Chapter 4 : The life tutorial

Màu nền
Font chữ
Font size
Chiều cao dòng

Someone's POV

Nakatingin lang ako sa mga tauhan ng buong organisasyon mula sa taas.

"Mr. Rohan" wika ko ng makita ang isang tao. Sabay sabay naman kaming tumungo ng mga kasamahan ko.

"Mr. Gonzales. Mr. Consiglier and Ms. Capos" wika nito sa aming tatlo "May ipapagawa ako sa inyo" wika nito

"Ano po yun?"

Binigay nya ang isang folder. Binuklat ko at nakita ang isang profile ng isang sikat na senador "He's planning to betray us and the whole Peyton, you know what to do"

"We will take care of this Mr. Rohan" huminga si Mr. Rohan at tumingin sa tauhan na nasa baba "The Hades is planning to give the throne to Gwyn as the next leader of this organization, your next boss, I want you to protect her" tumingin ulit sya sa amin "...and as your oath as the member of this organization, you are willing to die just to protect the successor, the heirs"

"Inbehalf of my life mr. Rohan me and my people are willing to sacrifice our lives for this organization "

"I like that Ms. Capos"

"As Consiglier I am ready to kill the person who betrays us I'm willing to kill and To be killed just to protect the whole organization"

"Thank you Mr. Consiglier"

"We will work and protect all of you until our last breath of our lives" I said "As an underboss I promise to stay and protect the entire organization, the heir and his family"

Ngumiti si Mr. Rohan "I like the words with action, kaya simulan nyo nang kumilos" huminga sya ng malalim "Do your Job now" tumungo kami bago lumabas ng gusali.

Napatingin ako sa mga kasama ko ng makalabas kami.

"Another adventure, take care guys"

"Ako na bahala sa kabaong mo babae"

"Aba hoy well trained yata ito"

"Ano pa ako, sasabihin ko sayo babae mas mataas ako sayo"

"So ano pa ako?" napalingon sila sa gawi ko

"Sus oo na, sige na ikaw na magaling" wika ni Ms. Capos

"Tara na at baka hindi tayo mamatay sa gera at pag hindi natin nagawa ito patay talaga tayo" wika ko bago sumakay sa sasakyan ko

Sumakay na din sila at bumusina bago umalis.

Gwyn Reese POV

Katulad nga ng sinabi ng Dean ay naparusahan kami dahil sa gulo na nadulot namin. Katulad pa rin ng dati dalawang oras kami pinag linis ng buong school.

"Balitang balita natagpuan si senator kanto Tiño sa kanyang silid kanilang umaga na walang ng buhay, iniimbistigahan pa hanggang ngayon ang sanhi ng pag kamatay ng senator. Ito si Puña Tai nag uulat sa umaga"

"Grabe ang world natin mga sis itong mga nakaraan na araw ay dumadami ang patayan" wika ni Khaye habang nakain

"Sinabi mo pa Jusko need natin mag ingat mga bakla, shock ayaw ko pa mamatay na virgin" wika naman ni Lenox

"Tss paniyak may mga Atraso yang senator na yan, baka pinatay kasi nangungurap, uso naman yan sa bansa natin" wika ni Zarah

"Pero hindi reason yun para patayin sya" wika ko "Aish may dahilan pa siguro yan kaya pinatay"

"Kung sabagay"

*Kriiiiiiiing* [tunog ng bell yan wag kayo]

Tumayo kami at inayos ang gamit namim at mag kwekwentuhan pa rin na mag lakad papasok sa room.

Umupo ako at tinignan ang upuan nila Jairus na kahilera lang din namin. Wala pa sila.

Ilang minuto pa ay pumasok na sila Jairus kasabay ang mga kaibigan nya at ang aming guro.

Nag simula na din itong mag turo sa harap.

Habang nag tuturo ito ay napatingin ako sa labas. Umuulan. Bigla naman ako nakaramdam ng comfort dahil sa ulan.

Ang dami ng nangyayari sa buhay ko at mundo sana lang dumating ang araw na maging masaya ako at ang buong mundo.

Tss drama naman.

"You know class. Life is too short, always choose to be happy. Kahit feeling nyo down na down na kayo, palagi pa rin kayong mag hanap ng paraan para maging masaya" wika ni miss San pedro, guro namin habang nag lalakad sa gitna "If you're rejected... Accept. If you feel unloved for someone you love... Then don't stop loving them. But, if they choose someone or something over you..." tumingin sa gawi ko ang aming guro na syang kinagulat ko "Move on... Remember that in every no from someone, is a yes to someone better" Nag lakad ulit si Miss papunta sa harap "If you feel that no one love you and trust you. Remember there is one person who love you and trust you, all you need to do is to wait and while waiting, you need to learn how to love yourself and trust yourself before others can do that to you" ngumiti si Miss at tinignan kaming lahat "Okay, on Wednesday, may activity tayo yun ang magiging recitation nyo for may subject. Mabuhay ang kalayaan, I'm not going to say good bye dahil mag kikita pa tayo, but see you" kinuha ni miss ang gamit nya bago ngumiti at lumabas ng room.

Nag tayuan ang iba naming kaklase at doon nag simula ang ingay habang nag hihinatay para sa next subject namin.

"Grabe ang lalim talaga ni Miss San Pedro nakakalunod" wika ni Zarah habang hinaharap ang upuan nya sa gawi namin

Nasa dulong row kami nakaupo ni Lenox habang nasa harap namin sila Zarah at khaye, pang apat na row sila Zarah at Khaye. Nasa kabilang gawi naman din sila Jairus kasama ang tropa nito, at katulad namin ni Lenox ay nasa dulong row din sila ka line namin.

"If you're rejected, accept. And if they choose someone or something over you..." wika ni Khaye at Tinuro ako "Move on, remember Jairus is better than to others"

"Agree, bakit kasi hindi na lang si papa Jairus ang gustuhin" aniya ni Lenox habang nilalagay ang ibang gamit sa bag nya

"What if kung may feelings sya sayo ano gagawin mo?" tanong ni Zarah

"Si Jairus may Feelings sa akin? Hahaha imposible" umiiling iling ako

"What if nga lang diba" naka ngiwing tanong ni Zarah "I-accept mo ba sya kung what if na meron?"

Huminga ako ng malalim "No"

"Why naman?" nakakunot na tanong ni Lenox

"It is better to be friend, because friend will last forever" huminga ako ng malalim at tumungo, ilang segundo akong natahimik bago nag salita ulit "Ayaw ko din kasi na dumating kami sa panahon na masaktan namin ang isa't isa. Ayaw ko din dumating sa panahon na maging kami tapos mag karoon ng problema to the point na sukuan namin ang isa't isa. Sya na lang ang meron ako e, hindi ko na kakayanin kung pati sya mawawala sa akin. Hindi ko kaya na masaktan sya na ako ang dahilan. Hindi ko kaya na makita syang malungkot, umiiyak ng dahil sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag ako ang naging dahilan ng lahat ng nun" tipid akong ngumiti at inangat ko ang ulo ko para tignan ang mga kaibigan ko

"Inlove ka?" tanong ni Khaye, nangunot ang noo ko "Inlove ka nga" paninigurado nya

"Hoy ano?" nakangunot kong tanong

"Inlove ka, hindi kay Joms, kundi kay Jairus" wika ni Zarah

"Agreed" wika naman ni Lenox

"Ano ba pinag sasabi nyo? Hindi no" tanggi ko sabay irap sa kanila "Friend lang kami period" umiling lang sila at bago mag salita ang isa sa amin ay may nag salita na sa harap

"Guys nandyan na si Sir ayusin nyo na yung upuan" wika ng president ng class namin

Binalik na ni Khaye at Zarah ang upuan nila at bumalik na rin ang mga kaklase ko sa kanilang mga upuan. Nilingon ko ang ka hilera namin at napansin na naka ngiti si Joms habang naka tingin sa kanyang cellphone.

Halos mapatalon ako ng may nag lapag ng water juice sa lamesa ko (yung tubig na may flavor guys parang ganun yun). Nilingon ko si Jairus na diretsong umupo sa kanyang upuan bago ako lingunin 'Thank you' wika ko na walang lumalabas na tinig sa bibig ko, tumungo lang sya.

♥To be continued♥

_________________________________

A/N
Hello gusto ko dedicate itong chapter na ito sa teacher namin, lahat ng sinabi nya na yun ay galing mismo sa teacher namin. Habang nag hahanap kasi ako ng lesson sa mga notebook ko ay nakita ko yung malaliman nyang sinabi at yan yun. Tinawag nyang life tutorial yan.

Isa din siya sa fave teacher ko at pinaka gwapong teacher namin hahaha, kaya hello Sir.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen2U.Pro