Chapter 14 : Happiness

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Das Autem Valdis

Search ko pero walang lumalabas. Kung saan saan na ako napunta kaka search sa mga yan.

Nawawalan na ako ng pag asa na mga oras na ito.

Tumayo ako at nag palakad lakad sa harap ng laptop.

10pm na ng gabi at mula kanina ay hindi ako lumalabas kaya nakahawak ako sa tiyan ko na kumulo ito.

Tinignan ko ang pagkain na hinatid ni manang kanina, di ko kinain ang tanghalian na hinatid kaya nung dumating sya dala ang hapunan ko ay napabuntong hininga ito.

Sinubukan din ako kausapin ni Mommy pero hindi ko ito pinapansin. Pakiramdam ko kasi lahat ng tao na nasa paligid ko ay hindi totoo.

Ilang beses din ako tinawagan ni Jairus pero hindi ko ito sinasagot. Kahit kaming dalawa ang pakay 'kuno' sa nangyari kagabi ay pakiramdam ko may kinalaman si kuya at si Papa sa nangyari.

Ewan ko pero pakiramdam ko may alam sila sa nangyari. Hindi ko alam ang dahilan at kahit gustuhin ko man tanungin ay alam ko na naman ang isasagot nila.

Kinuha ko ang folder na nag lalaman tungkol sa kompanya.

Lintek ang bata ko pa ang dami ko ng problema.

Lumapit ako sa laptop. Kung hindi ko sya mahanap ng buong pangungusap, baka sa bawat salita. Tama sa bawat silita.

Das

Indian name means SERVANT or SLAVE

Autem

Latin word means OF

Valdis

Means THE DEAD

Slave of the dead

Napahawak ako sa noo ko. Overload na sa info kanina tungkol sa kompanya overload pa dito. Kinuha ko ang pagkain na dala ni Manang kanina, kakainin ko din ang pride ko dahil gutom na ako.

Pinindot ko din ang speaker ko at nag pagtugtog ng classical music. Isang mabilis na tugtog na sumasabay sa tibok ng puso ko.

Pumikit ako at huminga ng ilang beses. Kinuha ko ang tray ng pagkain ko at nilabas.

Madilim na sa mga baba ng bahay pero sakto lang para makita ko ang nilalakaran ko. Pumasok ako sa Kitchen at muntikan na ako mapatalon sa gulat ng makita ang tatay ko na umiinom.

"Gwyn" umiwas ako ng tingin

"Good evening" wika ko, nilagay ko ang tray sa tabi ng lababo, balak ko sana hugasan ang pinag kainan ko pero bahala na ang mga kasambahay "Aakyat na ako"

"Gwyn, Hija"

"Dad kung balak nyo po ako pagalitan please po, wag ngayon" wika ko na hindi humaharap sa kanya

"No I want to ask you a favor"

Humarap ako "A favor, ha" nanunuya akong tumawa, alam kong Bastos ang ginawa ko pero nadadala na ako sa galit ko sa kanila "Ano nanaman ang ipapagawa nyo sa akin na labag sa kalooban ko? Please stop ruining my happiness"

"Just trust me, trust us hija, pakasalan mo ang Jackson"

"Do you want me to trust you dad?" tanong ko "Then tell me, please sabihin mo kung bakit ko kailangan gawin yun, bakit kailangan ko isang alang-alang ang kaligayahan ko. Maraming ibang paraan dad"

"I know that you're angry, but please, don't think that I'm doing this because I don't want you to be happy, it's for you and your brother, I'm doing this because I'm your father, trust me hija. I love you so much and I can do everything for the sake of our family"

"Let me marry the man that I love. Doon ako sasaya, please"

"You don't understand, hija we need the Jackson for our own safety"

"What do you mean?"

Huminga si papa at inangat ang kamay nya at uminom ng alak.

"I can't tell you right now"

"Dahil ba hindi ko maintindihan? Ganun ba sa tingin nyo ako katanga para hindi maintindihan ang sasabihin nyo?"

"No hija. Not that. Just for now trust me, trust us"

"How can I trust you nang hindi ko alam ang dahilan nyo, kung bakit kailangan ko mag pakasal"

"May mga bagay na hindi mo pa kailangan malaman sa ngayon"

Tumulo na ang luha ko, tumayo si papa at lumapit sa akin, hinawakan ang kamay ko at doon ko nakita ang tattoo nya sa ilalim ng hinlalaki nyang daliri hindi ito masyado kita at matindihan.

. . . .   . -   - . .   .   . . .?
. . .   .   - . .   . -   . . . .?

Hades?
Sedah?

Hindi ko mabasa ng buo ang nakasulat.

"Ito na ang huli na hihingi ako ng pabor anak. Kahit ngayon lang, mag tiwala ka"

Tumingin ako kay Papa. Tumalikod ako at umakyat na sa taas.

Buong gabi ako umiyak dahil hindi ko talaga makuha ang gusto nila iparating sa akin.

Rayden Jomar 'Joms' POV

"Ano ang kailangan nyo?" tanong ko

"Ang chip" wika ng lalake

Hindi ko alam kung nasaan ako at nagising na lang ako dito kasama ang mga lalakeng may tabing ang mukha.

"Anong chip tangina. Pakawalan nyo nga ako"

"Ang inferno"

"Anong inferno?" tanong ko

"Ang infermo ang may hawak ng chip na hinahanap namin. Ang chip na yun ay mag lalaman ng formula" paliwanag ng isa

"Ang inferno ang may hawak ng chip?"

"Bakit hindi si Lucifer ang tanungin nyo, mukha nang tropa ko si Lucifer"

"Gago" halos umikot ang paningin ko ng sapakin ako ng isa

"Aya-" hindi na nakapag salita ang lalake ng sunod sunod ang putukan sa labas

"Mukhang wala naman ako makukuhang sagot mas mabuti pang tapusin na kita" tinutok nya ang baril sa noo ko

Ito na ba ang katapusan ko?

Pumikit ako. Ilang saglit pa ay narinig ko ang ilang putok ng baril.
Tangina patay na ba ako?

Dinilat ko ang mata ko.

Tangina si Lucifer ba ang nakikita ko.

"Para kang tanga, Joms"

"Tangina akala ko nasa imperyno na ako" Kinalas nito ang tali ko

"Bahala ka na dyan"

"Sandali Rohan" tawag ko

"Narinig ko na pupunta sila sa bahay ni Jairus. Kasama nya si Gwyn"

"Alam ko, magiging okay sya doon, wag ka mag alala"

"May tama ka yata"

"Lets go" wika nito

Gwyn Reese POV

Kailangan ko na pumasok sa lunes dahil nalalapit na ang finals namin.

"Long time no see" bati ni Lenox ng makaupo ako sa upuan ko

"Bakla ka hindi mo man lang sinabi na may pasabog na ganun sa birthday mo, fiancé mo pala ang ultimate crush mo" -Zarah

"Shala ang meme ilang araw walang paramdam kayong tatlo" khaye

Nilingon ko si Khaye "Huh? Kaming tatlo?"

"Oo teh ang usapan nga sa buong Hayden University na nag tanan na kayo ni Jairus at si Joms ang nag tatakip sa inyo" kwento ni khaye

"True hahaha" Lenox/Zarah

"Pero buti pumasok ka na, totoo ba?" khaye

"Tss, mamatay na ang nag kalat ng balita na yun" sabay irap ko

Kaya pala halos tignan ako ng mga estudyante.

Halos irapan ko ang mga estudyante na tumitingin sa akin yung iba nga binibigyan ko pa ng bad finger.

Halos sabay sabay naman pumasok ang apat na mag kakaibigan. Si Jairus, Joms, Caleb at so Bryson.

Tinignan ako ni Joms at napansin ang sugat sa gilid ng labi nya, habang si Jairus na diretso ang lakad paupo sa upuan nya, ang dalawa naman ay tinunguan lang ako.

Hindi ko na sila pinansin at tumingin na lang sa labas. Naririnig ko pa ang bulungan ng kaklase namin tungkol sa issue pero binibigyan ko lang sila ng masamang tingin para tumigil.

Nag simula ang klase namin at dahil matagal ako nawala ay kailangan ko mag focus.

Discus...

Discus...

Ms. San Pedro time...

"Good day everyone" nakangiting wika nito sabay tingin sa akin, ngumiti din ako.

"Okay graded recitation" halos mapatungo at mag reklamo ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Miss, nilabas ni Miss ang index card nya kung saan nakalagay ang mga name namin, ano naman ang alam ko sa lesson nya for the past few days "Okay" inikot ikot ni miss ang index card.

Sana hindi ako matawag...

Sana hindi ako matawag...

Sana hindi ako matawag...

Sana hindi ako matawag...

Sana hindi ako ma...

"Mr. Johnson, Caliber" napahinga ako ng malalim, tumayo naman si Caleb na halatang kabado "Who is the goddess of good cheer, joy and mirth?"

Napakamot ito sa batok "Miss pwede call a friend?"

"Try mo lang anak" -Miss

"Hades Miss" -Caleb

"No, Hades is god of underworld, please sit dow" wika ni Miss bago bumunot ulit ng isa pa "Okay, Miss Capistrano, Zarah"

"Eu..." panimula ni Zarah "Euphrosyne?"

"Are you sure?"

"Yes miss" confident na wika ni Zarah

"Very Good, our topic for this day is Joy and Happiness" nag lakad lakad si miss sa harap at naka ngiti na pinag mamasdan kami "what is the reason for your happiness or who is the reason of your happiness?"

Sa hindi malaman na dahilan ay napatingin ako sa kabilang gilid kung nasaan sila Joms.

At doon natagpuan ko SIYA na nakatingin sa akin. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Ako na ang umiwas ng tingin at tumingin na sa harap.

Nag lesson si Miss San Pedro ng 30 minutes dahil mamaya daw may activity kami. Bukod kay Euphrosyne na goddess of joy eme ay nag banggit pa si miss ng iba't ibang god and goddess ng kaya naging interesting ang topic namin.

Pinaayos naman nito ang upuan namin at pinalagay sa gilid namin. May dala naman si Miss na gray na baloon at pang pump, pinasulat naman kami ng nickname namin sa isang piraso ng papel, pero dahil wala ako maisip ay nilagay ko ang 'Rhiz' para mag kasing tunog ng second name ko, bago pinalagay sa loob ng lobo bago pinalobo namin gamit ang pam pump.

"Ilapag nyo sa gitna ang lobo" ginawa namin ang inutos ni Miss, gamit ang paa ni Miss ay ginugulo gulo nito ang mga lobo na nasa sahig "I want you all to find your own balloon, I'll give you 1 minute to find your own balloon, pag hindi nyo nakita at natapos ang isang minuto kumuha kayo ng isang lobo, pero ang makahanap ng sariling lobo ay may Reward sa akin. Now ready?" lumapit kami sa mga lobo "Your timer starts now. Be careful mga anak wag tulakan ha."

Halos mapangiwi ako dahil imposible na mahanap namin ang sarili naming lobo. Bahala na nga, kung alam ko lang na papahanap nya sa amin ang lobo edi sana nilagyan ko ng palatandaan. Katulad ng iba ay nakikihanap din ako.

Nang nag bilang si Miss mula sa three pababa ay kumuha na lang ako ng lobo. Bahala na.

"Okay sit down" nakatungo akong nag lakad papunta sa upuan ko at umupo habang hawak ang lobo

Inangat ko ang tingin ko ng mag simula mag salita si Miss sa harap "Think class" panimula ni Miss "Isipin nyo na yang lobo na yan ang happiness nyo, you try to find your own happiness and that's it" tumayo si Miss mula sa pag kakaupo nya "Now Pop your balloon and get the paper inside the ballon, wag nyo muna bubuksan habang walang ako sinasabi ah"

"Seriously miss" Maarteng wika ng babaeng classmate ko

"Yes" nakangiting wika ni miss

Wala na kaming choice kundi puntukin. Halos may mga napapasigaw dahil sa gulat.

"Okay next, dalawa lang yan, ang makuha nyo ang papel ng iba o ang sariling papel nyo. Open the paper at lahat ng mga nakakuha ng sarili papel ay tumayo"

Binuksan ko ang papel ko at binasa ang naka sulat.

Gail...

"The moral lesson is... Sometimes you will find your own happiness. There is happiness that you, yourself, can give for yourself, happiness that is easy to find sometimes." paliwanag ni Miss "Sa mga hindi nakahanap ng papel nila, hanapin nyo ang nag mamay-ari ng papel na hawak nyo"

Akma ko na hahanapin ang pangalan na nakalagay sa papel ko ng may tumawag ng pangalan ko na nakalagay sa loob ng lobo.

"Rhiz" nilingon ko ang tumawag, lumapit sya sa akin at pinakita ang papel "Reese"

Pinakita ko ang papel na hawak ko "Gail"

"My second name" wika nya.

Ngayon ko lang naalala yung full name ni Jairus.

Jairus Gail Emerson.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa ng ilang segundo bago mag salita si Miss.

"But sometimes you will find that happiness for someone, happiness that sometimes you look for in others but you do not realize that it is in front of you. Happiness that sometimes you have to struggle to see. Happiness that sometimes, no one else you think will give it to you, but in the person you are talking to, person in front of you, or sometimes next to you, but because you are focused on others you do not notice the real happiness that the person next to you can give"

Hindi ko alam pero parang lahat ng taong nasa paligid namin ay bumilis ang galaw, ang maingay na classroom ay tumahimik. Yung puso ko ay napupuno ng kaba, kaba na ngayon ko lang naramdaman, hindi ko alam pero para sa akin, ang mga mata ay ay syang pinaka maganda sa lahat. Para may malaking paro-paro ang nasa loob ng tiyan ko.

'Hindi ito pwede. Hindi sya pwede. Pigilan mo. Si Joms ang gusto mo. Hindi sya. Please pigilan, Gwyn. Masasaktan mo lang sya. Masasaktan nyo lang ang isa't-isa'

♥To be continued♥

A/N

Hello shout out nga pala sa isa dyan hehe. Shout out Kay real Joms at real kay future Jairus ko hehe ingat ka ah, papakasalan mo pa ako.

Anyways.

Kayo ba guys what is the reason for your happiness or who is the reason of your happiness?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro