ACT 012

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa isang matigas na bagay na aking inuunan. Gusto kong idilat ang aking mga mata upang sana tignan kung anong klaseng unan ba ang hinihigaan ko ngunit tila hinihila muli ako ng antok dahil sa sobrang komportable ng pakiramdam ko.

Sinubukan ko pang kapain ang malaki kong unan at napasimangon ng maramdaman ang mga balahibo roon.

"Are you done touching?" Ani ng isang boses ng ibaba ko pa ang pag kapa ko sa aking unan.

Unti-unti ay napamulat ako ng mga mata at napataas ng tingin sa isang pamilyar na lalaki.

Parang nag loading pa sa utak ko ang mga nangyayari hanggang sa biglang na lamang pumasok sa isipan ko ang isang eksena.

Ang eksena kagabi.

"Get off me." Kunot noo nitong wika.

Muli akong napatingin sa matigas na hinihigaan ko at nanlalaki ang mga mata ng mapag tanto na sa dibdib niya pala ako nakahiga.

"Sorry!" Agaran kong pag hingi ng pasensya.

Mahirap na at baka mainis nanaman sa akin ang isang 'to.

Pero hindi ko napigilan ang aking sarili at sinuyod ng tingin ang kaniyang katawan.

Napaupo ito galing sa kaniyang pag kakahiga dahil sa ginawa ko.

"What do you think you're doing?" Kunot noo nitong tanong sa akin.

Goodness, lord totoo po ba 'to?!

Gusto kong sampalin ang aking sarili ngunit sapat na siguro ang mga sinabi niya sa akin kagabi para ipaalam sa sarili ko na totoo itong mga nangyayari ngayon, hindi ba?

Napatingin ako sa aking sarili at nahugot ko ang aking pag hinga ng makitang wala rin akong ibang saplot bukod sa aking kulay itim na underwear na isinuot sa akin ni Gov pag katapos ng nangyari.

He's. . . A sweet guy.

"Gov?" Pag tawag ko sa kaniya. I even poked his arms just to see if this was real.

And guess what hindi tumagos ang mga daliri ko, totoong too nga siya!

Hindi niya ba ako bubulyawan? Oofferan ulit ng pera? O baka ipamukha niya ulit sa akin na may asawa siya?

Nag hintay ako ng ilang minuto para sa kaniyang magiging violent reaction pero wala.

Tinitignan niya lamang ako na para na akong nahihibang habang sinusuyod siya ng tingin.

"What are you doing?" Kunot noo nitong tanong sa akin ng mag simula akong lumapit sa kaniya at hinawakan mag kabilaan ang kaniyang mga pisngi.

"Ang pogi mo sa umaga Gov." Usal ko saka pinisil ang kaniyang pisngi.

Tinanggal nito ang aking kamay sa kaniyang pisngi.

"Just in the morning?"

Natawa ako sa naging tanong niya.

Siyempre naman Hendrix hindi! Ikaw na 'yan e.

"Araw at gabi kang pogi Gov." Sagot ko rito saka siya kinindatan. Bahagya itong natawa sa sinabi ko saka siya napahawak sa kaniyang baba.

"Psh. Let's get up." Kunwari ay masungit na anya ngunit mayroon na maliit na ngiti sa kaniyang labi.

Tatayo na sana ito upang bumaba ng kama ngunit hinila ko agad ang janiyang braso at muling pinaupo sa kama.

"Wait teka."

Nangunot muli ang kaniyang noo

"What? "

Hindi ko na siya sinagot, muli kong linapit ang sarili ko sa kaniya.

Tinanggal ko ang brasong humaharang sa kaniyang katawan saka siya bahagyang tinulak at pinatungan.

"Hey!" Pag tutol nito sa ginawa ko. Sinubukan ako nitong tanggalin sa pag kakaupo sa kaniya ngunit hinawakan ko ang kamay niya.

"May binibilang ako. " Saad ko sa pilyong tono.

Tumawa ako sa pag kalukot ng kaniyang mukha.

"Stop."

Sinubukan nitong ilagan ang aariling katawan pero kiniliti ko siya gamit ang aking mga daliri.

"Sandali hindi ko 'to nahawakan kagabi, masyado kang mabilis." Natatawa kong sabi habang pilit binibilang ang kaniyang mga tinapay sa tyan.

Bibili siguro ako ng palaman mamaya ano?

"Stop doing that." Ani nito ng sundutin ko ang kaniyang tyan.

"Sandali nga e!" Sigaw ko ngunit natigilan ako ng hawakan ako nito sa aking baywang at iangat upang tanggalin sa pag kakapatong sa kaniya.

Napaawang ang aking labi ng tumayo ito sa kama at pinulot ang kaniyang mga damit at sinuot.

"I'm hungry let's eat." Pang anyaya nito.

Napairap ako saka muling humilata.

Tsk. Gusto ko lang naman bilangin e!

"Sungit! "

Pag kalabas ko ng aking kwarto ay ang nag lulutong si Gov ang sumalubong sa akin.

Amoy ko ang mabangong amoy ng garlic habang hinahalo niya iyon sa isang kawali.

Napangiti ako habang pinag mamasdang ang gumagalaw nitong likod.

Manipis lang ang kaniyang suot na white T shirt kaya naman kitang-kita kung paano gumalaw ang kaniyang matikas na katawan.

"Ano 'yang niluluto mo?" Tanong ko rito ng lumapit ako sa kaniya.

Lumingon ito sa akin ngunit muli nitong seryosong ibinalik ang tingin sa niluluto.

"Guess it."

Para akong batang umirit sa isipan ko.

Hay nako tignan mo nga naman ang buhay, parang kahapon lang ay nag eemote ako pero ito ako ngayon at parang batang kinikilig habang nakatingin sa kaniya.

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong ko rito ng ilatag niya sa lamesa ang mga linuto.

Tinignan ko iyon isa isa at napangisi ng makita ko ang sinangag na kanin at nuggets.

"I should be on the office in this hour." Sagot nito.

Napasimangot ako sa sinabi niya, so kasalanan ko pa bang andito siya? Siya naman ang pumunta rito.

At saka dapat umalis na siya kanina pang umaga diba? Hello tanghali na po.

"A little rest is not bad at all." Dagdag nito ng makita ang aking pag busangot.

Inirapan ko ito saka sumubo ng kanin na kaniyang sinandok para sa akin.

"So. . . Tara gala?" Pag aaya ko rito na agad nag patikwas sa kaniyang kilay.

I smirk and the next thing happened ay hawak ko na ang braso ni Gov habang nag lalakad kami sa loob ng mall.

Malaki ang ngisi ko habang parang donyang nag lakad at pinag mamasdan ang kunot sa kaniyang noo.

Kahit siguro ako ay maiinis sa sitwasyon niya ngayon, pero ano bang magagawa niya?

"Why you look mad, Gov?" I asked teasing him.

Hindi ito lumingon sa akin ngunit kita ko ang pag busangot nito habang patuloy na nag lalakad.

"Who wouldn't? "Magaspang na tanong nito sa akin.

Humalakhak ako sa sinabi niya saka siya muling sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Why do i even have to wear this stupid coat? We're in the Philippines." Pag dagdag pa nitong sabi sa naiinis na tono.

"Your role for today is my sugar daddy, Gov." Sabi ko saka hinimas ang kaniyang braso.

Mas lalong nalukot ang kaniyang mukha sa sinabi ko.

He looked like a foreigner with a fake white beard on his face. He also wearing a fake white wig that makes him looked old.

Ano naman kasi ang masasabi ng ibang tao kapag nalaman nilang ang pinakamamahal nilang governor ay may kasamang ibang babae bukod sa kaniyang asawa?

Kahit pa sabihin natin na halos walang nakakakilala kay Gov dahil hindi naman ito nag papakita sa publiko ngunit mas mabuti pa rin ang mag ingat.

Ayaw ko naman masira ang kaniyang reputasyon kaya naman pinilit ko siya kaninang mag suot ng pang matanda.

Kinulayan ko rin ang kaniyang mukha-nilagyan ng wrinkles sa kaniyang noo at pisngi.

"I'm not that old!" Gunita nito.

Ngumiti ako saka siya tinanguan upang lalo pa siyang inisin.

"Okay if you say so."

"Why did we go here?" Tanong nito ng lumiko kami ng daan.

"Window shopping."

Nangunot ang kaniyang noo.

"Why bother walking and looking stuffs if you won't buy things?" Kuryoso nitong tanong sa akin.

Napalingon ako sa isang shop na malapit sa amin.

Ang mga tinitinda ng shop ay puro underwear o hindi kaya ay brassiere ng mga kababaihan.

Napangisi ako saka muling kumapit kay Gov para iparating sa kaniya na gusto kong pumunta sa shop na iyon.

"Then buy me things. " Ani ko rito.

Tumango naman ito sa sinabi ko.

"What should i buy you? "

I beamed at him.

"You guess. " Pang iinis ko pa, ngunit tila sineryoso talaga nito ang sinabi ko sa kaniyang mag papalibre ako.

"Necklace? " Tanong pa nito sa akin.

"Oh my, my sugar daddy is so generous naman. " He frown to what i said.

"I'm not your sugar daddy. "

Tumango na lamang ako sa naging sagot niya sa akin.

"Okay if you say so."

Pag kapasok namin sa loob ng boutique ay may lumapit kaagad sa aming sales lady.

Biniyan nito kami ng malaking ngiti sa labi, bahagya rin itong yumuko sa amin upang mag bigay galang.

Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya bago muling binalingan ng tingin si Gov na kunot ang noong nililibot ang tingin sa paligid.

Siguro ay nag tatakha na ito kung bakit kami naandito.

"Just a second." Pag papaalam ko rito saka pumunta sa isang stall ng mga undies.

Tinignan ko ang isa-isa ang mga kulay na nakasabit doon ng maramdaman ko ang presensya ni Gov sa tabi ko.

Nilingon ko ito at ang nakasimangot niyang mukha ang bumungad sa akin.

"What is that?" Tanong nito sa akin kahit na alam kong alam niya naman na kung ano ito.

Duh, ito 'yong tinanggal niya kagabi sa akin 'no!

"The one you torn last night. " Sagot ko sa kaniya saka kinuha ang kulay pula na lace ang design.

Nilapitan ko ang sales lady na namula ang mukha dahil sa sinabi ko.

Sinulyapan nito ang mukha ni Gov bago muli akong tignan.

Nginitian ko ang babae.

"I'll buy this." Sabi ko sa kaniya.

Ngunit naalala ko nanaman kung paano niya punitin ang pinakamamahal kong undies kagabi.

Hinarap kong muli si Gov saka ko pinag krus ang aking mga braso.

"You know what you should buy me this one as a payment for my torn undies last night. "

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro