Chapter 3

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

"San punta natin?" tanong ko mula sa passenger seat nya

"Ihahatid ka" wika nya habang sinumulan mag drive

"E ayaw ko pa umuwi, wala akong kasama sa bahay, nasa school pa ang kapatid ko at sigurado na hindi yun uuwi sa bahay, sa bahay nya yun uuwi, si mama at papa naman ay paniyak nasa trabaho pa." nakanguso kong wika "Gusto mo ba tumambay muna sa bahay? Maaga pa naman, para may kasama ako" tanong ko

"Sige"

Ngumuwi ako sa kanya dahil sa iksi ng sagot nya.

"Tamad mo mag salita a, dat--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuksan nya ang speaker ng sasakyan nya at tinodo ang pa tugtog

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go, the traffic lights
I watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat ♬ ♪♬ ♪ ♬ ♪ (Song : Passenger seat by Stephen Speak)

"Oh ang ganda nyan" mabilis akong napangiti naman ako dahil sa tugtog, at ganun din kabilis naman na wala ang ngiti ko ng palitan nya ang tugtog

♬ ♪♬ ♪♬ ♪Hangga kailan pa matatago sa katotohanan na ikaw lang talaga,
Kung sakali magunaw na ang daigdig, Panahon na para sabihin,
Ang tinatanong pag ibig na para sayo bago magunaw ang mundo sasabihin ko na na ikaw lang ang mahal ko ♬ ♪♬ ♪♬ ♪♬ (Song : Ang tinatagong pag ibig by Agsunta)

"Wow ang ganda ng mga tug-" hindi ko na ulit natapos ang sasabihin ko ng bigla nya patayin ang speaker "Bakit mo pinatay ang ga-"

"Please shut up"

"Pe-"

"Pag hindi ka pa nanahimik sisipain kita palabas ng sasakyan" sa takot na baka gawin nya nga ang sinabi ay nanahimik lang ako at naka ngusong tumingin sa labas

Sungit talaga nya maski kailan. Halos talikuran ko naman sya habang naka tingin pa rin sa labas ng bintana ng sasakyan malayo pa ang village kung saan kami nakatira, same lang naman kami ng village na tinitirahan ni Jairus kaso malayo ang pinaka bahay nila kaysa sa amin. Mula naman sa school at sa village ay 30 minutes ang biyahe.

Hindi naman na kami hinarang ng guard dahil sa sticker ng village na palatandaan na residente ka sa lugar na yun na nakakabit sa sasakyan ni Jairus. Nang huminto si Jairus ay bumaba sya at ganun din ako.

"Hi manang" bati ko

"Ang aga mo naman anak" nakangiting wika ni Manang "Oh kasama mo pala ang kaibigan mo"

"Hello po" magalang na bati ni Jairus na nginiwian ko. Akala mo mabait.

"Sa music room lang po kami"

"Sige hahatiran ko kayo ng meryenda"

"Sige po, Jairus tara"

Umakyat kami ni Jairus sa music room. Agad naman sya umupo sa sofa.

Simula naman ng umalis ang kuya ko ay wala na masyado nagamit ng music room, mahilig naman din ako sa musika may alam rin naman akong instrumento na kaya kong tugtugin katulad na lang ng gitara at ng Beatbox.

Nag paalam ako kay Jairus na mag papalit lang ng damit. Tumungo naman sya kaya lumabas ako para pumunta sa kwarto ko. Nahiga muna ako sa kama at nag pahinga sandali bago maligo at mag palit ng pambahay.

Bago naman lumabas ng kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag bago buksan, may ilang missed call at text mula sa mga kaibigan ko na sinasabi na wala na daw pasok, napangiwi ako dahil ngayon ko lang nabasa ang mga text nila.

Binuksan ko ang Wi-Fi ng cellphone ko para mag tingin sa GC namin. May mga nag send ng assignments namin sa bawat subject at may nag send rin ng sagot mula sa isa naming GC kung saan hindi kasali ang adviser namin. Magaling, di na ako mag iisip ng sagot at mangongopya na lang.

Kinuha ko ang notebook ko sa bag at ganun na lang ang pag sisi ko na nakalimutan ko ang ibang notebook kung saan may takdang aralin kami sa aking locker. Pero bahala na sa yellow pad ko na lang isusulat. Kinuha ko din ang laptop at ang Charger nito bago pumunta sa music room.

Papunta na ako sa music room ng marinig ang tunog ng piano mula sa medyo naka bukas ng konti ang pinto kaya rinig talaga ang tunog. Pumasok ako at nakita si Jairus na naka upo sa harap ng keyboard habang tumutugtog. Umupo ako sa sofa at pinag masdan lang sya. Instrumental lang ang tugtog pero nakaka relax talaga, napapikit ako at dinama ang musika.

Hindi ko alam kung ilang Minuto ako naka pikit pero napadilat na lang ako ng may marinig na nabasag mula sa sala. Pag dilat ko ay naka tingin na rin si Jairus sa akin habang naka kunot ang noo.

"You better shut up Giezel, you know nothing"

"Then tell me everything, Ben, tell me para maintindihan ko"

Tumayo ako sa pag kakaupo at lumabas ng music room, dinungaw ko ang sala at nakita ko ang magulang ko na nag aaway sa sala.

"You will not, Giezel, bakit hindi mo na lang tanggapin na itong buhay ang meron tayo"

"No Ben, pwede mo itigil ang lahat"

"It's too late Giezel, too late"

Tinalikuran ng tatay ko ang nanay ko bago umakyat, napako naman ako sa kinatatayuan ko ng makaakyat ang tatay ko at tumingin sa akin, napayuko naman ako.

"Sinabi ni Tatum na na-P. O. D ka naman? Kailan ka ba titinong bata ka" galit na wika ng tatay ko "Well ano pa nga ba ang aasahan ko sayo, you such a digrace for this family"

"Ben wag mo ganyanin ang bata"

"Why I'm just saying-"

"Tito Ben" rinig kong wika ni Jairus

"Oh Jairus" inangat ko ang tingin ko sa tatay ko at tiim-bagang sya naka tingin kay Jairus bago kami nalampasan sumunod naman ang nanay ko sa kanya

Huminga ako ng malalim bago bumalik sa music room at umupo sa sofa.

Masyado na akong manhid at bingi sa mga masasakit na sinasabi ng tatay ko.

Naramdaman ko ang pag upo ni Jairus sa tabi ko, hindi ko ito Nilingon at kinuha lang ang laptop ko at binuksan ito bago mangopya ng sagot mula sa mga kaklase ko.

"Ayos ka lang?" rinig ko ng tanong ni Jairus

Bumuntong hininga ako bago sumagot "Oo naman"

"You are not"

"Bakit naman ako hindi magiging maayos"

"Bakit nga ba?"

"Sus sanay na ako sa ugali ni papa, alam mo yan"

Hindi na sya sumagot pa at nakita ko sa gilid ng mata ko ang kanyang pag iling bago mag sulat.

Bata pa lang akong ganun na ang ugali ng tatay ko, kaya naiintindihan ko ang nakatatanda kong kapatid kung bakit umalis sya dito sa bahay, may mga oras pa nga na halos masaktan ako ng tatay ko, pero dahil manhid na ako, wala na akong nararamdaman sakit sa mga pananakit nya. Hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit sya ganun. Halos araw araw ko din naririnig ang pag tatalo ng magulang ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi pa ako sanay na ganun sila, dapat nga sanay na ako, pero sa tuwing nag aaway sila parang ang sakit pa rin sa akin bilang anak nila.

Ang sabi naman ng iba na ang swerte ko daw kasi nakukuha ko ang mga gusto ko, pinanganak ako na may golden spoon daw sa bibig, meron ako ng mga bagay na wala daw ang iba, nagagawa ko ang mga gusto kong gawin, napupuntahan ko ang mga lugar na maaari kong puntahan.

Minsan ko na din sinumpa ang buhay na meron ako ngayon, na sana hindi ganito ang buhay na meron ako, sana pinanganak na lang ako sa ibang pamilya. Sabi ko pa nga sa sarili ko na sana susunod na buhay ko maging bato, puno, lupa o maging ulap na lang ako ako, o minsan sana maging dumi na lang ako ng tao para kada araw reincarnation sa bawat katawan ng tao.

Habang nag susulat ako ay hindi nawala sa isip ko ang palaging pinag aawayan ng magulang ko.

Anong buhay na ba ang meron kami?

May mga negosyo kami, mga hotel na pag mamayari ng magulang ko, hindi lang dito sa Pinas kudi sa ibang bansa. Ano nga ba ang buhay ang meron kami para sabihin ng tatay ko na hindi maiintindihan ng nanay ko.

"Alam mo ba kung bakit namatay si Dad" Nilingon ko si Jairus na naka sulyap lang sa laptop ko at nag susulat din

"Base sa narinig ko, pinasok ang bahay nyo ng mga mag nanakaw tapos nabaril"

Narinig ko naman na maikling tumawa si Jairus "No" wika nya "They killed him"

"They what?" gulat kong tanong

"Bata pa lang ako ang dami na nag sasabi na ang swerte ko sa pamilya ko, well sobra, ang swerte ko kasi laging may oras ang magulang ko sa amin ng kapatid ko, pero sa tatay ako pinaka close, sabay kami kung kumain palagi, sabado at linggo lagi naman kami nasa parke at Alam mo yan"

Ngumiti ako "Oo naman, halos si tito na nga ang naging Tatay ko dahil lagi kami sinasama ng kuya kung saan"

"But when I was 14 or 13? Second year highschool tayo, pinasok ang bahay namin, hindi lang pag nanakaw ang pakay nila, kasi kung pag nanakaw, may mga nawala na. Nasa sala ako nun ng bigla silang pumasok, ang tatay ko ang una nilang hinanap, tinutukan ako ng baril, nang bumaba ang tatay ko agad kami pinapunta ni Jaime sa kwarto, kasama ang nanay ko na kausap ng dalawang tao sa sala, lumabas ako ng kwarto para sana matignan ko kung ano ang nangyayari, pero nagulat ako ng bigla nila barilin ang tatay ko doon ko nakita ang isang tao na may baril habang nakatutok sa nanay ko, hindi ko alam kung ano ang unang gagawin, takot ako hindi lang para sa sarili ko, kundi para na rin kay Jaime at sa nanay ko na syang buhay na lang, wala akong nagawa kundi bumalik sa kwarto at tumawag ng pulis"

"Nakita mo ba kung sino yung mga pumasok sa inyo? Bakit ang sabi nilooban kayo?"

"Yun ang binigay na salaysay ng nanay ko sa mga pulis, ninakawan kami. Pero hindi yun totoo"

"Bakit? Yung bumaril kilala mo?"

"Mga nakatakip ang mga mukha nila, pero sa boses kilala ko"

"Sino?"

Huminga si Jairus ng malalim at tumingin sa akin.

Ngumiti sya "Tapusin na natin ito"

Binalik ko ulit ang tingin sa laptop ko. Hindi ko alam pero parang Kinakabahan ako sa uri ng pag kakatingin nya sa akin.

♥To be continued♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro