Chapter 18 (09/07/14)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 18

 

[Timi’s POV]

 

 

Nanlalambot ang mga tuhod ko nang pumasok ako sa loob ng Leslie’s Restaurant at naupo sa tapat ni Kite na kasalukuyang sinasabi ang mga order namin doon sa server. Ni hindi niya tinanong kung ano ang gusto ko. Nginitian niya lang ako habang nakapangalumbaba siya nung umalis na ‘yung waiter.

            “Do you want to say something?” ngingiti-ngiti niyang tanong sa’kin.

            Naguunahan sa utak ko ang mga bagay na gusto kong sabihin sa lalaking nasa-harap ko. Sa sobrang dami, isa lang ang nasabi ko sa kanya.

            “Leche ka!”

            “I like you too,” natatawa-tawang sagot ni Kite.

            Bwisit ‘tong isang ‘to! Talagang tinatawanan lang ako?!

            “Ikaw, paano mo nalaman ‘yung tungkol sa amin ni Ice ha?”

            “Sa inyo ni Ice? Bakit meron bang ‘kayo’?” mapang-asar na tanong niya.

            “Ano ba! Hindi ka ba talaga makakausap ng matino?”

            “Eh bakit ba mas interesado kang malaman kung paano ko nalaman yung pag halik sa’yo ni Ice kesa sa kung bakit kita hinalikan?” tanong niya sa’kin habang hindi pa rin naalis ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. “Ganun ka na ba talaga tinamaan sa pinsan ko?”

            Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko. Gusto ko na kasi talaga mag-wala dito sa harap ng lalaking ‘to eh. Paano kung maka-ngiti akala mo nag bibiruan kaming dalawa! Ang lakas niyang mang-asar!

            “Oo ganun na talaga ako tinamaan sa pinsan mo kaya sabihin mo na sa’kin! Kailangan kong makasigurado na…”

            “Na may gusto siya sa’yo?”

            “Oo!”

            Napa-ngisi si Kite, “ang masasabi ko lang, wala siyang gusto sa’yo. Wag ka nang mag assume okay?”

            Napa buntong-hininga ako.

            “Wala ka ba talagang balak na sabihin sa’kin paano mo nalaman ang bagay na ‘yun?”

            “Nope. You’re just wasting your energy.”

            Naputol naman bigla ang pag-uusap namin nang biglang lumapit ang waiter at inilapag ang mga pagkaing inorder ni Kite.

            “Hindi ka naman siguro highblood ‘no? O nag d-diet? Masarap ang bulalo rito kaya kain lang ng kain,” sabi niya.

            Tinikman ko ‘yung bulalo at tama nga ang sinabi niya, masarap nga. Buti na lang at naisipan niya akong pakainin. Biglang nabawasan ang init ng ulo ko sa kanya eh.

            Inumpisahan na namin dalawa ang pagkain. Pinag-timpla pa niya ako ng sawsawan and I must say---masarap.

            “Okay, wala kang planong sabihin sa’kin ang about kay Ice, pero pwede ko bang malaman kung bakit gusto mong maging kaibigan si Rika?” I asked him habang busy niyang nginunguya ang pagkain niya.

            Inangat niya ang tingin niya sa akin and again, binigyan na naman niya ako ng nakakalokong ngiti.

            Anak ng tupa! Wala ba siyang ibang gagawin buong gabi kundi ngitian ako ng nakakaloko?!

            “Ano nga!” iritang sabi ko.

            “Nakakatuwa ka. Una si Ice ngayon naman curious ka about sa mga babaeng kinakaibigan ko. Ikaw ha. Sino ba talaga ang gusto mo? Ako o si Ice?”

            “Si Ice! At curious lang talaga ako kaya pwede ba sagutin mo na lang ako nang hindi mo hinahaluan ng pang-asar?”

            “Okay. I want to be friends with Rika because---I just want to. May rason ba dapat?”

            Hindi ko siya sinagot instead I just give him a scrutinizing look.

            Nakita ko naman sa itsura niya na na-halata niyang hindi ako naniniwala sa sinasabi niya.

            “Okay fine! Because she reminds me of someone,” he finally said.

            “And who’s that someone?”

            “My childhood friend.”

            Tinaasan ko siya ng kilay, “oooh. Childhood friend? Lemme guess. In love ka sa childhood friend mo then umalis siya or inilayo siya sa’yo. Nangako ka sa sarili mo na siya lang ang babaeng mamahalin mo kaya wala kang sineseryosong relationship. Tapos ngayon nakita mo si Rika and then boom! Naalala mo siya! Kaya pilit kang nakikipag-close kay Rika para gawin siyang panakip-butas!”

            Nginitian ako ni Kite at napa-iling.

            “Alam mo pwede ka nang maging writer. Pero no. Una, hindi ko ginagawang panakip butas si Rika. At pangalawa, hindi siya inilayo sa’kin. She died.”

            Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

            “S-she died?”

            “Yep. Car accident.”

            Tinitigan ko ang mata ni Kite. Naka-ngiti siya sa’kin. Parang wala lang nung sinabi niyang namatay ang child hood friend niya.

            Pero for the first time, nag-doubt ako kung tunay ba talaga ang mga ngiting pinapakita niya.

            Naramdaman ko kasing parang ang lungkot niya.

            “I-I’m sorry,” sabi ko sa kanya.

            “Two years ago na nangyari ‘yun. Anyway, mag bill out na tayo. Gumagabi na. Baka mapagalitan ka ng parents mo.”

            Tinawag ni Kite ang isang server para mag bill out. Afterwards, tahimik kaming sumakay sa kotse niya at bumyahe pabalik ng Maynila. Walang nag-sasalita. Tanging ang mga pinatutugtog niya lang mula sa radio niya ang maririnig na ingay sa loob ng kotse. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Nang gisingin ako ni Kite, papasok na kami sa loob ng subdivision namin at pinapaturo niya na sa’kin ang daan papunta sa bahay namin.

            “Thank you for today Timi,” sabi niya sa’kin nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

            “Thank you rin.”

            “Pag kailangan mong magpa-hangin, just call me okay?”

            “Alright! Basta wag ka na lang magnanakaw basta-basta ng halik!” pag bibiro ko sa kanya.

            “Dahil kusa mo nang ibibigay ‘to sa’kin?” nakangisi niyang tanong.

            “Ewan ko sa’yo! Sige, pasok na ‘ko!”

            Nag-lakad na ako papunta sa gate namin at binuksan ito.

            “Ah wait Timi!”

            Napalingon ulit ako sa kanya, “yes?”

            “A-about Rika…”

            “Hmm?”

            “Ahmm…” iniwas niya ang tingin niya at para bang nag-aalinlangan siya sa sasabihin niya. “Wala. Good night!”

            Bago pa ako makapag-react, agad niyang itinaas ang bintana ng kotse niya at pinaharurot na ito ng takbo.

            Hayop na ‘yon! May sasabihin tas bibitinin ako tas bigla akong tatakbuhan! So ano ang gusto niyang mangyari? Buong gabi kong isipin kung ano ang dapat na sasabihin niya sa’kin?!

            Pasalamat siya at walang pasok bukas! Pwedeng-pwede akong ma-puyat kakaisip!

            Or not.

            Dahil kinabukasan, maaga akong binulabog ni Jasper para sabihing pumunta ako sa practice ng banda nila at ang kapal ng mukha, nagpapadala pa sa’kin ng lunch!

            Ayos ang mga ‘yon ah!

            Nung nalaman naman ni mommy ‘to, masayang-masaya siyang nag prepare ng BLT sandwich para sa kanila.

            Matapos kong makapaligo at mag-ayos ng bongga (syempre kasi andoon si Ice!), dala ang mga sandwiches nila, dumiretso na ako sa studio na madalas nilang pag-praktisan kada walang pasok sa school.

            Nang makarating ako doon, napa-ngiti ako ng malawak dahil nakita ko na si Ice pa lang ang tanging nasa studio. Wala yung ibang members ng EndMira.

            Dear Endless Miracle, ay lab yu all!

            Pinag-masdan ko si Ice mula sa bintana ng pinto nung studio. Naka-upo siya sa isang stool doon habang nag i-strum ng gitara at mukhang kumakanta. I gently opened the door para hindi niya ako mapansin na dumating. Buti na lang talaga at nakatalikod siya sa pinto.

            ♪ “This time I surrender, my everything, forever. Life doesn’t matter, just our souls together…” ♪

            Napa-pikit ako habang pinapakinggan ko ang pagkanta niya ng Kismet ng Silent Sanctuary. Ang ganda ng boses niya. Para akong hinehele. At imaginin ko pa lang na kinakantahan ni Ice si Erin, gusto ko nang makapatay. Hindi deserve ni Erin na ma-harana ng lalaking ‘to. Hindi niya deserve ang boses ni Ice, ang ngiti niya, ang katawan niya, ang kaluluwa niya, pagkatao niya. Hindi niya deserve si Ice. Masyado siyang perfect para mapunta lang sa isang impakta.

            “You look stupid.”

            True! She look stu---pid?

            Napadilat ako bigla ng mata nang marealize kong nag salita si Ice at nakita ko na nakatingin na siya sa’kin habang naka-kunot ang noo niya.

            “H-hi!” nginitian ko siya ng pagkalawak-lawak.

            Antokwa! Nahuli niya akong naka-pikit at nag d-daydream! Juskoday!

            “Nag dala ako ng sandwiches! Gawa ni mommy. Masarap ‘yan! Syempre chef ang parents ko!” pag mamayabang ko sa kanya habang lumalapit ako.

            Buti na lang at kayabang-yabang ang dala kong pagkain ngayon.

            “Hindi pa ako gutom,” sagot naman niya sa’kin sabay balik ng tingin sa gitara niya.

            Kainis ang isang ‘to ah!

            “Ahm, ang ganda ng version mo ng Kismet! Grabe ang sarap pakinggan! Gustong-gusto ko.”

            “Halata nga. Kung maka-pikit ka kanina eh,” pa-supladong sagot niya nang hindi ako nililingon. Patuloy lang siya sa pag strum ng gitara niya.

            My gaaaahd!

            Kaya mo ‘yan Timi. Makakaya mo ang coldness niya! Matutunaw ang yelong puso niya sa hotness mo.

            Huminga ako ng malalim.

            “Wow nahalata mo pala ‘yon? Ibig sabihin hindi ka manhid? Ibig sabihin, aware ka rin na head over heels ako sa ‘yo?”

            Bigla siyang napatigil sa pag strum ng gitara at napa-angat ang tingin sa’kin.

            I gave him my most seductive smile, “gotcha! Nakuha ko rin sa wakas ang atensyon mo. Akala ko mas tititigan moa ng gitara mo kesa sa maganda kong mukha.”

            Kinunutan niya ako ng noo, “ganito ka ba talaga? Taas noo mong sinasabi na patay na patay ka sa isang lalaki?”

            “Yes. Ganito ako. Why? Hindi ka ba sanay? Dahil si Erin eh pa-demure at pakipot?”

            Nakita kong mas lalong nalukot ang kunot niyang noo dahil sa sinabi ko to the point na halos maging isang mahabang straight line na ang dalawa niyang kilay.

            “Ba’t naman nadamay si Erin dito?”

            “Kasi siya ang---“

            Natigilan ako bigla nang marinig kong may nagbukas ng pinto at kasabay nito ang pag-layo ni Ice sa’kin.

            Napalingon ako kung sino ang hayop na bwiset na istorbong nag bukas ng pinto at ready ko nang bulyawan. But I was taken a back when I saw William.

            He looked so wasted. Ang gulo ng buhok niya. Ang laki ng eyebags niya at parang any minute, mag b-breakdown na ang isang ‘to.

            “W-wil..”

            Napatingin siya sa’kin at kay Ice. Nung mapansin niyang kaming dalawa lang dito, agad siyang tumalikod sa’min.

            “S-sorry..”

            Binuksan niya ulit ang pinto at lumabas.

            “Wait Will!!”

            Sinundan ko naman siya agad sa labas at nakita kong naglalakad na siya papalapit sa kotse niya.

            Anak ng tupa naman ang isang ‘to! Ba’t ba ang lalaki ng hakbang!

            “Hoy William saglit lang ano baaa!” tumakbo ako papalapit sa kanya at nang maabutan ko siya, agad kong hinatak ang braso niya.

            “I need to go,” sabi niya without looking at me.

            “What the hell is your problem?!”

            “Timi please! Ayokong makipag-away sa’yo.”

            “Then look at me!”

            Lumingon siya sa’kin at doon ko lang napansin na namumugto rin ang mga mata niya.

            “What happened Will?”

            Iniwas niya ang tingin niya, “I don’t want to talk about it.”

            “Hindi! Sasabihin mo sa’kin ‘yan! Let’s talk somewhere! Ay wait, I know a perfect place.”

            Agad kong inilabas ang phone ko at tinawagan ang hayop kong ex na si David.

            “Hello David?”

            “Oh hi Timi! Ba’t ka tumawag? Makikipag-balikan ka sa’kin?”

            “Gago hindi! May hihingin lang akong favor at bawal kang humindi dahil malaki ang kasalanan mo sa’kin!”

            Napatawa siya bigla sa kabilang linya, “sure love. What is it?”

            “Yung bistro na pinag dalhan mo sa’kin nung nag lasing ako, alam kong hindi pa open ‘yun sa oras na ‘to pero paki sabi sa may ari, kailangang-kailangan namin ng beer ng kaibigan ko kaya papasukin niya kami.”

            “Ayun lang pala eh. No problem.”

            “Thanks!”

            Agad kong in-end ang call at hinila si William.

            “Tara doon sa kotse ko!”

            “Wait Timi, ‘yung kausap mo kanina, siya yung ex mo?”

            “Yup! Why?”

            Nakita ko ang galit sa mukha ni William, “why are you talking to that jerk?! Mamaya lokohin ka na naman nun!”

            “Relax Will. Hindi na ako magpapauto nun. Anyway, I’m glad to know na may concern ka pa rin sa’kin. Akala ko tuluyan mo nang itinapon ang friendship natin dahil kay Erin eh..”

            Napaiwas ulit siya ng tingin, “why would I do that?...”

            “I know. At gusto kong malaman mon a nag-aalala rin ako sa’yo. Kaya sumama ka sa’kin. I want to know what happened.”

            Napatango na lang si William at pareho kaming sumakay sa kotse ko.

To be continued…

***


#TheFallingGame

#TeamIceTi

#TeamKiTi

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro