Chapter 11 : The Confession

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

Isang umaga nanaman na sobrang sakit ng ulo ko. Kainis talaga.

Weird ng rin ng panaginip ko grabe parang totoo

"Alam mo, bakit hindi na lang ikaw ang ginusto ko, Kung baka sakali bang may gusto ako sayo, may pag asa din bang gustuhin mo ako?"

"Gwyn" tawag ni Jairus

"Kung bibigyan ako ng pag kakataon na mamili ng gugustuhin, ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Hindi dahil lagi kang nandyan, kundi dahil ikaw ang nag paparamdam ng mga bagay na hindi ko maramdaman sa iba"

"Ay ayaten ka"

Tapos hinalikan daw ako ni Jairus at ang worse pa dun ay gumati ako ng halik.

Wait gumanti ako ng halik?

Napahawak ako sa labi ko. Panaginip lang naman yun diba? Pero bakit parang totoo, gosh may first kiss, pero panaginip lang talaga yun.

"Ahhhhhh" sigaw ko habang naka hawak sa ulo ko

Oo panaginip lang ang lahat. Dapat panaginip lang.

"Gwyn are you okay?" napatingin ako sa pumasok sa kwarto.

Naka topless si Jairus tanging apron at shorts lang ang meron at sa kanan nang kamay ay hawak ang spatula.

"Narinig kitang sumigaw"

Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto, hindi ko ito kwarto, napatingin ako sa, sarili ko, iba na rin ang suot ko, nakaputi akong damit at naka boxer. Napayakap ako sa sarili ko.

"Huhuhuhu I feel so betrayed with my own best friend, and dumi dumi dumi ko"

"Hoy manginig ka nga sa mga sinasabi mo, walang nangyari"

"E? Bakit wala?"

"Tss"

"Hoy bakit pala iba ang damit ko"

"Ikaw nag palit nyan, I'm just guiding you"

"E? Paano?" Nag pout ako

***

(Last night)

"Shit what are you doing?"

"Ang init" pilit ko hinuhubad ang dress ko "Ang hirap naman tanggalin nito"

"No don't move" may pinasukan si Jairus na pinto at pag labas nito may dala na sya "Here wear this?"

Binato nya sa akin ang dami at isang "Boxer?"

"Boxer short yan" huhubadin ko na sana ang dress ng bigla syang sumigaw "Wait lang naman Gwyn!"

"Ano?!"

"Lalabas muna ako" hindi na nya ako hinintay na sumagot at patagilid na nag lakad palabas

Halos umikot ang paningin ko sa damit, gumagalaw ba ang damit? "Hey you t-shirt stop moving" wika ko bahala na nga kung baligtad

***

Napatingin ako sa damit ko, yung likod ng damit ay nasa harap. Guiding daw e mali mali naman ang pag suot ko.

"Hoy naamoy mo yun?" wika ko

"Shit" dali dali lumabas si Jairus sa kwarto

Tumayo ako at pumasok sa CR at inaayos ang damit ko na baligtad. Isang puting damit ang suot ko, wait dress na pala sya sa akin, naka boxer short din ako.

Wait...

Tinignan ko ang loob ng boxer short ko, check may underwear pa ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Nasaan ang dibdib ko-I mean ang bra ko-naka backless dress ang suot ko last night at naka adhesive bra lang ako. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang adhesive bra na suot ko, yung bra na dinidikit lang.

"There you are" Nasa gilid lang sya ng kama, wait nakita ba ito ni Jairus shock wag naman sana nakakahiya.

Sinuot ko ulit ito. Actually parang hindi ko na naman need ito dahil hindi naman masyado malaki ang dibdib ko, well may dibdib ako pero hindi naman tulad ng iba na malaki. Kung hindi nga ako nag karoon menstruation baka isipin ko lalake ako.

Pag baba ko ay halos parang dinaanan ng bagyo ang kusina dahil sa sobrang kalat. May nakita akong ilang sunog na pagkain.

Naririnig ko din ang iba't ibang mura na sinasambit ni Jairus.

"Hoy ano ginagawa mo?" nakakunot kong tanong, Nilingon nya ako

"I want to cook for you" nakangiti nyang wika

"Cook for me?" iginala ko ang tingin sa buong kusina "Marunong ka ba mag luto?"

"Hindi pero pinag aaralan ko"

"Ako na mag luto" nag lakad ako palapit "Tabi dyan" hinawi ko sya

"Marunong ka ba mag luto?"

"Wala ka ba tiwala sa akin?" kinuha ko ang spatula "Mag luto ka na lang ng kanin, ako na bahala dito" nakangiti ko

***

Halos maiyak ako sa nakikita ko ngayon. Hindi pa nga kami pwede mag asawa nito ni Jairus. Kawawa ang magiging asawa namin kung nag kataon.

Sunog ang kanin, mga pritong kasing kulay na rin ng kawali sa sobrang itim nito.

"Bakit kasi mag sasaing ka tapos walang tubig" asik ko

"Ikaw nga nag prito ng walang mantika" inis na wika din nito

"Malay ko ba na kailangan ng mantika pag mag priprito"

"Malay ko din ba na kailangan ng tubig ang bigas bago lutuin"

Nginusuan ko sya "Gutom na ako"

"Tsk mag papadeliver na lang ako" umalis si Jairus sa harap ko

Tingnan ko ang kabuuan ng kusina. Kawawang kusina.

Nilinisan ko ang kusina at tinapon ang ilang pagkain na sunog.

Sorry God kung nag sasayang kami, huhuhuhu.

Pagkatapos ko mag linis ay nilibot ko ang buong bahay. Malaki ang bahay na ito, lumabas ako mula sa likod at doon nakita ang magandang taal volcano.

"I brought this house last year" nilingon ko si Jairus "Pero ngayon ko lang tinarahan"

"Sayo talaga ito?"

"Yeah, after my birthday last year ng makuha ko ang mana ko at nang mag simula kong hawakan ang pinamanang kumpanya ni Papa, nag simula na din ako na planuhin ang future ko" wika nya ng hindi natingin sa akin, Tinignan ko din ang taal

"Buti pa ikaw may plano na about sa future, ako ito wala pa, mukhang hindi ako aabutin ng future dahil sa dami ng problema"

"Tss don't say that, everything will be okay"

"May choice pa nga ba ako? Kahit hindi ako okay, pipilitin ko maging okay, kasi wala naman choice"

"Gwyn?"

"Mm?"

"Sa ngayon, wag mo muna isipin ang problema" naramdaman ko ang pag tingin nya kaya tumingin din ako sa kanya "Sasamahan kita na planuhin ang future"

Ilang segundo kami nakatingin ni Jairus sa isa't-isa. Napaiwas na lang kami ng marinig namin ang ang doorbell.

"Nandyan na yata ang pagkain" masayang wika ka

"Tara" sabay kami pumasok ni Jairus sa loob

Habang nakain kami ay puro tawa lang kami ni Jairus sabay kwento sa pwedeng mangyari sa amin in the future.

Plano daw kumuha ni Jairus ng Engineering sa college, gusto ko kako sana mag architecture pero dahil kailangan ko pag aralan ang ilang negosyo namin mag business course na lang ako. Lalo ngayon na kailangan ko pag aralan kung paano tuluyan maiangat ang kompanya.

Sabi pa nya na bakit hindi ko sundin ang gusto ko. Gusto ko sana kako, pero mukhang hindi ako sasaya kasi hindi naman ito gusto ng magulang ko. Galit ako sa kanila pero gusto ko pa rin sila maging proud sa akin

Hindi na sumagot si Jairus at iniba ang topic namin.

"Tss ang lakas ng loob natin pag usapan ang pag aasawa, e pag saing at pag prito lang di marunong" wika ko

"Bukas makikita mo marunong na ako"

"Well see" tumawa lang kami habang kumakain

"Gwyn ano Ideal man mo?"

"Ideal man ko?" tumingin ako sa taas sabay tingin sa kanya "Alam mo nung bata ako, gusto ko sa lalake yung matangkad, matangos ang ilong, mestiso, yung marunong kumanta at mag gitara, kaya nagustohan ko si Joms" panimula ko "Pero alam mo habang tumatagal at habang tumatanda ako, pabawas din ang gusto ko sa isang lalake, sabi ko pa nga noon, na kung hindi para sa akin si Joms, ibigay na lang sya sa taong deserving nya, pero sa tuwing may dumarating na babae sa buhay nya, nalulungkot ako, kasi I wish I was that girl, pero sadyang hindi ibibigay sayo ang taong gusto mo, kaya sabi ko noon, kahit hindi na matangkad, hindi matangos ang ilong, hindi mestiso, o kahit hindi na yung marunong kumanta at mag gitara, as long as mahal ako, pwede na. Like what you said before, deserve ng tao maging masaya, sa love life man o true life, naniniwala ako na isang challenge lang ito, kasi may mas better na mangyayari sa akin" nakangiti kong wika "Ikaw ba, ano Ideal woman mo?"

"Like you..." nangunot ang noo ko pero agad naman dinuktungan ni Jairus ang sasabihin nya "Like you na as long as mahal ako, ayos na"

"May nagugustuhan ka ba ngayon"

"Yes"

Napangiti ako at binigyan sya ng nakakalokong tingin "Sino? Uy binata na sya"

"Tss"

"Sino nga?" pangungulit ko

"May iba syang gusto"

"E?" natawa ako ng konti "Kaya pala mag kaibigan tayo kasi same tayo na iba ang gusto ng taong gusto natin"

Umiling si Jairus "Ang tanga lang ng babae, kasi halata naman na hindi sya gusto ng taong gusto nya"

"Ganun hahahaha gago same kami" tawa ko "Kung single sya, try mo kaya umamin"

"Ayako"

"Sus torpe"

"Tss"

"Pero wait kilala ko ba yan? Ano strand nya? Section? Sa Hayden din ba nag aaral? O sa ibang school"

"Ikaw"

"H-huh?"

Huminga ng malalim si Jairus "Kung ikaw ang babae at pag umamin ako ano gagawin mo?"

"Mm? Sige nga kung ako ang babae na yun, paano ka aamin? Kunwari lang ha." tingnan nya ako ng ilang segundo

Binitawan ni Jairus ang kubyertos nya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa lamesa "Gwyn, I like you" napalunok ako sa dahil sa diretsong tingin nya at sa sinabi nya, kinabahan din ako "I don't know how start, but I like you, I want to see you everyday to be with you everyday. You make my heart beat so fast, you give light for my darkest world, your voice is like music, a beautiful music, the way you move, is like an art, your smile is the most beautiful smile. You complete each seconds, minutes, hours, days, and weeks of my life. I love you, I'm not going to force you to love me, but let me love you and prove my self how much I love you"

Nakanganga lang ako sa kanya at hindi alam kung anong tamang salita ang pwedeng sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat reaksyon.

Binitawan nya ang kamay ko at ngumiti "What do you think?"

Nangunot ang noo ko "H-huh?"

"What do you think? Magugustuhan nya ba ang confession ko"

"Ah... Ahm..." napakamot ako sa batok

May parte sa akin na parang dissapoint kasi hindi para sa akin ang confession. Shet bakit ako na dissapoint.

'Kalma self, kaibigan mo yan' sabi ko sa sarili ko

"Well ayos lang, sabihin mo yan sa kanya, matutuwa yun

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro