ACT 001

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Akhlys!" Sigaw nito. Napatingin ito sa paligid, hanggang sa mapunta ang tingin nito sa akin.

"Problema mo?" Tanong ko kay Renetha ng hingal itong kumapit sa balikat ko.

Ilang beses pa itong nag paypay sa sarili gamit ang kaniyang kamay, bago siya muling tumingin sa akin ng maayos.

"Tawag ka ni Ryan!" Ani nito.

Umarko ang kilay ko sa narinig.

"Bakit?"

"Anong bakit!?" Galit na sigaw nito. Hindi ako nito makapaniwalang tinignan.

"Bakit ako tawag?"

"Kasi may costumer!"

"Hindi ako nag pa-patable," Agaran kong sagot saka siya tinalukuran. Wala akong pakialam kahit gaano pa kamahal ang ibayad sa akin.

Mag lalakad na sana ako pabalik sa backstage ng hilain ako muli ni Rene, saka ako hinawakan sa dalawang braso. Nangunot ang noo ko.

"Hindi! Hindi i-a-assist mo lang daw!" Pamimilit nito. Napairap ako.

"Bakit ako?" Tanong ko. Ang dami-dami babae rito e.

"Ikaw iyong gusto e."

"Sabihin mo ayaw ko," Agaran kong sagot. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa braso ko, pero ayaw niya akong pakawalan.

Ang kulit!

"Dali na kasi!" Niyugyog pa ako nito, kaya mas lalo akong nainis.

"Bakit ba?"

"Sayang 'yong offer malaki rin 'yon!"

"Ano gagawin ko?" walang gana kong tanong dito. Gusto ko na umuwi at matulog.

"Aassist mo nga!" Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay mag kano?"

"Ten thousand!" Agaran sagot nito na pinakita pa ang dalawa niyang kamay na may sampung daliri. Agad akong tumalikod sa kaniya.

"Malaki na iyon!" Pahabol niya. Sumunod ito sa akin sa backstage kaya napairap ako. Malaki na sa kaniya iyon?

Ten thousand para sa dignidad mo? At kapalit ng pang hihipo nila sa iyo? Hindi na lang!

"Hati pa kami ni Ryan bruha niyan malaki na iyan? " Tanong ko rito. Totoo naman e. Siyempre dapat hati kami ng baklang 'yon dahil siya ang may ari ng club na ito.

"Bilis na kasi. "

"Liit, " Sabi ko, saka pinulot ang mga gamit. Yinakap ako nito sa likod saka pinisil ng yakap. Hindi ako makahinga. Sinubukan ko mag pumiglas pero ayaw talaga ako nito pakawalan

"Huwag ka na maarte pogi 'yong lalaki,"  Ani niya. Napatigil ako sa pag pu-pumiglas. Pogi pala, hindi niya naman sinabi agad.

"Okay. "Tumango ako

"Huh? " Nag ta-takhang tanong nito

"Okay kako, tara saan ba? "

"Basta pogi talaga e!" iling nitong sabi. Natawa ako.

"Assist lang ha? " Paninigurado ko. Tumango ito sa akin ng ilang ulit, saka nag thumbs up.

"Oo nga, " Sagot nito saka ako hinila sa kumpol nang mga tao. Agad akong nahilo sa pinag halong amoy ng alak at usok, pati na rin ng party lights na paikot -ikot. Naka-kasuka pag masdan ang mga party lights. Hindi ko talaga alam kung bakit nila gustong-gusto mag party samantalang ako ay gustong-gusto ko na umalis dito.

Pag dating namin sa isang VIP room ay agad kaming kumatok, ilang minuto pa ay bumukas na ang malaking pintuan.

Agad akong hinila ni Rene papasok, kaya naman alam ko na agad na wala na akong takas. Okay, para sa ten thousand.

Dagdag din ito sa pambabayad ko para makahanap ng impormasyon tungkol sa pangyayari 3 years ago.

Pagkapasok namin ay agad na nag libot ang mga mata ko sa paligid. Medyo madilim at tanging tawanan lamang ang naririnig, lalo na nang isara ng isang waitress ang pinto sa likod namin. Hindi rin kagaya sa labas na mabaho, dahil halo-halo ang amoy. Dito ay amoy alak lang at pinag halong mamahaling mga pabango. Halatang bigatin ang mga tao rito. Umismid ako. Kuripot naman.

Tinignan ko sila isa-isa at halos umikot ang mata ko sa inis ng makita kung gaano na sila hindi mag kaintindihan dahil pana'y pare-parehas na silang lasing.

Napunta ang tingin ko sa pinakadulo ng sofa. Ngunit natigilan at bahagyang umawang ang mga labi ng masinagan ng liwanag ang mukha ng lalaki na nang gagaling sa flashlight ng isa sa mga kasama niya.

Sa kay tagal ko na rito ay hindi ko pa nakita ang isang ito. Kailan pa may naligaw na pogi sa lugar na 'to? I mean . . . Marami naman naliligaw na gwapo rito. Pero hindi kasing gwapo niya.

Hugis pa lamang ng mukha ay mapa-panganga ka na. His deep set eyes looked at me, i felt my breathing hitched as we stared at each other. The corner of his lips curved as he drunk the whole whiskey on his glass.

Lumapit ako kay Rene saka siya kinalabit.

"Ayan? "

"Oo. " Agarang sagot nito, kahit na hindi naman nakatingin sa itinuro ko. Hindi ko na lang pinansin at lumapit sa pwesto ng lalaki, saka umupo sa tabi niya.

Pakiramdam ko ay ipinagpala ang ilong ko ng masinghot ko ang mamahalin niyang pabango. I never been attracted to any men being but, this man is driving me insane! How could someone be this hot and attractive at the same time? I think i'm drooling like now while staring at the man that hasn't even tried to look at my direction. Sinubukan ko na tumikhim, ngunit hindi pa rin ako nito tinatapunan ng tingin

"Pst mali! " Dinig kong sitsit sa akin ni Rene. Napatingin ako sa kaniya nang sumitsit ito ng ilang beses, saka may tiniro sa kanan bahagi ko at nang marealize ang gusto niya iparating ay napatayo ako.

"Ah sorry. " Mahinang bulong ko saka nag palit ng puwesto sa kanan ko kung saan andoon ang lalaking gusto raw mag paassist sa akin.

I heard the man laughed at my embarrassment kaya namula ang aking buong mukha

"You're Akhlys, right? " Tanong ng isang lalaki. Hindi na ako mag-tataka kung bakit niya ako kilala. Sino nga ba ang hindi makakilala sa babaeng anak ng pinakamagaling na mayor dati? Sino nga ba hindi makakakilala sa isa sa mga naging kontrebersyal na balita noon, tatlong taon na ang nakakalipas? Hindi na nakakagulat.

"Yes. " Tanging sagot ko na lamang. Akala ko ay titigil na ito pero mukhang mas mauna pa mapatid ang pasensya ko sa kaniya kasya sa tigilan ako ng lalaking ito.

"You look familiar? "

"Yeah. " Walang gana kong tugon saka sumulyap sa kabilang puwesto. Kailan niya ba ulit ako titignan? Para siyang may sariling mundo sa pinaka dulo ng upuan habang ang mga kasama niya ay halos mag wala na sa sobrang kalasingan

"You kinda looked like . . ." Panimula muli ng lalaki sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin.

"My future wife. "Pag-papatuloy nito. Narinig ko ang pag ubo ng iba sa mga kasamahan ng lalaki at ang walang habas ng pag tawa ng ilan sa sinabi nito. Ano gagawin?

"Godness. " Dinig kong sabi ng isa sa kanila, para bang hiyang-hiya siyang nandito siya

"Sorry, hindi ako mag aasawa. " Ani ko na lamang habang patuloy pa rin ag pag-sulyap sa lalaki.

"Really? "

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang isang bote ng alak, saka tumayo at lumipat muli ng puwesto papalapit sa lalaki.

"Sir, drink?" I asked. Napabaling sa akin ang lalaki, ngunit muli nitong binalik ang tingin sa ibang direction. Ang gwapo. I really never thought that this day will come.

Ang gusto ko lang ay ang bigyan hustisya ang pamilya ko, ngunit mukhang madadagdagan nanaman ang gusto ko sa buhay.

Parang kanina lang ay ayaw ko sa ginagawa ni Rene na pag papapansin sa mga lalaki, ngunit tignan mo nga naman ako ngayon. Hindi makaundagaga para lang mapansin ng isang lalaki.

"Ako ang nag-patable sa 'yo. " Dinig kong ani ng isa. Napatingin ako sa kaniya.

"Oh. " At muli ay nag tawanan ang lahat sa naging turan ko. Namula ang buong mukha ko sa kahihiyan. Pati nga ata ang kaibigan ko ay natawa rin sa kagagawan ko.

"Yeah right, sorry." Ani ko na lamang saka muling lumapit sa pwesto ng lalaki.

"Bathroom lang. " Dinig kong sabi ng gwapong lalaki, bago siya lumabas ng kwarto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro