Chapter 28

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Bukod sa liwanag na galing sa labas at ang isang ilaw galing sa malapit sa di gaanong kaliwanag na bumbilya.

Tumayo ako sa pag kakahiga ko, lumapit ako sa pinto at sinubukan ko pakiramdaman kung may tao.

Wala naman siguro.

Pero pakiramdam ko ang ilang mata na parang naka tingin sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko na keypad na inipit ko bago binuksan, nang bumukas ito ay sinilent ko ito, 4pm, thursday?

Kung hindi ako nag kakamali ay gabi na yun, ibig sabihin ilang oras akong tulog?

Napahawak ako sa pader ng maramdaman ko ang pag yanig ng tinatapakan ko.

Katapusan na ba ng mundo?

Agad akong nag type ng number at tinawagan si Zarah.

"Who's this?" sagot nito sa kabilang linya

"Its me"

"Gwyn? Don't worry nandyan na sila" bago pa ako makapag tanong ay naibaba ko agad ang tawag ng marinig ang putukan ng baril. 

'Kailangan ko makatakas dito' bulong ko sa isip ko.

Agad naman bumukas ang pinto at niluwa ang isang lalake "Joms?" wika ko ng tuluyan syang makita

"We don't have time, let's go" hinawakan ako nito at hinila palabas. Binibitawan ako nito sa tuwing may nakikitang lalakeng papalapit.

Sa di kalayuan ay nakita ko ang isang lalake na sobrang pamilyar sa akin.

"Copy" wika ni Joms napatingin ako sa kanya ng mag salita ito, may nakalagay na earpiece sa tenga nya

Lumapit sa gawi namin ang isang lalake at doon ko napag tanto na sya nga. Nag tago kami sa isang gilid.

"Stay here" wika ni Joms at lumabas sa pinag tataguan namin at nag simula ulit mag paputok.

Nag lalakad naman si Jairus habang bumabaril, nang mag pantay sila ay lalo ako namangha sa kanila ng mag bato si Jairus ng magazine papunta kay Joms na agad naman nya sinalo. Humugot naman si Jairus ng isa pang baril sa tagiliran nya.

Nang makita ko ang ilang lalake sa likod nila, sa harap ko ay agad ako kumilos, kinuha ko ang baril ng lalake na naka handusay sabay sunod sunod na pinaputukan ang mga lalake sa likod nila. Mag katalikuran na kami ngayon.

Bali ang pwesto namin ay mag katalikutan kami ni Joms at si Jairus na nasa gilid namin.

Nang humupa ang putok at halos ubos na ang kalaban ay agad may humila sa akin.

Si Joms.

"We need to go, the bomb will be explode in any minute" wika ni Jairus "Protect her, Joms I will cover both of you"

Binitawan ko na ang baril at halos hilain na ako ni Joms habang si Jairus ay nasa harap namin na nakikipag palitan ng putok sa mga nakakasalubong nya.

Nang makalabas kami ay agad na may dumating na puting van. Agad naman kami sumakay kasama si Jairus at pinaandar ng kung sino man.

Nilibot ko ang paningin ko sa van, puro camera ng gusali, may ilan pang nag tatakbuhan at parang hinahanap pa kami at katulad nga ng sinabi ni Jairus ay ilang minuto pa ay may narinig na kaming sobrang lakas na pag sabog. Tuluyan na din nawala ang signal ng mga camera

"One of the best movie" nilingon ko ang nag salita.

Halos kumpleto lahat ng kaibigan ko at kaibigan ni Jairus.

"Galing ng tandem nyo Joms at Jairus" wika ni Bryson habang nag dridrive.

"Para din kayong nasa pelikula nung kinuha ni Gwyn ang isang baril tapos mag katalikod kayong nakikipag barilan, grabe ang cool" Zarah

"Ano ang nangyari paano nyo nalaman na nandito ako" tanong ko

"Ganito kasi yan..." wika ni Lenox

Lenox POV

(Earlier)

Hello I'm Lenox Flores at Lea sa Gabi Lenox sa umaga, ako ang pinaka maganda sa aming apat, kahit si Gwyn ang boss ako pa rin ang reyna.

"Bakla matatapos na ba yan?" tanong ni baklang Khaye

"Oh ito" abot ko sa kanya.

"Nalagay ko na ang ilang CCTV sa lugar" wika ng Caleb

"Everything's ready?" tanong ni Papi Jairus

"Yes boss" sumaludo si Caleb

Hindi ko inaasahan na darating sa panahon na magiging ganito kaming lahat, hindi ko din inaasahan na bukod kay Joms ay marunong ang tatlo, si Jairus, Caleb, at Bryson sa ganito.

***

"Bakla bakit ka nandito?" tanong ni baklang khaye nang makarating ako sa bahay nila

"Kagagaling ko lang sa mall" sagot ko bago nag madaling makalapit kay bakla

"Oh ngayon nag beabeauty rest na ako, bakla ka"

"Mawawala yang beauty mo pag napahamak si Gwyn"

"Ano meron sa babaeng yun"

"Nakidnap sya"

"What?!" halos pasigaw nyang tanong

***

Kinabukasan ng tanghali.

Halos mapanganga ako sa dami ng lalake, nasa isa kaming mansyon kung saan nandoon din ang halos lahat ng Inferno at Peyton, hindi na kailangan ni Gwyn na sabihin na mangalap pa ako ng tauhan para sa Peyton dahil ang mismong kuya na nya ang gumawa.

Nasabi na din namin sa buong Peyton ang nangyari kay Miss Gwyn at nag plaplano na kami na lusubin kung nasaan man si Gwyn.

"Rohan" napatingin ako sa lalakeng pumasok, ang poging si Joms "Kami na bahala kay Gwyn"

"Joms" wika ni Mr. Rohan

"Ituloy nyo ang transaksyon Rohan kami na ang pupunta para makuha si Gwyn" wika ni Joms, bumaling ng tingin sa amin si Joms at tumungo, nag katinginan kami ng tatlong bakla bago nag bigay respeto kay Mr. Rohan at sumunod kay Joms.

***

Hindi ko alam kung paano nakakalabas pasok ang dalawang si Caleb at Bryson sa loob ng gusali. Sila ang bahalang nag kakabit ng mga CCTV camera sa loob, pero hindi lang simpleng CCTV dahil nag lagay kami ng bomba sa mismong CCTV  na yun. Pasimple nitong kinakabit ng dalawa.

"Halos tapusin kamo nila ang laro kanina" natatawang wika ni Bryson habang tinutulungan si Baklang Zarah sa pag aayos ng mga baril

Bagay sila.

"Talaga? hindi na kasi kami nakanood kanina kakaasikaso ng mga ito" sagot ni Zarah

Hindi ko na sila pinansin at tumingin sa dalawa, kay Joms at Jairus, serysoso silang nag uusap.

Alam kong si Joms ang magiging Dracul kung nag kataon, pero si Jairus ay hindi ko alam kung ano ang meron sya.

Pero sigurado ako na parte ito ng ibang organisasyon kasama ang dalawang kaibigan pa nito.

Maaari kayang may alam si Jairus sa pag kawala ni Gwyn. Dahil kung hindi ako nag kakamali sya mismo nag sabi kung nasaan naroon si Gwyn.

Dapat ba kami mag tiwala sa kanya o dapat namin syang ituring na kalaban.

"Let's go" bumalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Jairus na nasa harap ko na pala, tinignan ako nito ng walang emosyon, nakaramdam naman ako ng takot sa kanya.

Wala akong kinatatakutan maliban sa Peyton pero ngayon parang ibang Jairus ang nakikita ko.

Naramdaman ko na lang ang pag andar ng van habang pinapanood namin ang cctv.

May mga lalakeng dumating at nandoon si Mr. Rohan. Nag usap ang mga ito.

Ilang minuto ang tinagal ng pag uusap nila. May binuksan na isang attache case ang isang tauhan at doon namin nakita ang iba't ibang bote at isang syringe.

Kinuha ng lalake ang isang bote at ang siringilya bago kinuha ang laman ng bote at tinusok sa lalake, kumaway pa ang lalake at inutusan si Mr. Rohan na gawin din yun.

Kung hindi ako nag kakamali isa yung droga.

Tumingin lang sa kanya si Mr. Rohan at ginilid ang ulo.

Kahawig nya talaga si Gwyn, boy version lang.

Inutusan ni Mr. Rohan na dalhin ang isa ring attache case at binuksan ito ng isang tauhan ng Inferno. Puro papel. Kung hindi rin ako nag kakamali ay puro titulo iyon ng lupa.

Narinig namin na tumawa ang lalake at nag salita ng 'The peyton is back' nag palitan sila ng gamit bago nakipag kamay nang paalis na si Mr. Rohan ay tumingin ito sa CCTV at ngumiti.

"It's time" tinignan ko Jairus na bumaba sa Van.

Nag kasalubong si Mr. Rohan at si Jairus. Tumungo sila ng bahagya sa isa't-isa bago nag lakad ng wala lang.

Pumasok si Jairus sa nilabasan ni Mr. Rohan at doon kinausap ang matandang lalake na katransaksyon kanina.

Nag usap sila about sa titulo ng lupa. Seryoso at parang anytime ay mag babarilan sila.

"I need to see her" wika ni Jairus

"Bakit ko naman sya ipapakita sayo?" tumayo ang lalake "Well masyado pa nga bata ang kuya nya, hindi nya alam na ang kapatid nya ay nandito lang din" tinapik nito sa balikat si Jairus "I will let you to see her"

May pinindot syang isang pindutan at mula sa salamin ay nakita namin si Gwyn na nakahiga.

"Anytime magigising din sya, well ilang beses na ako nag pipigil ng sarili na galawin sya pero ayaw ko naman nun na-" tinutukan ni Jairus ng baril ang lalake "HAHAHAHA you can't kill me" pasimpleng tumingin si Jairus sa CCTV

"Guide us" wika ni Joms bago lumabas.

"I know that I can't kill you but someone will do that to me" hindi sumagot yung lalake at tumalikod lang si Jairus

Mula sa kabilang screen naman ay walang hirap na hinarap ni Joms ang mga lalake.

May isa naman na pumasok kung nasaan sila Jairus at sinabi na may nakapasok daw na kalaban. Tinignan ng lalake si Jairus at akmang babarilin nito si Jairus ay inunahan sya nito.

"Traitor" wika ng lalake habang hawak ang dagiliran

"I am not a traitor because I have never been one of you" -Jairus

"She's awake" wika ni Zarah tumingin si Jairus sa salamin at nakatayo na nga si Gwyn

"Deactive Caleb" wika ni Joms at nag deactive ng ilang bomba si Caleb bago sumabog

"Who's this? Gwyn? Don't worry Nandyan na sila" wika ni Zarah na may kausap sa cellphone

Tumalon si Jairus palabas dala ang attache case na may laman na papeles "Deactive lenox" pinindot ko ang bomba sa kwarto na yun. Lumabas si Jairus sa kinakataguan nya at pumasok ulit sa kwarto kung saan nag deactive ako ng bomba, binalikam ni Jairus ang lalake at walang habas na pinaputukan sa ulo

"Caleb Zarah" tawag ni Jairus lumabas ang dalawa at patakbong pumunta sa kinaroroonan ni Jairus, pabatong nyang binato ang attache case sa kanila.

Hawak ni Zarah ang attache case habang kino-cover sya ni Caleb palabas at pabalik dito sa van.

Nakuha na ni Joms si Gwyn. Nag tago sila sa isang pader at patakbong lumapit si Jairus habang prenteng nakikipag barilan. Nag pantay silang dalawa. 

Kumuha ng baril si Jairus at binato sa gawi ni Joms ang magazine. Lumabas naman si Gwyn pinag tataguan nya bago pinag babaril ang ilang lalakeng papalapit mula sa likod ng dalawa.

Napangiti ako sa kanilang tatlo. Pero sa kabilang banda alam, alam kong hindi matuturing na kalaban si Jairus pero hindi rin muna sya maituturing na kakampi.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro