Chapter 11

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 11♡__♡

Dahil hindi natuloy ang pagpunta sa America, ipinagpatuloy ni Czarina ang modelling career.

At kahit gaanong malaki ang gagastusin sa Santillan's Secret Garden, nanganganib pa ring maubusan ng pondo ang pagpapagamot ng kanyang Mama.

Palagi kasing hindi maganda ang balita ng real estate agent sa kanya.

"Medyo mahirap ibenta ang property n'yo dahil lumang-luma na ang bahay. Natutuklap na ang pintura sa bubungan at sa mga dingding. Napakasukal pa ng buong bakuran"

Malaki-laki pa ang gagastusin para maging presentable ang property kaya naglagari si Czarina sa pagmomodelo. Malimit niyang maisip ang offer na nude photo session sa kanya noon.

Nagdalawang-isip siya dahil umiiral pa ang natural na delikadeza niya. Ngunit kailangan niyang kumita ng pera....

Matapos ang ilang linggong pagpapatumpik-tumpik, napilitan nang tumawag si Czarina sa opisina ng modeling agent. Ano ba ang pinakamamahal na magulang ang maisasalba?

"Mary, open pa ba ang offer ng Thailang magazine para sa akin?"

"Oo naman. Katatawag nga lang nila sa akin kahapon. Nagpa-follow-up. Hindi ko na itinawag sa'yo dahil ni-reject mo na 'yon, hindi ba?"

Naulinigan ni Czarina ang isang mahinang pagputok sa background kaya nahulaang ngumunguya na naman ng paboritong bubblegum ang agent.

"Bakit mo naitanong? Tatanggapin mo na ba ang offer?" panghuhula ni Mary.

"Oo sana...."

"Aba-good! Yes! Yes! Yes! Malaking pera ang project na tinanggap mo, Czarina! Winner ka na ngayon!"

"Kailan ba ako mag-uumpisa?"

Hindi nagpatangay si Czarina sa katuwaan ni Mary.

"Anytime you want! Kaya ayusin mo na agad ang passport mo dahil lilipad na tayo sa Thailand-a.s.a.p.!"

Kinagabihan, nagpaalam si Czarina kay Dane.

"May assignment ako sa Thailand. Baka next week ang alis namin"

"What a coincidence! May schedule akong pumunta doon this month. Sasabayan na pala kita" Dane was instantly enthusiastic.

"Ha?"

Nagulat si Czarina sa masiglang reaksiyon ng lalaki.

"Twice na akong nakapunta sa Bangkok. Ipapasyal kita sa siyudad ng Thailand" patuloy ni Dane.

"Huwag na siguro. Ayokong makaabala sa trabaho mo"

"Parang sinabi mo na ring ayaw mong makaabala ako sa trabaho mo" salo ni Dane.

"Hindi ko guguluhin ang schedule mo, don't worry"

"Hindi ko pa nga alam kung kalian kami aalis"

Czarina did not know how to discourage him. Naakit kasi siya agad sa ideyang magkakasama sila ni Dane sa pamamasyal sa ibang bansa. Parang honeymoon na rin...

"I will be available anytime" wika ni Dane.

"Bahala ka na nga" Czarina sighed

"Shall we dance?"

"Ok"

Nasa Santillan Sky Roof Restaurant na naman sila nang mga sandaling iyon. Halos gabi-gabi na silang nanduruon magmula nang magkabalikan.

Pero sa halip na dumiretso sa Paradise Suite para magsiping, dinala siya ni Dane sa Santillan Secret Graden para dalawin ang kanyang Mama.

Naiibahan si Czarina sa bagong kustombre ng lover niya. Tuloy nakakapag-isip pa siya minsan na marahil ay nagsasawa na ito sa kanya.

Hindi rin niya maiwasang magduda na gumaganti ito. Na kaya ito nakipagbalikan sa kanya ay upang makipagkalas lang uli para pasikatan siya. Alam niyang ikinagalit nang husto ni Dane nung pinangunahan niya sa pakikipagkalas.

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ng lalaki habang nagsasayaw na sila sa madilim na dance floor.

"Wala"

"Parang ang layu-layo nan g nilalakbay ng utak mo"

"P'ano mo naman nasasabi 'yan?"

"Nararamdaman mo?"

Nag-adlib si Czarina habang binabawi ang wisyo.

"Iniisip mob a ang iyong Mama?"

"Um, Oo"

Totoong palaging nasa isip niya ang nag-iisang magulang. Ngunit tanging ang insecurity sa kanilang bagong relasyon lamang ang gumugulo sa utak niya nang mga sandaling iyon.

"Nagkakaroon naman ng improvement, hindi ba? Kahit hindi sabihin ni Dr. Pattinson, your mother was starting to respond to his modern treatment"

"Oo nga"

Itunutok ni Czarina ang konsentrasyon sa paksang pinag-uusapan.

"Napakadakila ni Senyora Emilia dahil naisip niya ang pagpapatayo sa Secret Garden"

"Tama ka. Ang sarili yata niya ang nagging inspirasyon" wika ni Dane

"Bakita kaya?"

"Nagkaroon din daw ng mild mental disorder si Senyora Emilia dahil dumanas ng isang traumatic experience noon" ang pahapyaw na paliwanag ni Dane.

"Ano kaya ang nagging dahilan?" taka ni Czarina.

"Si Senyor Robert kaya ang dahilan?"

Wala na sa loob niya ang sumunod na sinabi.

"Bakit naman si Senyor Robert agad ang naisip mong dahilan?"

"Ha? A, e, wala"

Biglang bumawi si Czarina.

"Kalimutan mo ang sinabi ko, Dane. Nakakahiya kung may makarinig na isa sa pamilya nila dito"

"I'm just curious, Czarina. Huwag na lang tayong magbanggit ng pangalan" Dane reasoned insistently.

Hindi kumibo si Czarina. Lihim na sinisipa ang sarili dahil nadulas ang dila niya.

"Puwede bang magtanong, Czarina?"

Nagsalita uli si Dane nang nakaupo na uli sila sa lamesa.

"Tungkol saan?"

"Personal ang tanong ko" babala pa ni Dane.

"Sasagutin mo ba ang tanong ko, Czarina?" untag ng lalaki nang hindi na kumibo si Czarina

"Puwede bang malaman muna kung ano ang tanong mo?"

"Si Jack Alquizar ba ang iyong Papa?"

Nagkubli si Czarina sa aninong likha ng malaman na liwanag na ibinigay ng nakasinding kandilang nakatayo sa gitna ng lamesa.

"Paano mo.... nalaman 'yan?" ang pasinghap na tanong niya.










ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro