Chapter 10

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Pag labas ko papuntang garden ay hindi ko nakita si Jairus. Nantritrip ba sya. Nag lakad ako at nilibot ang buong garden.

Inamoy ko ang paligid at naamoy ko ang sigarilyo. Malapit lang yung amoy na yun. Weird pero matalas ang pang amoy ko.

"Tss para kayong mga tambucho dyan tatlo" wika ko sabay tingin kay Jairus "Saan ka natutong manigarilyo aber" nilongon ko si Joms sa isa pang gilid "Hoy ikaw din at ikaw din kuya, para kayong mga tambuc-"

"Psh" pinutol ako ni Kuya at tinignan ng masama

"So ano bakit tayo nandito"

"Let's talk about your wedding" -Kuya

Huminga ako ng malalim. Dahil hindi ko alam ang sasabihin. Kahit gusto ko na ituloy ang kasal ay hindi pwede dahil napag isip isip ako na kung hindi man ako mahal ng taong papakasalan ko mas mabuti na lang na hindi na lang ako mag pakasal.

"Anong klaseng proteksyon ba ang kailangan? " -Jairus

"Oo bakit kailangan natin ng proteksyon kuya?" tanong ko

"It's up to you to find out" napangiwi ako.

"So anong plano mo?" tanong ni Joms

"Ituloy nyo" sagot ni kuya

"What? / Ano?" sabay namin na sagot ni Jairus, nag katingin kami "No / Hindi"

"Hindi kailangan ng kasal" tumalikod ako at umalis na

Lumabas ako ng hotel at hindi pinansin ang mga tao na bumabati.

Siguro kung iisipin ng iba na choosy ako dahil ito na ang chance ko na pakasalan ang taong gusto ko, pwes hindi.

"Ow" daing ko ng Sinipa ko ang pader na nasa harap ko "Fvck fvck" napahawak ako sa paa Ko

Jairus Gail POV

"What was that, Rohan?" I shout

"Alam ko naman na hindi sya papayag" Rohan Said

"You" turo ko kay Joms "Bakit hindi ka nag sasalita dyan?"

"Well kung yun ang plano edi, g (Go)  ako" Sagot ni Joms

"Ano? Gago ka talaga" wika ko

"Wala naman ako magagawa kung ito ang gusto ng daddy" -Joms

"Alam ko naman na hindi ka papayag, Jairus" huminga ng malalim si Rohan

"Then what do you want me to do huh?" tanong ko

"Kilala ang kumpanya nyo di lang dito sa Pinas kundi sa iba pang bansa" -Rohan

"Alam mong matagal na gusto Na namin gusto mag invest sa Manle at Peyton. Pero kayo mismo ang umayaw, ayaw ni tito ben na mag karoon kami ng share maski isa sa inyo" tumingin ako kay Joms at tumingin kay Rohan "Di rin naman hamak na mas kilala kami at may kakayahan na protektahan kayo kaysa sa mga Jackson at Gonzalo, pero pinili pa rin ng tatay nyo na sa mga Jackson sya ikasal"

"So sinasabi mo ba na dapat ikaw na lang?" sinamaan ko ng tingin si Joms "Pero teka..." ngumiti ng nakakaloko "May gusto ka kay Gwyn noh?"

"Tss hindi, pero ikaw ang gusto nya" -Ako

"Uy bakit ako?" -Joms

"Tss" -Ako

"Ehem" -Rohan

"I will help her don't worry" sagot ko sabay alis

Gwyn Reese POV

Hindi ko na alam kung nasaan ako dahil sa tulala. Hawak ang bote ng wine na pinuslit ko kanina.

Tumingin ako sa paligid ko nasa isa akong tulay.

"Damn you Benedicto Manle!" sigaw ko sa buong pangalan ng tatay ko "Same to you Giezel Grace Peyton" wika ko naman sa nanay ko "Sana hindi nyo na ang ako ginawa kung gagawin nyong miserable ang buhay ko, mga bwiset" sigaw ko

"Bwiset ka din mag patulog ka tangina mo"

Dala lang ba ng kalasingan ko kaya narinig ka na may parang sumagot, wait nag sasalita ba ang tulay? O ang isda? Wait may isda pa ba dito? Totoo ba ang Serena kaya may narinig akong sumagot.

"Tangina mo din" mura ko pabalik

Ilang sandali lang ay may narinig akong sumitsit sa akin mula sa ibaba "Pst hoy ikaw tangina mo hintayin mo ako dyan"

"Why would I?"

"Aba hinahamon mo talaga ako" lumabas ito sa isang bahay, wait bahay sa ilalim ng tulay, paanong... Wait ang bilis naman nya mag lakad kamag anak nya ba si the flash

Hinawakan ako nito sa isa kong braso "Ganda mo naman"

"Don't touch me" pilit ko tinatanggal ang braso ko na hawak nya

"Gusto mo ba sumaya ang gabi mo?"

"No thanks, let me go and baho mo"

"Ab-" hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng may humila sa akin at sinuntok ang lalake

"Jairus wha-"

"Sakay sa sasakyan"

"What"

"Sakay?!" halos mawala ang kalasingan ko ng sumigaw sya habang tinuro ang mustang nya "Tss" nilabas ni Jairus ang Wallet nya at nag labas ng pera, bago binato sa lalake "Bahala ka na kung gusto mo mag pagamot o hindi" nilingon ko ang lalake at halos matakpan ko ang bibig ko dahil sa itsura nya, dumudugo ang gilid ng labi nya.

Hinila ako ni Jairus at sinakay sa sasakyan nya. Umikot sya at pumasok sa drivers seat bago nag simulang mag maneho at sermunan ako.

"Paano kung hindi ako dumating, Huh? Paano kung may gawin sayo yung lalakeng yun? Napaka kulit mo alam mo ba na nag aalala kami nila Rohan kung nasaan ka, hindi ka namin mahanap kung nasaan ka. Tapos ganyan pa ang suot mo at ano yan? Nainom ka tangina naman, Gwyn" sermon nito

Hindi ko alam na tumulo na pala ang luha ko at habang nakatungo at pinag lalaruan ang daliri ko "Sorry" wika ko

Tumingin ako sa paligid ng itigil nya ang sasakyan, hinarap ko sya at hinarap din ako "Look I'm sorry kung nasigawan kita, I... I just... I just Worried"

"Sorry" tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko 

"Shh..." niyakap nya ako "Ihahatid na kita" bumitaw sya ng pag kakayakap sa akin

"Ayaw ko umuwi?"

"Huh?"

"Please ihatid mo ako kung saan, wag lang sa bahay, ayaw ko umuwi"

Huminga si Jairus ng malalim "Fine, sasabihin ko na lang sila Rohan na kasama kita" tumungo tungo ako sa kanya, nilabas nya ang cellphone nya at tinawagan si kuya, kakausapin sana ako ni Kuya pero tumanggi ako.

Ilang sandali pa ay nag simula ng mag maneho si Jairus kung saan.

Matagal nag drive si Jairus hindi ko naman din alam kung saan kami pupunta kaya tahimik lang ako at nakatingin sa labas.

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan at pumikit. Doon naman nag simula ang pag tulo ng luha ko.

Bakit ganun. Mas bilang ko pa yata ang mga panahon na naging masaya ako kaysa sa mga panahon na naging malungkot ako.

Hindi naman ako ganito dati e. Kung dati nakukuha ko pa ngumiti at maging masaya ngayon hindi na.

Napansin ko din na habang tumatanda ako palungkot ng palungkot ang buhay. Well dahil ba na habang tumatagal ay tumataas din ang expection natin kaya hindi na tulad ng dati ang nararamdaman mo.

Dati naman iiyak ko lang ang isang bagay, ngayon parang kahit anong iyak ko ang sakit sakit pa rin.

Na kung dati, pag nadadapa ako ay nakukuha ko pang tumayo, pero ngayon parang ang hirap hirap na.

Ang dami kong kaibigan pero parang pakiramdam ko nag iisa ako at walang masabihan.

Gusto ko na sumuko, gusto ko na mag pahinga. Pero paano?

Tumigil ang sasakyan ni Jairus agad ko naman pinunasan ang luha ko at tumingin sa labas. Nasa mataas na bahagi kami ng lugar. Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pinto, mula sa gilid ko at nakita ko si Jairus na lumabas at may kinuha sa harap ng sasakyan nya. Lumabas na din ako at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar.

Namangha ako sa ganda ng lugar, puro ilaw mula sa syudad ang makikita dito sa taas. May nilapag si Jairus ang tela sa hood ng kotse nya. Nilabas nya ang basket at nilapag doon ang ilang pagkain. Lumapit ako at tinignan ang mga pagkain.

"Saan mo nakuha yan?"

"Pinabalot ko yung iba mong handa" napangiwi ako sa kanya nilabas nya ang isang cupcake at nilagyan ng isang maliit na kandila "Happy birthday" nakaingiti nyang bata "Make a wish" tipid akong natawa sa kanya.

Pinikit ko ang mata ko.

"Hope to find my own happiness"

Hinipan ko ang kandila at ngumiti. Tumingin ako sa mata nya, Pinunasan ko ang luhang tumulo, nilapag ni Jairus ang cupcake at may nilabas na kahon, isang kuwintas, kulay itim ang pinakasabitan nito at isang bato ang pinaka pendant na may pangalan ko.

'Gwyn Reese'

Sinuot nya sa akin ang kuwintas "Close your eyes" utos nya na agad ko sinunod "and please understand that we are still young and the universe is endless and somehow, everything will be okay" ilang segundo pa ay naramdaman ko ang dampi ng halik nya sa aking noo.

***

Jairus Gail POV

Ilang oras pa kami nanatili ni Gwyn sa lugar na iyon. Pinag sisihan ko din na binigyan ko sya ng beer dahil kanina pa sya paulit ulit.

Lasing na ang loko.

"Papatunayan--" pinutol ko ang sasabihin ni Gwyn dahil alam ko na ang sasabihin nya

"Ko na hindi kailangan ng kasal para maiangat ang negosyo namin" tuloy ko

"E?" gamit ang mapupungay nyang mata ay tinignan nya ako, ngumuwi sya "Bakit alam mo ang nasa isip ko?"

"Kanina mo pa sinasabi yan"

"Ang daya dapat hindi mo alam yan" ngumuso sya, napangiti ako

'Ang cute'

Tumigil sya at tumingin sa mga ilaw mula sa baba. Nasa mataas kami ng parte ng tagaytay kung saan kita ang ilaw na nanggagaling sa mga residente. Ito din yung lugar na pinupuntahan ko kung kailangan ko ng pahinga at sa tingin ko ito din ang kailangan ni Gwyn.

Nakatingin lang ako sa kanya habang umiinom. Maganda si Gwyn, hindi rin sya mahirap mahalin. Pero sa sitwasyon ko mahirap. Nag dadalawang isip ako kung tama ba ito. Alam ko naman na hanggang dito lang dapat. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana.

"Wag mo ako titigan" umiwas ako ng tingin sa kanya "Jairus"

"Mm?"

"Pag nalaman mo na ipapakasal ka sa taong gusto mo pero yung taong gusto mo hindi ka gusto, ano gagawin mo?"

Huminga ako ng malalim "I will take that opportunity" diretsong sagot ko

"Sa tingin mo yun ba ang dapat gawin ko?"

"Kung nag aalangan ka sa isang bagay, wag mo gawin"

Narinig kong syang tumawa ng maikli "Alam mo, bakit hindi na lang ikaw ang ginusto ko" tumingin ako sa kanya na nakatingin na rin sa akin "Kung baka sakali bang may gusto ako sayo, may pag asa din bang gustuhin mo ako?"

Napakurap ako ng tatlong beses, base sa mga tingin nya ay seryoso sya. Hindi ko alam ang tamang sagot sa tanong nya. Kung sasagot ako, ano na lang ang pwede maging epekto nun sa amin.

"Gwyn" tawag ko

"Kung bibigyan ako ng pag kakataon na mamili ng gugustuhin, ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Hindi dahil lagi kang nandyan, kundi dahil ikaw ang nag paparamdam ng mga bagay na hindi ko maramdaman sa iba"

Hindi ko alam pero may parte sa akin na nagustuhan ang  mga sinabi nya, may parte sa akin na, sana ako at ako pa rin.

Hindi ko alam pero masaya ako na sinabi nya ang lahat ng iyon.

"Ay ayaten ka (means I love you so ilokano) " hindi ko alam na lumabas na pala ang mga katagang iyon sa bibig ko, kumunot ang noo nya.

Alam ko na hindi nya maiintindihan ang sinabi ko, pero gusto ko sabihin ang mga katagang iyon, kahit sa ibang salita, para lang masabi ko na mahal ko sya.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil napansin ko na lang ang sarili ko na hinalikan sya at gumati ng sya ng halik sa akin.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro