CHAPTER 71: War Begins

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


•FAERO's POV•

Nakaharap ako ngayon sa isang pulang portal at alam kong patungo na 'to sa bayan ng Smith.

I glanced at Chosen for the last time and smiled. I'll do my best to win this war for her and for everyone. Hindi ako dapat mamatay sa labang ito dahil alam kong hihintayin niya ako.

Hindi ko alam kung ano 'yong itinatago niya sa'kin pero handa akong intindihin at tanggapin siya.

Ilang sandali lang ay sabay na kaming pumasok sa kanya-kanya naming portal. Pagkapasok ko'y agad kong naramdaman ang kakaibang enerhiya, bumalot ang kapangyarihan sa akin.

I'll gonna defeat those dark mages who killed my sister and the one who destroyed our Kingdom.

Di nagtagal ay nakarating na nga ako sa bayan ng Smith pero hindi ito ang aking inaasahang maabutan. F*ck! Am I too late?

Sirang-sira na ang bayan, nagkalat na ang ilang mga bangkay. Tumatakbo ang karamihan, sunog ang mga kabahayan. They're screaming and I know they're scared.

The hell with those dark mages! Hindi na sila naawa sa mga kaawa-awang tao na naninirahan dito sa bayan. Dapat kumilos na ako, baka marami pang madamay pag di ako gumawa ng hakbang.

Mabilis akong nagpunta sa ilang sulok ng lugar. Lahat ng mga dark mages na nakikita ko ay agad kong sinusunog at agad din naman silang naglalaho.

Saan ko ba ilalagay ang mga taong naninirahan dito sa bayan? Dapat may pagtataguan sila kaso di ko alam kung saan. Lahat ng sulok sa mundong ito ay posibleng may naglalaban kaya walang ligtas na lugar ngayon.

Hindi rin sila pwedeng ipa-teleport sa Academia dahil anumang oras ay maglalaho na ang mga gusali do'n at magmumukhang disyerto na.

B-baka may nakakaalam ng secret place dito, kailangan kong magtanong o di kaya ay ako na mismo ang maghahanap.

May mga iba't-ibang nilalang din ang nandito. Mababangis na hayop na animo'y hindi pinapakain ng libo-libong taon dahil talagang naglalaway sila ngayon, gustong-gusto ng makatikim ng laman.

Agad ko silang pinagbabato ng mga dark balls pero bumabalik lang ito sa'kin na agad ko namang ikinailag. What the heck? They're protected by a dark magic! Kailangang hanapin ko ang bagay o mage na pumuprotekta sa mga ito.

Habang naghahanap ay may naramdaman akong papalapit sa kinaroroonan ko kaya agad ko siyang nilingon at binato ng fire blades.

(0_0)

Sh*t! A big spider? Hindi man lang siya napano sa fire blades ko.

Nag-iingay ang gagambang 'to kaya napapalingon sa'min ang mga naglalaway na hayop at dahan-dahang lumapit. May mga dark mages ding lumapit pero nakakapagtataka, wala silang emosyon!

Kontrolado lang ba sila?

Mabilis akong umilag no'ng nagpalabas ng isang makapal na sapot ang gagamba. Dahil sa pag-ilag ko ay sa mga mababangis na hayop dumiretso ang sapot imbis na sa'kin. Whew! Good strategy.

Kasabay ng pag-ilag ko ay ang pag-atake ko sa mga dark mages, tinuro na 'to ni Mr. Zackowscki sa'min. Naglaho lang din ang mga dark mages na natatamaan ko pero di ko napaghandaan ang paghagupit ng isang galamay no'ng gagamba kaya tumilapon ako sa isang bahay.

Namimilipit ako sa sakit ng katawan pero dahil sa batong binigay ni HM ay agad ding nawala. Napalingon ako no'ng may narinig akong mahinang pag-iyak at do'n ko nakita ang isang batang umiiyak habang nakayakap sa isang matanda, L-lola niya ata.

Nilingon ko ang labas nitong bahay at may mga dark mages na papalapit, hinahanap siguro nila ako! Kailangan may gawin ako, ililigtas ko ang mag-lolang 'to.

Kahit sila man lang ay magawa kong iligtas ngayon.

Nagpalabas ako ng apoy at sinunog ang bahay pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kanila.

"Kiddo, are you okay? N-nagsasalita pa ba ang lola mo?" tanong ko sa bata, tumango naman siya sa'kin.

"L-lola? Kailangan na po nating makaalis dito, may alam po ba kayong tagong lugar dito sa bayan niyo?" tanong ko.

Tumango naman siya sa'kin kaya nagkaroon ako ng pag-asa at inilabas ang powder na mula din kay HM. Napansin kong may mga itim na usok na pumapasok sa kinaroroonan namin kaya pinigilan ko ang paghinga ko.

Isa 'to sa mga training namin dati.

"Takpan niyo ang ilong niyo! Wag na wag niyong lalanghapin ang usok" utos ko pa.

Ang itim na usok ay delikado, maaari kang mawala sa sarili kapag nakalanghap ka nito.

"L-lola, isipin niyo po ang lugar na 'yon para makapunta na tayo do'n" sabi ko pa.

"Oo a-apo. I-iniisip ko na" nahihirapan niyang sagot.

Agad kong isinaboy ang powder at ilang sandali lang ay nakarating nga kami sa isang napakatahimik na lugar, isa itong kweba. Safe kaya dito? B-baka kasi may mga wild animals eh.

"Ligtas kami rito apo, alam ko. Salamat sa iyo, nawa'y marami ka pang madala ritong kababayan namin" sambit ni Lola.

"S-sige po. Kailangan ko ng bumalik do'n, babalikan ko din po kayo dito" sabi ko sabay teleport gamit ang powder.

Hindi ako pwedeng gumamit ng ability sa pagpunta dito dahil baka makahalata ang kalaban at matunton pa sila.

Pagkabalik ko sa magulong lugar ay nagulat ako sa nasaksihan. May mga nagliliparang mga sandata at nakita kong mga dark mages ang puntirya nito.

Sino kaya ang may ga-----------

"F*ck!" gulat kong sambit no'ng may humila sa'kin.

Paglingon ko'y nakita ko ang isang babae na parang lalake. Tibo ba siya? Bakit niya ako hinila?

"G-galing ka ba ng Academia?" tanong niya na ikinatango ko.

"Kung gano'n, matutulungan mo kami!"

"Oo, pero anong nangyayari? Bakit may mga nagliliparang sandata?"

"Ito ang bayan ng Smith, lugar ng mga sandata. Gumagawa kami ng mga sandata at nagsasanay kami gamit ito, malaki ang naitulong nito ngayon sa'min" sagot pa niya.

"Mabuti naman kung gano'n. Hindi ko dala ang aming mga kawal pero pwede ko naman silang tawagin kung nanaisin ko"

Nagkakagulo pa rin ang mga tao sa labas pero wala akong nakikitang mga bata. May nakikipaglaban na sa mga dark mages pero natatalo lang dahil sa malakas na kapangyarihan ng mga kalaban.

T-teka----bakit ba ako nandito? Ako dapat ang nakikipaglaban do'n!

"Sandali!" pigil niya sa'kin no'ng inakma kong umalis.

"Bakit ba? Kailangan ko pa silang tulungan"

"Hayaan mo na sila. U-unahin mong iligtas ang mga bata. Sila ang susunod na naninirahan dito sa bayan kaya sila ang iligtas mo. Wag kang mag-alala, handa ang lahat ng mga matatandang lumaban pero ang mga bata, hindi nila kaya. Sige na, itinago namin sila sa isang malaking drum"

(0_0)

"D-drum? Bakit sa drum?" taka kong tanong.

"Hays! Hindi kasi 'yon mahahalata ng kalaban! Dalian mo na, baka makita pa sila do'n"

Ang gulo niya.

Hindi daw mahahalata ng kalaban pero nag-alala dahil baka makita sila. Hindi na lang ako umangal pa at mabilis na hinanap ang drum na sinasabi niya.

Itinaas ko sa boiling point ang temperature ng katawan ko kaya lahat ng nadadaanan ko ay nasusunog pati na ang mga dark mages na humaharang sa dinadaanan ko.

Inabot ako ng isang oras sa paghahanap dahil na rin sa pakikipaglaban ko sa mga nilalang at sa ilang mga dark mages. Ang dami nila, parang di sila nauubos!

Napatingin ako sa di kalayuan, a-ang malaking gagamba! Parang may binabalot siya gamit ang kanyang makapal na sapot.

Tinalasan ko ang aking paningin at nanlaki ang mga mata ko no'ng may nakita akong maliit na kamay na nakausli sa d-drum? Ang drum nga!

N-no.

Kailangan ko silang mailigtas. Lagot ka sa'king gagamba ka! I'll crush you to death, dinamay no pa ang mga bata ah.

Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan ng gagamba at inatake. Nagpalabas ako ng sandamakmak na fire balls at blades pero tulad kanina, hindi siya tinatablan. P-parang may shield siya na nagpoprotekta sa kaniya.

Damn!

A-ang mga bata. Nabalot na ng sapot ang buong drum kaya paniguradong mahihirapan silang huminga, Sh*t!

Todo atake din ang gagamba sa'kin. May likido siyang nilalabas at ang lagkit nito. Ano bang gagawin ko? Marami siyang paa o galamay kaya natatamaan niya ako. Mabalahibo siya at ang sakit nito sa balat.

Hindi pa rin ako tumigil sa pakikipaglaban sa kanya kahit di ko siya natatablan. Kailangan kong magmadali dahil maliit lang ang hininga ng mga bata! Di sila pwedeng magtagal sa loob ng drum na 'yon dahil maaari silang mahimatay or mamatay.

Sa kalagitnaan ng pakikipaglaban, may naisip akong paraan para matalo siya.

I am the Fire Prince and I can defeat them!

Lumayo ako ng kunti sa gagamba at ikinumpas ang kamay. Tinitigan ko rin ang bahagi ng katawan niya hanggang sa naramdaman ko ang malakas na enerhiya mula sa'kin.

*Booooogsh!*

Sabog.

Sumabog ang gagamba dahil sa napakataas na temperatura ng kanyang katawan. Uminit nang uminit ang loob niya hanggang sa sumabog na.

Nice strategy!

P-pero ang laki ng enerhiyang nailabas ko do'n ah. Teka----ang mga bata.

Dali-dali akong lumapit sa nakabalot na drum. Gamit ang kapangyarihan ko ay nagawa ko namang alisin ang sapot na 'to, ang kapal pa.

"Kids!" tawag ko sa kanila.

Umiiyak ang ilan sa kanila habang 'yong iba naman ay nanghihina na. Kailangan ko silang maialis dito.

Ang dami nila pero kailangan ko silang madala at once kaya pati na ang drum ay dadalhin ko na rin.

"Kids, ligtas na kayo" sabi ko sa kanila sabay kuha sa powder pero bago ko pa ito maisaboy ay may kung anong tumama sa bandang dibdiban ko, p-pana? May pumana sa'kin!

"U-ugh!" pamimilipit ko, napadura na din ako ng dugo.

A-ang aking bato, sh*t!

Kahit namimilipit sa sakit ay inisip ko pa rin ang kweba at isinaboy ang powder habang nakahawak sa drum ng mahigpit.

Ilang sandali lang ay nakarating nga kami sa kweba at ako naman ay napaluhod. Sinalubong kami no'ng matanda kanina na nailigtas ko din at inilabas ang mga bata sa drum.

"Apo! May tama ka. Ang panang iyan ay gawa ng aking kababayan. May inilagay silang lason sa bawat sandata kaya malubha ang kalagayan mo" sambit ni Lola habang pinupunasan ang dugong dumaloy sa sugat ko, nakatusok pa rin ang arrow sa'kin.

N-nahihirapan akong huminga, p-parang kinukurot ang kaloob-looban ko. H-hindi! Kailangan ko pang bumalik do'n sa bayan, h-hindi pa ako tapos.

"Marahil ay ligaw na pana ang nakatama sa'yo apo. Ang isang bato sa iyong dibdib ay nabasag na"

Nagulat ako. Di ko magawang tingnan kung anong bato ang nabasag, natatakot akong malaman na baka ang batong sumisimbolo sa aking kapangyarihan at kaharian 'yon.

Damn! Mismong Luxier ang nakatama sa'kin pero alam kong hindi 'yon sinasadya, kung sino man siya.

H-hindi ako pwedeng mamatay. K-kailangan pa nila ako, kailangan ko pang makabalik sa Academy.

H-hinihintay pa niya ako.

____________________________________
•AERIN's POV•

Nandito pa rin ako sa dorm ng mga Royalties. Walang kasama si Yesha kaya sinamahan ko na lang pero ang awkward lang kasi naka-battle outfit na siya.

Ang ganda ng bff ko, mana sa'kin. Saka makikita mo talaga sa kanya ang katangian ng isang reyna, malakas at makapangyarihan.

"Siyanga pala Aerin, alam kong sa'yo 'to" abot niya sa'kin sa isang kwentas.

Ang kwentas ni Faero pero ang pendant ay 'yong batong nalaglag sa suot kong pantakip ng mukha.

"Sa'yo niya ibinigay 'yan kaya sa'yo na" sagot ko.

"Pero 'yon ay dahil akala niya, ako ang Chosen Heiress. Tanggapin mo at isuot, kapag nakita niyang suot mo 'yan, siguro maiisip na niya kung bakit" nakangiti niyang sabi.

Hindi na ako nagreklamo pa at isinuot na lang ang kwentas na 'yon. Ang kwentas na ibinigay sa'kin ni RV ay nasa bulsa ko palagi, naalala niyo ba 'yon?

Oo, 'yong maliit na bote ang pendant na may lamang healing water mula sa healing fountain.

"Aerin? Sa tingin mo ba, papatawarin ako ni Faero kapag nalaman niya ang totoo?" malungkot niyang sabi.

ChOur, in love na talaga ang bff ko hihi.

"Mahal ka no'n" sagot ko na lang.

Sanaol mahal.

"Eh? Anong konek no'n?" taka niyang tanong.

"Kung pareho tayo ng level ng katalinuhin, mage-gets mo 'yon" pilya kong sagot.

Sumimangot lang siya at di na nagsalita pa. Pikon amputek HAHAHAHA.

Siyanga pala, nanghihinayang talaga ako. Kung natulog sana ako ng maaga kagabi eh di sana naabutan ko pa si Glaciero, hays.

Sayang.

Si Eamon naman ay di ko alam kung nasaan. Di ko pa siya nakita kanina paglabas ko, siguro tulog pa. Naaawa na din ako sa kanya pero mas lalo lang siyang masasaktan kung di ko siya binasted.

Ayoko nga kasing umasa siya sa'kin. Mabait si Eamon at alam kong may mas better pa kesa sa'kin na para sa kanya talaga.

Thankful pa rin naman ako kasi nakilala ko siya. Malaki ang naitulong niya sa'kin.

"Calling the attention of all students, facility and staffs, please transform yourself and wear your battle outfits. Be ready and don't forget to wear your armours, thank you!"

"Calling the attention of all students, facility and staffs, please transform yourself and wear your battle outfits. Be ready and don't forget to wear your armours, thank you!"

(0_0)

K-kinabahan naman ako do'n. Nene-nerbyos ata ako, di naman ako nagkakape. Parang mangyayari na ang dapat mangyari huhu.

"Ang sabi ni HM kanina ay maghanda na daw tayo kasi any moment ay masisira na nila ang barrier lalo na't wala na dito ang mga Royalties" sabi ng bff ko.

"Oo nga. Sabagay, handa na din naman 'yong mga pets ko lalong-lalo na ang lahat ng estudyante" sagot ko pa.

"Eh ikaw? Handa ka na ba? Kailan mo ba ipapakita sa kanila na ikaw ang totoong Chosen Heiress?" tanong niya sa'kin.

Bumuntong-hininga ako. Nasa isip na kung kailan ko ipapakita ang totoong ako pero siguro bilang Luna muna ang uunahin ko.

"Kapag nakapasok na dito ang Dark King, Yesha" sagot ko.

Oo, kapag nakaharap ko na ang Dark King ay do'n ko pa isisiwalat sa lahat na ako ang totoong Chosen Heiress.

Gusto kong makita kung paano siya magulat at gusto ko na makabangon at mabuhay ang pag-asa ng mga Luxiers kapag nakita nila ako.

Masaya 'yon hihi.

"Ikaw na ang bahala. Sana lang ay di sila magalit sa'tin lalo na sa'kin dahil naging impostor din ako" nakanguso niyang sabi.

"Hindi 'yan. Kilala ko ang mga Royalties, may puso sila. Kung sa una ay matigas sila pero kalaunan ay lalambot din kaya wag kang sumuko"

"Sana nga Aerin"

"Sigurado 'yan. Siyanga pala, kilala mo ang babaeng nanakit sa'yo kaya ipapaubaya ko na siya sa'yo"

Napangiti naman siya sa sinabi ko at nakipag-apir sa'kin. Lagot talaga ang babaeng 'yon sa bff ko, pagbabayaran niya ang ginawa niya.

Lagot din sa'kin ang Eros na 'yon, niloko niya ako. Langyang 'yon, sinungaling pala tulad ko, naku pepektusan ko talaga siya pag nagharap kami.

"Yesha, babalik muna ako dorm ha? Kukunin ko lang si Froy saka ipapakita ko na din si Luna" pagpapaalam ko pa.

"Sige, magkikita na lang tayo mamaya do'n sa plaza"

Nagteleport na lang ako papunta sa kwarto ko. Nakita ko naman si Froy na naka-outfit na. Navy Blue na ang kulay niya at may suot-suot na parang protective gear sa braso at binti.

Whew! Ang cute lang.

Si Eggy naman, may suot din siyang helmet sa may ulo at meron ding patch sa dibdib niya. Handang-handa na sila kaya nag-ayos na din ako.

Nagpalutang ako sa hangin at huminga ng malalim pagkatapos ay pumikit. Nararamdaman ko ang pag-init ng katawan ko kasabay ng pag transform ko into Luna, my second identity pero Hindi ko pa dapat ipakita ang lahat ng kapangyarihan ko.

Idinilat ko ang mga mata ko at naabutan ko pang umiilaw ako. Suot ko na ulit ang pulang cloak, puting boots at ang nakatakip sa mukha ko.

Handa na ako sa anumang mangyari.

Handa na ako sa maaaring reaksyon ng mga Royalties kapag nakita nila ako.

It's my time to shine, it's show time! HAHAHA chOur kapamilya.

Humanda kayo, dark mages dahil sisiguraduhin kong maglalaho ang kampon niyo pati na ang inyong kaharian.

____________________________________
•CHOSEN's POV•

"Everyone, please proceed to the plaza right now"

"Everyone, please proceed to the plaza right now"

Tinawag na kaming lahat. Siguro'y tuluyan na ngang nasira ang barrier. Nararamdaman ko na rin ang mahinang pag-uga ng lupa, for sure maglalaho na ang lahat ng gusali.

Dali-dali akong nagteleport papunta sa plaza at nando'n na nga ang ilang mga estudyante. Nakatingin sila sa'kin at yumukod.

"Chosen"

"Galingan mo"

"Iligtas mo ang ating kaharian"

"Ipanalo mo ang Lux"

"Mabuhay si Chosen!"

"Mabuhay!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa aking mga co-Luxiers. Nagi-guilty na naman ako, paano pag nalaman na nila ang totoo? Magagalit kaya sila sa'kin?

Wag naman sana.

Sana maintindihan nila ako.

Yumuko na lang ako ng bahagya at ngumiti. Ilang sandali lang ay natanaw ko na ang papalapit na si Aerin, kakaiba ang suot niya sa aming lahat.

Nangingibabaw ang kulay niya dahil na rin sa kumikintab niyang cloak. Mararamdaman mo talaga ang lakas ng kanyang kapangyarihan.

No wonder kung bakit manghang-mangha ang mga estudyante at teachers ngayon. Para silang nakakita ng hindi inaasahang tao.

"Sino siya?"

"Bakit ganyan ang suot niya?"

"Baka siya ang Chosen Heiress?"

"Impossible 'yon"

"Oo nga, ando'n nga lang si Chosen oh" turo ng isang babae sa'kin.

"Eh sino siya?"

"Baka protector ni Chosen? Tingnan mo, papalapit sa kanya"

Hindi makikilala si Aerin sa suot niya dahil na rin sa takip ng kanyang mukha. Umiilaw din ang pendant ng kwentas.

Kapag nakita siya ni Faero at nalaman ang totoong siya si Luna, mag-iiba kaya ang nararamdaman niya?

"Yesha? Yesha!" untag niya sa'kin.

Di ko man lang napansing nasa harap ko na siya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Di ko akalaing ganito ka-makapangyarihan ang bff ko.

Do'n kasi sa mortal world ay inaapi lang siya.

Proud ako kasi naging best friend ko siya.

"Galingan mo Aerin, talunin mo ang Dark King" sabi ko sa kanya.

"Oo, tatalunin natin silang lahat at ipaghihigante din kita sa kanya"

Nagyakapan kaming dalawa ng bff ko pero agad ding naghiwalay no'ng umuuga ng malakas ang lupa.

Unti-unting gumuho ang mga gusali, naglaho ang buong Academia. Nagmistulang desyerto ang buong lugar at tanaw na tanaw naming lahat ang papalapit na mga kalaban.

Agad na naghihiwalay ang mga estudyante at naghanda. Ang iba'y nagpapalabas na ng mga iba't-ibang hayop.

Ang earth mages ay nagpapalabas ng mga punong gumagalaw. May mga nagpapalabas ng Phoenix at iba pa.

Ang dami ng kalaban! Parang buong kaharian ng Tenebris ang papalapit. Hindi ba't nasa ibang mga bayan ang ibang mga dark mages? Bakit parang hindi man lang sila kumunti?

"Yesha! Ipangako mong mabubuhay ka pagkatapos ng lahat!" sigaw sa'kin ni Aerin.

Kahit walang kasiguruhan ay tumango ako pero bago pa ako nakapagsalita ay umalis na siya.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta. Napalingon ulit ako sa mga kampon ng kadiliman, hindi ko nakita ang Dark King.

Nasaan kaya siya?

Napatingin ako itaas no'ng lumiwanag ito at lumabas ang iba't-ibang kulay ng dragon at nakasakay do'n ang mga hari at reyna.

W-woah!

Ngayon lang ako nakakita ng totoong dragon! Ang ganda pala, nakakamangha.

Teka-----kailangan ko nga palang makausap ang Lux King para sabihin sa kanya ang inihabilin ng totoong Lux Queen.

Pero paano?

Hindi ako makalapit sa kanya dahil na rin sa malakas niyang pwersa. Sa susunod na lang siguro o pagkatapos nitong digmaan.

Manalo o matalo, sasabihin ko 'yon sa kanya kaya kailangan kong mabuhay.

Tiningnan ko ang mga estudyante, pursigido silang manalo kaya kahit hindi ako ang totoong Chosen Heiress, lalaban ako para sa kanila.

Kaya namin 'to!

Lalaban kami hanggang makamit namin ang tagumpay. Hindi namin hahayaang maghari ang kasamaan sa mundong ito.

Hindi.




-Ownwrites08


Dedicated to: Bbduyac_311

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro