang, nasa iba na siya awts.

Di naman masakit... sobrang sakit lang.

Pagkarating namin sa loob, nando'n na nga sila Caeli pero sabog na sabog pa ang itsura nila, mukhang kagigising lang ata.

No'ng nakita nila ako ay sabay na tumayo sila Aqua at Caeli pero no'ng nakita nila ang nakasunod na si Eamon, kanya-kanya sila sa paggamit ng kapangyarihan para maiba ang itsura nila, pfffft.

"Twinny! Anong ginagawa niyo dito?" tanong pa ni Caeli habang inaayos ang buhok niya.

"Oo nga Aerin saka ang aga niyo ata ah" dagdag naman ni Aqua.

"Ah ano kasi. M-may pupuntahan kaming lugar para mahanap ko na 'yong mga magulang ko so nandito kami para magpaalam sa inyo" sagot ko naman.

"Bakit kailangan mo pang magpaalam sa'min? Hindi naman namin hawak ang katawan mo" nakangiti namang sabat ni Eris.

Jusko! Sa'yo ba ako nagpapaalam Eris? Assuming ka teh? Kalowka ka ah.

"Haha wala lang naman Eris, baka kasi ma issue na naman ako dito pag wala ako kaya mas mabuti ng alam niyo kung nasaan ako para di na ako ang magiging suspect niyo if ever may mangyari dito sa Academy" paliwanag ko pa.

"Bakit parang kami pa ata ang may kasalanan kung bakit ka napagbibintangan dito?" tanong niya ulit.

"Ayy di naman sa gano'n, ikaw lang ang maysabi no'n Eris"

"So inii----------"

"Stop it, will you?" sabat sa'min ni Glaciero.

Hindi na ako nagsalita pa dahil baka masumbatan ko lang ang babaitang 'to. Di porke't prinsesa siya eh hahayaan ko na lang siya? Naku ah.

"So, ngayon na kayo aalis? By the way, who is he Ae?" rinig kong tanong ni RV.

Nandito kasi silang lahat sa sala except kay Faero, siya siguro 'yong nagluluto ngayon.

"Ah siya si------"

"I'm Eamon, her boyfriend"

(0_0)

T-talagang feel na feel niyang boyfriend ko siya ah! Ano kayang nakain ng isang 'to?

"What?!" ramdam ko ang gulat sa pagtatanong ni Glaciero kaya napaiwas ako ng tingin.

Bakit ba siya ganyan? Binibigyan niya ako ng dahilan para hawakan pa rin siya (not literal na hawak ha? Duh).

Glaciero, minahal mo din kaya ako?

"Why so shocked man? I'm her boyfriend for real and Oo, ngayon na kami aalis"
 
Casual lang ang pagsasalita ni Eamon na para bang handang-handa siya sa ganitong sitwasyon. Gulat namang napatingin sa'kin ang lahat habang nakangisi naman si Eris.

Masaya ba siya dahil wala na siyang kaagaw kay Glaciero?

"Is it true freak?" paniniguro ni Glaciero.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Kitang-kita ko ang emosyon sa mga mata niya na para bang nagsusumamo na itanggi ang bagay na 'yon.

"T-totoo 'yon, b-boyfriend ko siya" sagot ko habang napayuko.

Pansin kong nakakuyom ang kamao niya at bumuntong-hininga pagkatapos ay umalis na.
 
Sorry Glaciero, s-siguro'y dapat kalimutan na talaga kita kasi pagmamay-ari ka na ng iba. Ayoko naman maging kabit, hindi bagay sa beauty ko 'yon.

"Baka panakip-butas mo lang ang lalakeng 'yan Aerin?" sambit ulit ni Eris.

Napapansin ko ang pagiging tahimik no'ng dalawa na parang hinihintay ang sagot ko.

"Tumigil ka na nga Eris, kailangan na nilang umalis" himala at nagsalita pa ang Cold Water na 'to.

"What? May masama ba sa tanong ko?"

"W-wala, h-hindi siya panakip-butas. Matagal ko na siyang nakilala at nahulog na din ako sa kanya kaya walang masama kung maging boyfriend ko siya" sagot ko naman.

"Okay, mabuti na rin 'yon para di ka na makasira ng ibang relasyon. Aalis na kayo diba? Ano pang hinihintay niyo?"

"Eris!"

"What?"

"Tumahimik ka na"

"Sorry, maiwan ko na kayo"

Napabuntong-hininga naman ako sabay ngiti ng peke. Lumapit naman sa'kin ang dalawang babae at binigyan ako ng isang yakap.

Buti pa ang dalawang 'to, mabait. Di katulad ni Eris, sa una lang.

"Ladies, kailangan na naming umalis kaya kukunin ko na 'yong girlfriend ko" sabat ni Eamon.

Pasimple ko naman siyang kinurot kaya napadaing naman siya pero sumenyas na lang sa dalawa na okay lang siya.

Kakagigil ey, talagang pinanindigan na jowa ko siya. Ang swerte niya ah, sus.

Nagpaalam na din kami sa kanila pagkatapos ay lumabas na ng dorm. Hinatid pa nila kami hanggang sa labas.

Inilabas na din ni Eamon ang isang supot at isinaboy sa hangin. Nakita ko pang kumaway ang dalawa bago pa kami tuluyang nilamon ng usok.

Pumikit ako at feel na feel ang hangin kaya lang napansin kong nakahawak sa'kin si Eamon. Aba'y chansing na 'to ah! Well hayaan na nga, iniligtas naman niya ako sa kahihiyan kanina ey.

Bakit kaya gano'n na lang kung maka-react si Glaciero? Ano naman ngayon kung totoong jowa ko 'tong unggoy na 'to? Nagseselos ba siya? Ayy naku self, pinapaasa mo lang ang sarili mo nyan eh.

Di nagtagal, nararamdam ko ng lalapag na kami kaya hinanda ko na ang sarili ko. Pagkalapag namin ay nakita ko nga sa harap namin ang isang gubat.

Ramdam ko ang malakas na enerhiya mula sa barrier nito pero dahil sa batong binigay ni HM, pwede kaming pumasok.

"Papasok na ba tayo Terra?"

"Oo, alangan naman kung tutunganga lang tayo dito noh?" pambabara ko pa sa kanya.

"Nakakatawa ka talaga Terra HAHAHA"

"Baliw!"

"Sa'yo"

"Ansabe mo?"

"Wala HAHAHA tara na nga"

Aba'y baliw nga, nagmana ata do'n sa mga gods and goddesses pffffft.

Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako. Ang gandang tingnan ng mga nagtataasang puno, ganitong-ganito din ang gubat sa bundok ng Pax.

May mga bulaklak at paruparu ding nandito, iba't-iba ang kulay nila kaya ang ganda tingnan. Parang wala namang masasamang nilalang dito ey.

Wala kang maririnig na kakaibang tunog o ingay pero ang sarap pakinggan ng mga ibon.

Nature lover din kasi ako hihi.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami ng ilang oras, hindi pa rin namin nahahanap ang lawang sinasabi ni HM.

Saan kaya sa gubat na 'to ang lawang 'yon?

Napansin kong may kinuha si Eamon sa magic supot at nagulat ako dahil ang sandwich pala 'yon. Putek! Talagang nagdala pa siya nyan ah.

"Hoy! Ba't ka nagdala ng pagkain?" tanong ko pa.

Mamaya maamoy pa 'yan ng mga hayop dito, malalagot pa kami.

"Buti nga naisipan kong magdala nito eh. Hindi ko inakalang matatagalan tayo dito kaya buti na lang talaga" sabi pa niya habang kumakain.

Napalunok naman ako dahil ramdam kong ginugutom din ako pero hindi ako nanghingi. Tumayo ako at nagsimulang maghanap ng prutas.

"Hoy! Saan ka pupunta?" tawag nito sa'kin.

"Maghahanap lang ng makakain" pabalang kong sagot.

"May sandwich naman dito Terra, ba't ka pa maghahanap ng iba?"

Bawal ba? Si Glaciero nga naghanap ng iba kahit nandito naman ako, charot lang HAHA.

"Sus! Kulang nga 'yan sa'yo eh. Di naman ako lalayo kaya wag kang mag-alala" sabi ko na lang.

"Hindi naman ako nag-aalala ah"

Inirapan ko na lang siya kahit di naman niya nakikita. Kahit kailan talaga ang unggoy na'to, napaka---hays! Gumaganti ata ey.

Nakailang lakad lang ako no'ng may nakita akong puno ng ubas. Mukhang masarap dahil kumikintab pa ang bunga, wow!

May ganito pala dito? Infairness, hindi siya mataas kaya mukhang maaabot ko lang.

Matangkad ako, mga 5'4 hihi.

Pilit kong inaabot 'yong may maraming bunga hanggang sa nakuha ko na nga siya kaya lang biglang umuuga 'yong lupa.

Holyc*w!

Anong nangyayari? Jusko, baka may maligno dito tapos nagalit kasi kumuha ako ng prutas, waaaah!

"Terra! What's happening?!" rinig kong tanong ni Eamon.

Nagmamadali siyang lumapit sa'kin sabay bunot ng espada niyang nakasabit sa tagiliran niya.

"Terra! Bitiwan mo 'yan!" sigay niya kaya dali-dali ko namang inihagis ang anumang bitbit ko.

(0_0)

A-ang ubas na kinuha ko ay naging a-ahas? Maliliit na ahas!

Agad ko namang binunot ang espada ko at naging alerto. B-baka may biglang tutuklaw sa'min dito eh. Nakuuuu! T-takot pa naman ako sa ahas huhu.

*Sssssshhhh ssssshhhhh*

Owemji! M-mukhang tama ang hinala ko ah. Ang weakness ko talaga ang pinupuntirya ng gubat na 'to ey. Sa lahat ng hayop, ahas pa!

"Mag-iingat ka Terra, ang mga maliliit na ahas ay mas mapanganib kesa sa do'n sa paparating" biglang sambit ni Eamon habang ikinukumpas ang kamay.

May naramdaman akong kakaiba, m-may shield na pala ako. Siya ba ang may gawa no'n? Uwu mukhang napi-feel ko ang pagiging protector niya ngayon ah.

"Anong nginingiti-ngiti mo Terra? Nababaliw ka naman HAHAHA"

Umismid lang ako at nakiramdam. Ilang sandali lang ay may naririnig kaming kaluskos mula sa kung saan.

Kinakabahan man, pilit kong nilakasan ang loob ko. Ano kayang nilalang ang makakaharap namin? For sure, ang inang ahas 'yon.

Nag-iingay kaya si Eamon o ako?

Pero parang ako ata kasi kumuha ako ng ubas kanina eh small snakes pala, hays.

"Terra ilag!"

Agad naman akong yumuko dahil sa sigaw na 'yon ni Eamon. May kung anong mabilis ang rumaragasa papunta sa'kin kanina. No'ng nilingon ko, isang mahabang buntot 'yon na may matulis na bahagi.

Muntikan na ako do'n ah!

"S-salamat"

"Mag-ingat ka sa susunod"

"Paano natin siya mapapatay?"

"Mag-isip ka ng paraan"

Abaaa! Ako na naman? Naku. Paano nga ba mapapatay ang isang ahas? Hindi ko alam huhu.

"Terra, n-nawawala ang shield natin!"

Nanlaki talaga ang mga mata ko sa sinabi niya. Ito na kaya ang sinasabi ni HM na ia-absorb ng gubat ang kapangyarihang ilalabas namin ? 

"P-paano na?" alala kong tanong.

"Kailangan makaisip tayo ng paraan kung paano matalo ang mga ahas na 'to!"

Oo nga, tama siya.

Ang dami naman kasing baby snakes itong si nanay snake ey huhu.

Pinagpapatay namin ang mga malilit na ahas na sinusubukang lumapit sa'min. May kung anong likidong lumalabas sa kanila at nagiging itim ang nalalapatan nito.

Hindi na muli nagparamdam ang inang ahas kaya medyo napapadali ang pagpatay namin sa mga maliliit. Kaya lang parang di naman sila nauubos, mas nauubos pa 'yong lakas namin eh.

"Eamon! Parang hindi na 'to matatapos. K-kailangan na nga ata nating hanapin 'yong ina nila para matapos na 'to" sambit ko pa.

Ginamit ko ang ability na telepathy para di kami masyadong maingay dahil pag nagkataon, deads kami sa paparating na mga nilalang.

Tumango lang siya sa'kin at mabilis na tumakbo, ability niya ey. Sumunod ako sa kanya at gamit ang ability kong sensor, madali naming nahanap ang napakalaking ahas.

Kaya naman pala hindi nauubos 'yong anak niya kasi anak din siya nang anak dito!

Ang dami niya atang egg cell. T-teka---may gano'n ba ang mga snakes? May gano'n ba?

"Eamon, ang talas ng paningin niya, p-parang tutuklawin na tayo!"

Owmeji!

Paniguradong isang lamon lang kami nito, p-parang Anaconda na sa laki ey huhu. Kapag gumamit ako ng kapangyarihan, b-baka ma absorb lang ng gubat o di kaya ng barrier.

What to do?!

"May naisip akong paraan"

"Ano 'yon?"

Nag-uusap lang kami sa utak para di masyadong maingay. Patuloy sa pagtulo ang pawis ko at hinihingal na din dahil sa pagtakbo kanina.

"Magandang umaga sa'yo mahal na ahas~

Kami naman ay hindi marahas~

Wag mo kaming kakainin dahil mabait naman kami~

Kami naman po ay mga mabubuti~

Hindi ka namin sasaktan~

Hinahanap lang namin ang Lawa ng Katotohanan~

Sana kami ay iyong matutulungan~ "

(0_0)

Sobra talaga akong nagulat sa ginawa ni Eamon. Kumakanta siya ngayon pero para siyang iihawing baka sa boses niya!

Ano bang naisip nito at kumanta siya? Jusko! Mas maganda pa ang boses ng kambing, no offense.

Mukhang mas nagalit pa ata ang ahas sa ginawa niya dahil gumagalaw na ito.

"Eamon! Itigil mo nga ang pagkanta kung ayaw mong ikaw ang una kong ipapakain sa kanya!"

"Pero Terra, ito lang ang paraan!"

Napatakbo na din kami kasi bigla na lang lumapit sa'min ang ahas, ngayon eh hinahabol na niya kami.

Lumulusot kami sa maliliit na butas sa mga puno kasi di siya magkakasya. Anong laban ng espada namin sa kanya? Walang silbi naman pala ey, hays!

Isang puno ngayon ang pinagtataguan namin. May butas siya at kasya kaming dalawa. Tagaktak na ang pawis ko at talagang kinakabahan.

Ayokong gumamit ng kapangyarihan dahil bukod sa ia-absorb lang ito, for sure may paparating na ibang nilalang.

Nakarinig kami ng mga kaluskos kaya pigil-hininga ang ginagawa namin. Meghaaaad, paano na lang kapag bigla----------

"Waaaaaaaah!" malakas kong sigaw no'ng nakadungaw na siya sa'min.

Pilit niyang pinapasok ang ulo niya kaya lang di ito magkasya dahil sa laki nito.

Omeghaaaad! Katapusan na ba namin? huhu.

"Terra! Gawin mo na!"

"A-ang alin?"

"Kumanta ka!"

"Ako?!"

"Oo ikaw!"

"Ba't ako?"

"Basta ikaw!"

Wala na akong magawa kundi ang mag take ng risk. Para sa kaligtasan, kakanta ako kahit di ko alam kung paano. Ginawa pa akong singer amputek huhu.

"Magandang umaga sa'yo mahal na ahas~

Kami naman ay hindi marahas~

Wag mo kaming kakainin dahil mabait naman kami~

Kami naman po ay mga mabubuti~

Hindi ka namin sasaktan~

Hinahanap lang namin ang Lawa ng Katotohanan~

Sana kami ay iyong matutulungan~ "

Ginaya ko lang ang kanta ni Eamon kasi hindi naman ako kumakanta kaya anong alam ko sa mga kanta-kanta na 'yan? Mabuti na lang at naalala ko pa ang inimbentong lyrics ng unggoy na 'to.
 
Paulit-ulit lang ang lyrics ko pero wala akong pakialam! Napansin ko namang napatigil ang ahas at parang nagustuhan niya ang pagkanta ko.

Jusko, mapili sa boses. Nagandahan ata siya sa boses ko kaya unti-unti siyang lumalayo mula sa puno.

Oo nga, naaalala ko na. Sa mortal world kapag may mga trickster na may-ari ng mga ahas, nagpapatugtog lang sila ng kung anong instrumento tapos parang magiging maamo ang mga ahas.

Gano'n pala 'yon.

Patuloy lang ako sa pagkanta, nagsimula na ding gumapang ang ahas palayo kaya sinundan namin siya.

Ilang sandali lang ay may natatanaw akong parang tubigan sa unahan, 'yan na kaya ang Lawa ng Katotohanan?

"Ang Lawa ng Katotohanan ay inyo ng natatagpuan"

Nagulat ako dahil naririnig ko siyang nagsalita. Lumingon pa ako kay Eamon pero parang wala naman siyang naririnig.

Tama!

Katulad din no'ng daga sa training ground, kaya kong makaintindi ng language ng mga hayop! Dahil siguro nasa akin ang kapangyarihan ng lupa.

Ang saya!

"Maraming salamat kaibigan~" pakanta kong pasasalamat.

Mabilis naman itong gumapang palayo sa'min. Ang ganda ng lawa! Nakakamangha.

"T-terra! Sabi sa'yo gagana ang paraan ko eh"

"Oo, pero sa'min siya gumana, hindi sa'yo naku ah"

"At least naisip ko 'yon"

"Oo na. Tara na nga para malaman ko na ang totoo" aya ko sa kanya.

Sabay kaming naglakad patungo sa lawa. Pagkarating namin do'n ay tinitigan ko pa ito, ang ganda lang kasi. Kumikislap ang tubig at talagang clear na clear.

Pwede kayang maligo dito? Swimming lang gano'n hihi.

"Eamon, akin na ang bote"

Kinuha naman niya ang bote sa supot at binigay sa'kin. Tinanggap ko ito at binuksan. Umiilaw na din ito at parang gusto ng ibuhos ko ang laman.

Walang pag-alinlangan ko itong ibinuhos sa tubig ng lawa, umiilaw ang bawat patak ng likido kasabay ng pagsambit ko ng mga katagang matagal ko ng gustong malaman.

"Ipakita mo sa akin ang tungkol sa buhay ko at sa akong mga magulang" utos ko dito.

Umilaw ang lawa, sobrang nakakasilaw ang liwanag na dala nito kaya napapikit ako. Ilang sandali lang ay may narinig kaming isang awit, mula sa isang napakagandang babae.

Lumulutang siya sa ibabaw ng lawa at umaawit ng isang kantang ngayon ko lang narinig.

"Ako si Dania, pakinggan niyo ang aking kwento" panimula nito.

"Maligaya ang lahat ng mga taga Luxier dahil sa nangyaring pag-iisang dibdib ng Lux King at ng Lux Queen ngunit kung may nasisiyahan, meron namang naghihinagpis. Si King Demonaire na hari ng mga Tenebris ay labis na nagalit dahil ang babaeng mahal niya ay napunta sa ibang lalake. Dahil sa nangyari, kung sino-sino na lang na babae ang kinakasama nito hanggang sa nakilala niya si Aerian na isang Luxier. Ginawa niya itong asawa at reyna ng Tenebris pero dahil sa kagustuhang sirain ang Lux, ipinadala niya ang kanyang asawa sa Lux Kingdom at doon ay naninilbihan bilang isang katulong"

Naikwento na 'to sa'kin pero ang tungkol kay Aerian ay hindi pa. Bakit siya nabanggit dito?

Sino siya?

Anong kinalaman niya sa'kin?

Siya ang reyna ng Tenebris? Kung gano'n, m-masama siya?

Anong meron sa kanya?

"Sa loob ng mahabang panahon niyang paninilbihan, nahulog ang loob niya sa Lux King at gano'n rin naman ito sa kanya. Nagkaroon sila ng patagong relasyon hanggang sa nabuntis ito ng hari. Takot na takot ang dalawa dahil baka malaman ito ng Lux Queen at hindi nga sila nagkamali, nalaman nga ng Lux Queen ang katotohanan"

OmoooooO! Ayan kasi, kumakabit pa ey, naku paktay na!
 
"Isang araw, wala ang Lux King dahil sa isang importanteng lakad. Naiwan ang Lux Queen at si Aerian. No'ng nalaman ng Lux Queen ang katotohanan ay kinompronta niya ang katulong at hinamon ito sa isang sekretong laban. Binabasbasan ng Lux Queen ang bata na nasa sinapupunan ni Aerian na hindi mapano sa laban nila"

Ow, ambait pa rin ng Lux Queen dahil nagawa nitong basbasan ang bata, haynaku.

"Naglaban nga ang dalawa. Kung sino ang matatalo ay dapat na mamatay, 'yon ang kanilang kasunduan. Ngunit, natalo ni Aerian ang Lux Queen kaya nagpakamatay ito sa harap niya. Takot ang namayani sa puso ni Aerian sa mga panahong 'yon kaya may naisip siyang paraan para makalusot"

Ay ang galing pala ni Aerian kasi nagawa niyang talunin ang Lux Queen pero kawawa din naman ang reyna eh.

"May abilidad na mangopya ng mukha si Aerian kaya kinopya niya ang mukha ng Lux Queen at inilibing ang katawan nito sa likod ng kaharian kung saan tumubo ang isang napakagandang bulaklak ngunit may lason ang dagta nito"
 
What?!

I-ibig sabihin, impostor na ang reyna ng mga Luxiers ngayon? Owemji!

"Umuwi ang Lux King at nagtaka dahil wala na ang katulong na nabuntis niya. Tinanong niya ang kanyang asawang reyna at sinabi nitong naglayas ito dahil nabuntis ng isang kawal ngunit ang katotohanan ay siya naman talaga ang totoong Aerian. Umarte siya bilang reyna ng Lux at ibinalitang buntis siya"

Watdapak?! Wala akong masabi. M-masama siya pero parang hindi, hindi ko alam.

"Pagkaraan ng ilang buwan, nanganak ng isang batang babae si Aerian at ang batang ito ay ang pinili ng mga gods at goddesses na maging tagapagmana ng kanilang mga kapangyarihan"

(0_0)

Para akong nabingi sa aking nalaman. Gulat na gulat ako at halos ay lumuwa na ang mga mata ko sa gulat, maging si Eamon ay hindi makapaniwala sa narinig.

"I-ina ko si Aerian? A-ama ko ang Lux King?!" gulat kong tanong.

H-hindi ko ma absorb ang impormasyong ito knowing na impostor ang ina ko! Reyna siya ng Tenebris na siyang kalaban ko a-at reyna na din siya ng Lux ngayon!

"Oo, ina mo ang impostor na Lux Queen at ama mo ang Lux King"

Isa-isang nagsipatakan ang luha ko. H-hindi ako makapaniwalang isang impostor at reyna ng Tenebris ang ina ko. P-paanong----? Bakit?

Kung gano'n, b-bunga ako ng katraydoran? B-bunga ako ng kataksilan? H-hindi! Hindi ko matanggap huhu.

Alam ko ang dahilan kung bakit ako ang piniling tagapagmana nila Hera, p-pero hindi ko matatanggap na ako ang anak ng Aeriang 'yon! I-isa siyang impostor, m-masama siya *sobs*

Iyak lang ako nang iyak at inaalo naman ako ni Eamon. Naglaho na din si Dania dahil naikwento na niya sa'kin ang totoo.

B-bakit siya pa ang naging ina ko? Alam ko na kung tutuusin ay hindi masyadong malaki ang kasalanan niya pero dahil isa pa rin 'yong pagtataksil sa asawa niya at sa Lux Queen, kasalanan pa rin 'yon!

May nasira siyang pamilya at ako ang bunga no'n, h-hindi ko matanggap. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa lahat. Ang kanilang tagapagligtas ay anak ng isang taksil at impostor na babae, aaaargh! Bakit ako pa? Bakit ako pa ang naging anak niya? Huhu.

Sana hindi ko na lang inalam ang tungkol sa mga magulang ko.

Kung sana nakinig na lang ako kay Hera!

Kung sana hindi ako nagmatigas, hindi ako masasaktan ng ganito.

Hindi ko sana malalamang bunga ako sa isang pinagbawal na pag-ibig.

Ang dami kong pinagdaanang hirap at sakit pero nakakadurog ng pagkatao ang nalaman kong ito.

Hindi ko matatanggap huhu.








-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro