CHAPTER 67: The Meeting

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

 
•FAERO's POV•

I can't take off my eyes on her. Gustong-gusto ko siyang titigan hoping that she'll wake up and will give us some of her smiles.

Masaya ako dahil nandito na siya sa'min but a part of me is worried kasi di ko alam kung magigising pa siya. Ayokong mawala siya sa'kin kaya sana lang ay lumaban siya.

"Chosen, please come back"

I tried to talk to her kahit hindi siya sumasagot. Umaasa na lang ako na maririnig niya ang mga sinasabi ko.

Our world needs her pero ngayong wala na siyang kapangyarihan, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'min.

But still, we're going to fight para di masayang ang paghihirap niya. We'll seek revenge and I'll gonna make sure they'll regret everything they did to her.

"K-kung pinapahirapan nila ng ganyan si Chosen, posible ding ganyan ang ginagawa nila sa mga magulang ko" rinig kong sambit ni Aerish.

Isa pa 'yan sa iniisip ko. The Air King and Queen are one of the strongest rulers dito sa Lux and without them, malaki ang kawalan nito sa lakas namin.

Mas nakakatakot kung pati sila ay gagamitin laban sa'min. Ang kapangyarihang meron sila ay kakaiba at malakas, maaaring masira nila ang kalahati ng Lux.

Oo, ganyan sila kalakas.

"Ang daming nangyayari. Pinatay ang head ng Smithsonian, binihag ang mother and father-in-law ko, nawalan ng kapangyarihan si Chosen tapos nalaman pa natin na impostor ang Lux Queen, hays!" 

Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Cold. Impostor nga ang Lux Queen pero nakikita ko sa mga mata nito na nasa panig namin siya.

Masama man ang nagawa niya, alam kong pinagsisihan niya 'yon dahil na rin sa pagmamahal niya sa Lux King. Siguro naman ay hindi niya kami tatraydurin.

"Kaya nga kailangan nating magpalakas pa. Hindi tayo dapat nagpapaapekto sa nangyari kay Chosen, hindi dapat tayo magsasayang ng panahon para maipaghigante natin ang sinapit niya" dagdag pa ni Eris.

Eris is slowly coming back to herself. Hindi ko pa alam kung anong status nila ni Ice kasi parang nag-iba na din ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

"She's right. We need to think of a plan on how to defeat that f*ckin' Dark King" sabi pa ni Ice.

Tama sila.

Kung dati kami ang umaasa kay Chosen, ngayon ay kami na ang inaasahan ng buong Lux dahil kami ang mga Royalties.

Hindi kami dapat pinanghihinaan ng loob.

"Anong gagawin natin?" tanong ko.

"Meeting" sagot pa ni Ice.

"Tama. Dapat mag-uusap tayo kung sino ang ia-assign sa iba't-ibang baryo dito sa Lux" dagdag ni Cold.

I've almost forgot, ang mga baryo o bayan nga pala na sakop ng Lux. Kailangang meron ding magtatanggol at tutulong sa kanila do'n sa kanila do'n.

"Nasaan ba sila Raiden at Aqua?" tanong ni Aerish na kinalingon namin.

Nasaan nga ba ang dalawang 'yon? Kanina lang sila wala dito ah.

"I'll find them. Let's just meet at HM's office"

Umalis na din sa Ice. Siya na mismo ang nagpresinta na maghanap sa iba pa naming kasama kaya wala na kaming ipag-alala.

Pero sino ang maiiwan dito kay Chosen? Wala pa naman si Ms Hailey kasi may meeting na din sila together with all the healers.

"Walang magbabantay kay Chosen, hindi ko siya pwedeng iwan dito" sabi ko na lang.

"Pero pareng James, kailangan ka sa meeting diba?"

"Wait, may pupuntahan muna ako sandali. They can help us here" sabi ni Aerish at umalis na gamit ang portal niya.
 
Nilingon ko si Chosen, maamo ang mukha niya pero halatang galing sa sobrang paghihirap. Hindi ko lubos maisip kung ano 'yong mga ginagawa sa kanya do'n knowing those dark mages, mga halang ang kaluluwa.

Ilang sandali lang ay dumating na din si Aerish, kasama niya 'yong dalawang babae na kadormmate ni Aerin. Good thing may kaibigan ang isang 'yon.

"Nandito na sila. Uhmm Lei saka Daph? Makikiusap lang sana kami na kung pwede, kayo na muna ang bahalang magbantay kay Chosen dito. Okay lang ba 'yon?" baling sa kanila ni Aerish.

Daph just nodded at pumunta na sa upuang malapit lang sa kinahihigaan ni Chosen.

"Karangalan po sa'min ang tulungan kayo. Kami na po ang bahala sa kanya" sagot ni Lei.

"Salamat sa inyo. Bantayan niyo sana siya ng mabuti" nakangiti kong sabi.

"Opo, wag po kayong mag-alala"

Lumapit muna ako kay Chosen. I caressed her face and kissed her forehead bago naunang umalis. Pagkarating ko sa office ni HM, kumatok muna ako.

"Come in" rinig kong sambit ni HM.

Pagkapasok ko'y nakita ko siyang may sinusulat pero agad din naman niyang niligpit pagkaupo ko.

"Anong maipaglilingkod ko sa Fire Prince?" tanong niya.

"Hinihintay ko pa po ang iba kong kasama, may mahalaga po kaming pag-uusapan" sagot ko naman.
 
"Siyanga pala HM, nagpunta ba dito si Aerin?" tanong ko no'ng napansin kong wala siya dito. Ang sabi niya kasi ay may itatanong siya kay HM.

"Oo, nagpunta siya dito kanina pero agad din namang umalis" sagot pa niya na ikinakunot ng noo ko.

Saan naman kaya siya nagpunta? Hindi pa naman siya bumalik sa clinic ah.

Ilang sandali lang ay dumating na din sila Aerish, Cold at Eris pero wala pa si Ice, Aqua at Raiden. Di nagtagal ay dumating na din ang dalawa na parang hinahangos pa.

Anyare?

"HM! HM!" tarantang tawag ni Aqua, taka naman namin silang tiningnan.

"Bakit?"

"Habang papunta po kami dito eh bigla pong umilaw ang barrier na ginawa ko, b-baka masira ito ng kalaban" sumbong niya.

"Siguro'y nagawa nga niya" rinig kong sambit niya habang nakangiti, weird.

"Ano pong nagawa? Sino 'yon?" taka kong tanong. 

"Hindi ko masasabi sa ngayon kung sino. Siya nga pala, nasaan ang Ice Prince?"

"Siya ang nagsabi sa'min na magme-meeting ngayon dito. Tinanong niya pa kami kung nakita ba namin si Aerin, marahil ay hinahanap niya ito ngayon" sagot ni Raiden at tumabi kay Aqua.

Something's fishy between these two Royalties, I can smell it.

"N-nakita niyo ba kung saan siya patungo?" Eris asked.

Nagseselos ba siya? I thought she came back to her senses pero mukhang mali ako.

"Eris, pwede ba? Hayaan mo na si Ice. Let him go and free yourself too, hayaan mo siyang maging masaya kung talagang mahal mo siya" biglang sabi ni Aqua sa kanya. 

Oo nga naman pero--------

"I already did, I set him free pero siya na itong nakiusap sa'kin na kung pwede ay hindi na muna kaya pumayag na din ako. You can't blame me for doing this Aqua, I did all of this for his own sake"

Naaawa ako kay Eris. Nauubos na siya dahil nando'n na kay Ice ang lahat ng pagmamahal niya at hindi man lang siya nagtira para sa sarili niya.

Love is a like a double-edged sword. It can make you alive yet it can kill you. It can make you happy and at the same time, sad. It can build you hopes but can destroy you too.

But love is also about sacrifices, you're willing to sacrifice yourself just for the sake of your loved ones.

"*sigh* hindi ko alam kung anong iniisip ni Ice pero alam naman nating may boyfriend na si Aerin diba? Gusto niyo bang masira 'yong dalawa dahil hinayaan ko si Ice na habulin si Aerin? Kung mahal ni Aerin si Ice, sana hinintay niyang mawala ang sumpa diba?" dagdag pa niya.

Sabagay may katwiran din siya. Napakakumplikado ng sitwasyon nila. Siyanga pala, pagkaalis ni Aerin do'n sa clinic ay umalis din si Eamon, baka magkasama sila.

Teka----paano pag nagkita silang tatlo? Damn! Baka mag-aaway pa ang mga 'yon.

"Teka--mawala ang sumpa? Bakit? May ginawa ba si Ice para mawala 'yon?" gulat na tanong ni Aerish.

"Siguro'y dapat ko ng aminin sa inyo. Hindi lang si Ice ang may ginawa dito, a-ako rin" sagot nito.

Napakunot ako ng noo, ano naman kayang ginawa nila para mawala 'yon? K-kinausap ba nila ang kapatid ko?

"Tama ka Faero, kinusap ko ang kapatid mo. Dahil sa pagmamahal ko kay Ice, gusto kong mawala ang sumpa sa kanya dahil nagbabasakali akong mamahalin din niya ako"

Ginambala nila ang kapatid ko?

"Alam mo ba kung anong kahihinatnan ng kapatid ko dahil do'n sa paggambala mo sa kanya?!" inis kong tanong.

Patay na ang kapatid ko at hindi siya pwedeng bumalik dito sa mundo namin hangga't hindi pa nalalagas ang dahon ng puno dahil pwede siyang makuha ng Soul Reaper!

"Alam ko 'yon pero desisyon niya ding magpakita sa'min at tulungan ako"

"Hindi 'yon gagawin ng kapatid ko kung walang kapalit. Ngayon,  sabihin mo sa'kin kung anong kapalit ang hinihingi niya sa'yo Eris" sabi ko pa.

Kilala ko ang kapatid ko. Hindi siya gumagawa ng pabor kung wala kang ibibigay na kapalit.

"P-patawarin niyo ako, h-hindi ko pwedeng sabihin. A-ayokong madagdagan na naman ang galit niyo sa'kin"

"Gusto mong patawarin ka namin pero naglilihim ka na naman" Raiden added.

"Hindi ko kayo pipilitin na patawarin ako. I just saved him! Gusto niyo siyang sumaya pero paano siya sasaya kung mawawala lang din naman ang babaeng mamahalin niya dahil sa sumpa? Naisip niyo ba 'yon?"

Dahil sa sinabi niya ay napatigil kaming lahat. Wala kaming masabi dahil may punto din naman siya.

"P-pero--------"

"Oooops! Tama na ang bangayan. Tama naman ang intensyon ng Earth Princess kaya lang sa ibang paraan niya ito naisagawa. Tanggapin niyo na lang ang nangyari, acceptance is the key para magkaayos kayo. Marami pa tayong dapat pag-usapan lalong-lalo na ang digmaang nagsisimula na ngayong maganap, hindi ba't 'yon ang dahilan kung bakit narito kayo ngayon?"

Napalingon kaming lahat kay HM at tumahimik na lang. Nakalimutan na namin ang dahilan kung bakit kami narito dahil sa usaping 'yon.

"Tama si HM, dapat magkaayos na tayo" biglang sabi ni Cold.

We nodded at di na lang nagsalita, baka humaba pa ang diskusyon. Nasaan na ba si Ice? Ang taga--------------

*Blaaaaaaaaag!*

Gulat kaming napalingon sa biglaang pagbukas ng pinto. Dumating na si Ice at buhat-buhat niya si Aerin? Anong nangyari kay Aerin?

"Twinny!"

"Anong nangyari sa kanya?"

"What happened?"

"Dito mo siya ilagay"

Hindi kami sinagot ni Ice instead dahan-dahan niyang pinaupo si Aerin sa couch. Nanghihina siya at hinihingal.

"Ano bang nangyari?"

"Solier, I know you can bring back her strength. Can you do it for me?" pakiusap niya kay Eris.

Napalunok naman si Eris at dahan-dahang tumango. F*ck! She's such a martyr at Napaka-insensitive naman ni Ice, hays.

Lumapit nga si Eris kay Aerin at akmang lalapatan na ng healing power kaya lang umalma si Aerin.

"E-eris, h-hindi mo naman kailangang gawin 'to eh. O-okay lang ako, w-wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Alam ko namang labag sa kalooban mo 'to kaya wag mo ng sayangin ang lakas mo para sa'kin"

Mabuti pa si Aerin, marunong makiramdam. She's such a good woman kaya siguro nahulog ang loob ni Eamon at ni Ice sa kanya.

Sana lang ay maging masaya siya.

____________________________________
•AERIN's POV•

Pinigilan ko si Eris hindi dahil ayokong magpagamot kundi dahil naaawa ako sa kanya.

Dahil sa sobrang pagmamahal niya, nagmumukha na siyang tanga at kaawa-awa. Babae ako, nararamdaman ko ang nararamdaman niya ngayon, nasasaktan siya. 

Oo, mahal ko din sa Glaciero pero mas lamang ang pagmamahal ni Eris sa kanya.

Masakit sa'kin ang ginawa nila pero naiintindihan ko na ngayon si Eris. Sa aming dalawa, siya ang labis na nasaktan.

"A-aerin, p-patawarin mo ako" naiiyak niyang sabi.

Kahit nanghihina ay ngumiti ako sa kanya. Matagal ko na siyang napatawad at tinanggap na lang ang nangyari para mapalaya ko na din ang sarili ko.

Sa ngayon ay ang bff ko at ang buong Lux ang priority ko. 

"Pinapatawad na kita Eris. Saka wala ka namang kasalanan sa'kin kasi hindi naman naging kami ni Glaciero no'ng naging kayo eh kaya okay lang 'yon" sabi ko naman.
 
Kaya siguro ako nasaktan dati dahil pinanghahawakan ko ang mga salita at pangako ni Glaciero. Gusto ko din namang sumaya pero baka hindi sa kanya ko 'yon matatagpuan.

"S-salamat Aerin. H-hayaan mong ibalik ko ang lakas mo bilang pasasalamat ko na rin"

Pumayag ako sa gusto niya kaya inilapat niya ang kanyang kamay sa balikat ko. Nararamdaman ko namang unti-unti ng bumabalik ang lakas ko.

Ang galing niya talaga!

Pagkatapos niya akong gamutin ay do'n ko pa napansin na nandito silang lahat sa office ni HM.
 
Ano kayang meron? May birthday ba dito? ChOur lang.

"Salamat Eris, sana maging masaya ka" dagdag ko pa.

Napayuko naman siya at base sa galaw ng balikat niya, alam kong umiiyak siya. Iyakin din pala ang bruhang 'to.

"Wag ka ng umiyak, wala akong candy dito ey" biro ko pa.
 
Napapigil tawa naman ang iba samantalang walang emosyon naman si Glaciero. Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap si Eamon pero napansin kong wala siya dito.

"Teka----si Eamon ba ang nagbantay kay Yesha?" tanong ko pa.

"Hindi, sila Daph at Lei at pinagbantay namin dahil umalis naman 'yong boyfriend mo" sagot ni Caeli. 

Huh?

Saan naman kaya nagpunta ang lokong 'yon? Kailan pa siya umaalis ng hindi ako kasama? Saka protector ko siya kaya dapat nasa tabi ko siya lagi, nakuuu! Lagot talaga 'yon sa'kin mamaya.

"So, shall we start?" basag ni Glaciero sa katahimikan.

Ano bang meron dito? Saka anong uumpisahan?

"RV! A-anong meron?" bulong ko kay RV na nasa tabi ko.

"May meeting na magaganap" sagot niya.

"Para saan naman?" takang tanong ko ulit.

"Uso makinig Ae hahaha"

Ba't siya tumatawa? Nababaliw na naman ba 'to o masaya lang talaga siya?

Sanaol may happy pill diba?

"Simulan niyo na ang meeting. Ano ba ang pag-uusapan niyo?" tanong ni HM.

Oo nga naman.

"Alam niyo naman siguro na ang Academy at ang mga kaharian lang ang kayang pawalain ng Lux King hindi ba? Ibig sabihin, ang mga baryo o bayan na sakop ng Lux ay hindi na kaya ng kanyang kapangyarihan lalo na ngayong impostor pala ang Lux Queen" pagsisimula ni Faero. 

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya maliban sa'kin. Hindi ko naman kasi alam 'yon saka ang harsh nila sa nanay ko ah. 

"Hindi na siya reyna ngayon, tagapagsilbi na lang siya" ako na mismo ang nagsabi para hindi masyadong nakaka-offend, charot.

"Kaya nandito tayo ngayon para pag-usapan kung sino ang maa-assign sa iba't-ibang mga bayan dito sa Lux para ipagtanggol at tulungan ang ating mga nasasakupan" dagdag ni RV.

Tama sila.

Malaki at malawak ang nasasakupan ng Lux at hindi lahat ay kayang makipaglaban lalo na 'yong mga bata. Kailangan nila ng mages na tutulong sa kanila. 

"Ako na ang bahala sa bayan ng Herbalia, dadalhin ko ang aming mga kawal" sabat ni Eris.

"Oo sige. Sino naman ang gustong pumunta sa may tianggehan?" tanong ni Faero. 

Parang gusto ko do'n. Tamang dekwat lang ng mga bagay-bagay hihi ang sama ko naman.

"Ako na ang bahala do'n" rinig kong sagot ni RV. 

"Sa Fairiliana?"

"I and Fairin will go there" sagot ni Glaciero.

Hala! Pwede din ba ako do'n? Kasi syempre nasa akin din si Froy diba? Kaso plano ko nga palang dumistansya kay Glaciero.

Na miss ko na tuloy si Daldalita.

"Sa Bayan ng Smith na lang ako" sabi pa ni Faero.

Ang bayan ng Smith ay ang lugar kung saan maraming mga manggagawa ng mga sandata. Minsan, do'n kumukuha ang Luxiers ng mga gamit para sa battle at sa mapanganib na mga misyon. 

"Kami naman ng kapatid ko sa Bayan ng Villam, dadalhin din namin ang kalahati ng aming mga kawal"

Ang 'villam" ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay 'farm' and the word defines itself. Galing ko noh? Kwinento lang 'yan ni Eamon sa'kin eh. Ang dami niya kasing alam.

"Ako naman sa---------"

"Ms Ventus and Ms Aerin, kayong dalawa ay maiiwan lamang dito sa Academia" sabat ni HM.

Nagkatinginan kami ni Caeli at nagkibit-balikat na lang. Hindi ba pwedeng samahan na lang namin si Eris? Mag-isa lang kasi siya saka babae pa.

"So, all set. Ready yourself because we're going to leave tomorrow. Meeting adjourned" sabi ni Glaciero at umalis na.

Eh?

Aalis na sila bukas? Hindi na ba nila hihintaying magising si Yesha?

____________________________________
•CHOSEN's POV•

Kanina pa ako naglalakad pero parang malayo pa rin ako sa liwanag na 'yon.

Inuuhaw na ako at ginugutom. Pagod na rin ako pero hindi ako dapat sumusuko ngayong nasa liwanag na 'yan ang daan para makalabas ako dito.
 
Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Minsa'y natutumba na rin ako dahil sa pagod. Walang tigil sa pagtulo ang pawis ko pero parang di pa rin ako umaalis sa kinaroroonan ko.

"Kaya ko 'to! Makakarating din ako dyan"

Huminga ako ng malalim at nagfocus. Tinitigan ko ang liwanag habang naglalakad papunta do'n. Hindi ko inilalayo ang tingin ko hanggang sa napapansin kong palapit ng palapit na ako.

A-ang ability ko.

Nasa akin pa ang ability ko at unti-unti ko na siyang nagagamit.  Dahil do'n, nadagdagan ang pag-asa kong makarating agad sa liwanag.

Parang nawala ang pagod ko at napalitan ng pagkasabik. Gustong-gusto ko na talaga silang makasama at mayakap.

Masaya akong naglalakad, nasa liwanag pa rin ang tingin ko. Ilang sandali lang ay parang lumiwanag na din buong paligid.

Nakarating na nga ako!

May isang kahon na lumulutang sa hangin, ito din ang nagdadala ng liwanag sa bahaging ito. Ang sabi no'ng babae, bubuksan ko daw 'to.

"Araaaaay!"

Akmang kukunin ko na ang kahon no'ng napaso ako kaya nga ako napasigaw. Ang sakit ng daliri kong napaso.

A-akala ko ba kukunin ko? Ba't ako napaso?

"Dahil isa ka ng mortal ngayon, Yesha"

Agad akong napalingon at nakita ko na naman ang babaeng 'yon. Lagi siyang nakangiti at parang walang problema.

Sino kaya siya? Ayaw niya naman kasing magpakilala.

"P-paano ko po makukuha ang bagay na 'yan?" tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa'kin, hinawakan ang kamay ko at ngumiti.

"Dahil pinatunayan mo sa akin na ikaw ay matatag at hindi basta-basta sumusuko ay mayroon akong ibibigay sa iyo" sambit niya na ikinagulat ko.

Hindi ko siya kilala pero napakabait niya sa'kin, p-para siyang mommy ko. I've missed my mom and my dad.

"A-ano po 'yon?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi mo makukuha ang bagay na 'yan at hindi ka makakabalik sa Lux kung wala kang kapangyarihan kaya ibibigay ko sa'yo ang kapangyarihan ko"

(0_0)

I-ibibigay niya sa'kin ang kapangyarihan niya?

"P-po? B-bakit po ako?"

"Dahil ikaw ang napili ko. Pareho tayo ng pagkatao, tapat at marunong magsakripisyo kaya bilang ganti, ikaw ang magiging tagapagmana ng aking kapangyarihan" sagot niya.

Napaluha ako sa kabaitan niya kaya niyakap ko siya. Kung wala siya, hindi na siguro ako makakalabas pa dito.

"S-salamat po! Maraming salamat *sobs*"

Kumalas siya sa yakap ko at tiningnan ako na parang anak niya. Pinahid niya ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Pumikit ka at tanggapin ang aking kapangyarihan"

Huminga ako ng malalim at pumikit. Hinawakan niya ang balikat ko at may mga binabanggit na salita.

Ilang sandali lang ay nararamdaman ko ang kakaibang lakas mula sa kanya. Parang dumaloy ito sa mga ugat ko, mainit sa pakiramdam pero hindi masakit.

May kung anong humaplos sa puso ko ng mga sandaling ito at bigla na lang ding humangin ng malakas.

No'ng tumigil ang hangin ay wala na akong naramdamang sakit ng katawan, nawala na din ang pagod ko. Minulat ko ang aking mga mata at lumingon-lingon sa paligid, nandito pa rin ako pero wala na ang babae.

"Salamat po! Kapag nakabalik ko, gagawin ko ang lahat para makilala ka. Huwag po kayong mag-alala, gagamitin ko sa kabutihan ang kapangyarihan niyo" sambit ko sa kawalan.

Nilingon ko ang kahon at dahan-dahang kinuha. Binuksan ko ito at napapikit sa liwanag na nagmula dito.

Di nagtagal ay nararamdaman kong tumigil na ang pagliwanag kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Sana magising na ang bff ko para naman maabutan niya pa kayo"

Nilingon ko ang pinagmulan ng boses, nasa couch sila at nakatalikod sa'kin. Gusto ko silang tawagin pero parang namamalat ako, hindi pa ako makapagsalita. 

N-nakabalik na ako! N-nandito na ulit ako sa Academia. Naiiyak ako, hindi ako makapaniwalang nandito na ako. N-nakikita ko na sila.

"Oo nga eh, na miss ko na siya"

N-na miss din kita Faero.

Na miss ko kayong lahat.

Nakita kong tumayo si Faero at naglalakad papunta sa kinahihigaan ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, parang lalabas. N-ngayon ko na ulit nakita ang mukha ni Faero.

No'ng napatingin siya sa'kin ay nanlaki ang mga niya, nakanganga pa. N-nagulat ba siya dahil gising na ako? 

"C-CHOSEN?!" gulat niyang sambit na naging dahilan upang mapalingon ang iba. 

"BFF KOOOOOOOO!"

Haha nakakatuwa ang reaksyon ni Aerin, gulat na gulat tapos lumalaki ang mata.
 
"Kamahalan"

Huh?

Nagulat ako at nagtaka no'ng biglang lumuhod ang mga Royalties na para bang nagbibigay ng paggalang. Kahit ang BFF ko ay nagtaka din.

Saka anong Kamahalan?

A-anong meron?

Hmmm, h-hindi pa siguro nila alam ang totoo sa'min ni Aerin.

Di bale, walang makakahigit sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon at sana hindi na 'to matatapos.






-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro