ACT 005

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

I'm fucking pissed. In short, gusto kong suntukin sa mukha si Airon na ngayon ay prenteng nakaupo sa aking maliit na sofa.

"Anong kailangan mo?" Taas kilay kong tanong dito, ngunit nginisian lamang ako ng loko.

Hindi ko ito pinansin at pinag patuloy lamang ang pag bibihis.

May nilapag itong isang kulay brown na envelope sa lamesa ko kaya nangunot ang aking noo.

"Para saan 'yan?" Tanong ko.

He playfully smirk at me saka nito pinag krus ang mga braso.

"A gift," He answered. I pursed my lips by his answer, umupo ako sa tabi niya at pinakatitigan siya.

"Hindi ko naman birthday."

Inirapan ako ng loko.

"Just open it," Sabi nito, mas lalong Umismid ang mga labi ko. Pinag krus ko rin ang aking mga braso.

"Huwag mo ako utusan, you moron." Inis na sabi ko. He barked a loud laughed saka ako nito parang tangang tinignan.

"Why are you so pissed?" Pigil ang tawang ani nito nang makita ang nakakamatay kong tingin sa kaniya.

He really had the guts to asked me that?

Gusto ko mag dabog.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at napasabunot sa buhok ko.

"Bakit hindi? Hindi mo lang naman sinabi na may asawa na pala ang nilalandi ko!"

God this is stressing me!

Tumawa lang muli si Airon saka rin ito tumayo at nilapitan ako.

Pumwesto ito sa likuran ko saka ako nito niyakap. Nilagay nito ang kaniyang baba sa aking balikat at bumulong sa akin.

"What it makes different?" Tanong nito. Nangunot ang noo ko.

"What the fuck do you mean?" I asked literally annoyed.

He sniffed my neck, i felt him smirk.

"I mean does your feelings even change kung may asawa na siya?" Tanong nito sa mababang tono. Natigilan ako.

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at nang gagalaiting hinarap siya.

"Baliw ka ba!? Kasal 'yong tao!" I hysterically said.

He arched his eyebrows as he sat down the handle of the sofa.

"You still want him," He stated.

Malakas akong bumuga ng hangin, jusko. Gusto niyo talaga akong maging kabit ha!?

"I want him unmarried!" I shouted, literally frustrated. Muli kong sinuklay ang buhok ko sa pag kairita dahil tumawa nanaman ang loko.

Muli itong tumayo sa kinauupuan saka ako nito pinaharap sa kaniya.

Galit ko siyang tinignan.

"You don't have to worry about the wife Akhlys." He smiled. Nangunot ang noo ko.

"What do you mean?"

Inginuso nito ang envelope kaya naman napatingin ako roon.

Tinignan ko muli si Airon nang may pag tatakhang tingin saka ko dahan-dahang pinulot ang envelope na nasa lamesa.

"Open the envelope."

Hindi ko na pinansin ang pang uutos niya sa akin, binuksan ko ang envelope at kinuha ang laman non. Umawang ang labi ko.

Natigalgal ako sa nakita.

What the?

Napabaling ako kay Airon na malaki na ang mga ngiti sa labi.

"Is this for real?" Tanong ko rito.

Muli kong tinignan ang laman ng envelope. Nakagat ko ang labi ko.

"My source is always real, honey," He said and grab my waist. Niyakap muli ako nito at inamoy naman ang buhok ko.

Hindi ko pinansin ang ginagawa niya.

"What if they still trying to fix their marriage?" Tanong ko.

"It's for you to find out if they still want to fix their marriage."

Hindi ako nag salita.

Tinanggal nito ang pag kakayakap sa akin saka ako tinignan ng mag tatakhang tingin.

"Why?"

I looked at him suspiciously.

"I don't really get why you're doing this," Ani ko habang nang liliit ang mga mata.

He laughed.

"You'll know soon."

Napailing na lamang ako.

"Fucker."

Humalakhak lamang ito na parang demonyo saka ako iniwang nakatayo.

Kinuha nito ang kaniyang suit na nakapatong sa aking sofa saka iyon sinuot.

Pinag masdan ko lamang siya hanggang sa lumingon ito sa akin.

"I think Hendrix is on his office at this hour," He teasingly said. Umarko ang kilay ko.

Ano nanaman ba ang gusto nito?

"Then?"

Siya naman ngayon ang tumaas ang kilay.

"Won't you go?" Tanong nito.

Napairap ako.

"Why would i?"

-

Ayon ang huli naming pag uusap, hanggang sa namalayan ko na lamang na nasa labas na pala ako ng opisina ni Governor Hendrix.

Kita ko ang pag pasok at pag labas ng mga sasakyan sa matayog na building na 'to. Mukhang busy ang mga tao rito.

Sinimulan ko na mag lakad papalapit sa guard na nag babantay sa labas.

Busy itong nag aayos ng mga maliliit na papel nang mapansin ako nito, nginitian ako nito. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Magandang umaga po,"  Bati ko.

Tumango ito sa akin.

"Magang umaga rin hija, anong kailangan nila?" Magalang na tanong nito. Mas linawakan ko ang ngiti ko.

"Asaan po ang office ni Gov?" Tanong ko.

"May appointment po ba sila?"

Hindi ako sumagot.

Nginitian ko siya saka ko inabot ang kulay brown na envelope na binigay sa akin kanina ni Airon.

Binuksan niya iyon at sinilip ang laman.

Tinignan ako nito. Magalang itong ngumiti muli sa akin saka ako binigyan ng kulay violet na pass.

"Pasok po kayo," Ani nito saka ako pinag buksan ng pinto.

"Salamat," Nakangiti kong ani.

Tinuro ni manong ang daan patungo sa office ni Hendrix kaya naman doon na ako dumeretso.

Pag kasakay ko ng elevator ay pindindot ko ang numero ng floor ni Gov.

Pag kalabas ko ng elevator ay dumiretso lamang ako hanggang sa nakita ko na ang pintuan ni Gov na may pangalan niya.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan.

Akala ko ay lalabas na 'yong nag bukas ng pinto pero nanatili ito sa loob. May buhat 'tong isang katerbang mga papel habang hawak ang hamba ng pintuan.

"Tell me if there still need to change for this project, and also please add this to the schedule for tomorrow."
Ani ng isang pamilyar na boses. Nakagat ko ang labi ko, saka ko sinubukang sumilip sa nakaawang na pinto.

"Copy Gov,"  Sabi naman ng nasa pintuan.

Binitawan nito ang pintuan at may sinulat sa tuktok ng kaniyang mga papeles.

"Okay thank you."

Tumango sa kaniya ang lalaki saka muli nitong hinila ang pintuan.

Nang makita ako ay gulat itong napatingin sa akin, ngunit agad din nakabawi. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ito pabalik.

"Ay, pasok po kayo," Sabi nito nilakihan ang pag kakaawang ng pintuan.

Pumasok ako sa loob ng kaniyang opisina saka ko nilibot ang paningin sa loob niyon.

Kagaya ng personality niya, puro itim at puti lang ang nakikita ko. Boring.

Napailing na lang ako saka sinarado ang pinto sa likod ko at nag simulang mag martya papalapit sa lalaking may kausap sa telepono.

"Okay just a second i'll check the record— " Ani nito sa mahinang boses habang kinakalkal ang mga papeles.

Napangiti ako habang tinitignan siya. Kahit ata mag damag ko siyang tignan ngayon, hindi pa rin ako mag sasawa sa pag mumukha niya e.

Napailing na lamang ako sa naisip ko habang hinihintay siyang matapos ang kausap niya sa kabilang linya.

Nang ibaba niya na ang telepono ay agad lumawak ang ngiti ko.

"Goodmorning, " Bati ko rito. Napaangat ito ng tingin.

Kumunot ang noo nito, nag tataka kung sino ako. At nang narealize kung sino ang nasa harap niya ay umawang ang kaniyang mga labi.

"What are you doing here?" Gulantang na tanong nito.

Natawa ako.

Grabeng reaksyon 'yan.

Mas lumapit pa ako sa lamesa niya at humawak doon upang ipitin ang. . . Alam mo na.

"Bawal ba bumisita? " I said in a flirty tone.

Nawala ang pag kakunot ng noo nito, nag iwas ito sa akin ng tingin at malamig na tinignan ang kaniyang mga papeles.

"Sino ang nag papasok sa 'yo? " Tanong nito sa malamig na boses.

Napasimangot ako. At sinubukang sundan ang tingin niya.

Sayang naman ang suot kong kulay pulang hapit na dress kung hindi niya titignan!

"Grabe naman, hindi ba puwedeng nag pa appointment ako? " Kunwari'y nag tatampo kong ani. I pouted my lips.

"What? I don't remember having an appointment with you. "

Lumingon ito sa akin at tinignan ako, iniisip niya siguro kung nakita niya ba ang pangalan ko sa mga naka schedule sa kaniya ngayon.

"Secret. "I beamed at him.

He sighed.

Umupo ito ng maayos sa kaniyang upuan saka ako nito tinignan at pinag krus ang mga braso.

"Then what do you want? " Tanong nito sa magaspang na tono.

I shrugged.

"Wala gusto ko lang bumisita. "

Hindi ako nito makapaniwalang tiniginan.

Napahawak ito sa kaniyang mata at stress na pinisil ang bridge ng kaniyang ilong. Halatang nawawalan na ng pasensya.

Bakit ba stress na stress siya kapag nakikita niya ako?

"Look. . . I really don't have time to play with you. If it's not important, please leave, " Ani nito.

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.

"Sungit talaga. " Hindi ako nito pinansin at muling nag halungkat ng mga papeles sa kaniyang lamesa.

"Marami ka ba ginagawa? " Tanong ko. Hindi ito sumagot at nag patuloy lang sa pag halungkat sa papel na para bang wala ako ako sa harap niya.

God. . . I never felt this unwanted.

Gusto ko siyang murahin.

Linunok ko ang inis na nararamdaman ko saka ko nilapag ang maliit na baunan sa lamesa niya.

Naagaw non ang pansin niya, napangiti ako.

"Kumain ka na ba? Nag dala ako ng makakain, " Sabi ko nang may malaking ngiti.

"What is this for? " Tanong nito, binalingan ako nito ng tingin.

"Food to eat, " I said proudly.

Muli itong napahilamos ng mukha.

"Yeah i know, pero bakit—" natigilan ito sa pag sasalita.

Pati ako ay natigilan ng marinig ang boses ng isang babae. Napalingon ako sa nakasaradong pintuan.

"Andiyan ba si Hendrix? " Tanong ng babae. Nangunot ang noo ko.

"Yes po madam, kaso po may meeting po siya with someone right now e, " Sabi naman ng boses ng lalaki, siya iyong nag papasok sa akin kanina.

Umayos ako ng tayo.

Alis na lang siguro ako? Mukhang may kailangan silang pag usapan ng babae?

"Ganon ba? Importante ba? " Tanong ng babae sa labas.

"Opo e, limang minuto na lang naman. "

Limang minuto na lang naman daw, alis na lang siguro ako.

Babalik na lang ako bukas.

Mag lalakad na sana ako papuntang pintuan ng may naramdaman akong humila sa akin.

Napalingon ako.

"Ganon? Kanina pa ba sila nag uusap—"

"Fuck, what are you doing?" Galit na tanong ni Gov.

Umawang ang labi ko.

"W-what?" Kinakabahan kong tanong.

Anong problema niya?

Hinigit ako nito pabalik sa puwesto ko kanina.

"Hoy bakit?"

Hindi ako nito pinansin. Hinigit nito ang kaniyang swivel chair at pinayuko.

"Fucking hide!"

Naguguluhan ko siyang tinignan.

"What? Bakit?"

Hindi ako nito pinansin, sinuksok niya ako sa ilalim ng kaniyang lamesa.

Wala na akong nagawa kundi ang pumasok doon.

"Hoy Gov Hendrix!" Sigaw ko sa kaniya.

"Shut up," Ani nito.

Hindi na ako nito pinansin.

Inayos nito ang kaniyang swivel chair at umupo roon.

Natigilan ako.

Bakit niya ako tinatago?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro