Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 12 ×__×

"Mula sa detective agency"

Niyapos nang mahigpit ni Czarina ang sarili. Bigla siyang nanlamig.

"Hanggang-ngayon ba'y pinaiimbestigahan mo pa rin ako?"

"Matagal ko nang ipinatigil ang imbestigasyon" bawi ni Dane

"Ngayon lang ako naglakas-loob na magtanong sa'yo"

Natigilan si Czarina.

"Naglakas-loob ka pa?"

Hindi siya makapaniwala.

"You always snubbed my interested questions in the past"

"Bakit nagtanong ka pa rin ngayon?"

Hindi niya pinigil ang kuryosidad upang makabawi ng wisyo.

"Dahil nagtataka ako kung bakit may financial problem kayo gayong si George Alquizar ay isang kilala at mayamang negosyante"

"Tumangging tumanggap ng sustento si Mama magmula nang iniwan kami ni Papa noon"

Kusang humulaspos sa nagsisikip na lalamunan ni Czarina ang mapait na pahayag.

"You were only seven years old" sambit ni Dane.

"Yes"

"I see"

Tumahimik si Dane. Tila napakalalim ng iniisip. Czarina gulped down her wine. Nilagok niya ang alak na nasa kopita upang palisin ang panunuyo ng bibig.

" Do you have your father?" tanong ni Dane makalipas ang ilang mahahabang sandal ng katahimikan.

Czarina stiffened.

"Puwede akong tumangging sagutin 'yan, hindi ba?" ang paiwas na tugon niya.

Wala siyang kamalay-malay na nasa mga matang nagdaramdam ang kanyang kasagutan.

"Sure"

Ginagap ni Dane ang isang kamay niya at hinagod nang buong pagsuyo.

"I'm sorry, Czarina"

"Para saan ang sorry mo?" Binawi ni Czarina ang kamay. Lalo kasing sumidhi ang pagkasabik na sinusupil niya.

"Hindi ko gustong masaktan ang kalooban mo"

Mapakla ang ngiting sumilay sa bibig ni Czarina

"Maniniwala ka bang naaalala ko pa rin si Papa kahit matagal na kaming hindi nagkikita?"

"Oo" ang banayad na tugon ni Dane

"Ama mo pa rin siya kahit inapi niya kayong mag-ina"

Sinalinan nito ng alak ang dalawang kopita.

"Tama ka"

Lumamlam ang mga mata ni Czarina. Sumimsim siya ng alak upang mabawi ang paningin.

Bumuntong-hininga si Dane.

"Tumingin ka sa akin, Czarina. Please"

Ang pahabol na pakiusap ang nagtulak kay Czarina na tumingin nang diretso sa lalaki.

"Isa rin akong mayamang negosyante" pahayag ni Dane

" 'Yan ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong pakasalan?"

Napasinghap si Czarina. Naging sunod-sunod ang paglagok niya ng alak.

"Nagkasundo tayong hindi na natin pag-uusapan ang tungkol d'yan, hindi ba?" paalala niya.

"It was just a rethorical question" pang-aalo ni Dane.

"You don't have to answer it if you don't want to"

Pumikit si Czarina at humugot ng malalim na buntong-hininga.

"Saka ko na lang sasagutin 'yan" she said huskily.

"Puwede bang isayaw mo uli ako?"

"Sure"

Maliksing tumindig si Dane at buong ingat na iginiya siya pabalik sa dance floor.

Sa ibang gabi ay mayroong pop/rock band na tumutugtog sa maliit at mahabang entablado ay isang pianistang lumlikha ng mga musikang instrumental.

Isang dangkal ang distansiyang nakapagitan sa kanilang mga katawan. Ipinulot ni Czarina ang mga braso sa leeg ni Dane. Tumingkayad siya at inihilig ang ulo sa isang malapad na balikat ng kasayaw.

"You torment me, Czarina" Dane groaned protestingly.

His hot tongue stroked the sensitive earlobe and travelled down to the smooth neck.

"Dane..." Czarina moaned appreciatively.

Walang dahilan para pigilan niya ang reaksiyon ng katawan sa mga sensuwal na halik ng lover.

"Czarina, hindi ko na kayang magtimpi" pag-amin ni Dane. Hirap na hirap na ang paos na tinig.

"I want you, darling"

Parang inilutang sa alapaap si Czarina sa narinig. Ang akala kasi niya ay hindi na siya desirable sa lalaki.

"Let's go to our bed, Dane" Czarina whispered invitingly.

"Palaging naka-reserve ang Paradise Suite para sa atin"

Umiling ang lalaki. "No" ungol nito.

Bahagyang lumayo si Czarina upang mapagmasdan ang mukha ni Dane. His face had a set expression. Para bang determinadong makipaghamok.

"Bakit ayaw mo na akong sipingin? Am I not desirable to you anymore?" anas niya

"Of course not" agap ni Dane. Tigib sa pagnanasa ang pagigil at pasisid na halik sa mga labi ni Czarina.

"I'm hungry for you, sweetheart. In fact, I'm dying for you!"

Nanunuot hanggang sa mga buti niya ang pagkasabik na nakalakip sa paos na boses ni Dane.

"Then, take me" utos ni Czarina.

"Make love to me, tonight, darling"

"Oh, Czarina!"

"Iyung-iyo ako, Dane" she urged huskily.

"Huwag mo nang pahirapan ang mga sarili natin"

"You are a siren" ang masuyong akusa ni Dane. Hinagkan ang mga mata niya bago ibinalik sa kanyang mga labi ang maalab na bibig.

"You destroy my good intention"

"Ano ba ang good intention mo?" Na-curious si Czarina. Napaka-seryoso kasi ng tono ni Dane.

"Saka ko na lang sasagutin 'yan, sweetheart" Muling hinagod ng mainit na dila ang teynga niya.

"Oh, Dane!" Napasinghap si Czarina. Tuluyang tumiklop ang mga tuhod na nangangatog.

Humigpit ang pagkakayapos ng matitigas na bisig sa beywang ni Czarina upang suportahan siya.

"Let's get out of here" ang pagaril na wika ni Dane.

"This place is guaranteed to seduce anybody!"

Sinisi pa ng lalaki ang romantic ambience ng Santillan's Sky Roof Restaurant.

Yari sa malinaw na salamin ang bubungan kaya kitang-kita ang mga bituin sa langit. Pati ang bilog na buwan kung meron. Ang bawat mesa ay may tig-isang kandilang nakasindi.

Tanging ang mga mini-light na nakasindi sa gawing ibaba ng mga dingding ang nagbibigay ng liwanag para sa mga episyenteng wyter na nagsisilbi sa mga kostumer. The place was also guaranteed to make anybody fall in love.

Sa Rancho Santillan sila unang nagkita at nagkakilala sina Dane Niel at Czarina. Sumali siya sa isang beauty pageant noon. Hindi siya ang nanalo, pero siya ang napansin ng lalaki.

Inalam ni Dane ang pangalan at celfone number niya. At magmula nang unang pag-uusap nila sa celfone, hindi na tinantanang suyuin at ligawan si Czarina.

Sa umpisa pa lang, nabihag na ni Dane ang puso ni Czarina. Nagpigil lang siya nang husto dahil takot masaktan. Ayaw niyang matulad sa kanyang Mama. Umibig nang lubos sa kanyang Papa kaya nawalan ng ganang mabuhay matapos mabigo.

Pero huli na yata ang lahat.

Lubos nang umiibig si Czarina kay Dane ngayon.... At hindi niya alam kung may gana pa siyang mabuhay kapag naghiwalay na sila!











ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro