ACT 011

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Ano 'te, ganiyan ka na lang ba?" Tanong ni Rene nang isarado nito ang pintuan sa aking kwarto.

Agad akong napalingon sa kaniya at napabusangot ng makita ang dala-dala nitong kasirola.

Amoy pa lang alam ko na agad ang laman ng kasirolang 'yon. At sigurado ako hindi iyon kaaya-aya.

"Ito sopas pang tanggal ng kalandian mo." Ani pa nito saka nilapag sa harap ko ang kasirolang may nag lalamang sopas.

Agad na nalukot ang mukha ko nang makita ang nilalaman ng kasirola. Dinaig ko pa ang nasuntok sa sikmura dahil sa pag ikot ng aking sikmura.

"Ano 'yan pagkain pa ba 'yan?"

"Aba 'te, imbis na mag pasalamat ka na lang at nilutuan ka ng umagahan, hindi iyong tirik na tirik ang araw ay redhorse ang tinitinira mo!" Nakapameywang na usal nito.

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha saka tinabi sa kasirola ang hawak na red horse saka ako humilata sa aking kama.

Muling nanumbalik sa akin ang lahat no'ng gabing iyon nang itaklob ko sa aking mukha ang aking kumot.

Sabi nila kapag uminom ka ay makakalimot ka pero, bakit parang mas lumala ang sakit na nararamdaman ko?

Bakit hanggang ngayon ay naalala ko pa rin kung paano niya ako pag tabuyan pag katapos ng gabing 'yon?

Kung paano niya ako inalok ng pera para lang hindi mag salita.

At kung anong itsura niya habang binabanggit niya ang asawa niya?

Naramdaman ko ang malakas na pag sipa sa akin ni Rene.

"Ano ba talaga nangyayari sa 'yo at nag kakaganiyan ka? Dalawang araw ka nang hindi pumapasok tapos madadatnan ko rito umiinom ka lang ng redhorse? Gusto mo pala uminom marami niyan sa bar!" Pangangaral nito. Pakiramdam ko ay mabibingi na ako sa tinis ng kaniyang boses.

Ang sarap niyang sakalin.

"Umuwi ka na nga!" Sigaw ko sa kaniya ng alugin niya ako gamit ang kaniyang paa.

"Mag pahinga ka na at pumasok ka mamayang gabi, galit na galit na si Ryan sa iyo." Usal nito saka kinuha ang kumot sa aking tabi at nilagay sa akin.

Hinila ko ang kumot papunta sa aking leeg at hindi na muling nag salita pa, pinikit ko na rin ang aking mga mata hanggang sa narinig ko na lamang ang tunog ng pintuan senyales na lumabas na ito ng aking kwarto.

Pinikit ko na lamang ang aking mga mata hanggang sa namalayan ko na lamang na ako'y nakatulog na.

Pag kamulat ko nang aking mga mata ay ang kadiliman agad ang bumungad sa akin senyales na gabi na.

Umupo ako sa kinahihigaan ko at napasapo sa aking noo ng maramdaman ang pag kirot nito.

Dinaig ko pa ang hinampas ng malaking tubo sa ulo.

Napailing na lamang ako saka bumaba sa aking kama at pumunta sa kusina upang mag luto ng aking kakainin ngayong gabi.

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Rene kanina na pinapasok ako ngayon ni Ryan. Sigurado ako kapag hindi ako pumasok ngayon ay masesesante na ako pero para bang ayaw talaga kumilos ng katawan ko ngayon para mag ayos.

Siguro ay mapapakiusapan ko naman ang tigre bukas?

Pag katapos ko mag luto at kumain ay nag linis lamang ako ng aking sarili.

Ngunit habang hinahanap ang susuotin na damit ay may narinig akong mahihinang katok sa aking pintuan.

Akala ko'y guni-guni ko lang ngunit muli itong naulit kaya napatayo na ako.

"Sandali!" Sigaw ko nang kumatok ulit ito.

Napahilamos ako sa aking mukha saka nag lakad papalapit sa aking pintuan at saka iyon binuksan.

Ngunit natuos ako sa aking kinakatayuan ng makita ko ang kamao nito na muli sanang kakatok.

Kamay pa lamang niya ay alam ko na. Hindi ko alam kung bakit kahit na sandali ko pa lamang siya nakilala ay kilalang-kilala ko na siya.

"Hi." Ani nito sa maliit na boses.

Pinanatili ko ang aking seryosong emosyon habang tinitignan ang kaniyang mukha.

"Can i come inside?" Tanong nito sa akin.

"Why would i let you in?"Tanong ko rin dito.

"So we can talk?" Naitikom ko ang bibig ko.

Ano nanaman bang problema ng isang 'to?

Gabing-gabi mananakit nanaman siya.

Nangunot ang aking noo.

"Why do you want to talk?" Tanong ko rito.

He looked down and licked his lips saka ito muling tumingin sa akin.

Ang pogi.

Okay galit ako.

"Akhlys . . ." Pag tawag nito sa aking pangalan.

Inirapan ko siya saka ko pinag krus ang aking mga braso at tumingin sa kawalan.

Hindi niya ako madadala sa pa-soft voice niya ha.

"Umuwi ka na Gov, baka hinahanap ka na ng asawa mo. " Sabi ko saka siya tinalukuran upang sana isarado na ang pinto ngunit natigilan ako ng mag salita muli ito.

"We're having a divorce. " Wika nito.

Natigilan ako.

Dahil ba sa akin kaya sila mag di-divorce?

Hindi, sabi dati ni Airon matagal na nilang plano iyon, hindi ko na kasalanan iyon. At mas lalong ayaw ko na ma-involve sa kanilang dalawa.

"So? " Taas kilay kong tanong rito.

He looked straight to my eyes na para bang tinitimbang niya ang emosyon ko.

Sorry to burst your bubble governor but i can hide my emotions well.

"I just want to let you know. "

Napaisimid ako sa sinabi niya, at bakit ko naman gugustuhin malaman? E tapos na nga ako sa kaniya e.

Pinalayas niya nga ako noon sa bahay niya kahit na hindi pa ako tapos mag bihis!

Inofferan niya rin ako ng pera kahit na hindi ko naman hinihingi!

That's offending!

I don't even want to looked at him pero, God!

Ito nanaman ako.

Hindi ako puwedeng lumambot sa kaniya.

"Why are you even here? " Pag tataray ko rito.

He sighed.

Ano siya pa nauubusan ng pasensya? Lumayas na siya rito kung ganiyan siya!

"I told you i want to talk. " Tugon nito.

Binitawan ko ang aking pintuan saka sumandal roon.

"Why? "

"Because . . ."He started fidgeting his hands. And his eyes were looking at my door. He doesn't seemed comfortable talking.

I want to tell him to stop but i want to know why did he came here.

"Am i only your second choice, Hendrix? " Pang dadagdag ko pa sa tanong ko.

Napahilamos ito sa kaniyang labi. Tila hindi alam ang nais sabihin.

May speech disorder ba siya?

He looked stress.

"What? No that's not it. " Saad nito.

Napatango ako saka muling tumalikod sa kaniya at sinubukang isarado ang pinto ngunit mabilis ang naging pag kilos nito at itinulak iyon.

Gusto ko pa sana makipag talo sa kaniya but he just freaking looked like a child who lost her mom right now!

"Leave me alone. " Sabi ko na lamang saka binitawan ang pintuan at nag simulang mag lakad papasok sa loob.

I heard his footsteps following me pero hindi ako huminto sa pag lalakad.

"Let's talk. " Rinig kong sabi nito.

Umiling ako saka binuksan ang aking kwarto at akmang isasara iyon ng iharang niya ang kaniyang kamay.

I gritted my teeth as i heard him growl by the pain.

Ang kulit kasi!

Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ko nanaman ang pag kirot nito.

Damn hangover.

"We won't talk. "

"Akhlys . . ." Pag tawag nito muli sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin dahil sa pananakit ng ulo.

Tinalikuran ko siya at saka muling nag lakad ngunit natigilan ako ng maging dalawa ang paningin ko.

Napahawak ako sa aking mga mata at napamewang.

Hangover pa ba 'to?

"You okay? " Dinig kong tanong ni Gov sa likuran.

Bahagya ko siyang nilingon at nakakunot na ang makinis nitong noo habang pinag mamasdan ako.

"I'm fine, get out. " Saad ko ngunit ang makulit na Gov ay nag simulang mag lakad papalapit sa akin.

"You looked sick. "Ani pa nito.

Napasinghal ako.

He's impossible!

"Because i do, now get out! " Sigaw ko.

"No i won't leave you here."

Umiling ito saka ako hinawakan sa dalawang balikat at marahang binuhat saka inupo sa aking kama.

Natawa ako sa sinabi niya.

He won't leave? Should i have said that too that night!?

I want to fucking punch his face right now pero iniisip ko pa lang ay na gu-guilty na ako kaya naman itinulak ko na lamang siya ng sinimulan niya akong alalayan pahiga.

"Get out, get out of my life just like what you asked for me that night! " Sigaw ko saka hinila ang isang unan at binato sa kaniya ngunit nakailang siya.

Ang kapal ng mukhang umilag!

"Akhlys . . ." Tawag nitong muli.

Is he chanting something on me? Paulit-ulit niya na lang akong tinatawag, nakailang Akhlys na ba siya ngayon!?

I saw him sighed again kaya mas lalo akong nainis.

". . . Just leave. " Turan ko saka tumingin sa ibang banda ng kwarto.

I felt him move but I didn't looked at him.

Pag katapos ng ilang segundong katahimikan muli itong bumuntong hininga.

"I'm sorry. " Saad nito sa malamyarmos na boses.

Tila ba hinele ako ng mga ulap sa langit sa lambot ng pag ka-kasabi niya no'n ngunit hindi ako marupok!

"No, you're not. "Sabi ko. Hindi nag papatinag.

May narinig muli akong pag kilos sa banda niya hanggang sa naramdaman kong umuga ang kama sa tabi ko kaya nangunot ang aking noong napatingin sa kaniya.

"Please listen . . . I didn't mean it. " Wika nito.

Hindi ako nag salita at pinakatitigan lamang siya ng ilang segundo hanggang sa tuluyan kong nabuka ang aking mga labi.

"I know, because you have a wife. I swear, I won't ever see you again—" labag sa kalooban kong ani.

"That's not what i mean. " Naiiling na wika nito.

Napa-singhal ako saka siya galit na tinignan.

What's wrong with this guy!?

"Please stop playing with—." Inis kong wika ngunit natigilan ako ng makita ko ang pag lapit nito.

He cupped my face and leaned on me and then i felt his lips on mine.

Pakiramdam ko ay nag wala ang buong sistema ko lalo na nang maramdaman ko ang pag galaw ng kaniyang labi sa akin.

Hanggang sa lumayo na ito sa akin ay natulos lamang ako habang malaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry i'm not good at words."

"Why the hell did you do that!?" Nag pupuyapos kong tanong ngunit dahil si Hendrix Sullivan siya na hindi raw magaling sa mga salita ay muli itong lumapit sa akin saka hinawakan ang aking mukha at muli.

Naramdaman ko ang kaniyang malambot na labi sa aking mga labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro