CHAPTER 70: Parted

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•ERIS' POV•

""A-ah Ice, c-can we talk?" tawag ko kay Ice no'ng tinawag niya si Aerin.

Alam ko kung bakit niya tinawag si Aerin at hindi ko hahayaang gawin ni Ice ang bagay na 'yon. Nagsisi na ako at tanggap ko na hindi ako mamahalin ni Ice kahit kailan.

Hindi na siya nagsalita pa at dinala na lang ako sa isang lugar. Malapit lang 'to sa hallway pero walang masyadong makakakita sa'min. 

"Speak" basag niya sa katahimikan.

I heaved a deep sigh bago nagsalita. I want to clear things bago umalis dahil di ko na alam kung makakabalik pa ako.

"I-ice, you know that I love you that's why nagawa ko ang mga bagay na 'yon but I regretted it and ready to accept the consequence. I know you love her and a-alam kong mahal ka din niya" seryoso kong sambit.

Napatingin siya sa'kin pero di nagsasalita kaya nagpatuloy ako.

"Pursue her. H-hinihintay ka lang niya, for sure. Alam kong hindi ka masaya sa'kin and siguro it's time for you to be happy, the both of you" pigil-iyak kong sabi.

Hanggang maaari, a-ayoko ng umiyak.

"What do you mean Eris?" tanong niya.

Yes, he's been calling me Eris and that's the most sweetest thing he did for me.
 
"Ice, I'm setting you free" sambit ko.

I saw how his eyes sparkled. Masaya siya, alam ko.

"Eris, you know that I rarely says thank you but I'm so thankful that you made a decision. Thank you"

Do'n na talaga ako napapaiyak. Swerte pa rin ako kasi nakilala at nakasama ko si Ice. Masaya ako kasi napapasaya ko siya ngayon.

"Ice, mag-iingat ka palagi. Promise me na magkikita pa tayo pagkatapos ng lahat, okay?"

Kahit di ako sigurado na mangyayari 'yon.

"I will, you too Eris"

And for the first time, he smiled to me. My heart skipped a beat at wala na akong hihilingin pa kundi ang maging masaya siya.

"I love you so much, Ice" sambit ko sa huling pagkakataon.

"I love you too Eris, as a friend" sagot niya habang pinupunasan ang luha ko.

I smiled.

Alam kong kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin at wala ng hihigit pa do'n.

Sana mapatawad nila ako.

Aerin, I'm sorry for taking the happiness that is meant for you.
____________________________________
•AERIN's POV•

"Master! Bakit gising pa po kayo?"

"Oo nga master, dapat matulog na po kayo. Kailangan niyo ng lakas para sa paghaharap niyo ng Dark King"

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga sinasabi ng mga alaga ko. Paano ako makakatulog kung may bumabagabag sa isipan ko? Hays.

"Hindi ako makatulog eh" sambit ko pa.

"Pero master--------"

"Eggy, hindi nga sabi ako makatulog eh" nakanguso kong sabi sabay upo sa kama ko.

"Tama naman po kasi si Eggy master eh, kailangan niyo ng pahinga" sabat pa ni Froy.

"Oh sige, pagtulungan niyo na akong dalawa" nakairap kong sabi.

Naiinis ako kay Glaciero. Bakit ba kasi do'n pa sila nag-uusap sa possible kong daanan? Narinig ko pa tuloy.

"Master, hindi po ba kayo napapagod kakaiyak?" tanong sa'kin ni Eggy.

Napahawak ako sa pisngi ko, umiiyak na naman pala ako. Masakit kasi talaga sa'kin 'yong narinig ko. Nasanay ako sa mga sweet moves niya sa'kin pero wala naman pala siyang balak panindigan ang mga 'yon.

Sabi nila, 'Actions speaks louder than words' pero 'Actions without words are confusing' din naman ey.

Gets niyo 'yon? English kasi eh, nabasa ko lang 'yan somewhere.

"Napapagod na nga pero 'yong mga mata ko ang ayaw tumigil huhu"

"Haynaku, kalimutan mo na po 'yong Yelong 'yon! Nandyan naman po si Master Eamon eh, mahal na mahal ka pa no'n" sambit ni Froy na ikinagulat ko.

A-ako?

Mahal ni Eamon? B-bakit wala siyang sinasabi sa akin?

"T-talaga? S-sino namang maysabi sa'yo nyan Froy? Baka gawa-gawa mo lang 'yan ah" paniniguro ko sabay punas ng luha ko.

"Totoo! Mahal na mahal ka po ni Master Eamon. Balak nga po niyang sabihin sa'yo eh kaso nakita ka niyang umiiyak" sagot ni Froy.

K-kung gano'n, nasaktan ko din siya? K-kasi nagku-kwento ako sa kanya tungkol sa nararamdaman ko kay Ice t-tapos mahal niya pala ako, eh di masakit 'yon sa kanya.

A-ang tanga ko, di ko man lang napansin.

Kaya pala lagi siyang nandyan kapag nasasaktan ako, pino-protektahan niya ako, pinapatawa niya ako, minsan inaasar, t-tapos lagi siyang nasa tabi ko kapag umiiyak ako.

Hindi ko man lang nakita ang mga kabaitang pinakita niya sa'kin. Siguro dahil kay Glaciero ako nakapokus kaya gano'n.

M-masama na ba ako? M-manhid? Nasaktan ko din ang taong nagmamahal sa'kin pero di man lang siya nagreklamo.

"Kailangan ko siyang kausapin"

Agad kong inayos ang sarili ko at pinahid ang basang-basa kong mukha. Iyakin ka self, di bagay sa'yo.

Nagteleport na lang ako papunta sa kwarto ni Eamon. Oo, sa mismong kwarto niya pero di ko siya nakita.

Nasaan ba siya? Ba't wala siya dito? Gabi na ah.

"Terra? What are you doing here?"

Napalingon ako sa nagsalita, si Eamon. May bitbit siyang baso ng tubig at gulat na nakatingin sa'kin, galing ata siya sa kusina.

Buti pa siya, nakatulog.

"A-ah, h-hindi kasi ako makatulog eh saka may gusto akong itanong sa'yo Eamon" sagot ko.

Sumenyas siyang maupo kami kaya sumunod ako sa kanya. Uminom pa muna siya at inilapag ang baso sa side table.

"Ano 'yon?" tanong niya.

Kinakabahan ako, hays.

"E-eamon, m-mahal mo ba ako?" tanong ko naman.

Alam kong ang kapal ng mukha ko sa lagay na 'to pero gusto ko lang talagang malaman ang totoo at para malinawan na ako. G-gusto ko ding ma-settle ang lahat.

Bumuntong-hininga pa muna si Eamon at parang nag-iisip. Naririnig ko ang tibok ng puso niya, a-ang bilis. Kinakabahan din ba siya?

"Oo, mahal kita Aerin. Dati ko lang 'to naramdaman at lumalim pa no'ng nakasama na kita pero alam kong hindi ako ang mahal mo at wala akong karapatang diktahan ka" sagot niya habang nakatitig sa'kin.

(0_0)
  
T-totoo nga ang sinabi ni Froy sa'kin, mahal ako ni Eamon at tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. 

Ganito pala ang feeling kapag may nag confessed sa'yo, h-hindi ka makakapagsalita agad. Ayokong saktan si Eamon pero sa tingin ko'y nagawa ko na ngang saktan siya.

"E-eamon-------"

"I know. I know you can't love me back. Ayoko namang mahalin mo ako dahil lang sa naaawa ka sa'kin at ayaw mo akong saktan. Masaya na ako na nakakasama at nakikita kita kahit di ako ang laman ng puso mo" 

Kusang naglalaglagan ang mga luha ko. Naiiyak ako sa kabaitan ni Eamon, hindi niya deserve masaktan pero ginawa ko na sa kanya.

"Don't cry, Terra. Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka kaya wag ka ng umiyak, okay?" alo niya sa'kin sabay pahid sa mga luha ko. 

Bakit kaya ganito ang buhay? 'Yong mahal mo, hindi ka mahal tapos 'yong taong mahal ka, hindi mo naman mahal. Kung pwede lang talaga turuan ang puso kung sino ang mamahalin, ginawa ko na.

Masakit din sa'kin kapag 'yong mga taong malapit sa'kin ay nasasaktan ko *sobs*.

"S-sorry Eamon p-pero hindi ko naman pwedeng pilitin ang puso ko" paghingi ko ng tawad sa kanya.

Napansin kong napatingin sa kisame si Eamon at alam kong nagpipigil lang siya ng luha kaya niyakap ko siya.

Marami na siyang nagawa para sa'kin at habang-buhay ko 'yong pahahalagahan.

"O-okay lang, okay lang 'yon Terra. Kahit hindi ako ang mahal mo, gagawin ko pa rin ang tungkulin ko sa'yo. Wag kang mag-alala, okay lang ako" nakangiti niyang sabi pero naging traydor ang isang patak ng luha niya.

"Eamon, s-sana hindi pa rin magbago ang pakikitungo mo sa'kin" pakiusap ko sa kanya.

"Hindi mangyayari 'yon kaya sige na, bumalik ka na sa kwarto mo at matulog. Aalis na sila bukas kaya kailangan mong gumising ng maaga para makapagpaalam ka pa sa kanya"

Tumango na lang ako sa kanya sabay teleport pabalik sa kwarto ko. Napansin kong tulog na din ang mga alaga ko kaya humiga na ako sa kama.

Napabuntong-hininga pa ulit ako sabay pikit. Alam na ni Eamon na hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya at alam kong tanggap niya 'yon kahit masakit.

Masakit din sa'kin 'yon pero mas masakit sa kanya kung di ko siya kinausap kanina, ayokong umasa siya sa'kin.

Bukas na sila aalis, magpapaalam kaya siya sa'kin? 

____________________________________
•AQUA's POV•

"Love? Why are you still awake?" rinig kong tanong ni Raiden habang palapit sa'kin.

Oo, kami na. Sinagot ko na siya dahil baka hindi na kami magkita pang muli. Gusto kong maramdaman ang pagmahahal niya bago pa kami maghiwalay ng landas.

Walang kasiguruhan kung mananalo kami pero sana, kung papalarin ay manalo.

"Hindi ako makatulog. Bukas na ang alis natin, nag-aalala ako" tugon ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.

"Wag kang mag-alala, magkikita pa naman tayo ulit" sabi niya sa'kin.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung mangyayari pa 'yon, ayokong manigurado dahil baka mabigo lang ako.

"Kinakabahan ka ba?" dagdag niyang tanong.

Tumango ako. Sino bang hindi kinakabahan? Digmaan na ang haharapin namin.

"Raiden, sa--------"

"Love"
 
Eh?

"H-ha?" tanong ko at napalingon sa kanya.

"Please Aqua, call me Love"

(0_0)

N-nahihiya ako, ang init ng pisngi ko. Ang cute naman kasi ni Raiden eh huhu.

"L-love" sambit ko na ikinangiti niya.

"Much better. Wag kang kabahan, pinapangako kong magkikita pa tayo at magkakaroon ng tatlong dosenang anak" 

"Anong sabi mo? Anong tatlong dosena? Ikaw ang manganganak kung gano'n!" sabi ko sabay hampas sa balikat niya.

Anong akala niya sa'kin? Baboy? Hindi ko kaya 'yon.

"Hahaha joke lang, pinapatawa lang kita pero seryoso ako sa pangako ko na magkikita pa tayo"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang sweet naman nito, lalanggamin na ata kami.

"Talaga?"

"Oo. Mahal na mahal kita Aqua kaya gagawin ko ang lahat, mabuhay lang at makita ka ulit"

"Salamat Raiden, mahal na mahal din kita"

Palapit nang palapit ang mukha niya sa'kin at akmang pipikit na ako no'ng may biglang may tumawag sa'min. 

Lechugas!

"Pareng Raiden! Kapatid! Pumunta kayo dito, dalian niyo!" tawag sa'min ng kapatid ko.

Langyang 'yon, istorbo talaga kahit kailan, hays.

Nagkatinginan na lang kami ni Raiden at sabay na natawa. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis na pumunta sa loob ng dorm, nasa likod kami kanina (sa tambayan nila Aerish).

Pagkapasok namin ay naabutan naming seryosong-seryoso ang lahat at himalang nandito si HM.

Ano kayang meron?

"Maupo na kayong lahat at may sasabihin akong importante" sabi ni HM.

Kinakabahan ako. Siguro'y mahalaga talaga ang sasabihin niya kasi siya na mismo ang pumunta dito at talagang dis-oras pa ng gabi ah.

"Ano po ba ang sasabihin niyo HM?" tanong ko.

"Ang mensahero ng iba't-ibang mga bayan ay sabay-sabay na nagpunta sa opisina ko at ibinabalitang nagsisimula ng maghasik ang mga dark mages sa kanilang lugar" direktang sabi ni HM na ikinagulat naming lahat.

Nagkatinginan kaming lahat at alam kong iisa ang nasa isip namin. K-kailangan na naming pumunta sa mga bayang naka-assigned sa'min.

"Ibig sabihin, ngayon na po kami aalis?" tanong ni Eris.

"As much as possible"

"Sa tingin ko ay handa na ako, kayo ba?" sabat naman ni Eris.

"I'm ready" sabi ni Ice.

"Me too" dagdag ni Faero.

"Handa na rin ako" casual na sabi ng kapatid ko.

"Ako din" nakataas-kamay na sabi ni Aerish.

"Gano'n din po ako" sagot ko.

"Of course, I'm ready" sambit ni Raiden.

"Kasali ba ako dyan?"

Napalingon kami kay Chosen at umiling. Di siya pwedeng sumama dahil baka di niya kayanin.

"Dito ka na lang, Chosen. Mas mabuting nandito ka at kasama sila Aerin. Just wait for me here" sabi sa kanya ni Faero, ngumiti lang si Chosen at tumango.
 
"Royalties, let us win this battle!"

Pinagpapatong-patong namin ang aming mga kamay at sabay-sabay sumigaw.

"Payting!"
 
Kaming lahat ay nakakalipad ayon na rin sa basbas ng aming mga magulang.

Bumukas ang kisame ng dorm kasabay ng pag-ilaw ng aming dibdib at sabay-sabay din kaming lumipad paitaas.

Nagbago ang anyo ng lahat, suot ang kanya-kanya naming mga damit pandigma.

Kulay abo ang suot ni Raiden, may armor na din at nasa dibdib niya ang batong sumisimbolo sa kapangyarihan at kaharian nila. Kulay abo na din ang buhok niya at talagang ang gwapo niya sa itsura niyang 'yon.

Tulad ko, asul ang suot ng kapatid ko pero mas dark sa kanya. May armor na at nasa kanya din ang kalahati ng batong sumisimbolo sa kapangyarihan at kaharian namin, nasa akin naman ang kalahati. Asul ang mata niya pero puti na may asul ang buhok, tulad ko. 

Parang dyosa si Aerish. Puti ang buhok at may abuhing mata. Puti din ang kasuotan niya, umiilaw din ang bato sa kanyang dibdib. Ang ganda niya! Sobra.

Si Eris? Kombinasyon ng brown at green ang suot niya. Brown ang kulay ng buhok pati na ang mata, may suot din siya ng pulseras na kulay green. Green ang kulay ng bato niya. Para siyang Inang Kalikasan.

Si Faero naman ay alam niyo na. Natural na pula ang buhok niya, medyo may pagka-orange na din ang mata. May kunting kulay orange sa armor niya at bigla na lang siyang nagliliyab pero di siya napaso. Pula ang kulay ng batong nakadikit sa kanya. Ang hot, literal na literal.

Pero kung may hot, may cold din at 'yon si Ice. Tulad ni Aerish, puti na din ang buhok niya pero gano'n pa rin ang kulay ng mata. Silver ang kulay ng suot niya at ang armor. Umuusok din siya, umuusok sa lamig.

Handa na nga talaga ang lahat. Ilang sandali lang ay kaharap na namin ang kanya-kanyang portal patungo sa assigned place namin.

Sa bayan ng Villiam kami ng kapatid ko at pareho kami ng kulay ng portal.

Ano kayang naghihintay sa amin do'n? Malamang Dark mages at sira-sirang bayan, hays.

Tatapusin namin ang labang ito at sana manalo kami.

____________________________________ 
•CHOSEN's POV•

Naglaho na silang lahat pero nakatingala pa rin ako. Sayang, hindi ako pwedeng sumama sa kanila pero naiintindihan ko naman 'yon.

Isa pa, mas kailangan kami dito kasi alam kong dito ang puntirya ng Dark King.
 
"Chosen, maghanda ka na rin. Ngayong nakaalis na ang lahat ng Royalties, nababawasan ang pwersa na nasa barrier kaya anumang sandali ay masisira na nila ito" sambit ni HM sabay alis.

Malapit ng dumating ang pinakahihintay ko at 'yon ay ang makaharap si Jewel. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa sa'kin.

Pumasok na ako agad sa kwarto ko, bumalik na din pala sa dati ang kisame. Mag-isa na lang ako dito pero di ako nabahala, binigay sa'kin ni Faero ang isang kwentas, pagmamay-ari ko daw ang bagay na 'yon.

Alam kong hindi sa akin 'to pero di na ako nagreklamo pa. Malalaman na din naman niya ang totoo eh.

Humiga ako at pumikit pero hindi ako makatulog. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pag-amin ni Faero sa nararamdaman niya at hindi ko alam kung sumama ba ang loob niya sa sagot ko.

Bumangon na lang ako at naghintay kung kailan uusbong ang kakarampot na liwanag hudyat na umaga na.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, nag-iba na nga ang kulay ng mata ko. Sinubukan kong magpalabas ng kapangyarihan at nagawa ko nga.

Apoy pa rin ang kapangyarihan ko pero kulay asul na ito. Nagagawa kong tunawin ang isang bagay sa kamay ko pero di ako napapaso.

May kung anong nag flash sa utak ko at ilang sandali lang ay umilaw ang bandang dibdib ko.

May kung anong pwersa ang humugot sa'kin at nararamdaman ko na lang ang pagkabit ng kung ano-anong bagay sa katawan ko.

Isang damit pandigma, m-may ganito na ako.

Umiilaw ang buo kong katawan at no'ng nawala na ay dahan-dahan akong lumapag sa sahig at tinitigan ang repleksyon sa salamin.

Ibang-iba na ang itsura ko ngayon. Nakasuot din ako ng armour at may kung anong pumupulupot sa ulo ko at may isang simbolong korona sa may noo, ang Lux Queen.

"Chosen"

(0_0)

Gulat akong napatingin sa salamin no'ng nakita ko do'n ang Lux Queen. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Ang ganda niya talaga!

"Chosen, nasa iyo na ang aking kapangyarihan. Alam kong makikilala ka ng Dark King dahil do'n, hindi ka niya masasaktan. May isang bagay akong hihilingin sa'yo" sabi niya sa'kin.

Bakit kaya hindi ako masasaktan ng Dark King?

"A-ano po 'yon?"

"Pakisabi sa aking asawa na kailanman ay hindi nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Sabihin mong ipinapasa ko na kay Aerian ang aking katungkulan, wala siyang kasalanan" sabi pa siya.

"O-opo, sasabihin ko po sa kanya kapag nagkita kami. Maraming salamat po sa kapangyarihang ipinagkaloob niyo sa'kin" sagot ko.

"Hangad ko ang inyong tagumpay. Nawa'y magkaisa ang lahat at bumalik na ang kapayapaan sa mundong ito"

'Yon ang huli niyang sinabi bago pa siya naglaho. Nabasag din ang salamin na kanina ay buo pa. Malakas pa rin siya kahit nasa akin na ang kapangyarihan niya.

"Tao po? Tao poooooo!" rinig kong tawag ng isang pamilyar na boses.

"Caeli? Yeshaaaa? Bff!"

Huh? 

S-si Aerin.

Ano naman kayang ginagawa niya dito?

Napatingin ako sa wall clock, umaga na pero masyado siyang maaga. Ano naman kayang kailangan nito?

"Ayy tikbalang!" gulat na sigaw ni Aerin no'ng bigla akong sumulpot sa harapan niya kaya napatawa ako ng mahina.

"Gulat ka naman, pffffft"

"Eh sino bang hindi magugulat sa'yo eh ganyan ang itsura mo?" nakanguso niyang sabi.

Namamaga ang mata niya, galing ba siya sa iyak?

"Bakit? Pangit ba?" tanong ko pa.

"Hindi naman, ang ganda nga eh pero bigla-bigla kang sumusulpot, para kang kabute!"

Napatawa na lang ako sa sinabi niya at umupo sa may sofa.

"Oh? Bakit ba ang aga mo? Anong meron?" pag-iiba ko sa usapan.

"Hala Oo nga pala! G-gising na ba ang mga Royalties?" tanong naman niya.

May kailangan siya sa mga Royalties?

"Eh? Bakit? May kailangan ka?"

"May kailangan lang akong kausapin, s-si Glaciero" nakayuko niyang sabi, pansin kong namumula ang pisngi niya.

Sabi ko na nga ba't may gusto siya sa lalakeng 'yon ey.

"W-wala na siya Aerin eh" malungkot kong sabi.

"P-PATAY NA SIYA?!"

Agad namang gumalaw ang kamay ko at binatukan siya pero sabay din kaming nagulat. 

"Y-yesha?"

Medyo malayo si Aerin pero nagawa ko siyang batukan? Woah! Elastic ang peg ko?
 
"A-ah dahil siguro sa new magic ko" wala sa sarili kong sagot.

"Gaga! Hindi 'yan ang tinatanong ko. Anong wala na siya? Anong ibig mong sabihin do'n?" singhal niya sa'kin.

"Nakaalis na sila kanina lang" sagot ko habang nakatingin pa rin sa kamay ko.

"N-nakaalis na? H-hindi ko na siya naabutan?"

Napatingin ako sa bff ko at randam kong nalulungkot siya kaya nilapitan ko siya.

"Okay lang 'yon Aerin, magkikita pa naman kayo eh"

"Paano pag hindi na?"
 
"Impossible. Ikaw ang Chosen Heiress samantalang Ice Prince naman siya. Pareho kayong malakas at makapangyarihan kaya alam kong kaya niyong lagpasan ang lahat at mabubuhay so magkikita pa rin kayo" sabi ko pa.

Bumuntong-hininga siya at parang may iniisip. Bakit ba siya namomroblema? Hays.

"Ewan ko Yesha. May isang paraan para habang-buhay na magiging payapa ang mundong ito at kapalit nito ang buhay ko"

Hindi na ako nagulat dahil naikwento na 'yon sa'kin ni Marne pero di ko maiwasang matakot at kabahan ngayong alam na ni Aerin ang paraang 'yon, sinabi na siguro ng mga gods and goddesses sa kanya.

"G-gagawin mo ba 'yon?"

Sana hindi.

"Oo kung kinakailangan"

Napapikit ako at inisip na hindi ko narinig ang sagot niyang 'yon. Ayokong tanggapin ang pasya niya, ayoko.






-Ownwrites08

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro