Chapter 19 (09/16/14)

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 19

 

[Timi’s POV]

 

“Anong sabi nila?” tanong sa’kin ni William habang kasalukyang sine-serve ng bartender ang cocktail drinks na in-order namin.

            Tinignan ko ang reply sa’kin ni Geo doon sa text ko na i-d-ditch muna namin ni William ang practice ng banda. Napa-ngiti ako.

            “Sabi niya okay lang na i-ditch natin ang practice ngayon basta ba sa next practice eh masikip na ulit ang turnilyo sa utak mo.”

            Napailing na lang si William habang ngingiti-ngiti.

            “At talagang aware sila na ikaw lang ang may kakayahang maging screwdriver ko?”

            “Aba’y sino pa ba ang kayang makapag-patino sa’yo kundi ako lang! Pero tama na ang paligoy-ligoy. Tell me kung anong nangyari.”

            Ipinako ni William ang tingin niya sa Tequila Sunrise na in-order niya at nilaro-laro ang straw nito. Sabi niya kanina pagkarating namin dito, ayaw niya malasing dahil mawawala siya sa katinuan at baka bigla na lang siya mag laslas. Kaya naman cocktail drinks na lang ang in-order namin.

            “Timi, alam mo ba, hindi ako na-inlove kay Erin dahil sa ipinapakita niyang kabutihan sa ibang tao? Alam mo kung ano ang nakapag-attract sa’kin sa kanya? ‘Yung mga mata niya. Ewan ko kung bakit kada titignan ko ‘to, parang pakiramdam ko ang lungkot-lungkot niya kahit naka-ngiti siya. Ang mysterious pati ng aura niya. Hindi ko malaman kung ano ang nasa isip niya. Para siyang isang malaking pala-isipan sa’kin. Dahil doon, ginusto kong mas makilala pa siya,” tumikim ng onti si Will sa cocktail drink niya tsaka niya pinagpatuloy ulit ang sinasabi niya. “One day, I saw her crying. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nun pero basta ko na lang siya niyakap. She tried pushing me away pero hindi ako umalis hanggang sa hinayaan na lang niya ang sarili niya na umiyak sa mga braso ko. Hindi ko siya tinanong kung anong dahilan, pero nung panahon na ‘yun, ipinangako ko sa sarili ko na palagi akong magiging nandyaan sa tabi niya.”

            Tinignan ako ni Will at nginitian, “siguro kaya ko rin nasabi sa’yo na hindi mo siya nakilala katulad ng pagkakakilala ko sa kanya ay dahil nakita ko ang malungkot niyang side na hindi pa nakikita ng iba. Pero sana, hanggang doon na lang talaga ang nakita ko.”

            I saw Will’s hand balled into fist. At napa-hinga siya ng malalim.

            “Kinausap ko siya tungkol sa mga ginawa niya sa’yo at kay Rika. I confronted her and told her to stop. Paulit-ulit ko rin sinabi sa kanya na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para sumaya siya. But you know what she did? She just laughed at me.”

            “W-Will…”

            “And she told me na wala akong kwenta sa kanya. At kahit anong gawin ko, hindi ko mapipigilan ang galit niya sa’yo. She also told me na kaya siya lumapit sa’kin dati, dahil ‘yun sa pinlano niya rin akong gamitin para saktan ka. I beg her to stop. Halos lumuhod na ako sa harapan niya pero hindi. Patuloy pa rin siya sa pag babato ng masasakit na salita sa’kin, sa pagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa’yo. I look so miserable. Nung panahon na ‘yon, hindi na yung malungkot na Erin ang nakita ko kundi yung nabubulok na niyang pagkatao. At inisip ko, bakit ko niluluhuran at iniiyakan ang isang babaeng may nabubulok nang paguugali?”

            Napatakip siya ng mata at nakita kong pinunasan niya ang luhang nangingilid dito.

            “Pero sa kabila nang lahat, mahal ko pa rin siya. At nakakainis…”

            “Will,” kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito nang mahigpit. “Alam mo namang abot langit din ang inis ko kay Erin ‘di ba? At gustong-gusto kong sabihin na ayan ang napapala mo dahil nainlove ka sa isang walang kwentang tao. Pero Will, sa totoo lang, naiintindihan kita. Pareho kasi ang puso nating dalawa. Parehong hindi marunong mag identify ng isang taong walang kwenta. At parehong hirap mag move on. Pero isang bagay lang ang mapapayo ko, wag mong hayaan na lamunin ka ng sakit at galit dahil nag mahal ka. Wag kang gagaya sa’kin na nag laro na lang after masaktan. Hindi pala healthy ang ginawa ko. Marami akong idinamay nung nasaktan ako. Pero ngayon, nagsisisi na ako siguro dahil nakahanap na ulit ako ng taong gusto kong mahalin nang buong-buo. At alam ko ikaw, makakahanap ka rin. Basta wag na wag mong isasara ang puso mo.”

            Nakita kong napangiti si William.

            “At mas lalong wag kang magiging playboy ah? Jusko, tama nang si Jasper lang ang bumabanat ng mga kesong linyahan. Hindi ko makakaya kung pati ikaw ay babanat na rin.”

            This time, napatawa ko na siya.

            “Thanks Timi. Ikaw talaga ang screwdriver ko.”

            “Well, I’m glad to be your screwdriver! At dahil diyan, ikaw ang magbabayad ng bill natin!”

            “Sure! At may isa pa akong treat para sa’yo.”

            “Ano ‘yun?”

            Napa-ngiti ng malawak si Will at tinignan niya ako maigi, “flight ni Erin ngayon papuntang States. Mag-stay siya doon for two weeks so…”

            “OH MY GOSH! Totoo yan ha? Totoo yan?!”

            “Yup. Pero mag tino ka ha! Mamaya sumugod ka sa condo niya at pag-samantalahan si Ice!”

            I grinned fro ear to ear, “susugod ako sa condo niya!”

            “Timi!”

            “Pero may iba akong gagawin! Mas masarap!”

            “Huh? Hoy tumigil ka! I won’t let you!”

            Nginitian ko si Will.

            “Don’t worry, hindi ako magpapa buntis.”

            Halos matawa ako nang makita ko ang ninenerbyos niyang expression. Ganun pa man, hindi ko binawi ang sinabi ko.

~*~

 

            The next day, halos pa-tanghali pa lang, sumugod na ako sa condo ni Ice. Nasa tapat na ako ng pintuan niya at hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko.

            Nag doorbell ako after ng pangatlong ring ko eh may nag bukas ng pinto at sumalubong sa’kin ang gwapong pag mumukha ni Ice.

            “What the hell are you doing here?!” bati niya sa’kin habang naka-kunot ang noo niya.

            “Umaakyat ng ligaw,” masigla ko namang sagot.

            “Wala akong panahon sa ganyan,” at sinarahan niya ako ng pinto.

            What the eff?! Ayos ang isang ‘yun ah! Ang ganda-ganda ng ngiti ko sukat sinaraduhan ako ng pinto?!

            Para siyang babaeng pakipot! Ako na nga itong nanliligaw eh!

            Hindi ako sumuko at paulit-ulit kong pinindot ang doorbell niya hanggang sa marindi siya at binuksan niya ulit ang pintuan niya.

            Nakita ko na naman ang naka-simangot niyang mukha na ready na akong bulyawan. Pero bago pa niya magawa ‘yun, sinipa ko ang hita niya kaya naman napa-talon siya bigla sa gulat at sakit.

            “What the hell?!” sabi niya habang hinihimas niya ang hitang sinipa ko.

            Habang busy pa siya mainis sa’kin, I grabbed the chance na wala na siya sa pintuan kaya dali-dali akong pumasok sa condo niya.

            “Oops sorry, napalakas. Nag taekwondo kasi ako dati…”

            “Fck woman! Get out!!” galit na galit niyang sabi habang nakaturo siya sa pinto.

            “Ayoko! Ang aga ko gumising para mag grocery eh,” sabi ko sabay taas nung plastic bag ng mga pinamili ko. “Ipag-luluto kita ng lunch. Wag ka mag-alala, masarap akong mag luto. Parehong chef ang parents ko.”

            “Hindi ko kailangan niyan. Lumabas ka na lang bago ko pa maisipang ipatawag ang security rito para kaladkarin ka palabas!”

            “Bakit mo ba pinapaalis ang taong umaakyat ng ligaw sa’yo?”

            Nagulat ako nang biglang lumapit si Ice sa’kin at hinawakan ng mahigpit ang magkabila kong braso at tinignan ako ng diretso sa mata. Bigla ko tuloy na-bitiwan ang plastic bag ng mga pinamili ko.

            “Hindi mo naman talaga ako gusto ‘di ba? Ginagawa mo lang ‘to para masaktan si Erin dahil galit ka sa kanya. I’m sorry, pero wala akong planong magpa-gamit sa’yo.”

            Kinalag ko bigla ang pagkakahawak niya sa magkabila kong braso at tinulak siya palayo.

            “Ayan ba ang sinabi sa’yo ni Erin ha? Na ginagamit kita? Ice, hindi ako kasing bitter at kasing desperada ng babaeng ‘yon. Hindi ako manggagamit na tao! Ginagawa ko ‘to dahil ayokong mapunta ka sa kanya. Hindi dahil sa galit ako sa kanya kundi dahil sa hindi ko nakikitang pinapahalagahan ka niya at dahil sa gusto kita. Fuck! Gustong-gusto kita!”

            “Hindi ako naniniwala sa’yo.”

            “Then what should I do para paniwalaan mo ako?”

            “Wala. Umalis ka na.”

            Huminga ako nang malalim at ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko.

            “Hindi mo ba ako mabibigyan ng chance para patunayang gusto talaga kita?”

            Iniwas ni Ice ang tingin niya sa’kin at hindi ako sinagot.

            Isang senyales na mas pinapaniwalaan pa rin niya si Erin.

            Ano nga bang ine-expect ko? Mas madalas niya nakakasama si Erin, mas close sila, at mukhang in love pa siya dito. Sino ba ako sa buhay niya? Malamang marami nang paninira ang sinabi sa kanya si Erin about me kaya galit din siya sa’kin.

            Siguro kaya kahit isang matipid na ngiti, hindi niya maibigay sa’kin.

            “Sige alis na ‘ko,” sabi ko na lang sa kanya.

            Nangingilid-ngilid ang luha ko na tumalikod sa kanya at maglalakad na sana ako papunta sa pintuan niya nang mapatid ako bigla doon sa plastic bag ng mga pinamili ko kanina. Na-dapa tuloy ako sa sahig at naramdaman ko pang gumasgas  ang braso ko.

            Anak ng tupa! Kung kelang ma-drama na ang eksena tsaka pa nangyayari ‘to. Ang hilig ko talagang ipinapahiya ang sarili ko sa harap ng lalaking ‘to!

            “Why are you doing this?” he asked me with an exasperated voice.

            Bumangon ako sa pagkakadapa at hindi siya tinignan. Instead, ibinaling ko lang ang tingin ko doon sa plastic ng mga pinamili ko at pinulot yung mga tumapong ingredients.

            “Timi..”

            Naramdaman kong lumuhod din siya sa tabi ko pero hindi ko pa rin siya tinignan.

            Nakakahiya. Nakakainis. Na-f-frustrate ako sa sarili ko!

            “Uhm, hindi kita magawang tignan ngayon kaya umalis ka na muna sa harapan ko please bago pa ako lamunin ng lupa dahil sa sobrang kahihiyang nararamdaman ko. Promise lalabas na ako.”

            Hindi pa rin siya tumayo instead hinawakan niya ang braso ko.

            “May gasgas.”

            “Alam ko…”

            “Tumingin ka sa’kin.”

            “Ayoko.”

            “Tumayo ka.”

            “Tatayo ako pag umalis ka na sa tabi ko.”

            “At kelan pa nagkaroon ng karapatan ang isang manliligaw na mag demand sa nililigawan niya? Kung ganyan ka, paano kita sasagutin?”

            This time, bigla akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mata ko.

            “A-ano ulit?”

            “Sabi ko tumayo ka.”

            “Hindi ‘yon! Iba yung sinabi mo! Sabi mo manliligaw mo ako!” ngiting-ngit kong sabi sa kanya.

            “Binabawi ko na. Hindi kita pwedeng maging manliligaw dahil babae ka.”

            “Then, ikaw na ang manliligaw sa’kin?” kinikilig-kilig kong tanong.

            Ampupu naman oooh! Sabi na eh, tatalab ang charms ko sa lalaking ‘to!!

            “Wag kang assuming,” sagot niya habang inaalalayan akong tumayo.

            Pinaupo niya ako sa sofa niya.

            “Wait lang, kukuha lang ako nang alcohol para sa braso mo.”

            Bago pa ako maka-sagot, umalis na siya.

            Hindi maalis ang lawak ng ngiti sa labi ko. So ‘yun lang pala ang kailangan kong gawin---ang madapa sa harap niya para paniwalaan niya ako. Kahit kahiya-hiya ang nangyari sa’kin, pakshet, nakakakilig naman ang bumalik sa’kin.

            Bumalik si Ice nang may dalang first aid kit at isang baso ng inumin.

            “Ice, naniniwala ka na ba na may gusto talaga ako sa’yo?” salubong na tanong ko sa kanya.

            Hindi niya ako sinagot, instead, inabot niya sa’kin ‘yung inumin na hawak niya.

            “Uminom ka na lang diyan. Ice tea ‘yan.”

            Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko.

            “Naniniwala ka nga sa’kin.”

            “Huh?”

            Inangat ko ang inumin na inabot niya sa’kin.

            “IceTi.”

            “Oh anong meron diyan?”

            “IceTi. Ice and Timi.”

            “Dami mong alam,” sabi niya sabay angat nung braso kong nagasgas sa pagkakadapa ko.

            “Sabi mo kanina hindi ako pwedeng maging manliligaw kasi babae ako. Edi gagawin ko na lang, gagawa ako ng paraan para maligawan mo ako,” sabi ko habang busyng-busy siyang ginagamot ang sugat ko. “Sabi ni daddy, a way to a man’s heart is through his stomach kaya ipagluluto pa rin kita ngayon kahit pigilan mo ako! Kumakain ka ba ng Cowboy Casserole?”

            “My favorite,”  sagot niya nang hindi pa rin inaangat ang tingin niya sa’kin.

            Pero nakita ko, napa-ngiti siya.

To be continued…

***

A/N

Hello dears! Sorry kung halos one a week lang ako mag update nito. Tatlo po kasi ang ongoing stories ko at syempre kailangan ko rin i-update yung iba. May mga times pa na nagiging busy ako. But don't worry, since malapit na naman matapos yung Angel in Disguise, mas mabibigyan ko na 'to ng panahon i-update pag nag end na 'yung isa.

Sa mga walang sawang nag aantay ng update, maraming salamat. Sa mga hindi rude, hindi demanding at marunong umintindi, mas marami pong salamat. (opo may pinapatamaan ako. mwahahahaha)

Nga po pala, start na ng Manila International Book Fair sa September 17-21!! Ang event para sa mga book worms! Out na po doon sa new book ko na "The Other Side" 195 po ang original price pero 20% off siya sa MIBF. Pati yung ibang books ko ay discounted din! :) 

May book signing din po ako doon.

Sept. 18-20 6pm-8pm

Sept. 21 3:30pm-5:30pm

Sa VivaPsicom booth po yan (Booth #37-40 across stage area)

Same pa rin ang venue ng MIBF -- SMX Convention Center, MOA.

Sa mga pupunta, kita-kits po! <3

-- Alyloony

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro