Chapter 9 : 18th birthday

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nasa hotel na ako at mula sa kwarto malapit sa ball room ay rinig ko ang tugtog sa labas. Isang klasikong musika kung hindi ako nag kakamali ay Eine Kleine Nachtmusik ang pangalan ng musika na iyon.

Purong kaba ang nararamdaman ko. Maraming tao na rin ang nasa labas at ilang minuto na lang ay tatawagin na ako.

Tinignan ko ang sarili ko. Isang kulay pula na may halong itim ang gown na suot ko. Halter neck gown and suot ko. Napatingin pa ako sa cocktail dress na susuotin ko mamaya purong pula ito na backless.

Dapat masaya ako ngayon pero hindi. Sinarado ko ng tuluyan ang pintuan para hindi ko marinig ang nasa labas. Pinindot ko ang radyo at umupo sa sofa. Napapikit ako sa klasikong musika, moonlight sonata, bumalik sa akin ang ilang alaala.

***

Third person POV

(Way back 10 years ago)

Sabado ng hapon ay nasa isang parke ang dalawang mag kapatid na si Gwyn at Rohan, kasakasama nila ang kanilang bantay.

Masayang nag lalaro ang dalawang mag kapatid. Nag tatawanan nag hahabulan. Hindi pa mulat ang kanilang isip sa tunay na mundo, kung gaano ito kagulo at kung gaano ito kakumplikado.

Masyado pa silang inosente para sa tunay na problema. Hindi nalalayo ang edad ng dalawang magkapatid sa isa't-isa, walong taong gulang pa lamang si Gwyn habang ang nakakatanda nitong kapatid ay sampung taong gulang.

Malayo sa tunay na mundo ay masayang nag lalaro ang dalawang mag kapatid.

Nilingon ni Gwyn ang isang batang lalake na mag isang naka upo sa siso. Nilapitan ito ni Gwyn. Tumingin naman ito sa kanya.

"Hello" bati ni Gwyn

"Hi" bati ng batang lalake

"Gusto mo ba sumali sa amin ng kuya ko?"

"Hinihintay ko ang daddy ko at ang aking kapatid"

"Pwede mo silang hintayan habang nag lalaro tayo"

Lumingon lingon ang batang lalake sa paligid bago tumingin ulit kay Gwyn "Sige na nga"

Ngumiti si Gwyn at hinila ang bata papalapit sa nakakatanda nitong kapatid.

"Kuya" tawag ni Gwyn sa nakakatanda nitong kapatid "Kuya may bago tayong kalaro, sya nga pala... Ano nga pala pangalan mo?"

"Ako si Jairus Gail Emerson, kayo ano pangalan nyo?"

"Ito si Kuya Rohan Graysen Manle at ako naman si Gwen Reese Manle, pero pwede mo kaming tawagin Kuya Rohan" turo ni Gwyn kay Rohan "At Gwyn" turo naman nito sa sarili "Ikaw si Jairus"

Ngumiti ang batang lalake sa magkapatid, ito din ang simula ng pag kakaibigan nila.

Halos araw araw ay mag kasama ang sila, kasama na rin ang nakakabatang kapatid ni Jairus si Jamie Isabelle ang nakakabatang kapatid ni Jairus. Halos hindi mapag hiwalay ang apat napag alaman din ng mga magulang ng apat na bata na, tulad nila ay bumubuo na rin ng pag kakaibigan ang mga anak nila.

"Hindi ako pwede tumayo dito hanggat may natitirang pagkain sa plato" nakangusong wika ni Jairus "Mapapagalitan ako ni Daddy"

"Paano tayo mag lalaro nyan? Ikaw kasi ang dami mo kinuhang pagkain yan tuloy hindi mo naubos" napakamot ng ulo si Gwyn na tila'y problemado dahil hindi nya rin alam ang gagawin "Alam ko na ilagay mo na lang sa ilalim ng lamesa ang pagkain hindi naman siguro makikita yan"

"Talaga?"

"Oo tsaka pag nakita nila yan ubos na rin yan, kasi diba pag november 1 nag aalay din ng pagkain para sa mga kaluluwa, malay mo kainin din nila yan ngayon"

"Sige sige" tumingin pa sa sila sa gilid nila para hindi mapansin ang pag lagay ng pagkain sa ilalim "Tara na" tumakbo ang dalawa palayo bago nag laro sa likod bahay ng mga Emerson

Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa na nag lilinis ang kasambahay at doon nakita ang pagkain na nasa ilalim agad naman ito nag sumbong sa amo nito lalake.

"JAIRUS ANG PAGKAIN MO!" sigaw ng among lalake

"Kailangan na natin mag hide, mukhang hindi pa nakain ng mga multo ang foods at nakita" wika ni Gwyn sabay hila kay Jairus

Kung hindi na parke ay minsan din na pumupunta si Gwyn sa bahay ni Jairus at ganun din si Jairus.

"Paano na yan" bulong ni Gwyn kay Jairus na katabi nito

Nasa bahay sila ngayon ng mga Manle at pinaoatulog sila ng mayordoma ng bahay, dahil tanghali na kailangan nila matulog.

Nasa iisang kwarto ang tatlong bata at nag bubulungan sa ilalim ng kumot. Hindi na nila kasama ngayon ang nakakatandang kapatid ni Gwyn dahil kailangan nito mag aral para sa susunod na taon.

"Ano ba yan gusto ko na mag laro. Ayaw ko matulog, ano na gagawin natin" wika ni Jairus

"Ayaw ko din po matulog" wika ni Jaime

"Lock natin ang door" wika ni Gwyn tumungo naman ang dalawang mag kapatid. Dahan dahan nila tinggal ang kumot at laking gulat ng tatlo na nasa harap pala nila ang mayordoma

"Sinabi kong matulog kayo" nag takip ulit sila ng kumot at pumikit hanggang sa makatulog sila.

***

Gwyn Reese POV

'Noong mga bata kami ang tanging problema lamang namin ay kung paano tumakas sa mga bantay nila, kung paano gagawa ng paraan pag hindi uubos ng pagkain at kung paano tatakas para hindi matulog sa hapon'

Napangiti ako dahil sa maganda mga alaala na iyon.

Noong bata ako gusto gusto ko na lumaki dahil gusto ko magawa ang mga bagay na nagagawa ng mga matatanda, gusto ko pumunta sa mga lugar na napupuntahan ng mga matatanda.

Pero ngayong matanda na ako gusto ko na lang maging bata ulit. Gusto ko bumalik kung saan maliit na bagay lang ang problema ko, kung saan nakukuha ko pa ngumiti.

Napadilat ako ng may kumatok sa kwarto. Nilingon ko ito. Si kuya.

"Are you ready?" tumungo lang ako at tinignan ang mga kamay ko, umupo si kuya sa tabi ko, nilabas nito ang bracelet, kinuha nito ang kamay ko at sinuot ito "Happy birthday, my princess, don't worry I will do everything to make you happy" tumingin ako kay kuya at ngumiti. Niyakap ko sya.

"Thank you, Bro"

Nilingon namin ni kuya ang pintuan ng bumukasa ulit ito.

"Tara na po Ms. Manle" wika ng babae, inalayan ako ni Kuya hanggang sa makalabas ako.

Nauna si Kuya sa labas, may Kurtina naman sa pagitan pero ramdan ko ang tingin ng mga tao sa gawi ko.

"a girl is now a woman. In eighteen years, this is the beginning of her new story. At the beginning of the new novel is the closing of the children's story, this is the real world, and let's believe that she is ready for the challenges as a woman. Please welcome the unica hija and the successor of Peyton Company Gwyn Reese Peyton - Manle" bumukas ng malaki ang kurtina kasabay ng masigabong palakpakan ng mga bisita

Mga palakpakan nila na sumasabay sa tibok ng puso ko. Agad hinanap ng mga mata ko ang taong pwedeng mag pahinahon sa aking sarili, sa di kalayuan ay natanaw ko sya, nakatingin ito sa akin, ngumiti sya, ngumiti din ako pabalik, bago nag lakad palabas.

Lumapit sa akin si papa at nag simula nya akong isayaw. Nag simula tumugtog ng mabagal ang banda.

"Your kuya told me that you know it. I want you to do it to save the company, alam mo kung gaano kaimportante ang negosyo natin, this is about your future and hope you understand"

Hindi ako sumagot dahil hindi ko din naman alam ang gagawin ko. Napupuno ng hinanakit ang dibdib ko ngayon dahil sa ginawa nila.

Tinawag ng tagapag salita ang susunod kong isayaw. Si kuya.

"I have plan" panimula nito sa gitna ng pag sasayaw namin

Nangunot ang noo ko "What plan?"

"You will know it soon, just pretend for now and enjoy this night"

Lumunok ako at tumingin sa gawi ni Jairus, madilim ang mga tingin nito sa amin habang umiinom ng wine.

Sunod sunod ang pag tawag ng tagapag salita sa 18roses ko kung saan isasayaw nila ako. Puro mga hindi ko kilala ang ibang nakakasayaw ko na alam kong mga anak na katrabaho ng tatay ko at ang ilan ay mga mula sa mayayaman na angkan. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako. Malamang birthday ko ito kaya kilala nila ako.

"Mr. Jairus Gail Emerson" lumapit si Jairus sa harap ko mang tawagin ito bilang 17 roses ko, binigay nito ang rosas sa akin

"Happy birthday" bati nya

Hindi ako sumagot at tumungo lang sa baba sabay tingin sa gilid ko. Matangkad si Jairus, hanggang balikat nya lang ako, well naka high heels pa ako.

"Jackson Company is a big company, makakatulong talaga ang mga Jackson para sa Peyton. Base sa narinig ko, ikaw ang magiging successor ng Peyton, balita ko din na lumulubog na ito, Peyton Company kompanya yan ng nanay mo diba?" bulong nito "Well I'm happy and I can't wait to see you wearing your wedding gown"

Tiningala ko ito, nakatungo naman sya sa akin at madilim na tumingin "Nang aasar ka ba? Papatunayan ko na hindi kailangan ng kasal para maisalba ang Tanginang kasal na yan"

"Well see"

"Next please welcome her 18th Roses and her Fiance Mr. Rayden Jomar Jackson - Gonzalo" umalis si Jairus sa harap ko at tumalikod, tumingin ako sa pamilyar na lalake na papalapit sa akin.

Hindi ako nagulat sa fiance thingy mas nagulat ako sa lalakeng papalapit "Joms?"

"Hi"

"Paanong??"

"My mothers family name ko Jackson"

"Jackson" wika ko bakit hindi ko alam Yun

"Im Rayden Jomar Gonzalo, Jackson is my mother's last name"

Nag simula kami mag sayaw, ito ang hindi ko napag handaan. Hawak nya ang bewang ko habang ang isang kamay ko ay hawak nya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sya ang nakaplanong pakasalan ko o maiinis sa katotohanan na mag papakasal kami dahil lang sa business.

Habang nag sasayaw kami ay hindi ko alam kung paano tumingin sa nang diretso sa kanya.

Triple na ang kaba na nararamdaman ko. Halos di ako makahinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"You okay?" tanong ni Joms umiling ako dahil hindi na ako maayos ngayon. Tumigil sya sa pag sayaw at ganun din ako. Tumingin ako sa paligid at ganun din sya "Sakyan mo na lang"

"Huh?"

May nilabas na isang maliit ng kahon na kulay pula si Joms, binuksan nya ito. Isang singsing na may di kalakihan na brilyante. Kinuha nya ang kamay ko at sinuot ang singsing.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at tumingin ng diretso kay Joms.

"Kailan pa?..." tanong ko "Kailan mo pa alam?"

"Kahapon lang, ikaw?"

"Hindi ko alam na ikaw ang tao, kahapon ko pa alam na mangyayari ito"

"I see"

Binasa nya ang labi nya gamit ang kanyang dila, kunot noong tumingin sa paligid. Ramdam ko ang tingin ng mga bisita sa amin.

"Lovely couple" wika ng tagapag salita hindi ko na pinakinggan ang sumunod na sinabi nya at nag lakad na ako palayo.

Paano ko pipigilan ang kasal na ito kung may parte sa akin na parang ayaw ko na pigilan at gusto na lang ituloy.

Pero hindi pwede dahil alam ko naman na katulad ng nararamdaman ko noon na hindi ko pa alam na sya ang papakasalan ko. Alam kong ayaw nya din.

Tapos na ang 18roses kaya pinag palit ako ng damit. Suot ko ngayon ang cocktail dress. Hindi muna ako lumabas after ko mag palit.

Nang makapag isip ako ay lumabas na ako ng kwarto. Pumunta ako sa harapan kung saan ako uupo. Umupo ako doon.

Pinag masdan ko ang mga tao na nag uusap. Ang ilang matatandang lalake ay nag uusap patungkol sa negosyo ang ilan naman matandang babae ay nag uusap patungkol sa mga alahas na suot nila, kung saan ito nabili at kung sino ang may gawa.

Ang ilang mga nakasayaw ko kanina na kasing edad ko ayun. Nag iikot at nag hahanap ng dalaga na kasing edad din namin.

Nakita ko din ang ilang mga bodyguards na nakatayo lang sa gilid habang hawak ang mga nag hahabaan nilang baril.

Para tuloy akong isang prinsesa na kailangan bantayan dahil ano mang oras ay maaaring mawala.

Napalingon ako sa gawi ni Jairus. Kahit hindi ako nakatingin ay alam kong kanina pa sya nakatingin sa akin.

Nag dudutdot sya ng lamesa. Natawa naman ako sa kanya.

Minuto din ang tinagal ng tinginan namin hanggang kinuha nya ang cellphone nya, nangunot ang noo nya bago tumingin sa akin.

Gamit ang daliri nya ay tinuro nya ako at ang mata nya, Ang sabihin ay tignan ko sya. Ilang sandali lang ay kinalabit nya ang lamesa.

Napatingin ako sa kamay nya. Gamit ang gilid na kamao ay bahagya nyang sinuntok ang lamesa, dalawang beses sabay dutdot ng isang beses.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang ibig nyang sabihin. Gamit ang sign language ay nag sign sya.

M - C

Nag taka ako nung una pero di nag tagal ay alam ko na ang mensahe na iyon.

Morse code.

Inulit nya ulit ang ginawa kanina.

Katok ng bahagya sa lamesa, dalawang beses, sabay dutdot ng isang beses.

(- - .) G

Dutdot ng isa sabay Katok ng isa.

(. -) A

Isa Katok sabay dutdot ng isa pa.

(- .)R

Isang Katok dalawang dutdot

(- . .)D

Isang dutdot

(.)E

Isang Katok isang dutdot

(- .)N

G - A - R - D - E - N

Mabagal nya ginawa ang mga sign na yun para hindi makahalata ang iba at para na rin maintindihan ko. Ito yung way namin ni Jairus pag may gusto kami sabihin sa isa't-isa.

Nag smirk sya bago nag lakad palayo. Hindi muna ako sumunod at nag hahanap ng tiyempo.

Nang makahanap ako ng tiyempo ay tumayo ako at lumabas papuntang garden ng hotel.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro