Chapter 27

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

KINABUKASAN

Malakas ang tilian ng ilang mga babae sa loob ng coliseum kung saan nagaganap ang laro ng basketball. Gamit ang bote na may laman na mga bato ay kinakalpag namin ito para mag ingay pa.

Dalawang strand ang nag lalaro ngayon ang strand namin, G. A. S at ang S. T. E. M.

Kaliwa't kanan din ang sigaw nila sa mga pangalan at apilyedo ng pambato nila.

"Kyaaaaaaaaaah" hiyaw namin sabay tayo ng maka three points si Joms

Sumuntok ito sa dibdib sabay turo sa gawi namin. Nag hiyawan naman ang mga tao sa gawi namin.

"Shet kinilig ako doon, 3 points sa puso mo Gwyn" wika ni baklang khaye habang pinapalo ang braso ko napangiti naman ako.

"Hindi para kay Gwyn yun" bulong ni Zarah, tumingin ako sa kanya sabay galaw ng ulo nya na paturo sa likod. Tumingin ako. Nandoon si Sofy.

So hindi para sa akin.

Tinarayan ko si Zarah sabay tingin sa basketball court, hawak na ngayon ng kalaban ang bola, binabantayan naman ito ng isa sa mga kateam nila Joms.

Hindi ko na pinansin si Zarah at nakiki cheer ulit. Halos mapaos ako sa kakatili pag nakakashoot ng bola ang strand namin, halos masira naman ang bote na hawak ko kakapukpok sa sahig. Feel ko din tuloy lumaki ang bicep ko dahil sa bigay todo na pag pukpok ko ng bote na may bato para makapag ingay.

Nang matapos ang laro ay dumaretso kami sa canteen. Nasa counter na sila Zarah at Khaye habang ako ang bantay sa lamesa namin. Hindi pa rin makakapasok ang baklang Lenox dahil sa mga pasa at sugat nya na di pa rin nagaling. Pero baka daw bukas pumasok sya.

Nang makabalik ang dalawa kong kaibigan ay ako naman ang pumunta sa counter at umorder.

"Ahm isang lasgna and--"

"Tatlong set c, Nanay merly" tumingin ako sa nag putol ng sasabihin ko

"Joms"

"Sagot ko na, panalo kami e"

"Okay" ngumiti ng ako malaki

"Pakidala na lang doon" turo nya sa lamesa kung nasaan kami, nandoon na din ang iba nyang ka team "Let's go" hinawakan nya ang kamay ko palayo sa counter.

"HHWW (holding hands while walking) yan hahahaha" si Khaye

"Sofy" wika ko ng makita ko sya na naka upo sa upuan kung nasaan kami

"Sofia" bumitaw si Joms sa pag kakahawak ko

"Makiki sit in sana kami, puno na kasi sa ibang mga lamesa" tumungo tungo lang ako

Umupo ako at ganun din si Joms, pinag gigitnaan namin si Joms.

"Hey, Jairus" singit ng isang babae, tumingin ako sa kanya, si Dian, umupo ito sa tabi ni Jairus at dinidikit ang katawan nito sa kanya

Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng inis.

Aba ano sya linta?

Gusto ko hilain ang buhok nya, gusto ko balatan sya ng buhay. Gusto ko sya barilin at patayin.

Sinagi ako ng katabi ko sa bandang kanan "Baka masaksak mo ng mga tingin yan Girl" boses ni baklang Khaye, Umiwas ako ng tingin at baka kung ano pa ang magawa ko sa lintang babae na yun.

Bigla naman pumasok sa isip ko ang eksena nang makita ko ito sa kwarto ni Jairus.

Obvious naman na ginawa nila ang bagay na yun.

"Pwede ba akong pumunta sa place mo?" malanding wika nya, napatingin naman ako

"Bakit ano gagawin nyo?" hindi ko na naiwasan sumingit

"Mag relax lang you know" sagot nya

Gusto nya ba mag relax habang buhay.

"Hoy kayo na ba?" tanong ni Joms

"Not yet but soon" sagot ng babae

"Not yet but soon"

"Not yet but soon"

"Nililigawan mo sya Jairus?" tanong ko

"Yes he's courting me" sagot ni Dian

"Jairus na ba ang name mo ngayon, Dian?" sarkastiko kong tanong

"Well ano naman ngayon kung nililigawan nya ako, ano ba kayo? He's just your best friend, diba"

Oo nga naman kung niligawan sya ni Jairus. May karapatan na manligaw si Jairus.

"W-well like just... Just... Ahm... Like just what you said, he's my... My best friend dapat ano... Dapat alam ko kung sino ang mga nililigawan nya... Tama dapat alam ko kung sino ang nililigawan nya para ma suri ko kung seryoso ang babae kay Jairus" sagot ko

"Oh well sooner or later magiging kami kaya wala kang magagawa pa" hindi na ako nakasagot sa kanya, napuno tuloy ng katahimikan ang lamesa

Alam kong nakikinig sila sa amin. Tumingin ako kay Jairus. Blangko ang tingin din nito sa akin.

'Gusto ko mag paliwanag ka' bulong ko sa isip ko

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Awkward..." bulong ng isa sa lamesa

Nang dumating ang mga order ay kaysa ulit nag ingay ang lahat ng nasa mesa, well maliban sa akin na tuluyan na nawala ang gana mag salita.

Wala na daw laro sila kaya nag uwian na ang ibang player. Kaya bukod sa amin ng mga kaibigan ko ay ang naiwan lang ay ang kaibigan nila Joms kasama ang isang kaibigan ni Sofy na mag kausap ngayon at yung babaeng linta na walang ginawa kundi landiin si Jairus habang ito naman ay nakikinig sa usapan ng mga kaibigan nya.

"May one week tayo na semester break ano balak nyo?" bulong na tanong ni Zarah

"Sa bahay lang ako" sagot ko

"Out of town tayo" wika ni Khaye

"Hoy!" sigaw ni Caleb kaya napatingin kaming tatlo sa kanya "magandang ideya yan" napaka tsimoso nitong lalakeng ito bulong lang yun narinig nya pa ang usapan namin

"Hoy ka din" sigaw pabalik ni khaye "Khaye ang name ko duh"

"Gusto ko din mag out of town" wika ni Dian

"Ay tropa ka ba?" napakagat ako sa labi ko at nag pipigil ng tawa dahil sa sinabi ni Khaye, nauwang naman bibig ni Dian

"Hahahahah aguy, part ka ba daw ng tropa hahahaha" asar ni Caleb

"Babe oh" sumbong ni Dian kay Jairus

"Kidding hahahaha" biro ni Khaye "So g kayo?" tanong ni Khaye "Ikaw Gwyn?"

"Sige saan ba?" tanong ko habang umiinom ng tubig

"Palawan?" Khaye

"Boracay?" Zarah

"Cebu?" Bryson

"Bataan? Hindi pa ako nakakapunta doon" Dian

Tumingin sila kay Jairus "What?" walang emosyon na wika nya.

"Bohol" caleb

"Baguio" wika ng kaibigan ni Sofy

"La union" sofy

"Sa Pagudpud sa ilocos norte" Joms

Tumingin silang lahat sa akin. Medyo na pressure ako dahil wala akong alam sa mga pasyalan dito sa Pinas kung meron man e yun yung palawan at boracay lang at itong cavite.

Mukhang kailangan ko mag bigay ng lugar dito sa pilipinas.

"Laguna" singit ni Khaye

"Tagaytay" Zarah

Pinalo ni Bryson ang lamesa "Albay"

"Abra" Dian

"Tss" Jairus

"Kalingga?" Caleb

"Pampanga" Sofy's friend

"Pangasinan" Sofy

Shet palapit na ulit sa akin kailangan ko makasagot.

"Ifugao" Joms

"Wait" wika ko "Cavite"

"Ano ba makikita dito sa cavite?" tanong Caleb sa akin

"Bahay ni Aguinaldo?" sagot na patanong ko

"Duh out of town nga e" inismiran ako ni Dian

"Hoy babaeng linta wag mo ako taray tarayan dyan" pinalo ko ang lamesa "Pwede naman out of city or out of province diba" inismiran ko din sya

"I'm going to create a group chat na lang then doon tayo mag chat" nilabas ni Sofy ang cellphone nya at doon nag pipipindot ng kung ano ano.

Sana lang mabalian ng buto ang babaeng linta o sana lang mag sara ang butas ng vigana nya lintek sya.

Nag tuloy tuloy ang usapan nila tungkol sa pag out of town 'kuno' nakapag plano naman na sa lunes kami aalis at pag usapan na lang daw kung saan kami pupunta sa group chat na binuo ni Sofy.

Bakit ba naman kasi kailangan kasama yung babaeng linta na yan.

Ang init talaga ng dugo ko sa kanya, una pa lang talaga ng story na ito inis ako sa kanya, kung hindi dahil sa kanya edi sana hindi nakipag away sila Joms doon sa mga unggoy na yun, edi sana hindi kami nag P. O. D. Kung Hindi kami na P. O. D edi sana baka hindi ganito ang takbo ng story ko. Ah basta.

Mag sara sana ang lahat ng butas nya sa katawan.

Ilang oras pa ay nag pasya na kami umuwi dahil wala na naman ginagawa, kung hindi lang talaga ako manonood ng laban nila Jairus edi sana nasa bahay lang ako ngayon, wala naman din kasi magawa sa bahay kundi Humilata ng humilata.

Hindi na rin ako nag pa hatid pa kay Joms dahil dala ko naman ang motor bike ko, well dahil wala naman ginagawa ay naka civilian kami ng suot, kaya komportable ang galaw ko at lakas loob akong makapag motor ngayon.

Isa pa may mga kailangan akong bilhin sa mall, well hindi naman essential gusto ko lang talaga mag punta sa mall.

Nasa national book store ako ngayon at nag titingin ng mga bagong libro. Parang trip ko ngayon bumili ng wattpad books. Pero baka sa susunod na lang dahil hindi ko pa tapos ang ilang nabili ko nung nakaraan.

Pumunta ako sa isang mataas na bookshelf nag tingin tingin ako ng ilang libro na pwede ko magustuhan.

Kumuha ako ng libro na naka bukas na at doon nag basa.

Nag aksaya ako ng oras sa NBS hanggang sa nag pasyahan ko umalis na doon.

Nag lalakadad ako papunta sa food court ng mall ng may naramdaman akong sumusunod sa akin. Hindi ko ito pinansin at hindi nag pahalata na nararamdaman ko sya, isa pa hindi nya naman siguro ako sasaktan sa maraming tao.

Bumili ako ng pagkain at doon na rin kumakain.

Pinapakiramdaman ko ang paligid ko. Ang isang tao na naka sunod kanina ay ngayon ay parang dumami, nararamdaman ko din ang mga tingin nila.

Ano ang gusto nila sa akin?

Tumayo ako nang matapos ako kumain. Hindi pa rin ako nag papahalata na alam ko at ramdam ko sila.

Dumaretso ako sa CR. Pag pasok ko sa cr ay medyo madaming tao, pumasok ako sa cubicle, nilabas ko ang dalawang cellphone ko, yung isang keypad at yung isang ginamit ko talaga.

Kinopy ko ang ilang contacts sa isa kong cellphone sa keypad, bago ito pinatay at tinago sa loob ng dibdib ko. Tinanggal ko ang memory card ng isa kong cellphone at finulush sa toilet. Nag pindot ako at may tinawagan bago tinago ito sa bulsa ko.

Bago ako lumabas ay narinig ko ang pag lock ng pinto ng CR sa labas.

Dahan dahan akong lumabas ng cubicle, wala ng tao, sumipa ako sa likod ng maramdaman ang tao sa likod ko. Sinalo ko ang baril at tinutok sa tao.

"Who are you?" tinignan ko ang baril at binalik ang tingin sa kanya "Good choice" ngumiti ako dahil may silencer ang baril "Wala kang balak mag salita. Well I'm just wasting my time" binaril ko ito sa ulo at hinila ang katawan sa isa sa cubicle. Tinago ko ang baril sa tagiliran ko.

"Pumunta ka dito sa mall at linisan mo ang kalat asap" wika ko kausap ang kaibigan ko sa cellphone

Agad ako lumabas ng cr at pumunta sa parking lot. Pero mukhang wrong move. Madilim na sa parking lot ng mall dahil gabi na rin wala na din masyado tao sa parking.

"Sino kayo?" wika ko bago humarap sa mga sumusunod sa akin, kung bibilangin ay nasa sampu sila o higit pa

Sumugod ang isa sa akin at agad ako umilag at lumaban hanggang halos lahat sila ay kaliwa't kanan na sumusugod sa akin.

Nilabas ko ang baril ko at pinaputkan sila. "Dalian mo ang pag punta dito at marami kang lilinisan" wika ko habang nakikipag palitan ng putok ng baril.

Binato ko ang baril ng wala ng bala bago tumakbo papalapit sa big Bike ko pero bago ako makalapit ay may humarang na sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at binato ito sa kanya ng malakas, sinugarado ko talaga na mababasag ito para wala silang makuhang impormasyon doon. Buti na lang hindi ako masyado nag save doon pero mabuti na at sigurado.

Natamaan ang lalakeng binato ko ng cellphone sa ulo at doon nasira ito.

Naramdaman ko naman ang pag tusok ng isang bagay sa leeg ko, tinanggal ko ito. Isang hiringilya.

Nakaramdam ako ng hilo pero sinusubukan ko pa rin lumaban. Sinapa ko ang lalakeng papalapit pero hindi ito natinag ilang segundo pa ay hindi ko kinaya ang hilo at muntikan na akong matumba. Naramdaman ko ang pag salo ng isang tao. Tinignan ko ito ng masama, bago dumilim ang paligid ko.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro