Chapter 19

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Wag kang mag tatakang gumalaw"

Kailangan ko maagaw ang hawak nya. Nakataas ang kamay ko at humahanap ng tiyempo. Bago pa ako makaikot at maagaw ang baril sa kanya ay nag salita ulit sya.

"Sabi ko na nga ba at susunod ka dito" wait yung boses na yun

Humarap ako sa kanya at nanlaki ang mata ko na tinignan sya "Kuya"

"Here" may inabot sya sa aking tela "Wear that para hindi ka nila makilala" nag suot sya ng tabing sa mukha habang ako ay hindi pa maka rekober sa nangyari kaya hindi ako nakagalaw "What?"

"Paanong?"

Nilabas nya ang keypad na cellphone ko bago pinakita sa akin "Pag usapan natin mamaya, sa ngayon isuot mo yan at sumunod ka sa akin" wika nya bago lumabas

Agad ko naman ito sinuot at sumunod sa kanya. Bukod sa akin halos lahat ng tauhan ay may na naka tabing sa mukha halos pare parehas din ang suot nila. Feeling ko tuloy out of circle ako.

Nilibot ko ang paningin ko, madaming lalakeng may mga hawak na nag hahabaan na mga baril. Bahagya silang tumungo ng makita kami ni Kuya. Tumungo din kami ni Kuya sa kanila.

Nilapitan na namin ang dalawang lalake.

Sila kaya si Azazel at Dracul?

"Handa na ba ang lahat?" bago sumagot ang isa sa kanila ay tinapunan nila ako ng tingin "Protect her, she's the heirs of Peyton" bahagya nilang tinungo ang mga ulo nila.

"10 minutes" ipit na wika ng isa

Tumungo tungo si Kuya "Stay here"

Umalis si Kuya at nilapitan ang mga kahon. Binuksan naman ito ng isa at doon ko nakita ang iba't-ibang klase ng mahahabang baril.

Hindi ako masyado pamilyar sa mga baril. Mapag aralan nga mamaya o bukas.

"They are here" wika ng isa, napalingon ako sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at tumungo kaya ginaya ko sya

"The inferno are here, amigo! " Ang lakas naman ng energy nya nakapag milo siguro ito, napatingin naman sya sa akin, hindi ako umiwas ng tingin pero ganun ba talaga akong pansinin "May naligaw yata sa inyo o hindi nyo nasabihan sa costume nyo" luminga linga sya "Nasaan ang Hades? si Dracul bakit puro ang mga DAV ang nandito"

"Ehem" si kuya lumingon naman sya dito

"Sino ka sa kanila?"

"Let's end up here" gamit ang ulo ni Kuya ay tinuro nya ang mga kahon "Sayo na ang lahat"

"Sa akin na? Ano naman ang kapalit nito" wika ng lalake

May humawak sa aking braso at nilayo ako mula doon, mag iinarte na sana ako pero bigla itong sumenyas. Puwesto kami sa bandang likod kaya hindi ko na maintindihan ang sinabi nila.

"Dito tayo mag hintay" wika ng lalake wait knows ko ang boses nya

"Joms?" tumingin ito sa akin pero hindi sumagot

Tumawa ang lalake at ang mga tauhan nito. Bago tinutukan ng baril si Kuya.

'Kuya' nasabi ko lang sa isip ko

Nag taas na din ng baril ang mga kasamahan namin habang si kuya ay kalmado lang.

Paano nya nagawa na kalmado lang sya habang may naka tutok na baril sa kanya?

Ilang sandali lang ay nag lakad na si Kuya palayo palapit sa akin.

"Wala kayong ititira na kahit na sino dito" wika nya sa lalake na humila sa akin, bago ako hinawakan ni kuya at hinila palayo.

Nang makalabas kami ay narinig ko ang ilang putukan. Nasa likod lang ako ni Kuya habang sya nakikipag palitan na din ng putok sa mga tauhan sa labas.

May tumutok na baril mula sa likod ni kuya habang busy sya sa pakikipag sintukan. Lumapit ako dito at sinipa ang kamay nya dahilan para mabitawam nya ang hawak na baril.

Pupulutin nya sana ang baril pero naunahan ko sya.

"Slow" umikot ako at sinipa sya bago tuktukin ang ulo nya dahilan para matuba sya "Sleep well" wika ko pero may bumaril naman dito sa ulo kaya napalingon ako kay kuya

"Rest in paradise ang tamang salita" Nilingon ko si kuya "Let's go"

Napanganga lang ako, tinignan ko ang lalake. Hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot o kilabot dahil sa patay sa harap ko. Umiling lang ako bago sumakay sa sasakyan ni Kuya. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na pag sabok.

"Kuya ang big bike"

"Nauna na yun umuwi sayo"

"Huh?" patanong ko "Wait kuya paano mo nalaman na naka sunod ako?"

May kinuha si Kuya at bibigay sa akin ang keypad cellphone ko "Alam kong nakikinig ka kanina"

"Wait... Wag mo sasabihin kay--"

"Alam ni Papa"

"E bakit hinayaan nyo ako sumama"

"Dahil alam namin na alam mo na ang lahat" Ngumiti sya sabay saglit na tumingin sa akin "Next time din na mag search ka siguraduhin mo na walang ibang nakakaalam"

"What do you mean?"

"Alam ko na nag search ka about sa Inferno at sa Peyton kanina" nakangiti nyang wika. Ano nakakangiti dun "Magaling ka at napag aral mo ang lahat sa maikling panahon, saan mo pala nalaman ang website na yun?"

"Naopen ko lang"

"What about the code?"

"Tungkol kila Hades o tungkol sa Morse?"

"Both?"

"Sila Hades si papa ang Das Autem Valdis o DAV ay kayo, about sa morse code, well walang nakalagay na kung anong code sa website pero base sa makikita ko sa inyo alam kong Morse yun. Wait sila Azazel at Dracul sino sila?"

"Patay na si Azazel"

"Wala syang tagapagmana?"

"Meron naman pero nag tayo ito ng sarili nyang Mafia Organization. After mamatay ang tatay nya nag tayo sya ng sarili nyang grupo"

"Kilala mo sya?"

"Oo"

"Si Dracul?"

"You will meet them soon"

"Ang Peyton totoo ba na kasama ko sa mamanahin ang organisasyon?"

"Oo at kailangan"

"Bakit naman kailangan?"

"Matagal ng hindi nakakasabay ang Peyton sa ganito, hindi kaya ni Mommy ang ganitong bakbakan, kung hindi ulit maibabalik sa dati ang organisasyon ay makukuha ito sa atin kaya pinamadali ang pag pasa sayo ng lahat"

"Wala naman akong choice" napa straight ako ng upo "Wait ang pumasok sa bahay ni Jairus, sino yun?"

"May iba pang gumamit ng code. Nandito na tayo" tumingin ako sa labas. Papasok na kami ng mansyon.

Marami pa sana ako gustong itanong pero hindi ko na naitanong.

"Umakyat ka na at mag pahinga maaga pa ang pasok mo bukas"

"Good night Kuya"

"Sweet dream my princess"

Ngumiti ako bago umakyat. Umupo ako sa harap ng study table ko.

Bakit kaya pinasok ang bahay ni Jairus. Sino pa ang ibang organisasyon na gumagamit ng code. Kami lang ba o may iba pa.

Tumayo ako at nag half Bath lang bago nag bihis ng pang tulog at humiga sa kama.

Tulala lang ako sa kisame. Kung tanungin ko kaya si Jairus kung may alam sya dito.

Ano nga ulit tawag dito?

Hofia?

Pero 'M' start letter nya?

Maf...

Mar...

Mot...

Maria?

Nasa dulo ng dila ko ang salita Jusko.

Tumayo ako.  Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko alam yun. Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kwarto ni Kuya.

Kumatok ako ng dalawang beses. Pero walang sumasagot. Kumatok ako ng tatlong beses. Nang wala pa rin nasagot ay kumatok na ako ng maraming beses tuloy tuloy.

Bumukas ang pinto at tinignan ako ni Kuya. Habang nakakunot ang noo. Magulo din ang buhok nya at naka pajama na.

"I need to ask you something?"

"What?"

"Ano ulit tawag nyo sa organisasyon?"

"Inferno"

"Di yung kabuuan yung kasing tunog ng Hofia"

"Munggo?"

"Munggo? Hindi yun"

"Baboy?"

"Kuya naman hindi yun"

"Anong hofia ba?"

"Kasing tunog ng..." napatigil ako ng maalala ko na "Alam ko na" wika ko bago umalis sa harap nya

Bago ko maisara ang pinto ay sumulpot si Kuya.

"Ano yun" tanong ni kuya

"Yung alin?"

"Yung alam mo na"

"Yung Hofia?"

"Ano ba itatanong mo sa akin"

"Ah wala"

"Sabihin mo na hindi rin ako makatulog pag hindi ko nalalaman e"

No wonder mag kapatid nga kami.

"Yung mafia"

"Ano tungkol dun?"

"Naisipan ko lang itanong"

"Ginising mo ako ng ganun lang?"

"Oo hehe good night" wika ko bago isara ang pinto. Narinig ko pa ito na nag sasalita ng kung ano ano at narinig ko na lang ang pag kalabog ng pinto nya

Saktong 3:00 pero hindi pa rin ako makatulog. Gusto ko na tuloy tanungin si Jairus about dun.

Gising pa kaya sya?

Malamang hindi.

Nag talukbong ako ng kumot at pinilit bukas na lang siguro ko sya tanungin.

Grabe ang daming nangyari ngayong araw pero parang hindi ako napagod.

Una yung pag uusap namin ni Sofy sabay yung nangyari sa amin ni Joms, yung pag away nila ni Jairus. Pag basag ng Mp3 ko, yung pag Kasugat ko yung practice, kung practice pa ang tawag dun at yung mga nasaksihan ko.

Feel ko tuloy ang tanda ko na para sa ngayon araw. 18 pa lang ako pero ang mga problema ko ay pang matanda na.

Hindi ko pa nga nagagawa ang bucket list ko tapos puro problema na ako.

E ano konek nun.

Basta.

Jusko naman pag ako talaga nag mukhang matanda dito.

Pinikit ko ang mata ko at nag simula irelax ang isip ko bago pinisil pisil ang palad ko sa ilalim ng hinliliit.

Sabi nila nakakatulong daw ang pag press sa palad sa ilalim ng hinliliit para ma relax ka.

Kung di naman kaya ay pikit mo lang mata mo para makatulog ka.

Napatayo ulit at pumunta sa laptop ko bago mag open.

Nag search ako sa website na gamit ko Kanina tungkol sa ibang organisasyon.

Madaming name ang lumabas.

Monarch

Desdemona

Jackson

Peyton

Inferno

Dark Organization

Gonzalo

At marami pang iba. Pero bukod sa amin. Sino kaya dito ang kalaban namin.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro