Chapter 26

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Naka tingin lang ako kay Joms habang nag uusap sila ni Jairus sa labas ng music room, seryoso sila.

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Joms ang lalake kagabi, hindi ko ito tinanong pa pero base sa kanyang sugat ay kumpirmado na.

Buong akala ko si Jairus yun dahil base sa galaw sa mata ay siyang siya. Pero paanong naging si Joms yun, wala naman din akong nakita sugat sa braso ni Jairus, kahit may mangas ang ang puti nyang T-shit na suot ay mahahalata naman siguro ang sugat, isa pa nung pasimple kong hawakan ang braso nya hindi sya umalma.

Pero kung ai Joms yun ano ginagawa nya doon? Sabi ni kuya sya ay ang susunod na Dracul. Hindi kaya traydor sya?

Kung hindi pwede mangialam si Kuya sa mga impormasyon sa Inferno dahil hindi pa sya ang Hades, pwes ako meron.

Ako na ngayon ang bagong lider ng Peyton. Kailangan ko mangalap ng impormasyon sa iba't-ibang grupo. Kailangan ko muna alamin ang tungkol sa Inferno, malakas ang kutob ko sa dating Azazel na may alam ito sa gulo na parating sa organisasyon namin dahil ayaw nya umupo bilang azazel maaring may mga alam na sya tungkol sa inferno. Malakas ang kutob ko sumapi ito sa Dark organization, para malaman yun ay kailangan ko muna alamin kung sino ang Azazel at ang tagapag mana.

Kinuha ko ang cellphone ko at tumayo. Lumabas ako ng music room.

"Where are you going?" tanong ni Joms

"Mag cr lang" ngumiti ako bago umalis

Madaming oras ang nasasayang kaya sisimulan ko na ang pag kilos bago pa mahuli ang lahat.

Katulad nga ng sinabi ko, dumaretso ako sa CR, hinintay ko muna na mawala ang ibang tao.

Chineck ko din ang ilang cubicles sa loob ng makumpira na walang tao ay kaysa ko nilock ang pinto.

"Hey Gwyn napatawag ka" wika nito sa kabilang linya

"May ipapagawa ako"

"Sandali" narinig ko ang ilang kaluskos sa kabilang linya at pag bukas sara ng pinto "Ayan, ano yun?"

"Gusto ko alamin mo ang mga pangalan ng lider ng Dark Organization"

"Yun lang?"

"Yeah asap yan"

"Noted"

"Kasama mo si Khaye?"

"Oo"

"I want to talk to him" narinig ko na tinawag ni Zarah si Khaye sa kabilang linya

"Yes girl?"

"I want the information about the Inferno specially about the Azazel, about Jairus and I need that asap"

"Alam ba ni Mr. Rohan to, pero bakit kasama si Jairus?" tanong ni Khaye

"No kaya kung maaari wag nyo ssabihin at wala lang gusto ko lang malaman ang tungkol kay Jairus"

"Kailangan nya malaman" -Zarah

"Ako na ang bagong lider ng Peyton diba? May karapatan na akong gawin lahat"

"Pero Gwyn?"

"Gawin nyo ang pinag uutos ko" hindi ko na sila hinayaan na mag salita at pinatay ko ang tawag bago tawagan si Lenox, naka ilang ring ito bago sumagot "Bumuo ka ulit ng mga tao para sa Peyton, mag hanap ka pa ng ibang tauhan"

"Bakit?"

"Thats my order"

"As soon as possible, Miss PEYTON" pag didiin nya sa apleyido ng nanay ko

"Gusto ko din sana na huwag ito ipaalam kay kuya"

"Makakaasa ka, ma'am"

Binaba ko ang tawag ng may kumatok "Sandali lang" inayos ko ang sarili ko bago binuksan ang pinto at lumabas

Bumalik na ako sa music room at nag simula ulit mag practice. Kailangan namin mag practice dahil bukas Wednesday ay may laro na ulit sila sa susunod na practice ulit namin ay sa Friday pa ulit sa sabado na ang concert kaya kailangan namin mag practice.

Tulad pa rin ng dati. Kaming dalawa ni Jairus ang nag duduet. Nasa drum si Caleb sa piano si Bryson at kaming tatlo nila Joms at Jairus ang nasa gitara.

Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo ako at hinayaan silang tumugtog.

May mga boses silang lahat, ibig sabihin maganda ang mga boses nila, mababa o mahinahon ang boses ni Bryson habang si Caleb ay pang rock ang boses si Joms ay mataas ang boses nya pang Jed Madela si Jairus naman ay kayang pag laruan ang boses, marunong syang magdala ng boses nya pero likas na malalim at malaki ang boses na meron sya.

Nakikinig lang ako sa kanila halos natatawa ako dahil nilalaro nila ang kanta. Nag memedly sila. Pag natatapos ang isang kanta ay bigla pang papaluin ni Caleb ang drum pero iba na ang beat, halos hindi nila natatapos ang kanta dahil puro chorus lang at papasukan nanaman ng bagong kanta.

"Ang galing galing" pumalkpak ako ng matapos sila "More pa hahahah"

Tumingin kami sa pinto ng may pumasok. Yung dalawa kong kaibigan.

"Tapos na kayo?" Si Zarah

"Hanggang 4:30 pa kami" sagot ko

"2 pa lang, tugtog pa kayo" wika ni Zarah "Sama ka Gwyn hindi na namin naririnig ang colab nyo ni Jairus"

"Okay sige" tumayo ako nag tinginan kami at nag tunguan

Nag palitan ng instrument si Joms Bryson at Caleb, nasa acoustic drum si Caleb, nasa keypad si Joms habang si Bryson ay kinuha ang violin.

Nag strum si Jairus ng gitara nya na Sinabayan ng keypad ni Joms at ang violin ni Bryson bilang intro sa kanta.

♪ ♬"Heto na naman ako" panimula ko
Nag-aabang ng bago sa istorya ko
Paulit-ulit na lang
Paulit-ulit na lang"

"Heto na naman ako" panimula din ni Jairus "Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko
Parang walang katapusan
Walang katapusan"

"Kahit pilitin pa'ng sarili" sinimulan ni Caleb ang pag palo ng drum "Ibigin ka, mali
Ako'y mali, Ako'y mali"

Dinadama ko ang bawat liriko ng kanta, pumipikit ako habang kumakanta.

♪ ♬ "Paano ba ang magmahal?" nag sabay kami ni Jairus "Palagi bang nasasaktan?
Umiiyak na lang palagi
Gusto ko nang lumisan
Paano ba ang magmahal?
Kailangan bang nasasaktan?
Lagi na lang 'di maaari
Ngunit ayaw lumisan" ♪ ♬

Sa pag tatapos ng kanta ay nag sabay kami ni Jairus at napatingin sa isa't-isa. Ngumiti ako sa kanya at ganun din sya.

Nang marinig ko ang palakpakan ng mga kaibigan namin ay umiwas ako ng tingin at tumingin sa mga kaibigan ko.

Ngumiti ako sa mga kaibigan namin na sumisigaw pa ng more. Kaya pinag bigyan namin sila pero this time hindi na ako kumanta at umupo na lang din.

Para tuloy kaming nasa isang gig or nasa isang malaking concert na pinapanood ang paborito naming banda.

Nag tilian ang dalawang kong kaibigan habang ako kinukuhaan sila ng video.

Ito ang isa sa mga mamimiss ko pag nag tapos kami ng senior highschool. Hindi kami masyado close sa boys, well maliban sa amin ni Jairus, pero nakakasama namin sila sa mga ganitong bagay, hindi tropa ang matatawag sa amin dahil hindi naman kami masyado nag kakausap o hindi namin masyado kilala ang isa't-isa. Pero once na nakasama namin sila sa mga bagay na ganito ay sobrang saya namin at napupuno ng tawanan.

Akala ko noon junior highschool kami ay yun na ang best at matatapos na ang lahat pero may the best pa pala at itong SH (Senior highschool) dito namin lubos na nakilala ang sarili namin.

Tama nga ang sinabi nila. Highschool is one of the best memory in your teenage life.

Sa highschool kami nakabuo ng iba't-ibang samahan, sa highschool namin nahasa ang sarili namin, sa highschool namin nalaman ang iba't-ibang talentong nakatago, sa highschool ka minsan makakakilala ng taong maaaring maging parte ng buhay mo.

Minsan din pala naging malaking tahanan ang paaralan para sa akin. Kung saan pag pumapasok ako nakakasama ko ang mga kaibigan ko, nasusulyapan ang taong hinahangaan ko, napapangiti din ako ng mga taong nasa paligid ko at kahit papaano ay natatakasan kahit sandali ang lungkot at ang problema.

Ilang oras kami nag tutugtugan hanggang sa matapos ang oras namin doon. Unang nag paalam si Khaye may dadaanan daw sya.

"Hindi kita maihahatid sa inyo ngayon, may kailangan kasi ako puntahan" wika ni Joms, inaayos na nila ang ibang instrument dahil halos patapos na ang oras namin. "Baka din hindi kita masundo bukas"

"Ayos lang..." wika ko. Tumingin pa rin ako sa sugat nya sa braso at tumingin sa kanya. "Ingat kayo" tumingin ako kay Jairus "Jairus pwede ba ako sumabay sa sayo?" tanong ko, tumingin naman ng pasimple si Caleb

Tumanggi ka.

"Ano kasi Gwyn may kailangan kaming gawin, alam mo na boys thing" si Bryson

"Ganun ba?"

"Ipapahatid na lang kita kay Caleb" -Jairus

"Girl diba Mag mall pa tayo" -Zarah

"Oo nga pala, hindi na sasabay na lang ako kay Zarah, ingat na lang kayo"

Tumalikod ako at tinunguan si Zarah. Nauna akong lumabas sa Kanya. Kailangan namin makapunta sa parking bago sila mauna doon.

Nang maramdaman ko naka sunod na si Zarah ay binilisan namin ang pag lalakad.

Pumasok agad kami sa sasakyan ni Zarah. Nasa backseat na si Khaye hawak ang laptop nya. Nag simulang mag drive si Zarah at nag park sa sulok ng parking.

"Nalagyan mo ba?" tanong ni Zarah

"Ako pa hindi lang ganda ang meron ako hahaha" wika ni Khaye bago lumapit at nilapag sa harap namin ang laptop "Blue kay Joms red kay Jairus, black kay Caleb at white kay Bryson"

"Irecord mo" -Zarah

May mga pinindot pa si Khaye. Nakakamangha itong baklang ito. Feel ko tuloy na sila pa ang lider dahil mas may alam sila sa mga ganitong bagay kaysa sa akin.

"Look" tumingin kami sa tinuro ni Zarah, nag uusap silang apat sa parking bago sumakay sa kanya kanya nilang sasakyan.

Nag lagay kami ng ilang GPS sa mga sasakyan nila at ilang voice record sa loob, kung paano nagawa ni Khaye ay hindi ko alam.

Sinigurado talaga namin na sasakay sila sa mga sasakyan nila.

Nang masigurado namin na nakasakay na sila ay tinignan namin ang isang apat na mapa sa laptop. Gumagalaw na din ang mga dots nito.

"Saan tayo ngayon boss" mula sa screen ni Caleb

"Bahay" si Jairus

"Bakit boss? Ang tawag nya" bulong ni Zarah

"Jairus" si Bryson

"I know" -Jairus

"Bakit? I better shut up na lang ba?" -Caleb

"Ang daldal mo bro" -Bryson

"Ilang babae ang meron" natatawang wika ni Caleb

"Maraming babae" -Bryson

"Fuck boys" -Zarah

"Inggit ka lang girl" -Khaye

"Look" turo ko sa gilid ng screen, sa dots ni Joms

"Sa village nila Sofy?" -Khaye

"Alam mo ito, Gwyn" -Zarah

"No"

"How do you feel?" -Khaye

"wala naman"

"Fiance mo then wala lang?" -Zarah

"We don't love each other"

"We don't love" Gaya nya sa sinabi ko "Ikaw lang ang hindi nya love" -Zarah

"Tss focus"

Hindi na nag salita ang dalawa at nag pokus sa screen ng laptop. Wala din kaming nakuha dahil dumretso sila sa bahay mismo ni Jairus, hindi sa village namin kundi sa mismong bahay nya. Wala kaming nakuhang impormasyon dahil puro babae lang ang binabanggit ng dalawa, tahimik si Jairus at nasa villa pa rin nila Sofy ang sasakyan ni Joms.

Sa huli ay umuwi din kami pero sinabi ko na bantayan maigi ang galaw ng apat.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro