Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Chapter 13 +__+

Dane congratulated himself when he was able to exercise self-control once again.

Nagawa niyang magpakatatag kahit halos nagliliyab na ang buong katawan sa sobrang pagkapukaw. He was burning with a fiery arousal, pero nagkontrol pa siya nang husto.

He was playing a big gamble. Nagsusugal siya—at ang personal na kaligayahan niya ang nakataya. He would be devastated if he lost. Baka mawasak ang katinuan niya kapag natalo siya....

Pero kailangan niyang ipagpatuloy ang pagsusugal. Pati ang pagsasakripisyo. Kailangan niyang maranasan ang sakit na dulot ng ibayong pagtitimpi. Kailangan malasap niya ang pakla ng disatispaksiyon.

"Ngunit hanggang kalian ka makakapagtiis, Villafuerte?" usisa ng isang munting tinig sa likod ng utak niya.

Nagbibingi-bingihan si Dane sa tanong na iyon.

"Saan ba tayo pupunta?"

Nagtataka talaga si Czarina nang tuluy-tuloy silang lumabas sa resort hotel. Inaasahan na palang patungo sila sa paboritong Paradise Suite na nasa ground floor.

"Sa Secret Garden tayo pupunta"

Dane's controlled voice was still husky with desire.

Hindi na umimik si Czarina. Humalukipkip na lamang at tumingin sa labas ng bintana kahit wala namang makikita dahil madilim.

Nanatiling tahimik ang dalawampung minutong biyahe sa aspaltadong kalsada mula sa restaurant papunta sa mental health farm. Malapit lamang ang distansiya pero tumagal ang biyahe dahil mayroong speed limit kahit gabi. Mas marami kasing madidisgrasyang hayop na tumatawid sa kalsada kapag madilim na.

"Maghahatinggabi na. baka natutulog na sina Mama at Tiya Arlene"

Nagsalita lang si Czarina nang matanaw na ang nagliliwanag na hugis ng putting gusali.

Walang ingay na huminto sa parking lot ang luxury car na minamaneho ni Dane.

"Sisilipin lang natin ang iyong Mama" wika niya bago umibis para ipagbuksan ng pinto si Czarina.

The atmosphere around the Secret Garden at night was magical. Mistulang mga alitaptap na nakadapo sa bawat punongkahoy ang mga ga-tuldok na bumbilyang kulay puti kaya nagliliwanag ang palibot ng hardin.

Para bang napakaraming lambanang naghihintay sa kanilang pagdating—upang tuparin marahil ang tanging pangarap niya.....

"Nasisira na yata ang ulo mo, Dane!" pambubuska niya sa sarili.

Idinadaan na lang sa biro ang pamumrublema

"Kung iibig sa'yo si Czarina, dapat ay sa sariling sikap mo lang. Dapat ay walang halong mahika para sigurado ka!"

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Czarina

"Ha? Wala. Bakit?"

"Napapangiti ka kasi"

Binawi ng dalaga ang mga mata.

Buong pagsuyong sinapo ng isang palad ni Dane ang delikanteng ukab sa hangganan ng likod at balakang ni Czarina upang alalayan sa pag-akyat sa mababang hagdanang bato bago nagpaliwanag.

"Natatawa ako sa sarili ko"

"Bakit?"

Napamaang kaya muling sumulyap ang dalaga kay Dane.

"Dahil nakakakita ako ng mga munting fairies sa hardin dito"

"Fairies?"

Tila ikinagulat ni Czarina ang itinugon niya. maya-maya ay napangiti habang nakatingin nang patagilid sa kanya.

"Ano'ng nakakatawa?"

Si Dane naman ang nagtanong.

"Ikaw. Hindi ko akalaing maniniwala ka sa fairies"

"Nung bata ako, naniniwala talaga ako. Fairy tales ang mga bedtime stories ni Mama sa aming dalawa ni Nicole"

Unti-unting nabura ang ngiti ni Czarina. Ibinaling nito ang mga mukha at binilisan ang paghakbang.

"May nasabi ba akong masama?"

"Wala"

Umiling si Czarina pero hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Alam ni Dane kung ano ang ipinagdamdam ng dalaga. Hindi ito kailanman nakuwentuhan ng fairy tales nung bata pa ito. Si Tiya_ ang nagsalaysay sa kanya ng ilang bahagi sa malungkot na nakaraan ni Czarina.

'Hindi pa man ipinapanganak si Czarina, nagsimula nang mambabae si George. Ang aking pobreng kapatid na si Sara ay palaging abala sa pagseselos at sa paghihinagpis---nang tuluyan nang hindi umuwi ang taksil na asawa nito. Kaya ang childhood ng aking pamangking si Czarina ay puno ng kalungkutan'

Hindi na umimik si Dane. Tahimik silang pumasok sa loob ng gusali.

Nasorpresa sila nang madatnang gising pa nag magkapatid at ang doctor. Nakaupo ang tatlo sa harapan ng malaking fireplace na nasa gitna ng maluwang na sala. Umiinom ng hot chocolate ang dalawang babae at sumisimsim naman scotch ang Amerikano.

"Good evening, Mama"

Inunang binate at hinagkan sa noo ni Czarina ang ina bago ang tiyahin.

"Good evening, Tita"

Yumukod si Dane sa dalawang babae at nakipagkamay sa doctor.

"Good evening, Dr. Pattinson" Dane greeted the older man formally

"Good evening to both of you" sambit ni Dr. Pattinson

"Tamang-tama ang dating n'yo, Czarina" ang masiglang pahayag naman ni Tiya Arlene.

"May magandang balita si Dr. Pattinson sa inyo"

"Ano po 'yon?"

Czarina sat beside her mother and looked at the doctor like an expectant child.

"Our dear patient, Miss Sara, had shown a big improvement earlier today" pagmamalaki ni Dr. Pattinson

"Ano'ng ginawa ni Mama?" Czarina asked eagerly

"Bumangon si Sara at nagpuntang mag-isa sa hardin" pagmamalaki rin ni Tiya Arlene.

"Talaga?"

Namilog ang mga mata ng dalaga at bumalong ang mga luha ng kaligayahan

"Oh, Mama! Natutuwa ako!"

Niyapos nito ang ina at hinagkan ang isang pisnging kulubot.

"Nung una nga ay nataranta pa kaming lahat dahil wala sa kanyang higaan si Sara" patuloy ni Tiya Arlene.

"But I remembered her apparent interest with flower yesterday" dugtong ni Dr. Pattinson.

"Ipinasyal kasi naming si Sara sa hardin kahapon" paliwanag ni Tiya Arlene

"At palagi nga siyang nakatitig sa mga bulaklak"

"Oh, salamat sa Diyos!"

Umusal ng pasalamat si Czarina.

"Magandang senyales po ba 'yan, Tiya Arlene"

"Iyan ang paniniwala ko" Matatag ang pahayag ni Tiya Arlene.

"May isa pa palang insidente na talagang nakakatuwa, iha"

"Ano po 'yon?"

Sabik na nagtanong si Czarina.

"Alam mo bang nakipagngitian si Sara sa isang pasyenteng dumating dito kahapon?"

"Meron na kayong kasama dito? Ang ibig sabihin ay may iba nang pasyente bukod kay Mama?"

"Oo. Kuu, am'bait din ng anak na dalaga nung bagong pasyente. Parang ikaw, Czarina. Maaalaga sa magulang"

"Salamat po, Tiya"

Namula ang mga pisngi ni Czarina nang purihin ng tiyahin.

"Do you think, she's on the road to recovery, Dr. Pattinson?"

Naulinigan niya ang pagtatanong ni Dane sa manggagamot. Excited rin ang tono.

"It's a very good sign, Mr. Villafuerte"

Walang gatol ang positibong tugon ng American doctor.

"Thank you for looking after my mother, Dr. Pattinson. You are very kind" Nagpapasalamat si Czarina sa manggagamot

"Czarina, salamat din"

Everyone froze. Napatigagal ang lahat nang magsalita si Sara. Hindi kasi makapaniwalang sa bibig ng pasyente nanggaling ang mga katagang medyo paos at garalgal.

"Mama? Ikaw ba ang nagsalita"

Si Czarina ang unang nakahuma. Halatang nais pagsalitaing muli ang ina dahil ibig marinig uli ang boses na kaytagal kinasabikan.

"Oh, Czarina" ang pahagulgol na sambit naman ni Tiya Arlene

"Ngayon ka lang uli nagsalita!"

A ghost os a smile touched the patient's pale lips. Pilit at matipid ang ngiting sumilay sa maputlang bibig ng pasyente ngunit nagdulot ng ibayong kasiyahan sa mga kaharap.

"Si Czarina ay tuwang-tuwa. Tumatawa ang dalaga habang umaagos ang mga luha sa magkabilang pisngi.

"Oh, Mama, mahal na mahal kita!" ang paulit-ulit na sambit nito habang panay ang pagyapos at paghalik sa ina.










ABANGAN......

VOTE & COMMENT...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro