ACT 007

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nakakabingi ang tugtog ngayon sa loob ng bar, halos hindi na makilala ang mga tao dahil sa kanilang pag kalasing.

Habang ako ay iniindayog ang katawan at sinasabayan ang musika sa gitna ng entablado.

Ang mga kalalakihan ay nag hahagis ng mga salapi, animo'y ang iba sa kanila ay walang mga asawa.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng mapatingin ako sa dulong bahagi ng bar.

Nanlaki ang aking mga mata nang mag kasalubong ang aming tingin.

Kunot ang mga noo itong nag-iwas ng tingin sa akin at nag patuloy mag-lakad, sinundan ko ito ng tingin at pinag masdan kung saan sila pupunta.

Kasama nito sila Airon at ang iba pang mga kasama noong nakaraan.

Tumigil ako sa pag-sasayaw at nag lakad pababa ng entablado.

Rinig ko ang pag disang-ayon ng mga kalalakihan sa ginawa ngunit hindi ko sila pinansin.

Nag-patuloy lamang akong nag-lakad at sinundan sila hanggang sa itaas.

Nang makapasok ako sa pinto ng VIP room ay ang nakakabinging hiyawan agad ang sumalubong sa akin.

Napaawang ang labi ko habang nililibot ang paningin sa loob.

Halos hindi na mag kaintindihan ang mga tao, mga halatang lasing na.

Ang iba'y wala na saplot sa itaas at ang iba naman ay nag hahalikan na sa gilid.

Napailing na lamang ako at hinanap ang pakay ko.

Nang makita ang pakay ko ay agad akong nag-lakad palapit dito ngunit bago pa man ako makalapit ay may umakbay na sa akin.

Nangunot ang noo ko.

"Hey Akhlys! Andito ka pala, miss mo ba ako?" Tanong ni Airon.

Nag-hiyawan ang mga kasamahan nito dahil sa kaniyang sinabi.

Hindi ko siya pinansin, tinanggal ko ang pag-kakaakbay niya sa akin at umupo sa isang bakanteng upuan malapit kay Gov.

"Oh, suplada!" Nag-tawanan ang mga kaibigan niya.

Natatawang lumapit sa akin si Airon. Pinaalis nito ang katabi ko sa kabilang gilid, saka ito umupo roon.

"Bakit ka andito?" Masiglang tanong nito.

Tumikwas ang kilay ko.

"Am i not allowed here?" Mataray kong tanong.

Tumawa ito sa naging tanong ko.

Hinigit ako nito sa baywang na agad kong tinanggal ng maramdaman ko ang paninitig ni Gov sa akin.

"This is a VIP room Akhlys, grabe ka naman kung may free pass ka." Ani ni Airon.

I leaned at him a little and whispered.

"You pay for me."

Agad akong lumayo sa kaniya, pero ang loko ay tumawa at sumigaw.

"Wow, Sugar Daddy mo na pala ako!" Ani nito.

Napailing na lamang ako at napasulyap kay Gov na ngayon ay kumukuha na ng alak.

Sinalinan niya ang kaniyang baso at inisahang nilagok iyon.

Narinig kong nag tawanan ang mga kaibigan ni Airon.

"Stop teasing her Airon, baka umalis," Sabi ng isa sa kanila.

Maya-maya pa ay may bigla na lamang sumulpot sa harap namin. Masaya nitong nilapag ang isa sa mga hard na alak na binebenta sa bar na ito.

"Mga bugok tara laro! Ang matalo siya mag babayad ng lahat ng inumin!" He said laughing. Mukhang lasing na ito ngunit balak niya pang mag-pakalasing ng todo.

Ngumiwi ako.

"Sus ayaw mo lang gumastos," Sigaw ni Airon.

"Kkb na lang! "

"Dali na this is fun!" Pamimilit ng lalaki.

Nilapag nito ang alak sa maliit na lamesa sa harap namin at saka iyon binuksan.

Nag-sigawan ang mga kalalakihan ng gumawa ng ingay ang bote dahil sa pag bukas nito.

"Hendrix bawal kj ha! " Sabi ng isa sa kanila.

Napatingin ako kay Gov, na prente lamang nakaupo habang sumisimsim sa kaniyang baso.

"Akhlys ikaw din sali ka? "

Napalingon ako sa nag tanong sa akin at marahang umiling.

Wala akong planong uminom.

"No. "

"Sus bawal nga KJ e. " Inirapan ko siya at pinakatitigan na lang si Gov.

Wala ba siyang balak tumingin sa akin?

"Ganito na lang may tanong ako. " Hindi ko siya nilingon.

"Ano? " Tanging tanong ko na lamang.

"If you were given a chance to date a billionaire —"

"I would love that, " Agaran kong sagot.

Nag-hiwayan ang mga kalalakihan dahil doon.

"Hindi ayon ang tanong!"

"Spare me please, " Sabi ko saka umirap.

"Andito ka lang para kay Gov e! "

Alam naman pala nila e.

Sana naman huwag na nila akong daldalin! Gusto ko mag focus sa goal ko. At ang goal ko ay si Gov!

"Naku may asawa na yan si Gov! Ako na lang landiin mo wala pang sabit! " Sabi ng isa pa sa mga lalaki.

"You're not my type. "

Hindi pa rin tumitingin sa amin si Gov.

Kanina lang ay patingin tingin siya sa akin ah?

Hindi ba siya lilingon, siya na ang pinag-uusapan namin oh?

"Sus mas pogi lang naman 'yan ng isang paligo sa akin, " Natatawang ani ng lalaki.

Hindi na ako sumagot.

Libre naman mangarap. Sino ba ako para hadlangan ang pangarap niya?

"Anong isang paligo? Kahit ata maligo ka sampung beses sa isang araw hindi mo mahihigitan kagwapuhan niyan e." Pang aalaska ng kasama niya.

Gusto ko matawa pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka maoffend siya.

Tinignan ko si Hendrix. Lumapit ito sa pwesto namin at sinalinan ang baso niya ng alak.

"Let's start," Ani nito.

Nanlaki ang mga mata ko.

Sasali siya?

"I'll join!" Agaran kong sagot habang pinag mamasdan ang pag kilos niya.

Nag sigawan muli ang mga kalalakihan.

"Ayan ang gusto ko. "

"Anong lalaruin? " Tanong ko.

"Shot o hubad! " Sumagot 'yong lalaking nag alok ng laro.

Nangunot ang noo ko.

"Anong klaseng laro 'yon? " Tanong ko rito.

Hindi ako nito makapaniwalang tinignan.

"Seryoso hindi mo alam? Nag tratrabaho ka sa bar pero hindi mo alam? "

Umirap ako.

Required ba kapag nag tratrabaho sa bar ay alam ang iba't ibang klase ng laro ng mga lasenggera at lasenggero?

"Ituro mo na lang, " Sabi ko.

"Para lang siyang truth or dare. Kapag tumutok sa iyo iyong bote. It's either may ipapagawa sa iyo or may itatanong sa iyo. Kapag hindi mo nasagot o nagawa pipili ka. Iinumin mo itong alak o mag huhubad ka ng isa sa mga damit mo. "

Umawang ang labi ko.

Anong klaseng laro 'yon?

Hindi na ako naka angal pa ng may kinuha silang walang laman na bote at ipahiga iyon sa lamesa.

"Let's start!" Sigaw ng mga kalalakihan.

Pinaikot nila ang bote hanggang sa tumigil ang bunganga non kay Airon.

Nag sigawan ang lahat sa kamalasan ng katabi ko.

"Airon unang una! Malas ka talaga!"

Nag sipag tawanan ang lahat habang minumura na sila ni Airon.

"Mag twerk ka sa gitna ng lamesa!" Sabi ng isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng katabi ko.

"Gago ka ba dude?" Tanong nito sa hindi makapaniwalang tono.

"Dali na!" Pamimilit nila rito.

Umiling ang lalaki.

"Iinom ko na lang 'to." Sabi niya.

"Kj boo!" Pang aalaska ng lahat.

Hindi sila pinansin ni Airon.

Nilagok nito ang laman ng basong nilagyan ni Gov kanina ng alak.

Pag katapos ay sinalinan niya muli ito ng laman.

"Next. . ." Ani ng lahat saka pinaikot ang bote.

Saglit lang itong umikot hanggang sa tumama ang nguso ng bote kay Gov.

"Hendrix!"

Napangisi ako.

Tinignan ko si Gov na hindi na maipinta ang mukha.

"What?"

"Kumanta ka ng twinkle twinkle star."

Natawa ang lahat kasama na ako.

Tinignan ko si Gov at hinintay na gawin niya 'yon ngunit kinuha nito ang baso.

"I drink." Ani niya saka nilagok ang laman non.

Napailing ang ilan sa kanila.

Ano ba kasi ang ineexpect nila sa lalaking 'to?

"Next!" Sabi nila saka pinaikot ang bote.

Nanlaki ang mga mata ko ng tumigil iyon sa harapan ko.

Nag sigawan ang lahat, pati ang katabi ko.

"Aba sunod sunod kayo ah! Akhlys!"

"Okay," Sagot ko.

Nag bulungan sila hanggang sa may isang lalaki ang nag salita.

"Mag make out kayo ni Airon 5 minutes." Pigil ang tawang ani nito.

"What?! "

Umawang ang labi ko.

Sa lahat ng tao si Airon pa talaga?

I mean ayos lang naman dahil ilang beses niya na akong hinalikan.

Pero sa harap talaga ni Gov?

Nananadya ba sila?

"Sige na!" Pamimilit nila.

"No way!" Agaran kong sagot.

Kinalabit ako ng katabi ko.

"Mabango naman hininga ko." Sabi nito.

Inirapan ko siya.

"I'll drink!" Ani ko saka kinuha sa kanila ang baso at nilagok iyon.

Agad na gumuhit sa lalamunan ko ang pait.

Natawa silang lahat.

"Akala ko mag huhubad, sayang."

"Wala pala 'tong mga 'to e."

"Next!"

Muli nilang pinaikot ang bote.

At mukhang ako ang may balat sa puwet ngayon.

Sana hindi ko na lang pala tinawanan kanina si Airon.

"Ikaw ulit Akhlys!" Sabi nila nang huminto ang bote sa tapat ko.

Muli silang nag bulungan at nag tawanan sa harap ko.

"Tanggalan mo ng pantalon si Airon." Sabi ng isang lalaki habang tumatawa.

Napapikit ako.

"What the heck?" Reklamo ni Airon sa tabi ko.

Nag sipag tawanan nanamang silang lahat.

"I'll drink!" Pasensyado kong ani saka kinuha ang baso sa kanila at pikit matang nilagok iyon.

Muling gumuhit sa aking lalamunan ang pait pero pilit kong nilunok iyon.

Pakiramdam ko ay umikot ang mundo ko nang buksan ko ang mata ko at pinakatitigan si Hendrix na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

Nagiging dalawa na siya sa paningin ko.

"Boo wala pala 'to e!" Reklamo ng ilan sa kanila.

"Next!" Sabi ko na lang at ako na mismo ang nag paikot ng bote.

Sandali pa ay muling nag hiyawan ang mga kalalakihan habang ako ay umawang ang labi ko habang hindi makapaniwalang nakatingin sa bote na nakaturo sa akin.

May balak ba talaga si lord na lasingin ako ngayong gabi?

"Ikaw na ikaw talaga Akhlys!"

"What is it again!?" Pikon ko nang tanong.

Nag bulungan nanaman sila.

Ano ba 'to bakit sila nag bubulungan, may team ba sila sa pag papahirap sa akin?

"Pumatong ka kay Hendrix hanggang matapos ang laro." Sabi ng isang lalaki.

Muli akong napatingin kay Hendrix at napalunok ng makita itong masamang nakatingin sa akin.

"I-i'll just drink."

Kinakabahan kong inabot ang baso sa lamesa at inisahang lagok iyon.

Kung kanina ay nagiging dalawa ang paningin ko, ngayon ay parang mabibiyak naman ang ulo ko.

Nag e-echo na rin sa pandinig ko ang tawanan ng iba.

Nanlalabo na ang paningin ko pero pilit kong binuksan ang mga mata ko at muling tinignan si Gov ngunit wala na ito sa upuan niya.

"You're drunk," Sabi ng isang boses sa tabi ko.

Napaangat ako ng tingin at napakunot ng noo.

Nag teleport ba siya? Anong ginagawa niya sa harapan ko?

Paano siya napunta sa harapan ko?

Ang galing, may powers pala si Gov.

Para ko tuloy siyang lalong nagustuhan.

Ganiyan 'yong gusto ko sa mga lalaki e, 'yong ililigtas ka.

Natawa ako sa naisip ko.

"Oh mamaya na kayo mag lampungan paikutin niyo na 'yong bote—" Sabi ng isa sa kanila pero hindi ko na sila maintindihan dahil umiikot na talaga ang paningin ko.

"Enough," Sabi ni Gov sa harap ko.

I giggled. Grabe, ang lalim ng boses.

Napahawak ako sa aking labi at pigil ang tawang tinignan sila.

Nag mumukha na silang alien.

Lasing na ata sila e.

Nasa ganon akong sitwasyon ng may naramdaman na lamang akong humila sa braso ko.

Parang mas lalong umindayog ang paligid sa ginawa niya.

Tarantado 'to ah.

"T-teka," Sabi ko nang nag simula itong hilain ako.

Hindi ako nito pinansin.

Naramdaman ko ang kamay nito sa baikat ko, napakislot ako ng may kakaibang dumaloy sa sistema ko.

Napapikit na lamang ako.

Nang buksan ko muli ang mata ay wala na ang malakas na mga tugtog at maiingay na tawanan ng mga tao.

Tanging ang nakakabinging paligid na lamang ang sumalubong sa akin.

"Gov nasusuka ako," Sabi ko pero hindi pa rin ito tumigil sa pag lalakad.

Sumimangot ako.

Sungit nito.

"What's your address?" Tanong nito.

Pilit ko siyang inaninagan.

"Huh?" Tanong ko dahil baka nabingiang ako.

"Your address?" Pag uulit nito.

Natawa ako.

Bakit niya hinihingi address ko?

Huminto kami sa tapat ng isang kotse.

Gamit ang isang kamay ay binuksan nito ang pintuan ng kaniyang sasakyan at ipinasok ako roon.

"Teka."

Akmang isasara niya na ang pintuan ay hinigit ko ang braso niya.

"What?" Kunot noong tanong nito sa akin.

Bumungisngis ako saka siya sinundot sa tagiliran.

"Ang pogi mo," Sabi ko saka parang batang ngumiti.

Problemado naman itong napahilamos sa kaniyang mukha.

"Jesus."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro