Chapter 12

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Hapon na at wala si Jairus dahil may kailangan syang ipasa sa school ngayon, ayaw ko muna din na pumasok dahil wala pa akong gana.

Ganun pa rin ang suot ko at nakapaa lang ako na palakad lakad sa bahay.

Tumawag din si Kuya kanina bago umalis si Jairus. Sinabi daw nya na kasama ako ni Joms kaya hindi na ako hinanap ng magulang ko, pumayag naman si Joms at pag hinanap ako sabihin na lang na mag kasama kami. Ayaw ko pa kako umuwi hanggang nandoon ang magulang namin, umangal pa si kuya pero mas makulit ako, kaya hindi na nila ako napilit na umuwi.

Nililibot ko ang bahay ngayon para hindi ako masyado ma bore. Maganda ang bahay na ito, glass wall sya, well hindi sya totally na glass wall, nag simula ako sa entrance na bahay, sa labas may hagdan paakyat sa entrance, kaya pag pasok mo ay second floor agad.

Sa second floor, sa gilid ng hallway papasok ay may isang kwarto may sariling T&B (Toilet and bath). Dining area at kitchen, may powder room din, sa isang gilid din ay may grand piano, may office room din sa tapat ng kwarto, may outdoor dining area din. Kitchen at indoor dining area, nandito din ang living room.

Sa third floor naman may isang malawak na space kung saan may couch, living area din yata ito, may isang kwarto at master bedroom, dito ako natulog kanina, malawak ang kwarto, ang kama ay nakaharap sa glass wall na kita ang labas at tanaw din ang taal volcano. Sa kwarto may sarili office living area. May walk in closet, muntik na nga ako magulat dahil para syang boutique store, puro salamin at may island setup may iba't ibang relos at kurbata na iba't ibang kulay ang mayroon, mayroon din itong T&B.

Sa fourth floor ay open space sya, roof top na outdoor dining area at bbq.

Nang makaramdam ako ng pagod ay tumambay ako sa 1st floor. Dito naman makikita ang game room, music room laundry, sauna at may isang kwarto din sya, movie theater, powder room at outdoor swimming pool, sa gilid ay pinto kung saan ang garahe at sa isa pang gilid ay may hagdan pataas papuntang entrance sa at sa tapat nito ay hagdan pababa papuntang garden.

Nasa mataas na bahagi pala nakatirik ang bahay. Kaya kita ko ang kabuuan ng lugar, at ilang bayan na di kalayuan sa taal volcano.

Sariwang hangin ang humahalik sa balat ko. Humiga ako sa mahabang upuan na nasa bakuran na naka tapat sa taal, bago pumikit. Hanggang sa makatulog ako.

Jairus Gail POV

Nag mamaneho na ako pabalik sa bahay ko. Dapat kanina pa ako pero dahil nag paturo pa ako kay manang kung paano mag luto.

Nilingon ko ang dalawang tupperware na may laman na ulam habang ang isa ay kanin.

Great may isang ulam na ako alam lutuin marunong na din ako mag saing, napaturo na din ako kung paano mag prito.

Tumigil ang sasakyan ko dahil nasa stop light na ako.

Napahawak ako sa labi ko ng pumasok sa akin ang alaala kagabi, yung pag halik ko at yung pag ganti nya ng halik sa akin. Wala ba sya natatandaan kagabi?

Ayos lang ba yun o hindi?

Pero mas mabuti nga na wala sya matandaan.

Nag mag go signal na ay pinaadar ko na ang sasakyan ko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay. Pinark ko sasakyan sa tapat ng bahay bago kinuha ang paper bag.

"I'm home" wika ko pero walang tao na sumagot sa akin "Gwyn?" nilagay ko ang dala ko sa lamesa "Gwyn" ulit ko, nakaramdam na ako ng kaba at pag aalala dahil hindi ko sya makita.

Halos libutin ko na din ang buong bahay habang tinatawag sya, sinusubukan ko din na tawagan sya pero naka ang off ang cellphone nya.

Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya. Napaupo na sa sofa dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos mapaluha na ako dahil halos malibot ko na ang bahay pero wala sya sa kahit saang sulok.

Tumayo ako at kinuha ang baril ko na naka tago sa likod ko. Tinignan ko kung may bala pa ito, meron pa. Lagi ko ito dala kahit nasaan man ako pang protekta lang sa sarili.

Hindi ako pwede tumunganga lang dito kailangan maha...

"Jairus"

Tumingin ako sa entrance ng bahay ng marinig ko si Gwyn. Naka black t-shirt na ito at naka jersey short, malaki sa kanya ang damit na iyon dahil suot nya ang damit ko. May hawak ito tupperware at nakangiting nag lakad papalapit.

"Where have you been?!" sigaw ko na, napatigil sya sa pag lalakad at nawala ang ngiti sa labi nya "Where the fuck have you been? I've been fucking looking for you for Fucking minutes. did I tell you to fucking go out without fucking telling me!"

"E dyan lang ako sa kapitbaha--"

"I don't fucking care!"

"Wag ka magalit may dala akong pag--"

"Did I fucking tell you to bring--"

"HOY JAIRUS!" halos mapaatras ako sa biglang sigaw din nya "WAG MO AKO MASIGAW-SIGAWAN DYAN A, tsaka wala akong maintindihan sa mga sinabi mo puro fucking lang!" sigaw pa rin nya, muntik naman ako matumba dahil sa biglang pag lapit nya sa harap ko "Kumain ka mag isa mo, bwiset" padabog nyang nilagay ang tupperware sa lamesa at padabog din na umakyat sa taas narinig ko pa ang malakas na mag sara ng pinto.

What was that?

Ako dapat ang galit pero bakit sya na ngayon. Tss so in the end ako pa ang mag sosorry at ako pa ang mali bahala sya sa buhay nya hindi ako mag sosorry.

***

Dala ang tray ng pagkain ay nasa harap ako ng kwarto nya. Nasa isang kwarto sya ngayon sa tabi ng master bedroom.

Ilang beses ako huminga ng malalim hindi ako makahanap ng tiyempo na humatok. Hindi ko din kasi alam ang gagawin ko. Bahala na nga.

Naiwan naman ang kamay ko sa ere ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Halatang nagulat din si Gwyn.

"Ano ginagawa mo dito" tanong nya

"Pag kakaalam ko bahay ko ito" tinignan nya lang ako ng walang emosyon "Ahm..." tinignan ko ang tray na hawak ko "I-iahatid ko s-sana itong p- *ehem* pagkain" kabado kong wika "Look I'm..." tumingin ako ng diretso sa mata nya "I'm sorry I just worried pero alam kong hindi sapat na dahilan yun para sigawan ka"

"Sorry din" wika naman nya "Kanina kasi habang hinihintay kita sa labas tinawag ako ng matanda tapos nag kwentuhan lang kami, nasabi ko na gusto kita lutuan then ayun tinuruan nya ako mag luto" tinignan nya yung tray na hawak ko "Yan ba yung adobo na niluto ko?"

"Huh?" tinignan ko ang tray "Ito yung niluto ko"

"Nag luto ka din?"

"Oo nag paturo ako kay manang"

"Adobo din"

"Oo e, ito daw yung madaling lutuin"

"Ganun ba tara sa baba, sabay tayo kumain" masaya nitong wika

Pinaupo nya ako at sya ang nag ayos ng lamesa ayaw ko pa sana pero hayaan nya ko daw siyang pag silbihan ako dahil sa pag papatira ko sa kanyadito sa bahay. Wag din daw ako mag alala dahil sa Sunday ay uuwi na sya, Wednesday pa lang ngayon kaya may tatlong araw pa ako para makasama sya.

Hindi na muna din daw sya papasok bukas at sa biyernes dahil may kailangan daw sya asikasuhin sabi ko ako din para may kasama sya dito. Hindi naman sya umangal dahil kailangan nya din daw ako.

Nilagyan nya ng pagkain ang plato ko at nilagyan ng inumin ang ang baso ko.

8:30pm na at nasa labas kami ni Gwyn, nakatanaw kami sa mga ilaw na nangagaling sa baba habang nainom kami ng hot chocolates.

Nang masawa kami sa kakatingin sa mga ilaw sa baba ay nag pasya kaming matulog na.

Nasa master bedroom ako, habang sya ay nasa kabilang kwarto. Hiniram nya ang laptop ko at may gagawin daw sya.

Nasa tapat din ako ng computer ko sa office sa loob din ng kwarto ay binabasa ko ang ilang detalye tungkol sa Peyton Company.

Isa ito sa mga inasikaso ko kanina.

Hindi masyado kilala ang mga Peyton di tulad ng kumpanya namin at kumpanya ng tatay nya na Manle. 

Peyton Company...

Ang mas nakakagulat ang ilang activities na meron ang Peyton.

Kung may ganitong activities ang meron ang Peyton bakit nila ibibigay ang kompanya kay Gwyn.

Kailangan nito ng malaking kapit. Hindi lang ng mismong kompanya kundi pati ang buo nilang pamilya.

Hindi sinabi ni Rohan ang tungkol sa iba pang meron sa kompanya at sa mga aktibidad nito.

Kinuha ko ang alak na nasa baso bago tumayo at tumingin sa malaking bintana ng kwarto.

Willing ako tulungan ka kahit ano pa yan.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro