Chapter 7

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

A/N: Kinikilig ako kasi meron pa palang nag babasa nito! HAhaha. Akala ko iniwan niyo na ako dahil sa tagal ng update. Pero as promise, susubukan ko ng mag update dito ng mas madalas :)

Ang daming nag re-request ng dedication! Sige, ibibigay ko ang dedication sa next chapter doon sa may pinaka nakaka-aliw na comment XD

Enjoy reading :)

-- Ate Aly.

***

Chapter 7

 

[Timi’s POV]

 

“William you have to make her fall in love with you no matter what! Kahit ano’ng paraan ang gamitin mo kailangan magka-gusto siya sa ‘yo! Gayumahin mo, ipa-kulam mo, basta! Will, she have to be your girlfriend by hook or by crook!”

“Woah, woah! Ano ba talagang meron Timi?”

Tinignan ko ang expression ni William na magka-halong gulat at pagtataka dahil sa sinabi ko. Kapapasok ko lang sa school at dumiretso ako sa classroom nina William para lang sabihin sa kanya ang bagay na ‘yan. Paano ba naman kasi, last Friday nung mag practice kami ni Ice, nakakadalawang ulit pa lang kami sa kinakanta namin, pina-uwi na niya ako agad sa kadahilanang magka-usap sila ni Erin sa phone. Kaasar talaga ang santa-santitang babaeng ‘yan! Napaka-panira ng lovelife!

Siguro hindi ko makukuha ang atensyon ni Ice dahil ang laking harang ni Erin kaya naman naisip ko na tanggalin ang sagabal sa buhay namin. Tutal matagal na namang may gusto ang kaibigan kong si William sa babaeng ‘to, it is about time para suportahan ko ang pag mamahal niya kay Erin. At pag na-inlove si Erin kay William, tsaka ako gagawa ng da-moves kay Ice.

Owmygash! I’m so brilliant!

“Pre,” pinatong ko ang kanang kamay ko sa braso ni William, “nililigawan din ni Ice si Erin. Grabe! Ang tindi ng kalaban mo. Kailangan nating mag-isip ng strategy para hindi ka maagawan!”

Nakita ko ang pag-taas ng kilay ni William, “para hindi ako maagawan o para hindi ka maagawan?”

“Eh ganoon na rin ‘yon!”

“Wait a minute Timi, don’t tell me you are falling in love with Ice?”

Tinignan ko si William nang may puno ng pag tataka sa aking mukha at hinayaan kong mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya....

…then I burst in laughter.

“Hahahahahahaha! Seriously William?! HAHAHAHAHA. Seryoso ka sa tanong mo na ‘yan?! Ako?! As in ako na si Stephanie Mikael Cruz, tinatanong mo kung in love?! Are you kidding me?!”

“Eto naman nag tanong lang. Syempre alam ko sagot doon. Hay naku, kawawang Ice. For sure iiwan naman talaga siya ni Erin dahil kami talaga ang naka-destined magka tuluyan eh. Tapos syempre nandiyan ka, tutulungan siyang makabangon, aakitin, mahuhulog siya sa ‘yo, mag lalandian na kayo, then boom! Iiwan mo rin siya. Poor Ice.”

“Alam mo, bago mo siya isipin, mag isip ka muna ng strategy para matupad yang destiny na sinasabi mo okay? Hay naku, aalis na ako at mag i-start na ang klase. Pero basta ah, pag usapan natin ang plano natin.”

Nag paalam na ako kay William at lumabas na sa classroom nila. Ten minutes na lang kasi, mag r-ring na ang bell. Ayoko naman ma-late sa homeroom namin. Masyadong gwapo ang adviser naming si Sir Nike para magpa-late sa klase niya. Sayang nga lang at kasal na ‘to sa vice principal naming si Ma’am Krissa.

Nung malapit na ako sa classroom namin, nag taka naman ako dahil nag ku-kumpulan ang mga estudyante sa corridor sa tapat ng classroom namin. Mukhang may gumagawa ng eksena dahil dinig na dinig ko ang boses ng isang babaeng mukhang galit na galit.

“Mag sorry ka sa kanya! Nakakainis ka talaga! Pina-iyak mo ang kaibigan ko! Napaka-kapal talaga ng mukha mo! Napaka-paasa mo! Wala ka na bang paki kung makasakit ka ng iba ha?! Gosh! That’s why I hate boys! Lalo na yung mga katulad mo!”

Mas lalo akong lumapit para maki-chismis sa kaganapan at nagulat ako nang makita kong si Aiscelle, yung kakambal ni Ice, ang babaeng sumisigaw. At mas lalo akong nagulat nang makita kong ang sinisigawan niya ay si Jasper.

“Teka miss, ano ba talaga ang ikinagagalit mo?” mahinahong tanong ni Jasper kay Aiscelle.

“Oh my gosh! Napaka-raming bagay na ang sinabi ko rito, hindi mo pa rin gets kung ano ang ikinagagalit ko?! Bobo ka ba o manhid lang?! Sinaktan mo ang kaibigan ko!”

“Oh, ano ngayon?”

“Anong ano ngayon?! Mag sorry ka sa kanya!”

“And why would I do that?”

“Arrrggghh! I hate you! You’re annoying!”

Nakita kong napa buntong hininga na lang si Jasper at umiling-iling habang naka-ngiti ng nakakaloko.

Ito talagang isang ‘to napaka-galing mambwiset ng babae.

“Ano nginingiti-ngiti mo diyan ha?!”

“Wala lang. You’re funny. Gusto mong mag sorry ako sa kaibigan mo kahit siya naman may kagagawan ng pag-iyak niya ngayon.”

“What the hell! Kung di ka nag bigay ng motibo, kung di mo siya pinaasa, di siya iiyak ngayon!”

“Miss, for your information, yung kaibigan mo ang unang nag bigay ng motibo sa akin, sinakyan ko lang ang trip niya. I just did her a favor. Pinasaya ko siya, pinakilig. It’s her fault because she took everything seriously. Siya ang may mali kasi nahulog siya sa akin. Pero kung sabagay, I cannot blame her. I am irresistible.”

“Irresistible mo mukha mo, leche! Gago ang mga katulad mo! Ang landi mo!”

“And what’s wrong with that? We’re living in a free country at karapatan ko bilang isang taong may kalayaan ang gawin ang gusto ko. Wala naman sa batas na masama ang man-landi eh. And you my dear,” lumapit si Jasper kay Aiscelle hanggang sa halos magkalapit na ang mga mukha nila, “lalandiin din kita balang araw.”

Pagka-tapos sabihin yun ni Jasper, nag lakad siya papunta sa may way ko at nang makita niya akong nakiki-chismis doon, agad niya akong inakbayan at sabay kaming nag lakad papasok ng classroom.

“Ibang klase ka talaga pre! Landi mo!” sabi ko sa kanya. “May palapit-lapit ka pa ng mukha na nalalaman diyan! Tibay mo pre! Lakas mo magpakilig!”

“Ako pa ba Timi? Kala niya aatrasan ko siya? Hindi ‘no! Pero ang cute niya magalit! Habang sinisigawan niya ako gusto ko na siyang halikan!”

“Ewan ko sa ‘yo! Panget!”

“Heh! Gwapo ako! Kaya nga may sumusugod sa akin na galit na galit kasi may pina-iyak na naman ako eh.”

“Edi ikaw na ang gwapo!”

“Buti naman inamin mo na ‘yan. Sa EndMira, ako talaga ang pinaka-gwapo,” ngiting-ngiti na sabi ni Jasper.

Napa-kunot ang noo ko at tinignan ko siya, “you’re wrong. Si Ice ang pinaka-gwapo sa EndMira!”

Jasper was about to say something nang may biglang nag salita mula sa likuran namin.

“Do you like Ice?”

Napa-lingon agad kami ni sa likod at nakita naming naka-tayo doon si Erin.

“Oh, wag gagawa ng gulo,” bulong ni Jasper sa akin. Hindi ko siya pinansin.

“Eh paano kung gusto ko siya?”

“You will leave him alone whether you like it or not,” mahinahon at naka-ngiting sagot ni Erin sa akin.

Huminga ako ng malalim kasi ramdam ko ang pag akyat ng inis sa katauhan ko. Ayokong ako ang mauunang mag eskandalo rito. That is so low. Pero gustong gusto ko talagang sabunutan ang babaeng ‘to. Nakakainis siya! Santa-santita talaga! Mapag-panggap na mabait but the truth is, mas bitch pa siya kesa sa akin.

“I will not leave him alone and there’s nothing you can do about it.”

“Are you sure? Marami akong kayang gawin Timi. Alam mo ‘yan.”

I smirk, “try me then.”

Akala niya natatakot ako sa kung ano’ng kaya niyang gawin? Asa siya! Pina-laki ako ng mga magulang ko na matapang. And as if naman kayang kaya akong pabagsakin ng babaeng to. Ano gagawin niya? Mag aapi-apihan? Iyak iyakan? Hahanap ng kakampi? Sus, sanay na ako.

Nag lakad papalapit sa akin si Erin. “Remember Timi, I know your past.”

Bigla akong natigilan sa sinabi ni Erin. Gulat na gulat akong nakatingin sa kanya habang siya ay ngiting ngiti sa akin. Nanginginig ang buong katawan ko. I badly want to punch her in the face pero hindi ako makagalaw.

“Take care,” pahabol pa nito bago tuluyang umalis.

Naramdaman ko ang braso ni Jasper na umaakbay sa balikat ko.

“Don’t mind her Timi. Iniinis ka lang nun. Don’t mind her.”

Tumango ako “I-I know… and who cares about my past? Tara na nga.”

Nag lakad na kami papunta ni Jasper sa classroom. Sakto ring pagka-rating namin, dumating na rin si Sir Nike at inumpisahan na ang homeroom.

Buong klase, hindi ako makapag-concentrate dahil kay Erin. Sabi na eh, darating ang araw na gagamitin ni Erin pam-blackmail sa akin ang bagay na ‘yun. Nakakainis naman kasi na nalaman pa niya ‘yon. Talagang alam na alam niya kung saan ako dapat tirahin.

She’s pure evil.

Bad mood na bad mood ako buong mag damag at ayokong kumausap ng tao. Buti na lang nung Economics subject namin, ibinalik na sa amin ang mga test papers namin at nakita ko ang tumatagingting na perfect score sa papel ko. Ha! Sabi na perfect na naman ako eh.

“Wow naman, hindi lang maganda, matalino pa,” bulong ni Kite sa akin. “Mamaya niyan, matuluyan na akong ma-inlove sa ‘yo ah?”

“Ipagdasal mong hindi kasi kawawa ka,” sabi ko naman sa kanya.

“Hindi rin. Lahat naman ng gusto ko, nakukuha ko eh.”

Tinignan ko si Kite, ibang klase talaga ‘tong bumanat. Natameme na naman ako sa kanya. Parehong pareho sila ng pinsan niya! Ang lakas maka-tameme.

Nang mag ring na ang bell, dali-dali akong lumabas sa classroom dahil gutom na gutom na talaga ako

“Ms. Stephanie Cruz, for a while…” lumingon ako  kay Ms. Arsola, ‘yung Economics teacher namin, at lumapit ako sa kanya. “Pwede ka bang sumama sa akin sa Principal’s office?”

“Bakit po?”

“We need to talk to you.”

Kahit takang-taka ay sumunod ako sa kanya sa Principal’s Office. Ano na naman ang ginawa ko ngayong araw para mapatawag sa office? Wala naman akong sinapak ngayon ah? Ano na naman ba ‘to?

Pag pasok namin sa office, agad kaming sinalubong ni Ma’am Jennica Festin-Tan, ang principal namin. Naupo ako doon sa silya sa tapat ng desk niya.

“Ma’am Jennica, wala pa po akong inaaway ngayong araw na ‘to,” agad kong sabi sa kanya.

Nakita ko namang napangiti siya ng onti. Siguro dahil sanay na siyang napapatawag ako sa office niya dahil nanapak, o nanipa ako ng mga haliparot na babae.

“I know, pero this time iba naman ang kasalanan mo.”

“Huh? Ano po?”

“I know Stephanie that you are a very smart girl. Kahit basagulera ka, alam kong matino ka sa pag aaral,” may inilabas si Ma’am Jennica sa drawer niya. Isang libro. Tinignan ko kung ano ito. Yung economics book ko!

“Paano po napunta sa iyo ‘to?”

“May isang teacher na nakapulot niyan sa hallway. At sa loob ng book na ‘yan, we found this.”

May itinaas na papel si Ms. Jennica at nang tignan ko ‘to doon ko na-realize na answer key ‘to nung exam namin sa economis.

Doon ko lang na gets kung bakit ako pinatawag sa office.

“Wait. I didn’t do it! Hindi ako nag cheat! Masyado akong matalino at ma-pride para gawin ang bagay na ‘yan!”

“Paano mo ma-e-explain ang answer key na naka-ipit sa book mo? At to think na ikaw lang ang naka-kuha ng perfect score sa exam na binigay ko,” sabi ni Ms. Arsola.

“What the hell?! Dahil ako ang nag iisang naka-perfect score, ibig sabihin ako ang nag cheat? Hindi ba pwedeng mas bobo lang mga kaklase ko sa akin? Tsaka marami pong galit sa akin sa school na ‘to. I’m 100% sure na na-blackmail ako!”

“Timi, please respect your teacher,” mahinahong sabi ni Ms. Jennica.

“Pero pinag bibintangan niyo po ako sa kasalanang hindi ko ginawa!”

“Okay then, let’s have a deal. I re-re-take mo ang exam. Pag naka perfect ka, then you are cleared.”

“Why would I?! Eh hindi naman po talaga ako nag cheat. Nag sunog ako ng kilay sa pag-aaral ng subject na ‘yan tapos pag bibintangan lang ako? I don’t deserve that!”

“Ms. Cruz—“

“W-wait!”

Bigla kaming napa-tingin sa may pintuan nang mag bukas ito at nakita naming nandoon si Rika.

“Ms. Forteza mamaya na lang. May pinag-uusapan lang kaming mahalaga,” sabi ni Ms. Arsola rito.

“N-no. P-please don’t blame Timi. H-hindi po siya ang nag nakaw nung answer key.”

“Kilala mo kung sino?” tanong ko kay Rika. Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

“Rika!” lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang braso, “tell us kung sino! Ano, mag papaka-duwag ka na naman? For pete’s sake Rika! Kelan ka ba magiging matapang?!”

“I-it’s, it’s…” huminga si Rika ng malalim at tinignan niya ako sa mata.

“It’s me. I am the one who stole the answer key.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro