Thirteenth Shot

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng



Thirteenth Shot

JILLIAN


"Kasal na si Edgar?!" gulat na gulat na tanong ko kay West.

Nandito na kami ngayon sa Kyoto at kasalukuyan naming nililibot ang Heian Shrine. Sa lahat ata ng mga temples na napuntahan namin, isa ito sa pinaka paborito ko kasi sobrang relaxing ng ambiance.


"Yep! Last February 14 to be exact. I was there."

Inilabas ni West ang phone niya at pinakita niya ang picture nila ni Edgar at ng malas na asawa nito.

"Holy shit," sabi ko. "Si Diana Martin ba 'yan?! Yung model and beauty queen?!"

Tumango si West, "yep! That's her!"

"Paano? Paano nabingwit 'yan ni Edgar?!"

Napatawa si West.

"Ikaw ah, grabe ka kay Edgar!"

"Eh kasi, yung Edgar na yun! Naku, alam mo naman 'di ba kung ano ugali niya? Na lahat sa office inis sa kanya non paano ba naman hindi marunong makisama at bawat mga salitang sasabihin niya eh nakakainis. Ilang beses ko na kayang binalak na i-stapler ang bibig nun! Then si Diana Martin ang napangasawa niya? Anong swerte ang tumama sa unggoy na 'yon?"

Napatawa ulit si West, "grabe naman ang hinanakit mo kay Edgar! Baka naman type mo siya?"

Tinignan ko ng masama si West.

"Uminom ka nga ng kape para nerbyusin ka naman sa sinasabi mo. Pero, seriously, bulag ba si Diana?"

Ipinatong ni West ang kamay niya sa ulo ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad. He's smiling at me.

"He really loves her you know? Alam mo kahit ganun yun si Edgar sa trabaho, pag nakita mo siya kung gaano niya ka-mahal si Diana, ay naku, hahanga ka doon sa taong yun. Sobrang alagang-alaga niya yun. Masasabi mong si Diana pa ang swerte sa kanya."

Tinignan ko si West, "parang ang hirap pa rin paniwalaan."

"Well, that's love. Sabi nila true love na yun if you became a better version of yourself because of the person you love."

Napangiti ako sa sinabi ni West.

"Hindi ko alam na may pagka deep ka pala, sir."

Mas lumawak ang ngiti ni West then he leaned forward at binulungan ako.

"Sa'yo lang. Nagpapakitang gilas kasi ako."

Kinagat ko yung dila ko dahil feeling ko, ngingiti ako ng pagkalawak lawak.

Gusto kong tumakbo ngayon palayo kay West at magtatatalon kasi badtrip! Oo na! Kinikilig na ako! Bwiset na yan! At hindi naman ako pwedeng kiligin sa harapan niya kasi wa poise.

Jusko naman oh!

"West! Jillian! Picture!"

Napatingin kami pareho ni West kay Psyche na may hawak na camera.

Automatic na ipinatong ni West ang braso niya sa balikat ko. Pareho kaming ngumiti.

"Nice shot!" sabi ni Psyche habang tinitignan ang picture namin.

"Patingin," sabi naman ni Cupid at kinuha ang camera kay Psyche.

Lumapit kaming dalawa ni West para tignan yung picture.

"Aba ayos ah!" sabi ni Cupid. "Parehong ang lawak ng ngiti niyong dalawa. Masayang masaya lang?"

Napatingin ako. Oo nga. Ngiting ngiti kami ni West kainis.

At talagang kailangan pang pansinin ni Cupid 'yon? Bwiset eh.

After namin pumunta sa Heian Shrine, dumiretso kami sa isang restaurant para kumain ng lunch. Nasa long table kami nakaupo. Sa kanan ko ay nakapwesto si West. Sa kaliwa ko naman ay si Ryan. At sa tapat ko ay si Bethlog na ilang beses akong iniirapan.

Kanina nang papasok kami sa restaurant, nagparinig pa ang bruha. Sabi ba naman: "Di raw ako type ni West. Palibhasa lalandiin kaya binabakuran."

Edi push!

Hindi ko na lang inintindi at ayokong sirain ang araw ko sa kababawan niya. Pumunta ako sa Japan para mag saya at hindi mainis sa mga linta.

Sana lang mahipan ng hangin ang mata niya para ma-stuck yung itim sa taas dahil irap nang irap eh.

After namin kumain, dumiretso naman kami sa Kiyomizu temple.

Bago ka makarating sa pinaka temple, may madadaanan kang hile-hilerang mga souviner shop. Sabi ni Chiharu, bibigyan niya kami ng three hours para mag libot. Saktong sakto dahil hindi pa ako nakakahanap ng mga pasalubong sa mga kapatid ko.

Ang daming tao sa Kiyomizu temple. Mukhang may event sila kasi karamihan, nakasuot ng yukata.

Ang gaganda ng mga Japanese girls na ayos na ayos habang naka yukata sila. Ang gaganda rin ng designs ng yukata na suot nila.

Hindi ito yung tulad ng yukata na sinusuot namin sa hotel. Ito yung klase ng yukata na gawa sa silk tapos may makukulay na designs like cherry blossom, o dragons.

Sa taas ng Kiyomizu temple, pwede kang bumili ng mga charms. Bumili ako ng apat. Happiness charms. Isa para kay daddy, Tita Sally at sa dalawa kong half-brothers.

"Daming pinamili ah?" sabi ni Cupid sa akin.

"Ah, pasalubong lang para sa family ko."

"Nawiwili rin si West at Psyche sa pagbili."

Pareho kaming napatingin ni Cupid doon sa dalawa na busy sa pag tingin ng mga charms.

"Nice necklace," tinuro ni Cupid yung suot suot kong kwintas at sa ngiti pa lang niya, alam ko nang aware siya kung kanino galing 'to. "Alam mo ba na may myth yang compass necklace na yan?"

Napatawa ako nang mahina, "grabe pati kwintas may myth na rin?"

"Oo 'no! At totoo yun! Gusto mong marinig kung ano myth niyan?"

"Ayoko."

"Wala kang magagawa. Ikukwento ko pa rin sa'yo."

"Nagtanong ka pa kung gusto kong marinig! Sapakin kita eh!"

"Heh! Makinig ka kasi! Wag kang KJ!"

"Oo na eto na! So ano na yung myth?"

"Alam mo, ginawa ni Cupid ang kwintas na 'yan para protektahan ang destiny ng dalawang tao."

Napahawak ako sa kwintas, "ikaw ang gumawa nito?"

"Oo—este hindi! Si Cupid as in kupido at Eros!"

"Ah. Si Cupid. Yung baby na mataba na nakabahag na may hawak na pana."

"Hindi ganun ang itsura niya! Isang kalokohan ang imaheng 'yon!"

"Wow! Close kayo at alam na alam mo?"

"Heh! Magtigil ka! Hindi mo ako sineseryoso eh!"

Pinanliitan ko siya ng mata.

Tingin ba niya eh kaseryo-seryoso siya?

"Pero ayun nga, ginawa niya ito para protektahan ang kapalaran ng dalawang nilalang. Sila kasi ang nakatadhana sa isa't-isa kaso nga lang lapitin sa disgrasya yung babae. Magtatagpo na sana ang landas nila ngunit napahamak yung babae."

"Napahamak? Paanong napahamak?"

"Nasagasaan ng rumaragasang sasakyan."

Napatawa ako ng malakas.

"Seryoso yan?"

"Oo! Yun talaga ang nangyari!"

"Ang tanga nung babae! Hahahahahaha!"

Napahagalpak din si Cupid ng tawa, "you have no idea! Siya na ata ang pinaka tanga at malas na nilalang na nabuhay sa mundong ito!"

"Akala ko naman na-kidnap ng halimaw o ng ibang greek gods, o kung ano pang trahedya. Pero nasagasaan? Kainis eh!"

"Nakakainis talaga."

"Ang stupid ng myth na kinukwento mo!"

"Kasing stupid nung babae?"

"Oo!"

At humagalpak ulit si Cupid. Tatawa sana ako kaso parang may halong panlalait na ang bawat tawa niya. At hindi naman ako pinagtatawanan niya pero bakit parang feeling ko gusto ko siyang sapakin?

"Ituloy mo na ang kwento mo!"

"Dahil nga sa nangyari, kinuha ni Cupid ang lumang compass. Ito ang compass na dapat ibibigay niya sa magiging apprentice niya. Kaya lang pinili ng apprentice niya ang maging isang mortal na lang kaya nawalan ng kapangyarihan ang compass. Hinulma niya ulit ito sa panibagong compass at ibinahagi ang ilang kapangyarihang taglay niya upang protektahan ang kung sino mang mag susuot nito. Alam din ni West ang myth tungkol diyan. Kaya ibinigay niya sa'yo yan Jillian. Gusto niya kasi palagi kang safe, tanga ka pa naman."

Sinapak ko ang braso niya.

"Bwiset ka ah!"

"Bwiset ka rin! Matapos kitang kwentuhan sasapakin mo ako!"

"Ewan ko sa'yo!"

Napahawak ulit ako doon sa compass. Kada titignan ko 'to, parang nakakaramdam ako ng nostalgia. Yung feeling na parang may nangyari sa past na gusto kong maalala pero hindi ko maisip kung ano iyon.

Hindi naman ako naniniwala sa mga myths at yung kwento na myth ni Cupid ang pinaka stupid na narinig ko.

Pero hindi ko mapigilang mapangiti. Kasi yung thought na gusto ni West na palagi akong safe, nakaka touch.

"Ngiti ngiti, kinikilig!" pangaasar ni Cupid.

"Shut up!" saway ko sa kanya pero hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.

"Hay! Wala eh. Ibang klase rin kasi talaga ang hagupit ng bagyong Jillian sa puso ng Kanluran!"

Napalingon ako kay Cupid. Kinindatan niya ako at naglakad na siya palapit kay West at Psyche.

I blink.

Bakit parang narinig ko na yun dati?

To be continued....


Aly's Note

Hallo guys! Sorry natagalan ang update. I'm currently suffering from a major writer's block. Wahaha. Sisihin niyo si Legolas :'(

Anyway, hindi ako nangangako pero susubukan ko ulit mag isa pang update bukas bago ako mag bakasyon ng apat na araw.

Ayun lang. Salamat po! :D

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro