Chapter 22

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Gwyn Reese POV

"E kung hatiin na lang kaya natin ang rereviewhin natin?" wika ni Caleb

"Edi nag cheat tayo" wika ni Zarah habang hindi tinatapunan ng tingin si Caleb

Nasa canteen kami ngayon. Sa afternoon pa ang exam namin pero pumasok kami ng maaga para mag review. Kasama din namin sila Joms sa lamesa na katulad ng dalawang bakla ay puro kalokohan, wala pa si Jairus na syang sumasaway sa mga kaibigan nya kaya sobrang ingay nila.

"Magandang ideya yan, para perfect tayo" si Khaye

"Sige ano plan?" Lenox

"Ang galing naman ng plan nyo" nanunuya kong wika, napatingin naman sila sa akin "Tapos pag nahuli pare parehas din P. O. D" nakangiwi ko "Mag review na lang kayo dyan, mas magandang galing mismo sa isip nyo ang sagot"

"Wow is that you Gwyn?" si Khaye na napahawak pa sa dibdib nya

"Bagong buhay na si meme" tawa ni Lenox

"Dapat lang ikakasal na yan noh" singit ni Zarah

"Manahimik nga kayo" inis ko

"Nandito ang inspirasyon hahaha" -Caleb

"Hahahahaha" tawa nila, maliban sa amin ni Joms

"Ang galing nyan" wika ko

Humarap ako sa gilid ko at pag harap ko ay si Jairus agad ang nakita ko. Halos mapatalon ako sa gulat at biglaang kaba dahil sa pag sulpot nya. Para tuloy siyang ligaw na damo na biglaang nasulpot.

"Ano ba ginagawa mo dyan, atakihin ako sa puso sayo" wika ko, umupo naman sya sa tabi ko at nag labas din ng notebook nya

"Ano na nirereview nyo?" tanong nya habang binubuklat ang notebook nya

"Sa 21st century literature from the Philippine and the world" mahabang sagot ko

Tumigil na din sa mga kalokohan ang iba kong kaibigan at sila Joms at nag simula ng mag review ng seryoso.

Katulad ng kahapon ay puro palitan sila ng tanong at sagutan. This time din medyo seryoso na sila, well may times na nahahaluan ng kalokohan lalo na pag need ng explanation ng isang bagay, pero di na tulad kahapon na pure kalokohan.

Nag simula na kaming mag ayos ng gamit namin ng marinig namin ang bell.

Pag pasok namin sa classroom ay busy ang lahat sa kakareview, well hindi naman lahat may iba pa rin na nakuha pang makipag harutan.

Ilang minuto pa ay dumating na ang guro namin at nag simula na mag exam.

Well tuwing exam ano pa ang aasahan mo, may mga nag checheat may nag papasahan ng sagot o may nag bubulungan pero dahil mabait ako hindi ako nakikisal-- na lesson ba ito?

Halos mag dikit ang kilay ko. May sagot na ako sa iba dahil may choices naman pero pag dating sa identification ay bakit parang hindi ko alam. Halos paulit ulit ko itong binasa.

Ano ba ito Jusko. Inangat ko ang paningin ko na agad ko naman binalik ang tingin sa papel ko dahil nakatingin sa akin ang guro namin.

Pasimple akong tumingin sa tabi ko. Wala din syang sagot, tumingin ako ako sa isa pang gilid ko. May sagot sya pero hindi ko maintindihan ang sulat nya. Naka alphabetical order kasi kami kaya hindi ko katabi ang mga kaibigan ko.

"Ang mga mata" binalik ko ang tingin ko sa papel ko ng mag salita ang guro namin

Bahala na ang importante may maisagot.

Kahit alam kong mali ay sinagutan ko pa rin sana matulungan ako ni batman this time, bahala na si batman.

Lahat ng mga alam ko ay sinagutan ko kahit hindi ko alam sinasagutan ko pa rin, baka sakaling tsumamba at maging tama ang sagot ko.

Puro exam lang naman ang nangyari, ngayon. Siempre exam pa rin di nawawala ang mga kalokohan pag may exam, kompyahan at sa tuwing lalabas saglit ang guro na nag babantay ay may pasimpleng tumitingin sa mga notes nila.

Natapos ang araw ng exam namin natapos na din ang ilang pag hihirap. Nakahinga ang iba ang ilan naman ay mga nag hahabol para sa grades nila na gumagawa ng ilang requirements para mahatak ang mga mababang grade nila.

LUNES ng umaga ay wala na kaming pasok pero tuloy ang intrams. Simula na din sana ng practice pero hindi kami makapag simula dahil halos lahat ng kabanda ko ay player ng basketball. Ngayon din kasi ginanap ang intrams.

Sa sabado ang finals nila at sabado din ng gabi ang concert kaya medyo problemado kami, well yung tatlo lang pala.

"Ano sino panalo" tanong ko nang makabalik ang dalawang bakla.

"Olats (talo) mga pambato ng Strand natin" umupo si Khaye sa tabi ko "Di ka daw kasi nanood ng laban nila Jairus"

"Bakit hawak ko ba ang ring nila" mapang asar na tanong ko

"Hindi pero ikaw ang inspirasyon" wika ni Lenox bago uminom ng tubig

"Oh speaking" napalingon kami sa entrance ng canteen

Una kong nakita si Jairus, hindi sya nakatingin sa akin. Dumaan ito sa mesa namin na hindi kami o ako tinatapunan ng tingin.

Ano ang problema nya? Okay naman kami nung friday.

Baka paranoid lang ako.

Dumaretso sya sa counter at umorder. Narinig ko na tinanong pa ng kung sino kung pwede sila maki-sit in.

Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya, si Joms, ngumiti sya at ngumiti din ako.

"Kumain ka na?" tanong nya

"Hindi pa kami nakain" wika ng isa kong kaibigan. Pinag dilatan ko ng mata ang kaibigan ko, ang kapal talaga

"Ooder lang kami" wika ni Joms, narinig ko ang ilang asaran ng team nila pero tumungo lang ako at umiwas lang ng tingin

Halos pag tinginan na din kami ng ilang estudyante na nandito sa canteen.

Nangunot ang noo ko dahil sa hindi kalayuan ay nakita ko ang hindi kilalang tao na naka tingin sa gawi namin. Nakangiti ito. Naka suot sya ng puting damit at itim na pambaba. Hindi ko naman maaninag ang mukha nya dahil masyadong maliwanag sa gawi nya. Ang weird nya.

Wala masyadong nakakapansin sa kanya dahil halos lahat ng estudyante ay busy.

Hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Hindi ako nag pakita ng kahit na anong takot pero sa loob loob ko ay napupuno ng kaba at takot.

Sino sya?

Tinaas nya ng bahagya ang damit nya at doon ipinakita ang baril nya. Hindi ko maiwasan na kabahan. Tumalikod sya at nag lakad.

Tumayo ako at sinundan sya. Narinig ko pa na tinawag ako pero hindi ako tumingin. Halos lakad takbo ang ginagawa ko para hanapin ang babae pero walang tao.

Nasaan na sya?

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. May tao sa likod ko. Hindi ko ito pinansin at nag lakad.

Hinahanda ko ang sarili ko sa pwede nyang gawin. Kung baka sakaling gagawa sya ng kahit anong kilos ay kailangan maunahan ko sya.

Mabilis naman promoseso ang katawan ko ng hawakan nya ako sa balikat.

Hinawakan ko ang kamay nya bago umikot at nilagay ang kamay nya sa likod.

"Gwyn" napabitaw ako ng mapag tanto kung sino sya binitawan ko sya

"Joms" humarap sya sa akin at hinawakan ang balikat nya "Ano ba kasi ginagawa mo?"

"Sinundan kita" tumingin sya sa paligid "Ikaw ano ginagawa mo dito?"

Tumingin ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya?

"Wala naman" ngumiti ako "Tara na"

Para hindi na sya mag tanong pa ulit ay inunahan ko na sya mag lakad at bumalik sa canteen.

Sino yun? Bakit nya ako pinakitaan ng baril? Binabalaan nya lang ba ako.

Pero hindi kaya...

Niyayabangan nya lang ako sa baril nya.

E pake ko sa baril nya baka gusto nya putok ko sa kanya yun.

Nang makabalik ako sa lamesa naman ay agad na hinanap ko si Jairus. Nasaan na sya kanina pa yun umorder.

"Nauna na" bulong ni Caleb

"Bakit?" nag kibit balikat lang sya bago nilapag ang tray nya at umupo.

Umupo na din ako at umupo si Joms sa tabi ko.

Na nunukso lang sila tungkol sa amin ni Joms pero nguminguti lang ako at hindi nakikisali. Ewan ko pero wala ako sa mood para makisabay sa asaran nila.

Ewan ko ba bakit nawalan ako ng gana ngayon. Dahil ba dun sa babae?

Psh wag lang sya mag papakita sa akin.

Wait dapat ko ba ito sabihin kay Jairus?

"Ayos ka lang" Nilingon ko si Joms

"Oo naman"

"Nood ka mamaya sa game"

"May laro pa kayo?"

"Yes, kaya nood ka ha"

Ngumiti ako "I will"

Ngumiti din sya at kinagulat ko ang pag halik nya sa gilid ng labi ko.

"Hindi nyo na ba talaga mahintay ang kasal nyo" asar ng isa nilang ka team

Feeling close.

Ngumiti lang ako dito at umiwas ng tingin.

Bakit nya ginawa yun? Ano ibig sabihin ng ganun? Yung ginawa ni Joms.

Pero ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko, feel ko nag taksil ako sa kung sino.

Ito ang gusto ko simula pa lang pero bakit ngayon may alinlangan na.

Huminga ako ng malalim.

Dapat ko ba talaga ituloy ito o isusuko ko na lang?

Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko bago tumungo.

Medyo nakaramdam na din ako ng hiya dahil kay Joms. Dahil sa ginawa nya kanina.

Nasaan na ba kasi si Jairus?

Hindi ko tuloy alam kung paano makatakas sa pang aasar nila.

Sana bumalik na sya dito.

Mula sa ibabaw ng lamesa ay hinawakan ni Joms ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin at napatingin sa kanya na hindi nakatingin sa akin at tumatawa lang sa mga biro ng dalawang bakla.

Alam kong hindi sana ako nag aalangan sa kanya, dahil ito naman ang gusto ko, ang tadhana na ang gumawa ng paraan para makalapit kami.

Buong oras lang ako tahimik hanggang sa tawagin ulit sila Joms at ng team ng coach nila.

Naiwan na lang ulit kami nila Lenox sa canteen habang si Zarah ay umuwi na at makikipag kita pa daw sa boyfriend nya.

"Umamin ka nga baklang Gwyn" tumingin ako kay Lenox

"Ano nanaman" -Ako

"Kanina ka pa namin napapansin na tahimik, why ba?" -Khaye

"Ano naman masama sa pakikiging tahimik?" -Ako

"Hindi lang kasi normal, normally naman pag nandyan si Joms medyo maingay ka at nakiki sabay naman sa tawanan pero ngayon hindi" -Khaye

"Tsaka parang may hinahanap ka kanina ka pa Lingon ng lingon e, si Jairus ba?" -Lenox

"Ano ba pinag sasabi mo" -ako

"Umamin ka nga si Joms pa rin ba?" -Lenox

"Cheating ang gagawin mo kung ganun" -Khaye

"Anong Cheating?" nakakunot kong tanong "Hindi naman kami official kumbaga walang label"

"Bakit hindi mo tanungin?" -Lenox

"Para san pa?" -Ako

"Para sa inyo, maganda yung may label, linawin mo, unless..." -Khaye

"Unless what?" -Ako

"Unless Hindi na talaga sya" -Khaye

"Kaya isang tanong isang sagot, si Joms pa rin ba o si Jairus na?" -Lenox

Kinagat ko ang labi ko at sinusubukan pakiramdam ang sarili.

Ano nga ba?

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro