Chapter 13

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Someones POV

Mula sa labas ng bahay ay nakatanaw lang kami ay nag hihintay ng hudyat ng pag pasok.

"Sigurado ba na papasukin natin sila" tanong ng kasama ko

"Utos ng boss kailangan natin sundin"

"Ano nanaman kaya ang plano nya"

"Sumunod na lang kayo"

Tumunog ang cellphone ko na agad ko sinagot.

"Its time" wika nito

Gwyn Reese POV

Alas-dose na ng gabi at tutok ako sa laptop ko. Mag hahanap ako ng pwedeng lusutan o maaring paraan ma pwede ko maprotektahan ang pamilya ko.

Its up to me to find out daw sabi ni Kuya.

Alas-dose Trenta na ng madaling araw ng makaramdam ako ng uhaw kaya lumabas ako para kumuha ng tubig.

'Bakit patay ang ilaw dito?' tanong ko sa sarili ko

Akmang bubuksan ko ito ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko.

"Gwyn it's me" bulong nito

"Bakit?" bulong ko din "Ano meron?"

Akma na sana sya sasagot ng may nakita kami tatlong lalake na may tabing ang mga mukha.

"Nakita kong lumabas si Gwyn mula dito" wika ng Isa

"Hanapin nyo nakita ko kanina dito si Jairus" ipit na boses ng lalake, nag katinginan kami ni Jairus

Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng short na suot ko.

Pahamak.

"Fight" wika ni Jairus sabay labas sa pinag tataguan namin

Fight daw, wala naman ako choice kundi lumabas din at lumaban, mamatay kami kung hindi kami lalaban.

Kinuha ko ang vase na naka display at binasag sa ulo ng lalake bago kinuha ang piraso na basag na vase.

Ang tatlong lalake na nandito kanina, kasama ang lalakeng nasa harap ko, ay nag triple. Madaming lalake na din ang nandito.

Sinugod ko ulit ang lalake na nasa harap ko at hinawakan nya ang paa na dapat sisipa sa kanya at padabog nya akong naihiga. Sinipa ko ang paa nya at sya naman ang natuba ngayon, pumaibabaw ako sa kanya at napatingin sa mata nya.

"Gwyn" lumingon ako ng biglang may tumawag sa akin, pero bigla na lang ako nakaramdam ng matigas na bagay sa ulo ko dahil ng unti unting pag kahilo ko at mapahiga sa sahig, ngunit bago ako tuluyan makapikit ay nakita ko ang pag lapit ni Jairus at pag atake nito sa lalake na nakalaban ko. Nakita ko din sila Caleb at Bryson na nakikipag laban sa mga lalakeng pumasok sa bahay. Bago ako tuluyan nawalan ng malay.

***

Di ko alam kung ilang oras ako nakatulog pero nagising na lang ako sa mga boses ng lalake na nag uusap mula sa labas. Tumayo ako at lumapit sa pintuan para marinig pa sila ng mas malinaw.

Hindi muna ako lumabas at pinakinggan sila.

"Ano ang pakay nila kung ganun?" tanong ng isa

"Silang dalawa ang pakay pero mukha tinatakot lang kayo nun " wika ng isa "Ano plano mo Jairus?"

"Nasugatan mo sya, pwede natin gawing oportunidad yun para mahanap sya, imposible na hindi nyo kilala yun, at sa nakita ko may tattoo sya, isang morsecode ang tattoo nya" unknown guy 1

"Saan banda ang tattoo nya?" unknown guy 2

Hindi ako nakarinig ng sagot o ano pang ingay kaya humiga ulit ako sa kama at pinikit ang mata, mahirap na at baka papunta na ang isa sa kanila dito.

Pero teka morse code na tattoo? Dalawang tao lang ang nakikita ko ng morsecode na tattoo.

"Mr. Jairus nasa labas po si Mr. Rohan" unknown guy

"Papasukin nyo sya"

Tumayo ako at nag hilamos bago nag palit ng damit. Buti na lang at may may ilang gamit na ako ang nandito.

Hindi ko alam kung ligo pa ba ang nagawa ko dahil sa sobrang kakamadali. Bago lumabas ng kwarto.

Naabutan ko sila sa living area dito sa 3rd floor. Sabay sabay silang tumingin sa akin. Tumayo si kuya at lumapit ako sa kanila.

"Kailangan mo na umuwi" wika ni Kuya

"Mukhang kailangan ko na nga"

Isa sa mga kakilala ko na may morsecode na tattoo ay si Kuya at ang isa pa ay si Papa.

Dahil Curious ako noon kung ano ibig sabihin ng tattoo nila ni daddy ay pinag aralan ko ito, kaya natuto ako mag sulat at mag basa ng morse code bago ko sinabi at tinuruan si Jairus noon.

"Kailangan na din namin umalis" wika ni Caleb

"Gwyn" tawag sa akin ni Jairus

"Salamat sa pag papatuloy mo Jairus, naayos ko na din ang kwarto na tinuluyan ko" tinignan ko sya ng walang emosyon at hinarap ko si kuya "Tara na" wika ko bago naunang bumaba dala ang ilang gamit ko

Hinintay ko si kuya sa labas ng sasakyan nya. Nakakunot ang noo nito na lumapit sa akin.

Tumalikod ako at binuksan ang sasakyan. Umikot si kuya at doon ko napansin ang konting dugo na sumilay sa kanyang balikat. Sumakay ito at umaandar ang sasakyan. Tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko ito.

From : Jaijai
Are you okay?

Tinago ko ang cellphone ko. Tinignan ko si kuya at ang naka tattoo sa wrist nya paikot. Sa unang tingin ay aakalain mo na wala lang ito at simpleng tattoo lang pero kung may alam ka sa morse maiintindihan mo ito.

- . .   . -   . . .   . -   . . -   -   .   - -   . . . -   . -   . - . .   - . .   . .   . . .

Das Autem Valdis

"What are you thinking?" tanong ni kuya

"Ikaw ba ang pumasok sa bahay kagabi" diretsong tanong ko kasabay ng biglang pag preno nya.

"What?!" pasigaw na tanong nya "Are you suspecting me?"

"May blood stain ang braso mo" napatingin ako sa tattoo nya "Ano meaning ng tattoo mo?" patay malisya kong tanong

"Look it's not what you think" hindi ko pinakita ang pag kainis ko sa kanya. Pilit ko sya binabasa pero parang sa nakikita ko ay ibang kuya Rohan.

Umiwas sya ng tingin sa akin at nag simula ulit mag maneho.

Nakarating kami sa bahay at sinalubong kami ni daddy, hindi pa pala naka alis sila daddy dahil may kailangan pa daw sila asikasuhin.  Pilit ko hinahanap ang tattoo nya pero hindi ko makita. Umiwas na ako ng tingin sa kanya.

Narinig ko pa ito na tinanong ako na akala nya sa linggo pa ang uwi ko. Pero tinalikuran ko ito at umakyat sa taas.

"Disrespectful!" rinig kong sigaw nito bago ko isara ang pinto at ilock.

Pumunta ako sa laptop ko at tingnan ang bank account ko. Dalawa ang bank ko, isa isa ay kung saan pinapasok ng magulang ko ang pera ang isa naman ay kung saan sa sariling sikap ko nakuha.

Sa tuwing summer kasi ay nag tratrabaho ako sa isang kumpanya ng matandang dalaga na nakilala ko nung minsan na tulungan ko ito sa pag kakadulas nya, agad ko sya dinala sa ospital at hindi ko talaga sya iniwan hanggang sa magising sya, wala na daw sya kamag anak kaya ako na ang nag bantay sa kanya.

Na kuwento ko naman dito na nag hahanap ako ng trabaho para may sarili akong pera. Nung una ayaw ko maniwala na may sarili itong kumpanya dahil wala sa itsura pero totoo nga yung kasabihan na 'Don't judge the book by its cover'

Dahil 16 pa lang ako nung panahon na yun ay tinuruan nya ako patungkol sa negosyo nya kada tamang nagagawa ko ay siniswelduhan nya ako. Hindi na ako umangal dahil pera na yun.

Dumadalaw dalaw ako sa kanya pero itong mga nakaraang na lingo ay hindi ako makapunta.

Tinawagan ko ito na agad naman sumagot.

"Kamusta na po?"

"Hija ikaw dapat ang kakamustahin ko, medyo nag tatampo ako sayo dahil hindi mo ako inimbitahan sa kaarawan mo"

"Pasensya na po, gusto ko lang po sana humingi ng tulong"

"Tungkol saan"

Tungkol nga ba saan? "Ahm... Wala po gusto ko lang po pala kayo kamustahin"

"Ganun ba ayos lang ako hija"

"Tumawag lang po kayo sa akin pag may kailangan nyo ng tulong"

"Sige nak"

Nag paalam kami sa isa't-isa. Nasa legal age na ako kaya pwede ko na magawa ang gusto ko. Una ay aalis ako dito sa bahay. Dahil nabigay na sa akin ang Peyton ay sisiguraduhin ko na lalago ulit ito.

Bali wala na sa akin ang pera ng magulang ko, dahil binigay na sa akin ang kompanya.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro