Chapter 23

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"Sure kang dito na lang?" tanong ni Joms sa tabi ko ng maihatid nya ako sa bahay

"Oo gabi na rin, makakapag pahinga ka ng maayos kung makakauwi ka ng maaga" Ngumiti sya at tumitig sa akin "Bakit?"

"I want to memorize each part of your face" tumingin sya sa mata ko pababa sa mga labi ko

Dahan dahan syang lumapit at hinalikan ako sa labi. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.

Pumikit ako at hindi ko inaasahan na sumunod na ginawa ko ay gumanti ako ng halik.

Sabi nila sa halik mo malalaman kung gusto ka ng isang tao. Sa halik mo rin makukumpirma ang nararamdaman mo.

Pero ano itong nararamdaman ko, gumati ako ng halik sa kanya, sya parin kaya?

Dumilat ako ng maramdaman ko na tumigil sya. Ngumiti sya at tumingin sa mga mata ko.

Umiwas ako ng tingin dahil di ko kaya na tagalan ang titig nya. Pero sa pag iwas ko ng tingin, sa harap ay nakita ko si Jairus, naka tingin sa gawi namin.

Nakaramdam ako ng takot at kaba, pakiramdam ko nag taksil ako sa kanya. Lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa harap nya.

"Jairus" wika ko "Sorry"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan ko humingi ng tawad sa kanya. Tumingin lang sya sa akin ng walang emosyon ang mukha.

"Sorry Jairus"

"Why? May nagawa ka bang mali?" tanong nya "Here" inabot nya sa aking ang malaking paper bag "I want to give this to you, naiwan mo sa bahay, I have to go"

"Jairus wait" hindi nya ako pinansin at sumakay lang sya sa mustang nya bago nag drive paalis

"Gwyn" wika ni Joms "Ano sabi nya? Are you okay?"

"Ahm... N-nothing and ahm yes I'm okay"

"Then see you tomorrow, sunduin ulit kita"

Tumungo lang ako at tipid na ngumiti, pumasok na ako sa bahay at dumaretso sa kwarto, nilapag ko ang gamit ko sa kama at kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Jairus.

Naka ilang ring ang cellphone nya hanggang mamatay, sinubukan ko ulit sya tawagan pero naka patay na ang cellphone nya.

Umupo ako sa kama at tinignan ang paper bag. Kinuha ko ito at nilabas ang laman, yung ilang gamit na naiwan ko sa bahay nya, katulad na lang ng dress at ng heels ko na ginamit ko nung birthday ko.

Isa syang kuwintas na kulay itim ang pinaka sabitan nya at bato ang pendant, kinuha ko ito at doon ko napag tanto na may pangalan ko ito sa mismong pendant.

Gwyn Reese

Jairus Gail POV

Pinatay ko ang cellphone ko. Ewan ko pero pakiramdam ko ang sakit ng puso ko dahil sa nakita ko kanina, gusto ko lang sana ibalik ang ilang gamit nya na naiwan sa bahay ko pero hindi ko inaasahan ang mga bagay na nakita ko.

Napatigil ako sa pag mamaneho ng may tumigil na sasakyan sa harap ko. Kilala ko ang sasakyan na ito at nakumpirma ko na sya nga ng bumaba sya. Bumaba din ako.

"Stay away from her, Jairus" wika nya ng makababa kao

"Why would I?"

"Because she's my fiancé, and I'm a man too, alam kong gusto mo sya and Gwyn is your best friend and I know that you like her but don't you ever cross the line"

"I know, Joms, so stop saying what to do" tumalikod ako at binuksan ang sasakyan ko

"Sooner or later, she will be my wife soon and I don't want to ruin our friendship, but once you cross the line, I will never hesitate to kill you" rinig kong wika nya bago ako sumakay sa sakyan ko

'I will never hesitate to kill you'

'Me too Joms, once you hurt her I will never hesitate to kill you with my own hands' I told to my self

Tinignan ko lang sya bago tumalikod at umlis na.

Dumaretso ako sa sarili kong bahay.

Nag bukas ako ng alak at nag salin sa baso.

Binuksan ko ang cellphone ko at nag sunod sunod ang pag tunog nito. Puro text message galing kay Gwyn at ilang missed call galing din sa kanya.

From : Gwyn
Can we talk?

From : Gwyn
Nag punta ako sa bahay nyo pero wala ka daw doon.

From : Gwyn
Answer my call please

From : Gwyn
Jairus whenever you see it's just nothing

From : Gwyn
Are you mad?

From : Gwyn
Let me explain please

'You don't have to explain it to me Gwyn' nasabi ko na lang sa isip ko

Totoo naman hindi nya kailangan mag paliwanag sa akin. Kung ano ang nakita ko ay labas na ako doon.

Gwyn Reese POV

Palakad lakad ako sa kwarto ko dahil hindi ko maiwasan na mag alala, hindi pa rin sya nag rereply, tawag din ako ng tawag pero nakapatay ang cellphone nya.

Hinawakan ko ang kuwintas na suot ko.

'Kung ano man ang nakita mo, sorry' wika ko sa isip

Halos takbuhin ko ang kinaroroonan ng cellphone ko ng tumunog ito.

From : Kuys
Pumunta ka ng basement

Halos manlumo ako ng makita ang text message. Si kuya lang pala. Pero bakit nya ako pinapapunta sa basement? Ano nanaman kaya ang trip nya.

Kahit nag aalangan ay pumunta pa rin ako.

Pag baba ko sa basement ay tila may isang barangay ang nandoon. Malawak ang basement namin. Kung ano ang lawak ng buong bahay ay ganun din sa basement, halos marami din ang kwarto sa ibaba.

Dumaretso ako sa dulong kwarto at pumasok.

"Gwyn"

"Kuya"

"We have a big problem"

"About what?"

"About Peyton"

"Sa company?"

"No it's all about Underground, may plano ang ibang organisasyon na kunin ang ang Peyton dahil akala nila tuluyan na natin pinabayaan, kailangan na makisabay ng Peyton sa underground transaction."

Nakapawak ako sa sentido ko. Ano alam ko dito? Ang alam ko lang naman ay makipag laban pero hindi ko alam kung paano talaga ang pakikipag transaction.

"Mr. Rohan" tumingin ako sa gilid ko ng marinig ang isang pamilyar na tinig

"Khaye?" tumingin sya sa akin, ibang iba ang itsura at aura ngayon ng bakla

"Yow mama" yumakap sya sa akin bago bumitaw ulit "Si Zarah at Lenox"

"Bakit?"

"Hawak daw nila si Zarah at Lenox" wika nya

"Nila? Wait hindi ko maintindihan, ano ang ginagawa mo dito? Bakit hawak nila si Zarah at Lenox? At Sinong sila?"

"Dark organization, sila ang may hawak kay Zarah at Lenox" sagot ni Kuya "Isa yan sa mga sasabihin ko sana sayo, Zarah your friends Lenox and Khaye is part of the Peyton organization, isa sila sa mga miembro ng Peyton at pati ang magulang nila, Kenneth is the underboss... " patukoy nya kay Khaye "Lenox is consiglier and Zarah is Capos"

"And all this time alam nyo? Since when?" tanong ko kay Khaye

"Bata pa lang kami alam na namin ang mga ito, well ako lang pala ewan ko lang sa dalawa" umiling ako

"Kailangan ko makuha sila Zarah" wika ko

"That is why you were here" nilabas ni kuya ang ilang isang bag ng baril at nilagay sa lamesa "Kailangan mo ito, ako na bahala sa mga transactions activities ng Peyton, sa oras na handa na tatawagan kita for now save your friends"

Nag katinginan kami ni Baklang Khaye "With him" turo ko kay bakla.

"Yeah" maikling sagot ni Kuya

"Do you know how to fight?" tanong ko kay Khaye

"Of course duh"

Tumalikod ako at nag lakad na "Let's go"

Dumaretso ako sa kwarto ko at nag palit ng damit. Nag suot ako ng puros itim na kasuotan. Tinali ko ang mahaba kong buhok. Bago nag suot ng jacket na itim.

Lumabas ako at doon nakita si bakla na nakatayo. Kaming dalawa lang daw ni bakla ang pupunta doon, dahil hindi pa namin pwede ipaalam sa iba na kumikilos na ang Peyton.

Wala na ang mga magulang namin inasikaso na ang business namin sa ibang bansa kaya malaya ako nakakakilos sa bahay ngayon.

Napasipol si baklang Khaye ng tanggalin ko ang takip ng sasakyan ko.

Ito ang first time ko na gagamit ng sasakyan. Tinaggal ko ang plate number at pinalitan ng iba. Mabuti na ang handa.

"Tara" pumasok na ako sa drivers seat at sya naman sa passenger seat

Nasa harap lang sya ng laptop nya at may pinipindot ng kung ano ano habang ako ay nag simula na mag maneho. Magaling sa larangan ng pang hahack si Khaye sa kanya ko na tutunan ang ibang pang hahack.

Habang nag aayos ito ng kung ano ano ay nag sasalita sya.

Sinabi nya ang ilang katangian na meron ang Peyton. Magaling daw sa pag gawa ng bomba ang pamilya ni Lenox at pati na mismo si Lenox, habang si Zarah ay ganda lang daw meron pero magaling daw ito lumaban.

Bukod daw sa pag hack ay Siya daw ang pinaka eye ng peyton as the underboss. Habang wala ako ay sya muna ang humahalili sa lahat. Nalaman ko din na malayong malayong malayong kamag-anak ko sila khaye kaya sila o sya ang naging underboss.

Si Lenox naman ay isang consiglier o kanang kamay ng boss at underboss. Bukod sa pag gawa ng bomba ay isa sya sa mga nag interrogate. Kung si Khaye ang eye ng grupo si Lenox naman ang middle.

Si Zarah naman ay isang Capos o caporigimes kung tawagin. Kumbaga sa sundalo si Zarah ang pinaka captain. Bagamat limitado ang galaw nya, pero sya ang namumuno sa nga soldiers at assasin na syang gumagawa ng torture

Bali ako daw bilang boss ay pwede jo gawin ang mga bagay na pwede nilang gawin. Kumbaga sila limitado ang galaw ako ay pwede ako kumilos ng walang sinusunod na utos.

Dito ko din nalaman na matagal na nga talaga hindi nakakagawa ng ilang transaksyon ang Peyton, hindi naman daw pwede sila kumilos ng walang abiso ng mga nakakataas, which is si mama.

Ang ginagawa lang daw nila ay siguraduhin na ligtas ang lahat pamilya ng leader nila, isa sa mga dahilan nila kaya daw kaibigan ko dito at kahit daw ang pangit ng ugali ko minsan ay hindi nila ako pinapatulan.

Talaga pinag diinan pa nito ang salitang 'Kahit pangit yang ugali mo nag stay pa rin kami'

May minsan na daw sumubok na kumuha ng titulo ng ilang ari arian ng Peyton pero nababawi parin daw nila. Naging dahilan daw nun ay pag kamatay ng magulang ni Khaye nung isang araw na sinubukan na lumusob ang ilang grupo para kunin ang buong Peyton.

Sa ilang taon daw na walang namumuno ay halos para daw silang mga kuting na wala magulang dahil hindi alam ang gagawin.

"Paano ka natuto makipag laban?" tanong ko

"Actually hindi na bago ito" wika nya "Nitong mga nakaraang araw inutusan kami ni Mr. Rohan na pasukin ang ilang senator para kunin ang ilang properties nila, ito talaga ang main business ng Peyton, illegal tayo kukuha ng properties at illegal na ipag bibili. Well yung mga senators na yun ay parte din ng mafia group"

"So yung mga balita pala ay hindi totoo na namatay sila dahil sa sakit at ilang kumplikasyon"

"Of course not hahahaha hindi lang masyado sunod sunod ang hakbang namin para hindi masyado halata"

"Ikaw ang gumawa nun"

"Hindi lang ako kasama ko ang dalawa, well ang iba pa" ngumiti sya

"Wait kung middle si Lenox at capos si Zarah bakit nandito sila?" takhang tanong ko

"Alam mo naman ang dalawa minsan boba, tsaka hindi pa naman talaga sanay ang mga yan sa ganito kailangan lang napasa sa kanila ang titulo na yun" wika ni Khaye "Napasok ko na lahat ng cctv sa lugar" may pinindot sya sa laptop

Tinignan ko ang laptop. Ang galing.

"Ako na ang papasok back up kita dito bantayan mo ang CCTV sabihin mo sa akin pag may ilang problema" pinark ko ang sasakyan sa di kalayuan ng lugar kung nasaan sila Zarah "Here" inabot ko ang earpiece

"Copy Ms. Gwyn" ngumiti sya "I know you can do it"

Ngumiti ako at tumingin ng diretso sa mata nya "Remember this I'm Gwyn Reese Peyton Manle the daughter of mafia boss Benedicto Manle and Giezel Grace Peyton and the heir of Peyton organization and this begin now" wika ko bago lumabas ng sasakyan

"Psh boastful" rinig ko pang wika nito bago ako tuluyan lumabas.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro