CHAPTER 63: The Last Elemental Power

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•YESHA's POV•

"Yesha? Yesha!"

"Hey Chosen!"

Iminulat ko ang aking mga mata at kahit nanghihina ay pilit akong bumangon.

"B-bakit?" tanong ko pa kay Marne.

"A-anong nangyayari sa'yo? N-nanginginig ka kasi eh"

"W-wala naman"

"Anong wala? Teka nga----ang init mo ah! N-nilalagnat ka ata Chosen eh" sabi pa niya habang dinadampi ang kanyang kamay sa noo ko.

"H-hindi, o-okay lang ako" 

Ramdam ko ngang mainit ako at naluluha. Pakiramdam ko ang hina-hina ko na saka kinakabahan ako dahil alam kong ngayong araw ang pagkuha ng Dark King sa huli kong kapangyarihan.

Ilang araw na din ang lumipas no'ng huli akong ginamot ng mga gods and goddesses pero ngayon hindi na sila nagpaparamdam sa'kin.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Pakiramdam ko ay kinakalimutan na nila ako dito. P-parang wala na akong importansya sa kanila.

"Yesha?" untag niya sa'kin.

"B-bakit?"

"Alam mo, may napapansin ako sa'yo lately"

"A-ano naman 'yon?" kunot-noo kong tanong.

"Para kasing pinanghihinaan ka na ng loob eh saka napansin ko rin na may pasa ka sa may pisngi"

Napayuko naman ako dahil do'n. Oo, may mga pasa ako sa pisngi dahil sa kakasampal ni Jewel sa'kin pero hindi masyadong mapapansin kasi natatabunan 'yon ng buhok ko.

Wala ng gumagamot sa'kin kaya visible na ang mga pasa-pasa ko at nanghihina na rin.

"M-marne, k-kung anuman ang mangyari sa'kin n-ngayong araw, s-sana kahit ikaw man lang ay maipagmamalaki ako sa l-lahat" naluluha kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba naman? Walang masamang mangyari sa'yo s-saka diba sabay tayong lalaban at aalis dito? Kaya wag kang mawalan ng pag-asa, magiging okay din ang lahat"

"M-marne, m-masaya ka ba n-no'ng nakilala mo ako?" tanong ko pa.

"Oo naman! Sobrang saya dahil natanggap mo ako kahit nakagawa ako ng kasalanan"

"S-salamat. S-sana masabi mo s-sa bff ko na m-mahal ko siya at g-ginagawa ko ang lahat ng ito p-para sa kanya"

"A-ano ba 'yang mga sinasabi mo? Ikaw mismo ang magsasabi niyan sa kanya kaya lumaban ka *sobs*" umiiyak niyang sagot.

Yumakap siya sa'kin kaya napahagulgol ako. Feeling ko kasi katapusan ko na mamaya eh kaya mas mabuti na may inihabilin ako sa kanya.

Maswerte pa rin ako dahil may kasangga ako dito. Masaya rin ako dahil may mga nakikilala akong mabuti at totoo sa'kin.

"Hoy kayo! Dalhin niyo na 'yan sa kanila!"

S-si Jewel, n-nandito na siya.

"Yesha? M-mag-iingat ka"

"Salamat"

Alam ni Marne na ito ang huling araw ng pagkuha sa kapangyarihan ko at wala kaming ideya kung anong kahihinatnan ko.

Naririnig ko na ang papalapit na mga yabag nila at ang pagkalansing ng kadenang nagsisilbing lock sa silid na 'to.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako at wala akong ibang magawa kundi ang ihanda ang sarili sa paulit-ulit na kaganapan.

Physical torture.

Mental breakdown.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ngayong wala ng nagbibigay sa'kin ng pag-asa.

"Ow! Ke aga-aga, nagda-drama na kayo dito? Well well well, sabagay huling araw mo na naman 'to eh HAHAHAHA"

Hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na pala ang demonyong kinasusuklaman ko. Wala siyang awa! Wala siyang puso!

"J-jewel"

"Tumayo ka na dyan. Wag mo ng hintayin na kakaladkarin na naman kita!"

Pinilit kong tumayo pero parang di na kaya ng katawan ko, natutumba ako kapag sinusubukan ko.

Mahina ako.

Sobrang hina na.

"Oooops! Dyan ka lang" babala niya kay Marne no'ng inakma nitong tulungan ako.

"Ano ba! Ang kupad mo! Halika na nga dito"

Bigla niya akong hinablot at kinaladkad palabas ng silid. Masakit ang katawan ko pero hindi na ako pumalag pa, sanay na ako sa ganitong pangyayari.

Paulit-ulit.

Paulit-ulit na sakit.

"Sandaleeeeeee!" rinig naming sigaw ng isang pamilyar na boses.

A-ang mortal.

Kasabay ng paglingon ni Jewel sa kulungan nila ay ang paglingon ko din. Tama nga ang hinala ko, a-ang kumupkop kay Aerin ang nabihag nila.

"Anong kailangan mo, Tanda?!"

"P-parang kilala ko siya!"

Palipat-lipat ang tingin ni Jewel sa'kin at sa tita ni Aerin. Naniniguradong totoo ang sinasabi ng matanda.

"H-hindi. H-hindi ko siya kilala" tanggi ko naman.

"Kilala kita, i-ikaw 'yong bes--------"

"HINDI! HINDI KITA KILALA! HINDI KO KAYO KILALA" malakas kong sigaw.

A-ayokong malaman ni Jewel na best friend ko si Aerin, baka pag-interesan niya pa ang bff ko, mawawalan ng saysay ang lahat kapag nagkataon.

"Sigurado ka ba?" paniniguro niya sa'kin.

"Oo, h-hindi ko sila kilala. D-diba hinihintay na tayo ng amo niyo? B-bakit hindi na lang kayo pumunta pa do'n?"

Hindi na nagsalita pa si Jewel, pakaladkad niya pa rin akong dinala sa silid na pinakaayokong puntahan.

Makikita ko na naman ang hari ng mga demonyo.

Ipinagdarasal kong hinding-hindi siya magtatagumpay!

____________________________________
•DARK KING's POV•

Huling araw.

Ngayon ang pinakakahihintay kong araw.

Sa wakas! Makukumpleto ko na ang isang napakalakas na kapangyarihan sa lahat HAHAHAHAHA.

Magagawa ko na ring sakupin ang mundo ng mahika. Makakapaghigante na rin ako sa kanilang lahat!

Sisiguraduhin kong walang matitira sa kanila at babaguhin ko ang mundong ito. Mamumuno ako at ako ang tatanghaling pinakamakapangyarihan at pinakamalakas sa lahat!

Nararamdaman ko na rin ang paglakas ng aking mahika at nararamdaman ko na rin ang nalalapit kong tagumpay.

"Kamahalan, nandito na po ang inyong pinakahihintay" rinig kong sabi ng aking tapat na tauhan.

Agad kong inilagay ang aking kupita sa lalagyan nito at lumapit sa kanila. Hinahaplos ko ang mukha ng pinili at ramdam ko ang kaba sa kanyang puso.

Wala akong nararamdamang awa sa kanya kahit na mukha siyang kaawa-awa.

"Alam mo, hindi naman ako gano'n kasama kaya pagkatapos kong makuha sa'yo ang huli mong kapangyarihan, palalayain na kita" nakangisi ko pang sambit.

Galit naman niya akong tiningnan pero tinawanan ko lang siya. Akala ata ng babaeng ito ay masisindak niya ako HAHAHAHA.

"Patayin mo na lang ako! Kapag pinalaya mo ako, pagsisisihan mo 'yon!"

Matapang pa rin siya kahit alam kong mahina na siya. Pwede ko siyang patayin pero hindi ko 'yon gagawin.

Makakabalik siya sa Academia at hindi na ako makakapaghihintay na makitang nawawalan ng pag-asa ang mga Luxiers kapag nakita siya ng mga ito.

Kahinaan iyon para sa kanila.

"Bakit kita papatayin kung mayroon namang gustong pumatay sa'yo?" sabi ko pa sabay lingon sa babaeng nagdala sa kanya.

"Dalhin mo na siya sa kanyang trono!" utos ko pa.

Kinuha ko ang aking espada. Ito ang gagamitin ko para sa huling pagkuha ng kapangyarihan. Kailangan ko siyang sugatan gamit ito para ang aking espada ang siyang makapangyarihan kong sandata.

Naaamoy ko na ang mga dugong dadanak sa panahon ng papalapit na digmaan.

Maghintay kayo Luxiers, darating din ang inyong katapusan!
 
"Kamahalan, tapos na po"
 
"Mabuti, umalis ka na dahil isang malakas na kapangyarihan ang ilalabas at hindi mo iyon kakayanin"

Pagkalabas niya ay agad akong nag-iba ng kasuotan. Ito ang aking damit pandigma at kahit ito ay may nakabalot ring kapangyarihan. 

"Napakasama mo! Hinding-hindi ka magtatagumpay!"

"Sinusumpa kita!"

"Matatalo ka din nila!"

"Hindi ka magtatagumpay, tandaan mo 'yan!"

Ilan lang 'yan sa mga sigaw niya pero hanggang pagtawa lang ang maisagot ko sa kanya. Nakakatawa siya HAHAHAHA.

Hindi ako matatalo dahil nasa akin na halos lahat ng kapangyarihan mo at hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko sila napapatay!

"translatio eius tandem imperium ut mihi!"

Sinimulan ko na ang pagbigkas ng isang napakalakas na spell at natutuwa ako sa aking nasasaksihan.

"Aaaaaaaaaaah!"

Ang sarap pakinggan ng kanyang sigaw, nanunuot iyon sa aking tenga. Ang ekspresyon niyang nasasaktan ay sobrang gandang pagmasdan at nakakaramdam ako ng kakaibang lakas dahil do'n.

Itinaas ko ang aking mga kamay at sinasalubong ang lahat ng enerhiyang nilalabas niya.

Bawat sigaw ay katumbas ng kanyang kapangyarihan at naririnig ko na rin ang mga kulog na nagmumula sa kalangitan.

Pagkatapos kong makuha ang kanyang huling kapangyarihan ay ipagpapatuloy ko na ang pagsasanay sa lahat ng elemento.

Kailangan magsama-sama ang mga ito para makabuo ng panibagong lakas para sa akin HAHAHAHA.

Ako ang Hari ng Tenebris at wawasakin ko ang kaharian ng aking kaaway!

'estar listo, guerra sangrienta está viniendo!'

____________________________________
•AERIN's POV•

Umiyak ako ng umiyak. Hindi ko na pinansin pa kung ano ang itsura ko ngayon pero talagang masakit sa'kin ang nalaman ko.

Truth hurts nga!

Totoo pala talagang masakit malaman ang katotohanan at alam kong ganito rin ang mararamdaman ng mga taga Lux kapag nalaman nila ang totoo...

...na ako ang totoong Chosen Heiress at nagpapanggap lang si Yesha.

Matagal namin silang niloko kaya for sure masakit din sa kanila 'yon.

Hindi ko na alam ang gagawin ko huhu.

Pero sabi ko nga kay Hera, handa na ako kaya paninindigan ko 'yon. Isang impostor ang ina ko at masama ang ginawa niyang 'yon kaya dapat siyang sugpuin.

D-dapat ituwid ang pagkakamali niyang 'yon. Hindi siya ang pumatay sa totoong reyna at ang laban nilang 'yon ang nagpapatunay na ginawa niya lang ang nararapat.

Kaya lang kinopya niya ang identity nito at nagsinungaling pa siya kaya nadagdagan ang kasalanan niya.

Ina ko siya, mahal ko pa rin siya kahit hindi kami magkasama ng matagal na panahon at kahit na isa siyang makasalanan pero hindi hadlang ang pagiging ina niya sa mga misyon ko.

Ako ang pinili, tagapagmana, tagapagligtas o kung ano pa man at dapat lang na gawin ko ang mga bagay na dapat kong gawin...

...ang itama ang lahat ng pagkakamali at lipulin ang lahat ng masasama.

Handa akong magsakripisyo, mawala lang ang kasamaan sa mundong ito.

"Terra, hindi ka pa ba tapos umiyak dyan? Ang uhog mo oh" rinig kong sambit ni Eamon.

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero agad ding napaisip ng something hihi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang sumisinok pa. Inaasar mo ako ah, tingnan natin ngayon kung anong reaksyon mo. 

"T-terra, b-bakit ka lumalapit? A-anong gagawin mo?" kinakabahan niyang tanong.

Whew! Wala pa nga eh.

"P-payakap naman Eamon kahit sandali lang*sobs*" paawa epek ko.

Actually, medyo gumaan na ang pakiramdam ko ngayon dahil kay Eamon. Kanina kasi habang humahagulgol ako ng iyak, hinahagod niya lang 'yong likuran ko.

Comforter kumbaga.
 
"S-sige na nga! Kung di lang ako naaawa sa'yo, hinding-hindi kita papayagan"

Sus! Arte nito.

Agad ko naman siyang niyakap pero hindi naman talaga 'yon ang plano ko. Dahan-dahan akong yumuko para maipahid sa damit niya ang uhog na sinasabi niya kanina.

Sumisinghot-singhot din ako para mapansin niya ang ginawa kong kalokohan. Akala niya ah, gantihan lang 'to.

"T-terra? A-anong ginawa mo?!"

"Nagpapahid lang"

"Ng ano?"

"Alam mo na 'yon" sagot ko pa sabay kawala sa yakap niya, hinawakan ko naman ang ilong ko para mapansin niya.

No'ng napagtanto niya kung ano 'yong sinabi ko, agad niyang tiningnan ang damit niyang nababasa na.

"What the heck?! S-sa'kin mo pinahid ang uhog mo?!" gulat na gulat niyang tanong sa'kin with matching laki-mata pa.

Nakakadiri ba?

"Pasensya ka na Eamon ha? Wala kasi akong panyo eh" casual kong sagot.

Hindi naman siya makapaniwala sa ginawa kong 'yon at akmang lalapit sa'kin pero nagulat na lang kaming dalawa sa biglaang pagkulog.

"Ay unggoy ka!" gulat kong sambit habang nakatakip ang kamay sa tenga.

Nagulat ako do'n ah, uulan ba?

Ba't kumulog? Saka medyo dumilim na talaga ang kalangitan. Uulan pa ata tapos nandito pa kami sa lawa.

Nilingon ko si Eamon no'ng medyo naka-adjust na ako, charot garter lang ang peg? Hehe teka----ang sama naman ata ng tingin ng isang 'to?

May nasabi ba akong masama?

W-wait-----nabanggit ko nga pala ang word na 'unggoy' kanina tapos may pasobrang word pa na 'ka' hihi.

"Hehe sorna Eamon, di ko sinasadya"

"Tsk"

Ay ang sungit. Glaciero version 1.1 ka Eamon? Naku.
 
"Sorry na nga eh, sige ka iiyak talaga ako ulit dito"

Sinong tinakot mo self?

"Hays! Accepted. Pasalamat ka protector mo ako kaya di ako dapat magalit sa'yo" nakanguso nitong sabi.

Yeeeeey! Sabi na eh, di talaga ako matitiis ng isang 'to. 

"Salamat Eamon ha? Ang laki ng nagawa mo para pagaanin ang loob ko ngayon" sincere kong sabi.

"Totoo ba 'yan? Baka drama na naman 'yan ah"

Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Masyado na ba akong sinungaling para di siya maniwala sa sinasabi ko?
 
Totoo nga pala talaga 'yong sinabi nila na kapag paulit-ulit ka ng nagsisinungaling sa isang tao, mahirap na para sa kanila ang maniwala kahit totoo na ang sinasabi mo.

"HAHAHA I'm just kidding Terra, ang seryoso ng awra mo ah. Anyway, that's my responsibility kaya wala lang dapat ipagpasalamat, I'll do anything para sa'yo dahil-----"

"Dahil ano?"

"D-dahil ano....dahil protector mo ako" sagot niya sabay ngiti.

Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman, p-para bang may iba pang laman 'yong sinasabi niya.

Praning lang ata ako, hays.

"Salamat pa rin. Siyanga pala Eamon, bakit kaya kumukulog ngayon? May bagyo ba?" taka ko pang tanong habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

Ilang sandali lang ay may mga kidlat na ring nabubuhay mula rito. Ano kayang meron at madilim na? Gabi na ba? Pero impossible naman kasi maaga naman kaming nakarating dito.

"Hindi, hudyat 'yan na malapit na ang digmaan Terra kaya kailangan na nating bumalik sa Academia dahil delikado pag matagal pa tayo dito"

Oo nga noh?

Tama. Ganitong-ganito nga pala 'yong binanggit sa tula na sinabi sa'kin ni HM dati, 'yong nakuha ko mula sa mga dark mages na lumusob sa fire kingdom at inilagay ko sa tapat ni Red.

Kinakabahan ako.

Nakasalalay sa'kin ang kaligtasan ng lahat at ang kapayapaan ng buong mundo.

Kailangan kong matalo ang Dark King sa panahong 'yon pagkatapos ay haharapin ko ang aking ina at isiwalat ang katotohanang isa siyang huwad o impostor.

Lahat naman pwedeng mabigyan ng pagkakataong magbago eh pero dapat deserving ka para sa chance na 'yon.

Pero kayo? Wala na kayong chance para i-krassbak, I'm sorry hihi.

"T-tara na Eamon para mapagsabihan na din natin ang lahat na maghanda" aya ko sa kanya.

"Sandali!"

Sabay kaming napalingon ni Eamon sa lawa, nakalitaw ulit si Dania do'n. Bakit kaya siya nagpakita ulit?

"Ayaw mo bang malaman kung sino at bakit ka dinala sa mundo ng mga mortal?" tanong nito.

Ang sabi ni HM, isang beses ko lang magagamit ang likido pero heto si Dania, tinatanong ako sa bagay na 'to.

Ngumiti ako at umiling sa kanya. Alam ko na ang dahilan kung bakit kahit hindi niya sabihin. Alam ko na rin na ang ina ni RV ang nagdala sa'kin do'n base na rin sa mga kwento ni RV. Si RV ang tinawag no'ng babae na 'anak' no'ng nakita ko siyang nawalan ng buhay.

"Salamat na lang Dania, malinaw na sa akin ang lahat"

"Mabuti kung gano'n. Matalino ka Darya at alam kong alam mo na ang iyong gagawin, handa ka ng harapin ang iyong tadhana. Nais ko ang tagumpay mo, mag-iingat ka"

Darya?
 
Bakit niya ako tinawag na Darya eh si Mira lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'n?

Aaah siguro dahil sa tubig siya kaya gano'n. Ang famous ko pala noh? Hihi.

"Wow! Matalino daw 'yong girlfriend ko ah" rinig kong sabi ni Eamon na naging dahilan para mapalingon ako sa kanya.

G-girlfriend?

ChOur, don't tell me kinarreer na talaga nito ang pagiging jowa niya sa'kin? Abaaaaa ano siya? Siniswerte? Naku. 

"Tse! Tigil-tigilan mo nga ako dyan sa kalokohan mo Eamon. Tara na nga! Ang daldal mo" sabi ko pa.

"Ako pa ang madaldal ah"

"Oo kaya! Baka ikaw ang ama ni Daldalita ah"

"Sinong Daldalita?"

"Wala. It's for you to find out HAHAHA"

"Kailan ka pa nag-e english?"

"Ngayon, di mo narinig?"

"Hindi"

"Eh di bingi ka HAHAHA"

"Ayan, mas maganda ka kapag tumatawa"

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Ays! Di pa ako nasanay, maganda naman talaga ako ey.

"I know right" sabi ko na lang sabay kuha sa supot na dala niya.

"Kapal ah"

"Parang ikaw"

Agad kong sinaboy ang powder, hinawakan naman niya ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin.

Nalaman ko ang totoo tungkol sa mga magulang ko, nasaktan at parang di ko matanggap ang katotohanan pero sabi nga nila, acceptance is the key to move on so ngayon, handa na ako. 

Sana maging okay ang lahat kapag natapos na ang digmaan.

Ilang sandali lang ay nararamdaman kong lalapag na kami kaya hinanda ko na ang sarili ko. Pagkalapag namin ay napansin kong nasa bukana lang kami ng Academy.

Eh?

Hanggang dito lang 'yong powder?

"Terra? Bakit dito tayo lumapag?" tanong sa'kin ni Eamon.

"Aba malay ko, magkasama naman tayo kaya anong alam ko?" pamimilosopo ko pa huehue.

Naglakad kami papasok sa entrance (para sosyal) at may nakita kaming dalawang nilalang na nagbabantay do'n.

"A-anong tawag sa mga 'yan?" taka kong tanong.

Kakaiba kasi ang itsura nila saka sila ba ang tagapagbantay sa lagusan ng Academia?

"Sila ang tinatawag na Gigantic Leopard kapag ganyang itsura pero nagta-transform yan sila into a spiky animal pag nasa panganib"

(0_0)

Huwaaaat?!

May ganito pala sa Luxier Academy? Owemji, wala pa akong naririnig o nakikitang ganito sa mortal world eh.

"B-baka lapain tayo nyan Eamon" kinakabahan ko pang sabi.

Baka katulad 'to sa unggoy version ni Eamon na muntik na akong lapain huhu.

"Ako, alam kong hindi nila ako lalapain kasi nakaharap ko na sila no'ng pumasok ako dito eh pero ikaw? Di ko alam" nakangisi niyang sagot sa'kin.

Agad naman akong nagpalabas ng Ice ball para sana tirahin siya pero ang loko, mas ngumisi pa.

"Anong nginingisi-ngisi mo dyan?"

"Hindi mo ako pwedeng saktan dito Terra dahil papalapit na sila sa'tin HAHAHAHA"

Jusko, parang baliw ang tingin ko sa damuhong 'to ey. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako, hays.

Papalapit na nga ang dalawang leopard, ang lalaki nila! P-parang 'yong daliri lang nila sa paa ang height ko grabe.

Siguro 'yong pangil nila eh kasing-taas ko lang.

"Terra! Wag kang matakot, nandito naman ako eh. Halika na, papasok na tayo"

Sus!

Ganyan na ganyan ang sinabi ni Glaciero sa'kin dati pero di naman pinaninindigan.

Puro lang salita, di na lang gawin.

Kakainis talaga, hays.

____________________________________
•EAMON's POV•

Natutuwa talaga ako every time na inaasar ko si Terra. Nakakatuwa ang mga ekspresyong pinapakita niya saka nanatili siyang positive kahit ang daming negative na nangyayari sa buhay niya.

Actually, matagal ko na siyang kilala kahit na hindi ko pa siya nakikita. May binigay kasi sa'kin ang papa ko na isang maliit na bagay, bilog ang hugis nito.  Do'n ko siya nakikita at 'yon ang ginagamit ko kapag binabalaan ko siya.

Tulad no'ng panahon na may lason ang pagkaing dala ni Ms Ventus do'n sa training nila dati.

Oo, ako 'yong nagsalita gamit ang telepathy at masaya ako dahil sinunod niya ako.

Wala na ang mga magulang ko kaya tinanggap ko na ng buo ang responsibilidad ko, ang maging protector ni Terra.

Wala akong alam sa pagpapagaan ng loob kaya dinadaan ko na lang sa pang-aasar sa kanya. Pareho kami minsan ng personality at talagang nagkakasundo kami lalong-lalo na sa pang-aasar sa isa't-isa.

Nakakatuwa.

Ang saya.

Sa ilang araw naming pagsasama, humahanga ako sa katapangan niya, sa pagiging mabait at pagiging kwela.

Masasabi kong ang swerte ko dahil may nakilala akong babae na katulad niya pero malas lang niya dahil nagawa siyang saktan ng lalakeng minahal niya.

Kung may magagawa lang ako para mawala sa isip at puso niya ang lalakeng 'yon ay gagawin ko pero si Terra lang ang may kakayahang gawin ang bagay na 'yon.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong humiling, hihilingin ko na sana ako na lang ang mamahalin niya dahil ako, handa kong gawin ang lahat para sa kanya hindi dahil protector niya ako kundi dahil mahal ko siya.

Dati pa.

Kahit hindi ko pa siya nakikita ng personal no'ng una, may nararamdaman na akong kakaiba habang nakatingin at nakasubaybay sa kanya.

Sana matupad ang hinihiling ko.

"Sana nga"

"Huh? Anong sana nga Eamon? Nababaliw ka na naman HAHAHA"

"Ikaw ata ang baliw Terra, ikaw lang 'yong tumatawa eh" asar ko pa sa kanya.

Inismiran naman niya ako at sumunod na lang sa dalawang bantay ng Academia papasok sa loob.

Alam ko ang gagawin mo sa panahong 'yon Terra at handa akong samahan ka anuman ang iyong pasya.

Kahit na kinakailangan ko ding magsakripisyo.
 
Kahit na ikamatay ko pa.

 





-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro