Chapter 15

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Break na namin, ilang oras na lang ay mag uuwian na. Gusto ko na din umuwi.

Dahil break time na din namin ay karaniwang ginagawa namin ay napupuno ng mga tugtugan ang classroom.

Nakapabilog ang upuan namin habang nag tutugan. Nangunguna dito si Joms na may hawak na gitara at si Caleb na may Beatbox si Bryson na nag tutuktok ng lamesa habang ang daliri na may hawak na ballpen. Si Jairus ayun nasa sulok at nakikinig lang sa amin.

"Oh ano next song?" tanong ni Caleb

"Gusto ko marinig kumunta si Papa Jairus" wika ni Aiza, kaklase namin.

"Oh ikaw daw Bro" -Caleb

"Ayaw ko" wika ni Jairus habang nakapikit at naka cross arm

"Gwyn pilitin mo nga" si Agatha, dinilat ni Jairus ang mata nya at nahuli nya akong nakatingin sa kanya, umiwas ako ng tingin

"Kaya nga pilitin mo Manle" -Marivic

"Bakit ako hindi ko naman hawak bibig nya" wika ko

Tumingin ulit ako kay Jairus, hindi na sya nakatingin sa akin.

Huminga sya ng malalim "Fine" sagot nito "Ano kakantahin?"

"Here tonight ng hale" -marivic

"G na" -Bryson

Sinimulan ni Joms na kalabitin ang gitara nya.

"So long to you my love" simula ni Jairus habang diretsong naka tingin sa akin "don't be afraid, to run away, I know you'll be okay, just take your time to find

But I need you here today
I need here inside
I need you here tonight
I really really need you here... today" alam ko ang kanta na ito kaya alam ko na iniba nya ang lyrics ng kanta, kung ano ang dahilan nya kung bakit ay hindi ko alam

Hindi ko din alam kung ano ibig sabihin ng mga tingin nya, napapansin ko na din ang palitan ng tingin ng mga kaklase namin na kasama namin.

Sinimulan ni Caleb at ni Bryson na Paluin ang Beatboxb at lamesa at nang pag Palo nito na may kasamang ballpen. Kasabay sa pag palo ay pag kalabog ng puso ko.

♪ ♬ Made up my mind on this
Too late for me to hold you back

Maybe too short or dumb
To cry for you but I will anyway

Cause I need you here today
I need you here inside
And I need you here tonight
I really really need you here...
Tonight" ♪ ♬

Hindi ako makaalis, hindi ako makatayo sa kinauupuan ko, gusto ko tumakbo pero hindi ko alam kung paano, gusto ko umiwas pero hindi ko alam kung bakit.

♪ ♬"It's all my fault
To feel, feel this way for you this day

I know I'm and I will
Though it's wrong, so wrong, so wrong" ♪ ♬

Nilakasan ko ang loob ko at saka tumayo "CR lang ako guys" mahinang paalam ko

Hindi ko na talaga kaya, ang sikip sikip na ng dibdib ko. Feel ko anytime ay mahihimatay ko sa loob.

Bakit ganito ang nararamdaman ko. Ano ang nangyayari sa akin?

Napahawak ako sa dibdib ko. Please kumalma ka na.

"Gwyn" halos mahugot ko ang hininga ko dahil sa pamilyar na boses, hinarap ko ito.

"Jairus" wika ko "Ano yun? Walang ibig sabihin yun diba?"

"Gwyn"

"Hindi pwede Jairus. Please don't like me. You know how much I like him" patungkol ko Joms "Not me, please. I can't like you back, I want you as my best friend, and I'm contented with that"

Kumurap ito ng ilang beses at umiwas ng tingin at tumingin sa taas bago binasa ang mga labi nya gamit ang dila nya, tumingin naman ito sa akin ng walang emosyon.

"Who says that I like you?"

Nangunot ang noo ko "Huh?"

Nag smirk sya "Assuming ka masyado, I don't like you and I will never be" Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso ko dahil sa sinabi nya "here" inabot nya sa akin ang singsing na bigay ni Joms nung birthday ko "Naiwan mo sa bahay" kinuha ko ito agad naman sya tumalikod at nag lakad.

"Jairus" tumigil ito "I'm sorry I thought you like me"

Humarap sya at tipid na ngumiti "I told you, I don't like you, I like someone else, lets be friend"

"Are we good? Wala naman mag babago diba?"

"Mag babago?"

"I mean, dahil ganito, inakala ko na gusto mo ako, baka lang kasi..." tumungo ako "mailang ka"

"Don't worry walang mag babago" tumingin ako sa kanya "Una na ako" tumalikod ito at tuluyan na nag lakad palayo.

Ewan ko kung bakit ko sinabi na sana walang mag babago. Pero may parte sa akin na ayaw ko sya mawala o malayo.

Nag lakad na din ako pabalik sa classroom at umupo sa upuan ko na naka ayos na din dahil ilang minuto na lang ay tapos na ang break namin.

Hindi tama ito. Hindi tama yung mga nararamdaman ko. Si Joms ang gusto ko. Tama si Joms nga. Wala ng iba.

Narinig ko pa ang pag announce ni Emory tungkol sa darating na concert para sa next month bago matapos o pag tapos ng first Semester. Pero hindi ko naman naintindihan, pero dahil matagal na yun ganun ay alam ko na ang ibig sabihin. Nagaganap ito tuwing huling lingo ng October pag katapos o bago matapos ang 1st semester, grade 9 hanggang college ang pwede sumali kaya malaking concert talaga sya.

Kailangan mag palista kung ikaw ay sasali sa mga mag perform, kailangan mo muna siempre dumaan sa audition para makasali. Ewan ko kung sasali pa ako ngayong taon dahil simula grade 10 kami ay sumasali na kaming lima, ako si Joms, Jairus, Caleb at Bryson.

Isa ako sa lead vocalist at gitarista ng banda si Jairus ganun din, si Joms sa bass guitar, si Caleb ay sa drum o Beatbox si Bryson naman ay sa keyboards and violin kung minsan. Ang lahat ay nag backing vocals maliban sa amin ni Jairus dahil kami ang lead vocalist.

Nang mag uwian na ay kaysa kami nag usap para sa darating na Concert.

"Ano ikaw ba Gwyn sasali ka pa ba?" tanong ni Caleb

"Hindi ako sure" maikli kong sagot

"Bryson? Joms, Jairus?" patanong ni Caleb

"Ako sige g ako" -Bryson

"Sige ba" Joms

"Okay" -Jairus

"Oh okay naman pala sa atin ikaw lang Gwyn, pag isipan mo sayang din kung bigla ka mawawala, nasanay kaming kasama ka" -Caleb

"Kaya nga tsaka maganda talaga kung may babae sa banda" -Bryson

"Fine sige sige" sagot ko

"Yown o pag usapan muna natin ang list ng kakanatahin natin para sa audition" -Caleb

"Siguro baka bukas na lang kailangan ko na umuwi" -Bryson

"Sige sige" sinabit ni Caleb ang bag nya sa likod "Paano ba yan una na ako"

"Ingat" paalam ko

Ngumiti lang sya at tinunguan lang ni Joms at Jairus.

Sinabit ko na din ang bag ko sa likod.

"Ihahatid na kita" napatingin ako kay Joms

"Ako na" tingin ko naman kay Jairus

"Ako na, ako ang fiancé nya" napakurap ako ng sabihin yun ni Joms

"Actually..." panimula ko "May sundo ako, si manong" wika ko sa driver namin

"Ihahatid na lang kita sa labas" tumungo ako sa sinabi ni Joms, hindi naman na kami tinignan ni Jairus dahil nauna na itong lumabas

Umiling lang si Joms bago ako ayain palabas.

Tahimik at mabagal kaming nag lalakad ni Joms. Ewan ko pero sana saya ang nararamdaman ko sa oras na ito pero bakit ganun wala akong naramdaman na iba.

"Break na kami ni Sofy" napahinto ako at tumingin sa kanya, ganun din sya "Nakipag break na ako nung nakaraan, ginusto din namin parehas ang bagay na yun"

"Bakit?"

"Gusto ko mag focus sayo... sa atin"

"You don't need too, Joms"

"But I want it, I want to continue this weeding"

Nangunot ang noo. Sinusubukan ko pakiramdaman ang sarili ko. Nasaan ang saya ko pag sya na ang dahilan ko.

Sinubukan ko ngumiti sa kanya, tumungo sya sa akin at dahan dahan inilapit ang mukha nya bago ako hinalikan sa gilid ng labi.

Mula sa malayo naman ay nakita ko na dapat palapit sa amin si Jairus pero napatigil dahil nakita kami sa ganitong sitwasyon ni Joms.

Hindi ko alam pero parang ako ang nasaktan dahil sa nakita nya.

Feel ko nag betrayed ako kay Jairus.

Tama pa ba itong nararamdaman ko? Pero hindi pwede maging tama, mali ito, sobrang mali, masasaktan ko lang si Jairus. Bago ko nakita na tumalikod si Jairus palayo sa amin.

Kailangan ko din mag focus kay Joms, dahil simula pa lang sya na naman ang gusto ko.

Tama yan. Si Joms ang gusto ko hindi si Jairus. Wala ng iba.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro