Chapter 25

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Alas dose na ng gabi at nasa basement pa rin kami, dito na din muna tumuloy ang tatlo.

Nasa isa sa mga guest room na si Lenox habang kami nila Zarah at Khaye ay nasa basement kasama si kuya at ilang tauhan ng Peyton at ng Inferno.

"Dahil wala sila alam about sa pag iisa ng inferno at ng Peyton" sagot ni Kuya sa tanong ni Khaye

"Kung ganun hindi nila alam na ang mga tagapag mana ng dalawa ay Peyton at Manle, which is kayo?" tanong ni Khaye

"Katulad ng Inferno ang Peyton, walang family background, bukod sa background ng mga don. Ang negosyo lang ng inferno noon ay ibat ibang baril na binebenta, pero nung nag isa ang dalawang grupo ay nag isa na rin ang negosyo, ang alam lang ng ibang grupo ay business partner sila, may haka haka na pinatay daw ng Hades, lider ng inferno, ang lider ng Peyton kaya naging negosyo ng inferno ang syang negosyo ng peyton" mahabang paliwanag ni kuya habang naninigarilyo, napapalayo naman ang ulo ko pag binubuga nya ang usok "Natigil ang mga transaksyon dahil ayaw ni mama ng mga ganitong aktibidad, isa pa hindi sya na train ng lolo sa ganito." tumingin si Kuya sa akin "If I'm not you ang mag mamana ng Peyton, ako ang kinilalang taga pag mana ng Peyton noon, pero nung sinabi na ikaw ay kasama sa mga mamanahin mo ang organisasyon kaya ngayon, Gwyn, mag ingat ka, kailangan na natin mag ingat ngayon dahil bukod sa organisasyon at kumpanya isa sa namana natin ang kawaay ng organisasyon, pag nalaman nila na iisa ang peyton at inferno mas dodoble ang mga kalaban natin at malalagay sa panganib ang dalawang grupo, pero ngayon may ideya na sila, kaya kailangan na natin maangat ang Peyton"

"Ang kasal?"

"About sa kasal ay hanggat hindi nakakabangon ang Peyton kailangan natin sila. Dahil kung hindi natin maprotektahan ang Peyton makukuha ito o maaari nila tayong patayin para makuha ang Peyton at inferno lalo na at alam na nila na iisa na ang dalawa"

"Hindi kaya si Joms at ang pamilya nya ang isa sa mga sumusubok na pabaksakin ang Peyton" tanong ko

"No imposible because he's the next Dracul" sagot ni Kuya

"May ideya ka na kung sino ang mga grupo na bumabangga sa atin, o kung baka sakali na mapatay nila tayo, kanino mapupunta ang lahat?"

"Sa Dark organization, ang dark organization ay binubuo ng sampung lider at may isa silang pinaka mataas"

"Sino sino sila?"

"Apat pa lang ang nakukuha kong pangalan ng lider hindi ako pwede kumuha ng impormasyon hanggat walang utos ng Hades, isa yan sa batas ng inferno, pero wag ka mag alala, hindi mo kailangan mag pakasal dahil gumagawa na kami ng plano ni Joms"

"Ang azazel?"

"Masyado syang matigas at ayaw tanggapin ang titulo, pero konti pa lang ang alam ko tungkol sa tunay nya pag katao hindi pa rin ako pwede makialam sa Inferno, hindi pa ako pwede humawak ng mataas na inpormasyon at konti pa lang ang nalalaman ko" tumingin si Kuya sa akin "Kung maaari Gwyn mag ingat ka, dahil ang main target nila ngayon ang buong Peyton"

"Don't worry asahan nyo na babantayan namin ng mabuti si Gwyn, Mr. Rohan" wika ni Zarah

"No we need to protect the Peyton, the whole organization" wika ko.

Marami pa kami napag usapan tungkol sa iba't-ibang organisasyon at ang mga negosyo nito.

Tama nga ang sinabi ni Kuya na hindi lang dapat ako mag focus sa isang grupo.

Malaking grupo daw noon ang Inferno sabi ni Kuya dahil tatlong tao ang nag papalakad nito pero nung dumami na daw at lumawak at nag karoon ng ibat ibang mafia group ay naging banta na daw ang inferno sa kanila.

Lalo daw naging banta para sa kanila noon ng malaman nila na nag isa ng negosyo ang Peyton at inferno.

Nitong mga nakaraang buwan ay nag sunod sunod ang banta sa Peyton dahil walang namumuno dahil matagal na itong hindi sumasabay sa transaksyon. Kaya para hindi matuloy ang pag kuha ng peyton ay kailangan palabasin na pag iisahin ulit sya.

Si Joms ang magiging representative 'kuno' ng inferno at ako bilang Peyton. Ngayon ko lang din nalaman na sa darating na april ang kasal namin. Kailangan mapabilis ang kasal para hindi agad makuha ang organisasyon, pero tulad ng sinabi ni Kuya. Gumagawa na sila ni Joms ng plano.

KINABUKASAN halos hindi ako nakatulog kakaisip.

Pero kailangan ko pumunta ng school ngayon bukod sa may practice kami para sa concert ay may kailangan ako kumpirmahin.

Pag pasok ko sa room ay kumpleto na sila tanging ako na lang daw ang hinihintay.

Hindi na naman nakapasok pa si Lenox dahil may mga pasa pa ito, pumunta naman ang dalawa sa kanya kanya nilang mga practice.

"May tao sa music room?" tanong ko "Mas komportable kung doon tayo dahil kumpleto ang gamit"

"Mamaya pa ang schedule natin, may nagamit pa doon" sagot ni Bryson

Tumingin ako kay Joms na nakatingin sa akin.

"Kamusta?" tanong nya, nangunot ang noo at tumingin sa braso nya

"Dumudugo ang braso mo" wika ko

"Ah wala ito hahahaha" ngumiti din ako sa kanya bago umupo sa tabi nya

Nag usap usap lang kami tungkol sa mga list na kakantahin namin sa mismong concert. Nag papalitan din kami ng ideya sinusulat ko ang ilang importanteng bagay na pwedeng gawin namin para mapaganda pa ang performance namin. Ilang araw lang ang meron kami dahil may mga laro din sila sa susunod na araw. 

Someone's POV

(Last night)

"May tama ka boss"

Hindi ko ito pinansin at dumaretso sa bar counter.

"Nandito na sila" tumayo ako at hinarap sila may apat na lalake

"Where's Belle?" tanong ko

"She's safe" halos nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang balita na yun, umupo ako at nag salin ng alak sa baso

"Set up ang lahat" rinig kong wika ni Winston

"Paano set up?" tanong ng isang kakadating, sigurado akong si Johnson yun 

"Nandoon si Gwyn Manle"

"Gwyn Manle?"

"Bakit ano ginagawa nya doon" naramdaman ko ang pag tingin ni Johnson  

"To save her friends" sagot ko

"Isa syang Peyton diba?"

"Yes" si Winston ang sumagot

"Bakit hindi na lang din natin sya tapusin?" wika ng isang tao na dumating

Charlie Sawyer

"Don't you dare touch or hurt her" sarkastiko syang ngumiti

"Baka nakakalimutan mo ang pamilya nya ang dahilan kung bakit nawala ang mahal mo sa buhay. Isa pa baguhan ka lang sa organisasyon na ito at isa sa mga misyon mo na patahimikin ang mga leader ng Inferno at Peyton at ang mga susunod nitong henerasyon" lumapit sya sa akin "Alam mo ang mga batas ng Dark organisasyon" tinapik nya ako "Paano ba yan nandito lang naman kami para makibalita, pero aalis na ulit kami" tumalikod sya at nag lakad palabas kasama ang isang lalake

Naiwan kaming apat dito.

Isa na ako sa mga lider ng Dark Organization. Ako ang pumalit sa isa sa mga napatay kong lider. Bukod sa sampung lider ay may mas mataas pa. 

May batas ang organisasyon na para maging parte ka nito ay kailangan mo pumatay ng isang lider sa oras na nagawa mo yun ay ikaw ang maaaring pumalit sa pwesto nya.

Kailangan ko pa ng malaking kapangyarihan para magawa ang ilang bagay.

Pero ngayong nakapasok na ako kaysa ko nalaman na isa pala sila sa grupo na gustong pabagsakin ang inferno at ang Peyton.

"May gasgas ka" tumingin ako sa lalakeng nag salita "What's your plan?" Umiwas ako ng tingin "We talk about this, parte pa rin ba ito ng pag hihiganti sa mga Manle, I told you walang kinalaman ang inferno sa pagka matay nya"

Tumayo ako at umalis dahil ayaw ko makipag talo pa sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko pa sya paniniwalaan. Hindi ako pwede mag tiwala ngayon, lalo na at tumitibay ang ebidensiya ko na ang matandang Manle ang pumatay sa kanya.

Paano ako papasok sa grupo na syang pumatay sa mahal ko sa buhay?

Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.

Gwyn Reese POV

Halos ilap sa akin ngayon si Jairus. Kaya nung makahanap ako ng tiyempo ay nilapitan ko sya.

"Yo" umupo ako sa tabi nya "Ayos ka lang?"

"Yeah"

"About last night..."

"It's okay di mo kailangan mag explain"

Oo nga naman bakit ba ako nag explain.

"Jairus" nilabas ko ang candy at binigay sa kanya

"Ano yan?"

"Candy?"

"Tss" ngumiti sya at kinuha "Thanks"

"Ang cold mo kahapon, bakit?"

"Hindi lang maganda ang pakiramdam ko"

"Ngayon ayos ka?"

"Maybe"

"Wag mo na uulitin yun a"

"Ang alin?"

"Yung hindi pag pansin sa akin, bother lang talaga ako, alam mo ba ang daming nangyari kagabi dumagdag pa sa isipin ko yun kaya hindi ako masyado makatulog"

"Ano ba nangyari kagabi?"

Napauwang ang bibig ko, sasabihin ko ba sa kanya, bahala na, alam na naman nya ang tungkol sa pamilya ko e "Nakidnap kasi sila Zarah at lenox kagabi, so ayun kailangan ko sila puntahan, well kasama si baklang khaye at alam mo ba parte pala sila Khaye ng Peyton, may nakalaban din akong lalake, akala ko ikaw yun, pero si Joms pala"

"Bakit naman?"

"May sugat ang lalake kagabi, yung mga galaw nya na pag atake at yung mata nya, parang ikaw, pero nakita ko ang sugat sa braso nya, katulad ng sugat ng lalake" iniwas ni Jairus ang mukha nya at napansin na namula ang tenga nya "Ayos ka lang?"

"M-masyado k-kang *ehem* malapit"

Napalayo ako sa kanya ng mapag tanto na sobrang lapit ko nga "S-sorry" umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko uminit ang pisngi ko

Ano ba itong nararamdaman ko Jusko naman.

Feel ko mababaliw na ako sa mga nangyayari sa akin at sa mga nararamdaman.

Bakit ba ganito. Para akong buntis na nag pabago bago ang mood.

Minsan masaya minsan naman malungkot. Dahil ba sa kiss kagabi? Pero bakit parang ang bilis naman?

Hindi hindi kailangan muna ng intercourse para mabuntis.

Hindi din pwede na wala akong maalala na nakipag sex ako, aba ang unfair naman nun, kung ganun.

Tumayo ako at sinabihan sila na pumunta na sa music room dahil malapit na ang time namin.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro