Chapter 20

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Sa mga nakaraang araw ay masyado na kaming naging busy dahil sa nalalapit na finals. About naman sa audition para sa concert ay isa kami sa mga nakapasok. Naurong din ang lahat ng intramural na gaganapin sa last week ng October. Kaya doble ang pag sisikap ng halos ng lahat ng estudyante na tapusin ang requirements para makapag saya.

Halos ang daming din ginagawa kaya hindi mo masyado makausap ng matino ang ilang estudyante. Madami na rin ang nag hahabol para sa grades nila. Kaya hindi ako nag karoon ng chance na tanungin si Jairus about sa mafia eme.

Nakatambay kami ngayon ng mga kaibigan ko sa labas ng library para mag review. Nag tatanungan naman ang mga kaibigan ko sa isa't-isa habang ako ay nag babasa lang ng mga notes. Kaya sa labas kami pumewesto. Nag highlights din ako ilang importante sa notes ko.

"Game game" wika ni Lenox "Pag sinabing corporation?"

"corporation is a big business or entity whereas the company is a small business or entity. The owners of a corporation are the shareholders whereas the owner of the company is its members. The corporation is a legal entity but the company is an invisible legal entity that exists only on a paper" wika ni Zarah

"In short?" -Khaye

"Pag corporation mas malaki" singit ko sa kanila "Example ng corporation ay mga channels sa tv, yung mga commercial ay syang shareholders nila, maraming nag naman ari ng corporation pwedeng si tide, si Ariel o iba pa"

"Sm din yung mga nandoon sa SM sila ang isa sa mga shareholders ng Sm pwedeng si Bench, forever 21, miniso at marami pa ang pwedeng mag may ari" -Zarah

"Differences between entrepreneur at Business?" -Khaye

"Pag entrepreneur sila ang taga creat ng product ang business sya ang taga benta" -Zarah

"Like?" -Lenox

"Halimbawa ako gagawa ako ng product, wine ako na ang bahala kung paano upgrade ang product ko then after nun pwede ko kayo sabihan na ibenta ang product na nagawa ko dahil kayo ang may maraming kakilala. Ako ang Entrepreneurship at kayo ang mga business man" mahabang paliwanag ko

"Okay okay/gets gets" -Lenox/Khaye

Nag tuloy tuloy ang tanungan namin ng araw na yan. Naiisipan pa ng dalawang bakla na mag overnight pero hindi ako pumayag kasi malamang hindi review ang mangayayari puro harutan lang ang gagawin namin, katulad dati.

Nag plano kami mag overnight sa bahay para mag review para sa darating na midterm pero ending nag harutan lang kami at nag movie marathon.

"Pwede maki seat in?" nilingon namin ang nag salita

"Sure naman" Maarteng wika ni Khaye "Nasaan pala sila Papi?"

"Nasa canteen" sagot ni Bryson "Sali naman kami sa pag Rereview nyo"

"Sure the more the merrier" umiling lang ako kay Khaye.

Napaka talaga ng baklang ito.

"May kukunin lang akong book sa loob" paalam ko bago pumasok sa loob ng library.

Nag hahanap ako ng libro para sa Personal development namin, sa subject ni Miss San Pedro.

Nasa book shelves ako at nag hahanap ng libro. Napatingin ako sa taas at doon nakita ang libro na hinahanap ko. Pero nasa sobrang taas naman nito. Napalingon lingon ako sa gilid. Walang tao nakakahiya naman kung istorbohin ko pa ang ibang estudyante na nag babasa.

Tumingkayad ako at pilit inaabot ang libro. Pero sa hindi inaasahan ay may nag abot nito. Napaharap ako dito at inangat ang tingin para makita sya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. 

Ang matutulis nyang mga mata, ang mapupula nyang labi, ang pilikmata, kilay, ilong, ang perpektong mukha nya.

♪ ♬ Sa iyong ngiti,
Ako'y na huhumaling at sa tuwing ikaw ay gagalaw,
Ang mundo ko'y tumitigil,
Para lang sayo ang awit ng aking puso
Sana ay mapansin mo rin nag lihim kong, Pag tingin. ♪ ♬

Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko sa kanya pag sya ang kaharap. Ibang iba sa nararamdaman ko dati. Bakit ako nag kakaganito.

Feel ko ulit ang pag bilis ng pag galaw ng paligid. Yung mabilis na tibok ng puso ko.

"Student please silent your phone!" natauhan naman ako ng sumigaw ang nag babantay dito sa library

Napakurap ako at umalis sa harap nya. "Ahm"

"Here" inabot nya sa akin ang libro, hindi ko naman napansin kanina na may mga hawak na din syang libro

"Thank you" hindi na ako kumibo at umalis na lang sa harap nya.

Pinag paalam ko ang libro bago lumabas at umupo sa mga kaibigan ko. Narinig ko pa itong nag tanong at sinabi kung nakita ko si Jairus sa loob pero tumungo lang ako bilang pag sang ayon.

Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko syang umupo sa gilid na harap ko. Nandito na din ang lahat kasama si Joms na nasa tabi ko.

Binuksan ko ang libro at nag notes sa notebook ko. Naririnig ko pa sila na nag tatanungan pero hindi ako nakikisali pa sa kanila.

Huminga ako ng malalim dahil kahit ilang ulit na basa ko ay hindi ko maintindihan.

"Here" nilagay ni Joms ang isang vita milk "makakatulong yan sa pag rereview"

"Thanks but no thanks" tipid akong ngumiti

Sa ilang araw din na nangyari ay bumalik ulit kami sa dati ni Joms. Hinahatid at sinusundo nya ako. Normal na sa akin yun dahil lagi na naman nya ginagawa. 

"Ako na lang iinom papi" wika ni Khaye

Nag simula na din ako mag review. Kinakagat kagat ko ang dulo ng ballpen.

Nanatili pa kami ng ilang oras sa labas ng library, halos 85% din ay puro kalokohan at 15% ay pag rereview ang naganap na open din tuloy yun yung nangyari sa aming tatlo.

"Okay Joms ito a, seryoso ito, may chance ba na mag ka gusto ka kay Gwyn? Kasi parang kay Sofia ka pa rin" nakakalokong ngiti ni Lenox

"Bakit hindi, hindi naman mahirap mahalin si Gwyn" diretsong sagot nya

"Wow" halos maramdaman ko ang sipa ng kaninong paa sa ilalim ng lamesa, alam kong isa ito sa mga pisting kaibigan ko

"E ikaw ba Jairus, yung nangyaring eksena nung nakaraan, nagawa mo ba yun dahil nag seselos ka?" napatingin ako kay Jairus at nag hihintay ng sagot

"Hoy mga bakla" singit ko "Ang issue nyo, bakit naman sya mag seselos e walang kami, tsaka nagawa nya ying dahil nag aalala lang sya"

"Porket walang kayo ay wala na syang karapatan mag selos, di ba pwede hindi mo lang maiwasan kasi may nararamdaman ka" -Zarah

"E kung ikaw ang tatanungin, kung walang Joms at hindi kayo tinakdang ikasal, may pag asa ba kayo ni Jairus?" -Bryson

Napatingin ako kay Jairus na nakatingin din sa akin, umiwas ako ng tingin, tumikhim ako bago mag salita "Alam nyo ang issue nyo, friend lang kami ni Jairus at mananatili kaming mag kaibigan, tsaka kuntento na ako na mag kaibigan kami dahil alam kong doon kami mag tatagal" mahabang paliwanag ko, buti na lang napigilan ko ang mautal

"Sus, ikaw ba Jairus, ano ang mas prefer mo, friend o lovers" -Caleb

Jairus Gail POV

"Alam nyo ang issue nyo, friend lang kami ni Jairus at mananatili kaming mag kaibigan, tsaka kuntento na ako na mag kaibigan kami dahil alam kong doon kami mag tatagal"

"Sus ikaw ba Jairus, ano ang mas prefer mo, friend o lovers" tanong ni Caleb nakatingin lang ako kay Gwyn na hindi naman nakatingin sa akin

Pahamak talaga ang dalawang ito kahit kailan.

"Uy Jairus" tumingin ako kay Caleb at binigyan sya ng pamatay na tingin, pero hindi ito na sindak.

Animal ka ka talaga.

"Well like what she said, I prefer to stay us her friend" sagot ko

"But you know girl and boy will never be friend" -Bryson

"Unless" -Caleb

"Unless what?"

"Same kayo ng gusto, pwedeng bakla ka at same kayo gusto ng lalake o tomboy si Gwyn at same kayo gusto ng babae" natatawang wika ni Caleb, sabay naman tumawa ang nasa lamesa na ito maliban sa amin ni Gwyn

"Gusto mo na ba mamatay?/Do you want to die?" sabay naming wika ni Gwyn tumigil naman sila at ipit pa rin nag tawa

"Enough na nga mga Father, respect na lang sa Fiancé at soon to be husband ni Gwyn, right, Gwyn, Joms" -Lenox

Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Yeah right, kailangan ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang kami ni Gwyn dahil hindi mag tatagal ay ikakasal na sya. Hindi para sa akin kundi sa tunay nyang gusto.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro