Fourteenth Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng


Fourteenth Shot

WEST.

"Wow! Kobe beef!" masiglang masiglang sabi ng God of love nang ilapag ng waiter ang in-order naming kobe beef sa harapan namin.

"Itsura pa lang, parang ang sarap na ah!" sabi naman ni Jillian.

"It is!" pag mamayabang nung asungot na si Ryan sa kanya. "You should try it, Jillian."

Humiwa sa beef si Ryan at inilagay sa plato ni Jillian. Tinikman naman ni Jillian ito.

"Oo nga! Ang sarap! You should try it guys!"

"Talagang kakain kami kahit hindi mo sabihin!" sagot naman ni Cupid sa kanya at kumuha rin ng serving ito para sa kanila ni Psyche.

"Buti talaga sinuggest mo Ryan. Expensive pero worth it! Ang sarap!" sabi ni Jillian.

Nginitian siya nung asungot, "naman! Isa talaga yung kobe beef sa ipinupunta ng mga tao rito sa Japan. Para bang hindi kumpleto ang pagbisita mo rito kapag hindi ka kumain ng kobe beef."

Edi siya na! Siya na ang expert! Siya na ang kobe beef master. Lamang lang siya ng isang paligo sa akin dahil travel blogger siya at nag re-research talaga siya. Pero mas gwapo naman ako!

Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa Kyoto at kumakain ng dinner. Hindi kasama sa binayaran namin na package ang Kobe beef pero nag pilit itong si Ryan na um-order at maghati-hati kami.

Ako lang ang tutol. Gagastos ka ng libo para sa isang karne? Naglolokohan ba kami?

Pero gustong i-try ni Jillian. Naki-epal pa si Cupid. At dahil supportive si Psyche sa asawa niya, nakigaya na rin siya. Ayoko namang masabihang KJ kaya sumige na rin ako.

Tinignan ko si Jillian. Nakatingin siya kay Ryan at nakangiti habang si kobe beef lord eh busy magpaliwanag sa kanya tungkol sa karne na nasa harap namin.

Tss. Pakitang gilas. Pa-bibo. Ang liit naman ng ilong.

"Ang sarap ng kobe beef pero nagiging bitter dahil sa aura mo," bulong ni Cupid.

Kinunutan ko lang siya ng noo at inis kong tinusok yung beef na nasa harap ko. Hindi yung kobe beef kundi yung beef talaga na binayaran namin na kasama sa package tour!

"Uy West, try mo yung beef! Super sarap. Tama si Ryan! It melts in your mouth talaga!" sabi ni Jillian.

"Uhmm.."

"Oo nga West! Try it!" pang gagatong pa ni Cupid.

"Masarap!" dagdag naman ni Psyche.

"Wait pag lalagay na kita."

Humiwa si Jillian sa karne na nasa harap namin at inilagay sa plato ko.

Syempre hindi na ako naka-hindi. Si Jillian yun, eh. Mahihindian ko ba ang babaeng mahal ko?

Tinikam ko yung beef kahit na suggested pa 'to ni kupal lord.

"So?" nakangiting sabi ni Jillian.

I smiled back, "it's good."

"Told you!" sabi nung kupal.

Edi siya na!

"West kanina kinukwento ko kay Jillian yung myth nung kwintas na binigay mo sa kanya," sabi naman ni Cupid.

Napalingon ako sa kanya, "myth? Anong myth?"

"See! Hindi rin alam ni West yung myth na sinasabi mo. Imbento mo lang ata 'yon!" sabi naman ni Jillian kay Cupid.

"Oy hindi 'no! Sweet kaya nung myth na yun!" nilingon ni Cupid si West. "Kinuwento ko kasi dito kay Jillian na yung kwintas na 'yan, ginawa ni Eros para ma-save ang tadhana ng dalawang nilalang. Namatay kasi sa car accident yung babae at para hindi masira ang tadhana nila, ibinigay ito ni Eros bilang proteksyon."

Cupid gave me a meaningful look. I gave him an appreciative smile in return.

Kahit mukha siyang walang kwenta, alam kong kahit papaano eh gumagawa pa rin pala siya ng paraan para sa amin ni Jillian.

"Bwiset na myth na yun. Katangahan lang naman nung babae kaya nasira ang tadhana niya!" sabi ni Jillian at pareho kami ni Cupid na halos maibuga yung iniinom namin dahil sa sinabi niya.

Humagalpak ng tawa si Cupid at Psyche.

Binatukan ko naman ni Cupid para manahimik pero tuloy pa rin sa pagtawa.

"Oo tanga nung babae. Dapat hindi nililigtas yun ni Eros eh!" sabi ni Cupid.

Tinignan ko siya ng masama.

Natahimik siya.

Kaya naman pala makuha sa tingin ng isang 'to.

"Hindi tanga yung babae. Sadyang may mga bagay lang na inevitable," sabi ko.

"Wow, may pagka-deep ka pala pre?" sabi ni kupal.

I just shrugged.

"Si West pala, ayan yung boss ko dati doon sa publishing house na pinagtatrabahuhan ko noon. Magaling 'yan!" sabi ni Jillian.

Napangiti ako.

Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa sinabi ni Jillian.

Pinagmamalaki nya ako, eh!

"Wow. So kay West ka rin magpapasa ng manuscript pag natapos mo na yung book na sinusulat mo?"

Nawala ang ngiti sa labi ko.

"You're writing a book?" tanong ko kay Jillian.

"Well, kung matatapos," nakangiti namang sabi ni Jillian.

Buti pa kay Ryan nabanggit niya ang bagay na yun. Sa akin, hindi.

"Kaya dapat talaga makakuha ka na ng inspirasyon dito," sabi naman ni Ryan.

"You owe me a story!" masigla namang sabi sa kanya ni Jillian.

"Hindi mo naman nahulaan sino yung tinutukoy ko, eh!" natatawa-tawang sabi ni Ryan.

"Ang dami mo kasing kasamang babae doon sa blog mo!" sagot ni Jill na natatawa-tawa rin.

"Kumain ka na lang ng kobe beef," bulong ni Cupid sa akin.

"Tsaka yung beef na hindi kobe," sabi naman ni Psyche at pinaglagay pa ako ng maraming beef sa pinggan ko.

Nanahimik na lang ako at kumain habang masayang masaya na naguusap yung dalawa sa harap ko.

Oo na, nag seselos ako lalo na't alam kong pinopormahan ng Ryan na 'to si Jillian.

Halata pa kay Jill na ang komportable niya kapag kausap si Ryan. Samantalang sa akin ramdam ko na may times na nagiging awkward siya.

Pero 'di ko rin naman siya masisisi.

Minsan ang creepy ng ginagawa ko. Ang weird ng mga lumalabas sa bibig ko. May mga pagkakataon pa na hindi ko mapigilan ang maging straightforward sa kanya.

Oo. Kaya talagang may times na na-a-awkward-an siya sa akin.

Bakit kasi hindi ko kayang maging cool guy katulad nitong mokong na nasa harap ko?

Nakakainis.

~*~

JILLIAN.

"Let me help you."

Kinuha ni West ang maleta ko at siya ang nagdala nito papasok sa panibagong hotel na tutuluyan namin.

Nakarating na kami ngayon sa Osaka at bukas, dito na kami mag t-tour. Pero ngayong gabi, gusto ko na lang munang mahiga sa kama ko at matulog dahil pagod na rin ako.

"Thank you, West!" masigla kong sabi sa kanya.

He smiled at me.

At ayun lang ang tanging reaction niya.

O—kay?

Kanina ko pa pansin na parang ang lungkot niya tas matamlay siya. Ilang beses ko siyang tinry kausapin. Nakikipagusap naman siya sa akin ng masaya pero something's off.

Ano kaya problema nito?

Tinulungan ako ni West na dalhin ang mga gamit ko sa room ko pero ang tahimik niya.

Sanay naman akong tahimik siya pero lately kasi ang daldal niya eh. Nabibingi tuloy ako sa katahimikan niya.

"Here you go," inilapag ni West ang maleta ko sa tapat ng room ko. "Doon ako sa kabilang side, eh."

"Naku napalayo ka pa tuloy dahil sa akin. Pasensya na ah?"

He smiled at me, "no worries. See you tomorrow, Jillian. Good night."

"Good night."

Naglakad palayo sa akin si West at ewan ko kung bakit bumibigat ang loob ko habang nakatingin ako sa likod niya.

"W-West!"

Napahinto sa paglalakad si West at nilingon ako.

"Hmm?"

"Uhmm.. k-kasi.. ano..."

SHIT NA YAN.

Ba't ko ba siya tinawag?! Wala naman akong sasabihin sa kanya eh! Ano baaaa!

"Yes?" nakangiti niyang tanong.

"Ahmm," ngitinitan ko rin siya. "T-thank you sa pagtulong sa akin! G-good night!"

Kahit halata ang pagtataka sa mukha niya, nginitian na lang niya ako.

"Good night, Jillian."

At naglakad na siya palayo sa akin.

Tumalikod din agad ako at pumasok sa loob ng room at isinara ang pinto.

What was that? Bakit ganun?

For a moment, gusto kong sabihin kay West na wag muna siya umalis. Na dito muna siya. Na magkwentuhan muna kami.

Napahiga ako sa kama ko.

Shit shit shit shit.

I almost invite him inside my room! Malandi kang babae ka Jillian! Ano ba!

Kumakabog yung dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali.

Para ma-kalma ko ang sarili ko, nagbabad muna ako sa bathtub.

Sabi ko, pumunta ako sa Japan para mag relax at para humanap ng inspirasyon. Pero sa totoo lang, I'm here because I want to escape and to think.

Pero hindi ko in-expect na may mararanasan akong mga ganitong bagay.

West Martinez.

I remember how much I loathed that guy nung nag tatrabaho pa ako sa kanya. Bawat salitang binibitiwan niya noon, nakaka baba ng self esteem. Para siyang isang terror na prof. Ayokong ayoko siyang nakikita noon.

Pero malalaman ko na kaya ganun siya sa akin dati is because he likes me. At ngayon open na open niyang pinapakita ito. May times na ang straightforward pa niya sa akin.

At natitiklop ako kasi—ewan! Hindi ko alam! Para siyang hindi si West na boss ko na terror. Para siyang ibang tao.

At unti unti, nagugustuhan ko siya.

Napahinga ako nang malalim.

Ayun. Ayun na nga yon.

I am starting to like him kaya ako nagkakaganito. Kaya yung kahit magkikita naman kami bukas at magkakasama buong araw, parang kulang pa rin.

Kasi gusto ko lagi ko na siya kasama at kausap.

At ngayon parang ang tamlay pa niya.

Bigla akong natigilan.

Shit. Hindi ko naisip 'yon!

May sakit kaya siya kaya ganun? Masama ang pakiramdam?

Pinagbuhat ko pa siya ng maleta!

Dali-dali akong nag anlaw at isinuot ko ang yukata na naka-ready na sa room ko.

Hinalungkat ko ang gamit ko at kinuha ko yung gamot na ibinaon ko.

Lumabas ako at naglakad papunta sa room ni West.

At hindi ako gumagawa ng moves no! Concern lang! Yun lang. Iaabot ko lang yung gamot. Ano ba! Hindi nga sabi eh!

Sige Jillian, kumbinsihin mo ang sarili mo.

Sa kabilang corridor ang room ni West kaya naman lakad ako papunta doon. Hindi pa ako nakakalapit ay may naririnig na akong mahihinang tawanan ng mga babae. Sina Bethlog ata at ang mga kaibigan niya.

Narinig ko sila kanina nagtatanong kay Chiharu kung saang bar pwede gumimik. Mukhang kakabalik lang ng mga bruha.

"You go girl!" dinig kong sabi nung isa.

Lumiko ako at tama nga yung hinala ko. Sina Bethlog nga.

Pero napahinto ako sa paglalakad.

Nakita ko si Beth na nakatayo sa harap ni West at sobrang lapit niya dito. Nakapatong ang dalawang kamay ni Beth sa magkabilang braso ni West.

Bumukas ang pinto sa kwarto ni West at itinulak ni Beth si West papasok sa room.

Nagsara ang pinto.

Lumakas ang tawanan ng mga kaibigan niya.

"Mag eenjoy si West ngayong gabi," sabi nung isa.

Tumalikod ako at nanginginig ang buong katawan ko na bumalik sa kwarto ko.

What the hell.

To be continued...


Aly's Note

Readers! Sorry talaga kung natatagalan ang update. Medyo busy lately si author isa pa ang tindi talaga ng writer's block ko. Pero bawi ako! I'll post another update on Saturday! <3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro