CHAPTER 68: The Two Loverboys

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•AERIN's POV•
 
No'ng narinig ko ang boses ni Red na binanggit ang word na 'Chosen', sumagi sa isip ko si Yesha kaya napalingon ako sa kinaroroonan niya.

Sa sobrang gulat ko ay napasigaw pa ako. Nakita ko kasing gising na siya pero kay Red pa siya nakatitig pero mas nagulat ako no'ng biglang lumapit ang ibang Royalties saka lumuhod kaya lumuhod na din ako.

Nagtaka ako kasi tinawag nilang 'Kamahalan' si Yesha kaya taka kong tiningnan ang bff ko at napansin ko ngang may kakaiba sa kanya.

Nag-iba ang kulay ng mga mata niya at may simbolo siyang korona sa noo, umiilaw pa ito at agad din namang nawala kaya tumayo na kami.

"Waaaaaaaah! Gising ka na bff ko huhu patawarin mo'ko kasi di kita natulungan *sobs*" umiiyak kong sambit.

Nakangiti naman siyang tumingin kaya niyakap ko siya. Iba pa rin ang kulay ng mga mata niya, nararamdaman ko ring lumalakas siya.

Ano kayang nangyari?

"Okay lang 'yon Aerin, masaya ako kasi nakita pa kita ulit" bulong niya sa'kin habang magkayakap kami.

Parang ayaw ko ng bumitaw sa yakapan namin, na-miss ko siya ng sobra kaya lang siya na mismo ang kumawala sa yakap ko.

Patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at siya na mismo ang pumahid dito. Ang init ng haplos ni Yesha, parang gumaan ang pakiramdam ko.

"Lahat ng ginawa ko ay para sa'yo dahil ikaw na lang ang meron ako, Aerin" nakangiti niyang sabi.

"Sala-----------------"

"Nandito din kami Chosen para sa'yo" singit nila Caeli.
 
Nakita ko namang lumungkot ang itsura ng bff ko pero agad din namang napalitan ng saya. Alam kong nalungkot siya dahil sa pagpapanggap na ginawa niya, alam kong gusto na niyang makalaya at magpakatotoo.

Dahil sa'kin kaya siya nahihirapan. Siya ang sumalo ng lahat na dapat sa'kin mangyari, wala akong kwentang kaibigan.
 
Sorry Yesha pero wag kang mag-alala, matatalo din natin sila at hinding-hindi masasayang ang mga sakripisyong ginawa mo.

"Maraming salamat sa inyong lahat. Kayo ang naging lakas ko pero nagtataka lang ako, bakit kayo lumuhod kanina? B-bakit niyo ako tinawag na 'Kamahalan'"? tanong niya. 

Mabuti naman at itinanong niya ang bagay na 'yon dahil gusto ko ring malaman kung bakit. Parang Royalty lang ano?

"Lumuhod kami dahil nakita namin sa'yo ang aming reyna, ang Lux Queen. Ang kulay ng mga mata mo ngayon ay nag-iba na, iyan ang kulay ng kanyang mga mata. May simbolong korona na nakatatak sa noo mo kanina at 'yon naman ang simbolo ng kanyang pagiging reyna. Nakausap mo ba siya?"

Eh?

Bakit parang nag rhyme ang mga sinasabi ni RV? Don't tell me dati din siyang makata? Ayy teka----bumalik na naman ang pagiging syunga ko, matured na dapat ako.
 
Pero 'yon pala ang dahilan. Bakit naman kaya nakita nila ang totoong Lux Queen kay Yesha? Hindi kaya------------

"Hindi ko alam kung siya 'yon pero Oo, may nakausap akong babae na may korona. Maganda siya at maamo ang mukha, siya ang tumulong sa'kin na makalabas mula sa isang napakadilim na lugar" kwento ng bff ko.
 
"Pwede mo bang sabihin kung paano ka niya natulungan?" tanong naman ni Eris.

Bakit kaya hindi nagsasalita si Red? Kanina lang eh parang gustong-gusto na niyang yakapin ng mahigpit si Yesha eh.

"Ang sabi niya ay hindi na daw ako makakalabas sa lugar na 'yon hangga't wala akong kapangyarihan kaya ibinigay niya sa'kin ang kapangyarihan niya" sagot ni Yesha.

Nakita ko ang gulat sa mga mata nilang lahat at parang di makapaniwala sa narinig. Kahit ako ay namangha din at sobrang nagpapasalamat ako sa Lux Queen dahil tinulungan niya ang bff ko.
 
Ang bait niya talaga.

Nagawa niya pa nga akong basbasan dati no'ng panahon na may laban sila ng aking ina.

Hays, may kasalanan talaga ang ina ko sa nangyari sa Lux Queen dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi nangyari 'yon pero thankful na din ako kasi dahil do'n, naisilang ako.

May mga bagay talaga na hindi mo inaasahang mangyayari. May mga pangyayari din na sa tingin mo ay masama o mali pero may nakatago palang good outcomes.

Just like for example:

Hinanap mo ang wallet mo pero napagtanto mong naiwan mo pala 'yon sa bahay kaya nainis ka tapos may biglang humablot ng bag mo (snatcher). At first nainis ka ulit pero naisip mong wala namang lamang pera 'yon dahil nga naiwan mo sa bahay. 

Mga ganyang instances na masasabi mong may tinatawag ngang 'blessings in disguise', God's way.

Teka----ang daldal ko ata.

"Woaaaah! Ang swerte mo pala Chosen, pwede mo bang ipakita sa'min ang bago mong kapangyarihan?" manghang pakiusap ni Aqua aka Rain.

"No, that's enough. Hindi siya pwedeng magsayang ng lakas dahil kagigising niya lang. She need to rest more" pigil sa kanila ni Red.

Yeeeeeey! Ang sweet naman ni Red sa bff ko. Hanggang sanaol na lang ata ako nito, nasaan na kaya ang unggoy na 'yon?

Kahapon lang 'yong meeting pero hanggang ngayon ay di pa bumabalik si Eamon. Si Glaciero naman ay wala din dito, ewan ko kung saan nagpunta.

Actually, dapat ngayon na sila aalis pero nakiusap akong hintayin na muna nilang magising ang bff ko, buti na lang pumayag sila sa gusto ko.

Hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari do'n sa may barrier. Muntik na niya akong mahuli pero mabuti na lang at nakapalusot ako.

Hindi niya pala naabutan 'yong ginawa ko sa barrier. Biglaan lang pala ang pagsulpot niya dahil sa pag teleport sakto namang natapos ko na ang ginawa ko do'n .

Tinanong niya ako kung anong ginagawa ko do'n and as usual, nagsinungaling na naman ako.

Masama na ba ako no'n?

"Na miss ka namin Chosen"

"Oo nga!"

"Gustong-gusto ka naming iligtas no'n kaya lang sobrang mapanganib ang barrier na nakapalibot sa Tenebris"

"Alam naming mahirap ang pinagdadaanan mo do'n base na rin sa kalagayan mo no'ng dinala ka dito"

"We're sorry, Chosen"

Ngumiti lang si Yesha sa kanilang lahat pagkatapos ay nagyakapan na nga sila at syempre, naiipit ako pero di na ako nagreklamo.

Baka mabatukan pa ako ng wala sa oras.

"Na miss ko din kayong lahat. Sana matanggap niyo pa rin ako kapag dumating ang araw na malalaman niyo ang pagkatao ko" malungkot na sabi ng bff ko.

Napayuko ako dahil do'n. Kung pwede lang sabihin sa kanila ang totoo pero hindi pa talaga pwede.

Gusto kong gulatin ang Dark King sa paglabas ko at kapag nangyari 'yon, may advantage kami sa kanila.

Alam kong nagsasaya na siya ngayon pero ang hindi niya alam, temporaryo lang ang kapangyarihang hawak niya.

Pautakan lang 'to at talo ko siya sa bagay na 'yon.

____________________________________
•EAMON's POV•

Naaawa ako kay Terra dahil sa nangyari sa kaibigan niya. Madalas niya itong naikwento sa'kin kahit na alam ko naman talaga ang totoo.

No'ng lumabas siya para puntahan si HM, lumabas din ako at palihim siyang sinusundan. Hangga't maaari ay ayokong malayo sa kanya para di na maulit pa ang nangyari do'n sa cafeteria.

Pumasok siya sa HM's office, hinintay ko lang siya sa labas pero bago 'yon ay nagpa-invisible ako.

As what I've said, marami akong abilities pero wala akong elemental powers. Ayokong makita ako ng iba, baka lalapit na naman sila at hindi ko mapansin ang paglabas ni Terra.

Kaya kasi ako natagalan do'n sa CR ay may grupo ng kababaihan ang humarang sa'kin pero mabuti na lang at nagawa kong umalis do'n pero nahuli ako, may nagtanggol na kay Terra pero dark mage pala.

Feeling ko nga no'n, napakawala kong kwentang protector pero hindi ko na 'yon inintindi pa.

Ilang sandali lang ay lumabas si Terra, nagmamadali siyang pumunta sa may lagusan ng Academia. Sinundan ko siya pero di ako nagpakita.

Nagtago pa siya sa may puno at agad din namang lumabas. Alam kong nagpa-invisible din siya pero unlike others, nakikita ko pa rin siya.

May mga nakalaban ang mga bantay sa lagusan, mga dark mage 'yon na gustong pumasok dito dahil nga nagsimula na silang umatake.

Tinulungan ni Terra ang mga bantay ng palihim at ilang sandali lang ay lumapit siya sa barrier.

Nagulat ako sa ginawa niya and at the same time ay namangha. Who would have thought na gano'n siya kalakas at nagawa niyang doblehin ang barrier but suddenly, she fell on the ground.

Nanghina siya.

Akmang pupuntahan ko na siya no'ng biglang sumulpot ang lalakeng dumurog sa puso niya.

Kakaiba ang naramdaman ko sa oras na 'yon, parang gusto kong manuntok. Napakagag* niya para saktan ang babaeng nagmamahal sa kanya.

Stupid guy!

Tapos ngayon, lalapit-lapit siya kay Terra knowing na pinakilala ko ang sarili ko bilang boyfriend nito, so anong gusto niya? Maging kabit? No f*cking way.

Hinayaan ko na lang siya na tulungan si Terra ngayon pero hindi ko na ulit hahayaan na saktan niya ang babaeng mahal ko.

I'm her protector and I'll guard her heart from now on.

Umalis na sila and for sure sa clinic sila didiretso kaya di na muna ako bumalik do'n. Pumunta ako sa training ground at do'n nagpalipas ng oras.

Evening came, di pa rin ako nagpakita. Gusto ko lang ding malaman kung mamimiss ba ako ng babaeng 'yon HAHAHA.

Isa pa, kailangan kong kausapin si goddess Hera kung may paraan pa ba para di siya mamatay, ayokong mawala siya kahit ako na lang, wag lang siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip no'ng biglang sumulpot si Ice. He's so serious while looking at me at hindi ako nagpatinag, I stared at him too.

Ano kayang ginagawa ng prinsipeng ito dito? May kailangan kaya siya sa akin?

"Who are you?"

Napakunot-noo ako sa tanong niya. Hindi niya ako kilala? Well, maybe I need to introduce myself again.

"I'm Eamon, Terra's boyfriend" nakangisi kong sagot.

But still, he doesn't have any reaction.
 
"Tsk. She doesn't love you" he snorted.

So anong pinapalabas ng gag*ng 'to? Na siya ang mahal ni Terra at hindi ako? Kapal mo bro ah.

"Ano bang alam mo? I think, you just know how to hurt a girl with your goddamn attitude. You think you deserve her?" nanunuya ko pang sabi.

Oo, prinsipe siya but the hell I care! Hindi ako natatakot.

"You don't know anything, unknown mage. Better leave her alone" seryoso niyang sabi.

Tinawanan ko lang siya and I can sense na naiinis na siya. I'm not a mage for pete sake. Just like Terra, I'm different.

"Say it to yourself, Ice Prince. You are the cause of her pain and heartaches so better stay away from her or else she'll be the one who'll push you away" sabi ko pa.

Ikinuyom niya ang kanyang kamao na parang nagpipigil ng galit. He can kill me anytime but I know he won't gonna do it.

"Do you love her?" he asked.

"Yes!" walang pag-alinlangan kong sagot.

Why would I deny my feelings? I'm not like this Ice Prince na walang ibang ginawa kundi itago ang nararamdaman.

Serves him right, mapanakit siyang nilalang.

"I love her too"
 
Hindi na ako nagulat pa sa sinabi niyang 'yon, halata naman pero huli na siya. Terra is my girlfriend now at kahit na iniisip nito na acting lang 'yon, I know she won't do anything that could hurt me.

Terra is one of a kind.

At malas lang din ng Ice Prince na 'to dahil hindi niya pinahalagahan ang nararamdaman ng babaeng 'yon.

Regret is always at the end.

Wala na siyang magagawa pa para kunin sa'kin si Terra, I won't let him to.

"Let me tell you this, Ice Prince. I love her and I won't gonna let you to hurt her again. Stay away from her and stop hurting my girl" may diin ang bawat pagbigkas ko at siguro naman ay naiintindihan niya 'yon.

Umalis na ako agad sa lugar na 'yon at pumunta ng dorm. Naabutan ko pa ang dalawa naming ka-dormmate.

"Hi Daphne, hello Leibeth" bati ko sa dalawa.

"Oh Eamon! Nandito ka pala, hindi ka namin nakita sa clinic ah" sabi ni Lei.

"Umalis ako eh. Do'n kayo galing?"

"Oo, pinabantay sa'min si Chosen kasi may meeting sila pero bumalik din naman sila agad"

"Nakita niyo ba si Terra do'n? Kumusta siya?"

"Okay naman ang girlfriend mo"

Napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap pala pakinggan pag sinasabi nilang girlfriend ko si Terra.

"Gano'n ba? Gumising na ba 'yong kaibigan niya?"

"Pagkaalos namin do'n, hindi pa eh"

Tumango-tango naman ako sa mga sagot nila. Sana magising na siya para naman mapalagay na si Terra at makapagpahinga. 

"Siyanga pala, nasaan si Froy?" dagdag kong tanong.

Oo, iniiwan niya lang dito ang isa niyang alaga except kay Eggy kasi pwede naman 'yong pumasok sa katawan niya unlike Froy.

"Nando'n, kalaro ata si Jerry"

Hindi ko alam kung bakit Jerry ang tawag do'n sa alaga nilang daga. Ang sabi ni Lei, si Terra daw ang nagpangalan no'n.

I wonder why.

Agad akong pumunta sa pinaglagyan nila kay Jerry at nando'n nga si Froy. Nakahiga sa isang maliit na sofa na gawa ni Terra. She's powerful, nasa kanya ang lahat.

"Hey Froy!" tawag ko sa kanya.

"Uy master! Kumusta? Mahal ka na ba?" tanong nito. 

Ganyan lagi ang tanong niya sa'kin pero di ko na lang pinapansin. Hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ni Terra ngayon. Baka si Ice pa rin ang laman ng puso niya, hays.

Sana dumating ang araw na ako na ang mahal niya.

Ang dami ko ng pangarap tapos dumagdag pa siya :).

____________________________________
•ICE's POV•

Damn that guy!

How could he said those things to me?

He didn't know how to respect a Prince, tsk. I wonder why he became freak's boyfriend, he's not even an ideal.

Damn it.

He wants me to stay away? F*ck! Who is he to tell me what to do? Where did he get some guts to say those things? Damn him!

I want to punch him hard but I can't. Freak would be mad at me if I'll do that for sure and I don't want that to happen.

Sh*t!

Am I really hurting her? Am I that bad to her? I deserved a second chance but why she can't give it to me?

Did she already fell in love with that man? No way.

They're not meant for each other, the hell.

But what if she'll push me away? I regretted everything I did, I became a coward but damn! I just want her to be safe.

Ngayong wala na ang sumpa, I can love her freely but she's not free to love me anymore because of that goddamn man. Aaaargh I hate him!

I hate him so much for taking her away from me. I hate him for giving freak the things that I couldn't give. I hate him for being her boyfriend.

That should be me.

That's my place, he just took it away from me.

And I'll do anything just to win her back and I hope she'll let me to.

Freak, please don't push me away. 

I love you.

____________________________________
•MARNE's POV•

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakabalik dito si Chosen. Hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya, nag-aalala na ako.

Sana naman ay walang nangyaring masama. B-baka kung ano na ang ginawa nila sa kanya, w-wag naman sana.

Wala na rin dito ang mga bihag, siguro'y sinasalinan na sila ngayon ng dark magic. Nagsisimula na ang digmaan kaya sigurado akong gagamitin na sila.

Simula no'ng nawala si Chosen, ako na lagi ang sinasaktan ni Jewel. Hindi ko alam kung galit ba siya o may sakit lang talaga. Para siyang asong ulol, kulang na lang eh dakmain ako.

Nakakainis siya.

Maghihigante ako kapag nakalabas na ako dito, papatayin ko talaga siya.

P-pero may part sa'kin na natatakot dahil posibleng salinan ulit ako ng dark magic. Baka di ko na kanyang pigilan pa ang lakas no'n lalo na't sobrang makapangyarihan na ng Dark King. 

Sana kayanin ko. Ayokong magpalamon sa kasamaan, ayokong dagdagan pa ang kasalanang nagawa ko sa aking mga kalahi.

Napalingon ako sa pintuan no'ng narinig kong kumakalampag na naman 'yon. Paniguradong nandito na ulit si Jewel kaya hinanda ko na lang ang sarili ko sa matatanggap ko ngayon.

Ilang sandali lang ay tuluyan na ngang nabuksan ang pintuan. Ibang-iba na siya, nag-iba na nga ang kulay ng mata at buhok niya.

"Marne! Marne! Marne! Tumayo ka na dyan kung ayaw mong kaladkarin pa kita" pagbabanta niya sa'kin.

Tumayo ako agad, baka saktan na naman ako nito. Malakas na siya ngayon at kayang-kaya niya akong patayin.

"S-saan niyo ba ako dadalhin?" tanong ko no'ng hinawakan ako ng dalawang kawal at inilabas sa kulungan.

"May ipapakita kami sa'yong live show at makakatulong ito para hindi ka na magmatigas pa" nakangisi nitong sagot.

Hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niya. P-parang may hindi magandang mangyayari sa pupuntahan namin.

"A-ano bang gagawin niyo ha?!"

"Wag ka na ngang magtanong! Hoy kayo! Piringan niyo nga 'yan at busalan. Ang ingay eh saka surprise ito kaya piringan niyo dali" utos niya sa mga kawal.

Nagpupumiglas ako sa mga hawak nila. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari. Ano na naman bang kalokohan ang gagawin ng Jewel na 'to?

Nagawa nga nila akong busalan at piringan. Gusto kong sumigaw pero di ko magawa. Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

Hindi ko na din alam kung saan kami pumunta basta ang pakiramdam, hindi ko na gugustuhin pang makita kung ano man ang gagawin nila.

Di nagtagal ay huminto na kami sa paglalakad. Wala akong makita dahil nakapiring ako pero nararamdaman kong pamilyar sa'kin ang lugar.

"Marne, gusto mo na bang makita kung saan tayo ngayon?" tanong ni Jewel.

Umiling ako nang umiling. Walang magandang ipapakita ang demonyong kasama ko ngayon, alam ko.

Sa kabila ng pag-iling ko ay tinanggal pa rin nila ang piring at busal at do'n ko nakitang tama nga ang hinala ko, n-nandito kami sa kulungan ng Air King and Queen.

"A-anong ginagawa natin dito?" kinakabahan kong tanong.

"Manunuod ng live show"

"A-anong live show?"

"HAHAHAHAHA malalaman mo rin Marne. Sandali lang ha?" nakangisi niyang sagot sabay tanggal sa kanyang gloves.

Nagpalabas siya ng isang bola ng kuryente at nilalaro sa kamay niya. P-parang alam ko na ang gagawin niya.

"W-wag! W-wag mong gawin Jewel, maawa ka sa kanila!" umiiyak kong pakiusap.

Tinawanan lang nila ako. Tiningnan ko ang hari at reyna, nakangiti sila sa'kin pero may mga luhang dumaloy sa pisngi nila.

Sh*t! H-hindi pwede 'to.

"Wala sa bukabularyo ko ang salitang awa Marne at alam mo 'yon hindi ba?"

"Wag Jewel, wag mong gawin 'yan!"

"AAAAAAAAAAAAH!"

Napapikit ako, ayokong marinig ang mga sigaw nila. Ibinato na ni Jewel ang bola ng kuryente sa dalawa at napapaiyak lang ako dahil alam kong nasasaktan sila.

"Walangya ka!"

"Demonyo!"

"Wala kang puso!"

"Ma-------"
 
Napatigil ako sa pagsigaw dahil bawat mga salitang binibitawan ko ay siya namang pagbato ni Jewel ng kapangyarihan sa hari at reyna.

Nakita ko kung gaano sila nasaktan sa ginagawa ni Jewel. Niyayakap na ng hari ang reyna habang sinasalo ang sakit.

Nagpupumiglas ako para lapitan sila pero di ko magawa. Nanghina ako sa nakita, walang awang pinagbabato ni Jewel ng kapangyarihan ang dalawa. Nakita ko pa kung paano bumagsak sa sahig ang katawan nila at nanghihinang nag-angat ng tingin sa'kin.

Hindi ko sila kayang tingnan, wala akong nagawa para tulungan sila. Isa ako sa dahilan kung bakit sila nandito at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyaring ito.

"Ano Marne? Ang ganda ng live show diba? HAHAHAHAHA"

"WALANGYA KA JEWEL! PAGBABAYARAN MO ANG LAHAT NG GINAWA MO!" sigaw ko sa kanya.
 
"HAHAHAHA matapang ka na nyan? Nakakatawa ka!"

"MAMATAY KA NA!"

Gulat niya akong tiningnan at pagkatapos ay galit na galit na hinawakan ang leeg ko, sinasakal niya ako.

"W-wag!" mahinang sabi ng reyna kaya napalingon si Jewel sa kanila.

Biglang itinapat ni Jewel ang kamay niya sa hari at reyna at nagpalabas ng isang napakalas na enerhiya kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"WAAAAAAAAAAAAAGGGGG!"

(0_0)

H-hindi *sobs*

No! 

"BAKIT MO GINAWA 'YON?!" galit kong tanong kay Jewel at nagpumiglas sa mga kawal.

Nabitawan nila ako kaya dali-dali akong lumapit sa hari at reyna. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung sino ang uunahin ko.

"L-lumaban po kayo *sobs*. M-magkikita pa po k-kayo ng anak niyo *sobs*. M-magkakasama pa po kayo huhu" imiiyak kong sambit.

May mga dugong lumalabas sa kanilang bibig at nahihirapan na din silang huminga.

Ano na lang ang sasabihin ko sa anak nila kapag nagkita kami? P-paniguradong hindi niya ito matatanggap.

"A-alagaan m-mo a-ang a-anak n-namin"

"I-ikaw n-na a-ang b-bahala sa kanya"

"P-pakisabi sa a-aming anak na m-mahal na m-mahal namin s-siya"

Napasigaw ako at umiyak nang umiyak no'ng nakita ko kung paano sila unti-unting pumipikit at nawalan ng buhay.

P-pinatay sila!

A-aerish, patawarin mo ako. W-wala akong nagawa huhu. 

P-pagbabayaran ni Jewel ang ginawa niya sa kanila! Sisingilin ko siya!

Sisiguraduhin kong magbabayad siya!







-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro