Chapter 6

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: SORRY! Dahil ang tagal na na-hiatus ang story na 'to. I'll try my best na maging active ulit sa pag u-update nito pati ng iba ko pang on-going na stories. By the way, pinalitan ko po ito ng title. From "Break the Ice Prince's Heart Operation" ginawa ko pong "The Falling Game" ... dahil nung mga panahong naka-hiatus 'to, marami akong naisip na takbo ng kwento na mas okay pero hindi na sinu-support yung mismong title kaya pinalitan ko.

At alam kong marami na sa inyo ang limot ang story. Para mas maintindihan, pwede niyong balikan yung last chapter bago ito :)

Ayun! Happy reading! <3

-- Ate Aly 

***

Chapter 6

[Timi’s POV]

Nag I love you si Ice kay Erin! Nag I love you siya kay Erin! My ghad! Ba’t sa dinami-rami ng taong pagsasabihan niya ng mahiwagang katagang ‘yun eh kay Erin pa niya binitiwan?

Nagpa-lakad-lakad ako sa kwarto ko para pakalmahin ang sarili ko pero hindi pa rin talaga ako matahimk. Hindi nag punta si Ice sa practice ng banda kanina para sa duet naming dalawa. May importante raw kasi siyang dapat asikasuhin. Mukhang si Erin ang importante niyang dapat asikasuhin.

Ano ba ‘yan! Sayang naman, hindi pa nag sisimula eh mukhang mawawalan na ako ng pag-asa sa lalaking ‘yan!

Na-upo na lang ako sa kama ko at inilabas ang mga libro ko sa bag ko para mag review. Syempre kahit pasaway ang imahe ko sa school, nag-aaral pa rin naman ako ng mabuti. Matataas ang grades ko. Napapatawag lang si daddy o si mommy sa school dahil nakipag-away ako, pero ang mga teachers na ‘yun, walang ma-say sa mga grado ko. Ako pa ba? Hindi pwedeng maganda ka lang. Dapat may utak ka rin.

Hinugot ko ang Physics book ko sa bag ko nang may nakita akong isang naka-fold na papel na nakaipit dito. Bigla kong naalala na may ini-abot nga pa lang sulat si Kite sa akin.

Dali-dali kong binuksan ang sulat ni Kite at sa loob nito, may nakita akong isang maliit na note:

If you need someone to save you, don’t hesitate to call this number:

091********

Napa-iling ako. Kahit kelan talaga ang lalaking ‘to number one sa ka-kesohan. Agad kong kinuha ang phone ko at idinial ang number niya. Sa ikatlong ring, may sumagot sa kabilang linya.

“Wow. Hindi ko ine-expect na ang isang dyosa ay tatawagan ang isang mortal na katulad ko!” pambungad niya sa akin.

Napa-taas ako ng kilay, “at paano mo naman nalaman na ako ‘to, aber?”

“I already have your number, love.”

“Huh? Then ba’t hindi mo na lang ako tinawagan kesa gumawa ka pa ng cheesy note na ‘to?”

Narinig kong tumawa si Kite mula sa kabilang linya, “that’s strategy my love! Sa ating dalawa, ikaw ang gumawa ng first move para i-contact ako. Sa larangan ng landian, mahalaga kung sino ang gumagawa ng first move.”

I rolled my eyes heavenwards. Seriously? So iniisip niya na ako ang unang naging desperado sa atensyon niya dahil ako unang tumawag?

“Okay kung ‘yan ang iniisip mo. Sige na bye na!”

“Wait!”

“What?”

“Where are you?”

“Sa bahay.”

“Punta ka sa coffee shop malapit sa school natin.”

“At bakit? Ayoko, nakakatamad!”

“Basta pumunta ka. I’ll wait for you. Bye.”

Bago pa ako maka-hindi, binabaan na niya ako ng phone. Hay naku.

Since medyo tinatamad ako mag aral, lumabas na rin ako para puntahan si Kite. Kawawa naman eh baka mabulok siya doon kaka-antay sa akin. Sayang, ang gwapo pa naman niya.

Pagka-baba ko ng kwarto ko, nadatnan ko ang mga magulang ko na nanunuod ng T.V. Naka-akbay si daddy habang nakadantay naman ang ulo ni mommy sa dibdib niya. Napa-ngiti na lang ako sa kanila.

Sabi ni Ninang Kryzel, ang best friend ni mommy, marami raw naging ups and downs ang relationship nila. Hindi rin daw maganda ang naging umpisa nila. Ang dami nilang pinagdaanan. Ilang beses silang paulit ulit na nasaktan, pero lumaban sila. Kahit pa nga raw si kamatayan kinalaban na nila eh. Ang tatag nila, kaya ang saya nila tignan dalawa.

May nakapag sabi rin sa akin na sa bawat pag subok, dapat lumaban tayo. Darating din ang time na masasabi nating worth it lahat ng sakit na naranasan natin.

Bigla akong napailing.

Hindi sa lahat ng pagkakataon, masasabi nating worth it ang sakit na naramdaman natin. Meron at meron pa ring pagkakataong masasaktan tayo sa isang walang kwentang bagay na dulot ng walang kwentang tao. Pero itong walang kwentang ‘to ang sisira sa buong pagkatao natin.

Siya ang sumira sa buong pagkatao at paniniwala ko.

 

Iniwas ko ang tingin ko kina Mommy at Daddy atsaka ako dumiretso palabas ng bahay namin. Walking distance lang naman mula sa amin ang coffee shop na tinutukoy ni Kite kaya naman nakarating ako agad doon.

Pagka-pasok ko pa lang, bumungad na agad sa akin si Kite na kasalukuyang nasa likod ng isang espresso machine at mukhang busy sa pag gawa ng coffee.

Lumapit ako sa may bar area nila. “You work here?” I asked him.

“Oh, you’re here,” nakangiting bati naman niya sa akin. “Wait, mag b-break na ako.”

Narinig kong nag-paalam siya doon sa kasama niya na barista. Ako naman, naupo sa isang stool na malapit sa may bintana at doon ko hinintay si Kite. Habang nakaupo ako doon, napansin ko sa may dulo ng coffee shop, nakaupo si Rika Forteza at may binabasang libro.

“Hey”

Napa-baling ang tingin ko sa gawing kanan ko at nakita kong papalapit si Kite sa akin at may hawak na kape.

“Here, drink this. I personally made it with love,” sabi niya sabay lapag ng kape sa harapan ko at binigyan ako ng isang mapang-akit na ngiti.

Napangiti na lang din ako kay Kite at hinawakan ko yung cup of coffee na binigay niya sa akin.

“Wala namang gayuma ‘to no?”

Biglang napatawa si Kite sa sinabi ko, “Timi, I don’t need a love potion to make you fall in love with me. Alam ko namang charisma ko pa lang, nakaka-gayuma na.”

Napa-iling na lang ako. Grabe rin ang self confidence ng isang ‘to! Abot hanggang langit eh! Pero kung tutuusin, tama nga naman si Kite. Lahat ng babaeng marurupok, mahuhulog at mahuhulog sa charisma ng lalaking ‘to. Bukod sa gwapong mukha at napaka-gandang ngiti, ang tindi rin niya gumawa ng moves!

Buti na lang hindi na ako marupok…

 

Ininom ko yung kape na ginawa ni Kite para sa akin.

“Is it good?”

“Oo. Masarap.”

“Ako pa ba?” pag mamayabang na naman nito.

“Anyway, is she always here?” tanong ko rito sabay tingin kay Rika.

“You mean Rika? Yes. Dito siya madalas mag stay after class. Nakakausap ko nga siya eh.”

Tinaasan ko siya ng kilay, “really? Nakakausap mo siya? Are you also flirting with her?”

“Oh, oh, nag seselos ka ba?” natatawa-tawa naman niyang tanong. “No. I’m not flirting with her. Gusto ko lang siyang kausap kahit napaka-tipid niyang sumagot.”

“Seriously? Ako naman, I don’t like her.”

“Hmm, and why is that?”

“Because she’s so weak. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. Lagi siyang umiiyak. Hinahayaan niyang abusuhin siya ng ibang tao.”

“And she’s lonely, she needs a friend.”

“And you decided to be her knight in shining armor. May gusto ka sa kanya ‘no?”

Tinawanan na naman ako ni Kite, “alam mo onti na lang iisipin ko na talagang nag-seselos ka kay Rika.”

I rolled my eyes at him, “why would I?”

“Anyway, wala akong gusto sa kanya katulad ng mga iniisip mo. I still prefer girls like you.”

“And what do you mean by that? Mas gusto mo yung rebelde, pala-away, at malandi katulad ko?”

“Hindi. Mas gusto ko yung prangka, katulad mo.”

I punch his arm playfully at natawa naman siya. Onting landi pa, gagawin ko na talagang jowa ito. Aba jackpot din ako sa kanya ‘no! Ang gwapo gwapo! Dadami na naman ang haters ko sa school pag naging boyfriend ko siya. Instant sikat na naman ako!

“Uy! Ice! Kamusta bro!”

Bigla akong napaayos ng upo at napatingin kay Kite habang may kinakawayan siya sa gawing likuran ko. Naramdaman ko naman ang presensya ng isang lalaking papalapit sa akin.

“Hey.”

Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ice. Anak ng tupa naman! Kelan pa ako kinabahan dahil sa isang boses?!

“You’re here,” boses ulit ni Ice. Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. As usual, blanko na naman ang expression ng mukha niya.

“Yeah, I’m here,” sabi ko rito habang pilit na ngumingiti at nagpapa-cute pero anak ng tupa naman oh, mukhang walang ka-epe-epekto ang charms ko sa lalaking ‘to.

“Sorry pala kanina, hindi ako nakapunta. Emergency eh.”

Emergency?! Baka nakipag-landian ka lang kay Erin!

“O-okay lang,” and again, I gave him my most sweetest and seductive smile.

“Huy yung kape mo lalamig!” saway naman sa akin ni Kite kaya napa-baling ang atensyon ko sa kanya.

Enebe! Napapaligiran ako ng mag-pinsang gwapo! Ang swerte ko naman!

“Ba’t ka nga pala nandito bro? Where’s Erin?” tanong ni Kite kay Ice.

Gustong gusto kong pandilatan ng mata ang cute na lalaking ito kaso pinigilan ko ang sarili ko dahil pag nagkataon, gulo ito. Talaga nga namang hinanap niya ang bruhildang santa-santita na yun sa harapan ko?!

“Naihatid ko na siya sa bahay nila,” sagot ni Ice.

“Ah, kaya pala wala ka sa practice kanina,” mahinang bulong ko pero mukhang narinig niya kasi napatingin siya sa akin.

Ipinako ko na lang ang tingin ko sa kapeng iniinom ko. Nakakainis naman! Minsan talaga hindi ko maiwasan ang pagiging prangka ko eh no? Ang bunganga ko talaga nakakainis!

“Sorry kanina. Gusto mo bang ituloy ang practice ngayon?” dinig kong sabi ni Ice kaya napatingin ulit ako sa kanya.

“P-pero wala na yung ibang EndMira, nakauwi na sila.”

“Edi tayong dalawa. Pwede naman yun ‘di ba?”

Natulala ako bigla. Shet! Totoo ba ‘to?! Niyayaya niya ako mag practice kami na kaming dalawa lang?! Ay mahabaging langit! Ay jusko! Pagkakataon na ‘to!

“O ayun naman pala Timi eh. Wag ka ng mag mukmok diyan,” pag sang-ayon naman ni Kite.

“Okay lang sa ‘yo?”

“Okay lang. Marami pang pagkakataon na masosolo kita. Isa pa safe ka naman kay Ice kasi may Erin na yan!”

Bwisit talaga na lalaking ‘to! Sige lang! Pagdiinan pa niya!

“Let’s go?” yaya sa akin ni Ice. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya.

“Una na kami,” paalam ko kay Kite.

“Ingat kayo. Uy bro! Ingatan mo si Timi ah.”

“I will.”

Naglakad na kami ni Ice palabas ng coffee shop. Nilingon ko si Kite at nakita kong papalapit siya sa table ni Rika.

“Doon na lang tayo mag practice sa studio ko. Malapit lang yun dito,” sabi ni Ice.

“Sure!” sagot ko naman.

Sus! Kahit saan naman niya ako dalhin sasama ako basta masolo ko lang siya!

Sabay kaming nag lakad ni Ice papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya.

“Hindi ba magagalit ang girlfriend mo at pasasakayin mo ako sa kotse mo?” tanong ko kay Ice.

“Girlfriend? You mean Erin?”

“Oo. May iba ka pa bang girl friend?”

“Erin’s not my girl friend.”

“Hindi mo siya girl friend?!” gulat na tanong ko sa kanya habang pinipigilan kong wag mag mukhang masaya sa sinabi niya.

“Not yet…” duktong pa nito.

“Oh, I see. You’re courting her..”

Nililigawan pa lang pala! Sus! Madali lang sulutin ang isang ‘to. Kung yung mag jowa nga napag hihiwalay ko, eh paano pa kaya kung nagliligawan pa lang.

Tinignan ko si Ice habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya. Alam kong challenging ang isang ‘to. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ibinigay ni Erin sa kanya pero tatapatan ko ‘yun.

Next target: Ice Monasterio.

This’ll gonna be a great game.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro