Chapter 18 : Underground

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Kakauwi ko lang sa bahay katulad ng sinabi ni Jairus ay nag ensayo kami para sa darating na audition.

Isang kanta lang ang kakantahin namin kaya hindi kami masyado nag tagal sa bahay nila.

Pag uwi ko sa bahay ay nasalubong ko sila papa at ilang tauhan nito na nag uusap sa sala kasama si kuya.

Tumungo sila bilang pag galang sa akin bago dumaretso sa kusina, nakita ko naman si mama at manang na nag luluto ng hapunan. Kumuha lang ako ng tubig sa fridge at nag salin sa baso.

"Ano meron?" tanong ko bago umupo sa upuan sa bar counter

"May mga kailangan gawin ang daddy at kuya mo"

"I see" sagot ko na lang kay mama kahit parang hindi nasagot ang tanong ko "Paki tawag na lang ako pag kakain na"

Pag labas ko ng kusina ay tumigil sila sa pag uusap. Tinignan ko lang sila. May mga code sila halos mag kakaparehas lang sila pero sa iba't ibang parte ng katawan ito nalalagay.

- . .   . -   . . .
. -   . . -   -   .   - -
. . . -   . -   . - . .   - . .   . .   . . .

Das
Autem
valdis

Tinanong pa ako ni papa pero muling ako at ngumiti bago umakyat sa taas. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinara ulit ng malakas. Nanatili ako ng ilang segundo pa sa labas para pakinggan ang pinag uusapan nila.

Pero wala akong narinig pa uli kaya pumasok na ako sa loob ng kwarto ko.

Sa mga nakaraang araw unti unti ko ng naintindihan kung bakit ko kailangan ipag patuloy ang kasal.

Nanganganib ang buong organisasyon hindi lang ang organisasyon pati na rin ang buhay namin. Dalawa lang ang pwedeng mangyari ang makuha ang lahat ng ari arian namin o mamatay kami dahil may malaking organisasyon ang bumabangga sa amin.

Kailangan namin ang Jackson para sa proteksyon, isa ang mga Jackson sa mga kilalang Assasin sa buong asia. Pero kung ganun hindi kaya parte din ng underground organization sila Joms. Tapos tinakot lang talaga kamk para ipakasal ako sa kanya.

Bakit ngayon ko lang naisip na maaring parte din sila Joms doon.

Nilock ko ang pinto ng kwarto ko at nag palit ng pambahay. Nasa tapat ako ng laptop habang hinahack ang isang site.

Mabilis ako nakapasok sa website ng isa sa mga pinakamalaking underground organisasyon. Hindi ko alam ang tawag sa kanila.

Noong isang araw na sinubok ko pasukin ito, sa hindi malaman na dahilan ay nag search ako gamit ang site na yun, yung tattoo ni Papa na Hades na naka salin sa morse code at dito ko nalaman na isa itong code name, hindi lumabas ang pangalan ni papa o kahit na anong inpormasyon tungkol sa kanya pero ang nakalagay lang doon ay si Hades ay isang leader ng organisasyon na kung tawagin ay inferno. Konektado naman ang Das Autem Valdis.

Hindi ko na binasa ang ilang grupo dahil hindi naman ako interesado sa iba.

Nabasa ko din ang history ng inferno. Ang organisasyon. 1969 ito naitatag, na pinangunahan ng isang tao o kung tawagin nila na si Don Lucifer, ang pinaka mataas na sinundan ng dalawang tao si Don Henry at Don Edwin.

Noong 1978 naman ay ginamit ang code para maging way of communication nila sa bawat isa. Dito na din sila gumamit ng mga code name. Wala silang sinabi kung anong code. Pero alam kong morse code yun.  Dahil minsan may naririnig akong kakaibang tunog na nang galing sa opisina ni papa at base sa mga tattoo nya.

Ibig sabihin din nun ang inferno ay may tatlong tao din binubuo, nangunguna dito si Hades o 'God of the underworld', si papa, Azazel o ibig sabihin 'Evil demon' o 'Evil Spirit' sumunod si Dracul na ang ibig sabihin ay 'Demon' o 'Devil'. At ang Das Autem Valdis na ang ibig sabihin ay Slave of the dead. Sila kuya at ilang tauhan ni papa. Ang trabaho nila ay protektahan ang buong organisasyon at panatilihin ang kauysan.

Naipasa ang titulo nila sa mga panganay na lalake, once na mamatay ang isa sa mga leader o ilipat nila ang titulo sa anak nila. Habang hindi pa naipapasa ang titulo sa mga anak ay obligasyon itong mag palagay ng palatandaan o tattoo na naka salin sa morse code at mananatili itong Das Autem Valdis, once naman maipasa ito sa panganay na lalake ay buburahin ang tattoo at papalitan ng bagong titulo.

Kilala din ang inferno sa pag bebenta ng iba't ibang ilegal na bagay at nangunguna doon ang iba't ibang armas.

Kung nag bebenta ang inferno ng illegal posible kayang nag bebenta din sila ng Drugs?

Pero ang nakalagay lang dito ay illegal equipment such as guns and illegal properties. Kaysa ko na lang siguro aalamin yan, sa ngayon kailangan ko malaman kung sino ba ang dalawang leader.

Madali ko lang naman siguro malalaman kung sino sila Dracul at Azazel dahil sa tattoo nito, pero sana wag lang ito sa tagong parte nakalagay.

Kinuha ko ang papel at ballpen bago nag sulat.

Azazel
. -   - - . .   . -   - - . .   .   . - . .  
Dracul
- . .   . - .   . -   - . - .   . . -   . - . .

Paulit ulit ko itong sinulat hanggang sa makabisado ko ang code.

Pero sandali lang, kung kailangan namin ang mga Jackson. Saang grupo naman kaya sila nakabilang? O isa ba pamilya ni Joms sa Azazel o Dracul.

Pero kung ganun? Bakit kailangan pa namin mag pakasal kung isa nga sila sa miyembro ng inferno.

Hindi kaya sila ang organisasyon na bumabangga sa inferno?

Kailangan ko mahanap ang tattoo na meron si Joms. Kung parte sila ng inferno katulad ni Kuya meron din sya, pero kung hindi naman ay bahala na.

Binalik ko ang pokus sa laptop ko. Siguro kailangan ko din malaman ang ibang grupo.

Habang nag hahanap ako ay biglang may nag pop up na message. Hindi ko ito binuksan pero sakto lang para mabasa ko ang laman nya.

0030 be there on time.

0030 ano yan code?

Pero be there on time daw pwede rin sya maging oras. Kinuha ko ang cellphone ko at pumunta sa time and date nya bago ginagawang 24-hour format. Nag simula ito sa 13 which means 1 at natatapos sa 00 na ang ibig sabihin ay 12.

So 12:30.

Ano meron ngayon? May transaksyon kaya?

Pero kung meron saan naman?

"Miss Gwyn" halos mahulog ako sa kinakaupuan ko sa sobrang gulat dahil may kumatok "Naka handa na po ang hapunan pinapatawag na po kayo ni Mrs. Manle"

"Okay sandali lang" pinatay ko ang laptop at sinunog ang papel na pinag sulatan ko kanina.

Inayos ko ang ilang gamit ko at ang aking sarili bago bumaba.

Tumungo ako sa kanila bago tumabi kay kuya. Sumenyas si Papa bago kami nag simulang kumain.

Na kikinig lang ako sa usapan nila kuya at Papa tungkol sa negosyo namin na agad sinasagot ni Kuya. Si kuya pala ang nag aasikaso ng isa pa naming negosyo, ang negosyo na ni Papa na Manle Corporation at pansamantala ding nag aasikaso ng Peyton.

Binaba ni kuya ang kubyertos nya bago nag simula "12:30, dad, they want the item exactly 12:30"

"Ben don't tell me..." singit naman ni mama

"Don't worry mom, wala ho mangyayari, they just want the item" -Si kuya

"No Rohan hindi ka pupunta doon, Ben" tumingin si Mama kay papa napatingin ako kay papa, tinignan ako ni papa, isa lang ang ibig sabihin nun.

"I'm done" wika ko napatingin naman sila sa akin "I have to go"

Pero bago ako umalis ay iniwan ko ang isang cellphone na keypad. Na nailagay ko sa ilalim ng lamesa.

Nag madali akong umakyat sa kwarto para icheck kung may call pa mula sa isang cellphone ko. Nag lagay ako ng earphone bago pinakinggan ang mga pinag uusapan nila.

Sabi ko na nga ba maioopen ang topic na yun.

"Ma, ako ho ang nag prisinta na pumunta doon hindi na rin ho bago ito sa akin"

"Rohan alam mo kung gaano delikado"

"Ma, I know and I promise that I will be back, trust me"

"Then isama mo ang ibang tauhan Peyton"

"Hindi na ho, maaaring madamay ang Peyton pag sinali ko pa dito and worst maaaring madamay si Gwyn dahil sya ang tagapag mana ng Peyton, alam ko ho na kasama sa mamanahin ni Gwyn ang organisasyon ng Peyton, pero hindi pa ho kayang makisabay ng Peyton sa mga ganito lalo hindi pa handa si Gwyn sa Ganito"

Halos matawa ako sa isip ko at the same time ay excitement. Ibig sabihin isa ang pamilya ni Mama sa may underground business. Dahil solong anak si Mama at Papa ay sa amin pwede Ipamana ang lahat.

"Don't worry Giezel triplehin ko ang mga tauhan na sasama kay Rohan"

"Anak"

"Mom don't worry"

"Saan gaganapin ang transaksyon"  rinig kong tanong ni Papa

Kumuha ako ng Papel at sinulat doon ang location para sa gaganapin transaksyon mamaya.

Nang matapos ang pag uusap nila ay nilock ko ang pinto at pumunta sa laptop ko.

Nasa underground website pa rin ako. Pumunta ako sa search engine kailangan ko malaman ang tungkol sa Peyton.

Hindi gaya ng inferno, ang Peyton ay hindi gumamit ng code para mag tago. Dahil siguro hindi ito kilala.

Wala masyadong nakalagay tungkol sa Peyton kundi kung ano lang ang underground business nito, properties. Nag nanakaw ito ng mga properties bago illegal din na binebenta sa iba. Mas double o minsan triple ang ang presyo.

Dahil matagal natigil ang negosyo ng Peyton at wala na masyadong inpormasyon ang meron.

Napatingin ako sa orasan, 10:47 pa lang. Tumayo ako at nag handa ng ilang gamit na gagamitin ko para mamaya.

Pero wala akong baril saan naman kaya ako kukuha?

Madali lang naman siguro mang agaw at isa pa nandoon ako para tignan lang ang gagawin nila. Tama wala naman siguro mangyayaring masama.

Pinatay ko ang ilaw ng kwarto ko. Bago sumilip sa labas mula sa bintana ko. Maraming mga sasakyan ang naka park sa di kalayuan ng bahay at madami na rin armadong lalake. Hindi naman ito pansinin ng kapitbahay dahil sobrang layo ng kasunod na bahay para sa amin.

Tumingin ako sa wall clock 10:50 pa lang. Matagal pa. Lumapit ako sa balcony at binuksan ng konti ang Kurtina para malaman ko kung aalis na sila o hindi pa. Habang nag hihintay ay nag palit ako ng damit. Purong itim ang ang suot ko, nag tali ako ng buhok. Nag suot din ako ng itim na Jacket para hindi mahalata ang kurba ko bilang isang babae.

Tumingin ako sa salamin bago ngumiti. Hindi ko inaasahan ang mga nalalaman ko nito mga nakaraang araw, kaya pala pinasok kami ni papa sa iba't ibang physical training. Kaya pala bata pa lang kami tinuruan na kami kung paano lumaban at humawak ng baril.

Pero kahit ganun ay na enjoy ko naman ang childhood ko.

Nilingon ko ulit ang wall clock ko 11:00 pa lang. Ano ba yan bakit ang bagal ng oras.

Lumapit ako sa balcony dala ang upuan at doon sila pa sikretong pinag masdan.

Ilang minuto pa ay kumilos ang ibang tauhan. Tumayo na din ako. Paalis na siguro sila.

Nag simula na din ako kumilos. Dahan dahan ko binuksan ang pinto ng balkonahe sabay sara ng makalabas ako. Bago sumabit pababa ng kwarto ko ng hindi nila napapansin.

Pumunta ako sa garahe at kinuha ang big bike. Magagamit na din kita baby. Isa daw ito sa regalo ng malayong kamag anak namin sa akin nung 18th birthday ko. May nag regalo naman ng isang sasakyan na Audi. Pero mas trip ko gamitin ito. Buti na lang marunong ako gumamit ng motor.

Nag tago ako sa pinaka madilim na parte ng makita ko si Kuya napatingin naman ito sa gawi ko pero hindi ako pinansin.

Sumakay si Kuya sa sasakyan nya bago isa isa umalis ang sasakyan. Nag suot na din ako ng helment bago hinila ang motor papuntang likod ng bahay, sa likod kasi may daan palabas na wala masyadong bantay. Buti na lang may mga duplicate ako ng mga, susi dito sa bahay, nahirapan pa ako ilabas ang motor dahil maliit lang ang gate pero nailabas naman ng maayos. Kinandado ko ulit ang gate at tingnan ko muna ang papalayong sasakyan palabas sa main gate namin.

Nang masigurado kong malayo na sila ay sumakay ako sa big bike bago nag simula silang sundan, buti na lang kabisado ko plate number ni kuya at ang isang plate number ng van kaya madali sa akin na sundan sila kahit malayo ang agwat namin sa isa't-isa dahil useless ang location na sinulat ko dahil hindi ko naman din alam kung saan yun.

Ilang minuto namin binaybay ang daan hanggang makarating kami sa isang abandonadong building.

Bakit kay sa tuwing may ganito nangyayari sa abandonadong building ginagawa?

Pinark ko sa malayo at tagong lugar ang Big Bike na gamit ko. Tinanggal ko ang helmet at isinabit sa big Bike Bago sila sundan sa loob ng hindi nila napapansin.

Saktong 12 na ng gabi. Nag tago ako sa madilim na sulok. Nakita ko naman ang ilang nag lalakihan na kahon. Ayan siguro yung ibebenta.

Ang tagal naman ng kausap nila.

"Don't move" halos manlamig ako ng may naramdaman akong matigas na bagay na nakatutok sa akin.

Ito na ba ang katapusan ko?

"Raise your hand" pilit nya pinapalaki ang boses nya.

Sinunod ko naman sya. Kailangan ko maagaw ang baril.

"Wag kang mag tatakang gumalaw"

Shit sana hindi ito ang katapusan ko masyado pa akong bata at virgin pa ako ayaw ko mamatay na virgin.

Pero kahit ganun parang hindi ko naman pinag sisisihan na sinundan ko sila kuya dito.

Pero kung ito man ang katapusan ko. Hindi wag naman sana.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro